logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

DUGO. Nagkalat na dugo... Tinamaan si Sephiel sa balikat niya imbes na ako. Siya ang natamaan.
Binaril ni Azeya yung kotse na sinasakyan ng bumaril kay Seph at natamaan niya naman.
"Azeya, palit tayo," utos ko. Siya naman ngayon ang nagda-drive.
"Seph? Seph... Please, open your eyes..." Tinampal-tampal ko ang pisngi niya nang pumikit siya. Natatakot ako ngayon... I'm afraid of loosing her.
"Ace..." Nagsalita siya. Binuksan niya ang mga mata niya na parang hirap na hirap.
"Seph... Seph, hold on, okay? Pupunta tayo ng hospital, okay? H'wag kang pipikit, okay?"
"I... I feel... cold..." saad niya. Hindi pwede!
"No! Seph, please. Just open your eyes... Nandito lang ako, okay? Okay, Seph?" Hindi siya sumagot. "Seph!"
"Pwede ba, h'wag ka ngang mag-panic! Nadadamay ako sayo, e!" sigaw ni Azeya.
"Ace..." she spoke again. "Hindi ko na 'ata kaya..."
"Don't say that! Kaya mo 'yan. Isipin mong nandito pa ko!" Alam kong buong kaluluwa ko ay nagpa-panic na. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makakitang muli ng mamamatay.
"Ace, I'm sorry..." Her tears came out of her eyes. She looked at me and smiled. "Kapag... hindi na 'ko umabot... Alagaan mo si Azeya, ha?"
"Hey! Stop it, you cry baby! Hindi ka pa mamamatay," sigaw ni Azeya.
"No. That won't happen, okay? I'll make sure na aabot tayo." Naiiyak na 'ko this time. Wala man lang akong magawa! Ni hindi ko siya mailigtas!
"Thank you, Azer." She smiled again. "I... I hope... malutas mo ang misteryong 'to..." She breathed deeply. "Everything would be fine..."
"Tama na, Seph. Please..." Naluha na 'ko. 'Di ko na kinaya.
Hinawakan niya ang pisngi ko. Ngumiti siya sa 'kin. Napakaganda ng aura niya noon. "Alam kong kaya mo, Ace..." She took a deep breath. "The answer is you..." And then she looked at me with tears. "I love you, Ace..."
***
"Damn!" Halos masira ang pinto ng E.R sa pagsuntok ni Azeya. Malapit sa may puso ang balang tumama kay Seph. At ngayon, nag-aagaw buhay siya.
Bakit ba nangyayari 'to? Bakit ba ang malas-malas ko? BAKIT?!
"Azeya!" May lalaking patakbong lumapit kay Azeya. "What happened to Sephiel? Is she alright? Are you alright?"
"She's inside this room..." malungkot na sambit ni Azeya. "Dad..."
"No!" sigaw nito. "SEPHIEL? SEPHIEL!" Pinipilit niyang buksan ang pinto pero may dalawang lalaking pumigil sa kaniya.
"Sir! Tama na po!" sigaw ng isang lalaki.
"Hindi dapat siya narito! Gusto kong makita ang anak ko!" Nag-panic na siya. Marahas siyang hinila palayo sa pintuan ng dalawang lalaki.
Lumabas naman ang doktor mula sa E.R. "Sino po ang kamag-anak ng pasyente?"
"I'm her dad," sabi ng lalaki. "What happened to her?"
"Nabaril siya sa balikat malapit sa puso. Sa ngayon, under observation pa siya. And she's in coma," paliwanag ng doktor. "We're going to examine her body. Kakaiba yung balang tumama sa kaniya." Pareho kaming natigilan ni Azeya. Kakaiba yung bala?
"Look, I'm James Montelvana. At hayaan niyo sana akong makatulong for my daughter's sake."
"Oh, so you're the famous scientist, Mr. Montelvana. Please follow me. Sa opisina ko na tayo mag-usap." After the doctor said that, sumunod na ang papa ni Seph.
Naghintay pa kami ng ilang minuto at pinayagan na kaming pumasok sa room niya. Kaso kailangang magsuot ng mask at hair net for protection. Agad kong tinungo ang kama niya. Hindi ako masyadong makagalaw dahil may takot pa rin ako. May takot sa mga nakita ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Sephiel. Sobrang nahihiya talaga ko sa kaniya. I accused her for a thing she never did. I hurt her so much. Then she forgive me with all her heart... And now, she saved me from being harmed.
Ano ba ang ginawa ko para sa best friend ko? May nagawa na ba ko para sa kanya? Wala. Wala pa. At ako pa ang may ganang saktan siya? Napakasama ko! I'm an evil! Dapat ako yung nabaril! Dapat ako yung nasa kama na 'yan!
"Huwag mo nga siyang iyakan. Hindi pa siya patay." Isang malamig na boses ang narinig ko. Agad kong pinunasan ang luha ko.
"What now?" I mumbled coldly. Wala akong panahon para pakinggan at patulan siya ngayon.
"Yung bala na tumama sa kanya ay may venom," giit nya. "Tatagal daw yun, sabi ni Dad, ng ten to fifteen days sa katawan niya. Ang cure lang doon ay ang iba't ibang venoms from different kinds of beasts. At may nakuha ng isa. Yung kay Saggitarius."
I looked at Azeya's face. "May maitutulong ba 'ko?"
Tiningnan niya ko from head to toe and toe to head. Ano namang trip nito at ganiyan makatingin? "Well, honestly..." Nag-cross arms pa siya. "No. Wala kang maitutulong."
"Ano?" I feel insulted. Grabe siya! Por que hindi ako macho at gano'n katapang? Nasaan ang hustisya?!
"Pero kaya pa kitang turuan in two days. Para ka nga lang nagsu-suicide n'on. Pero matututo ka."
Tumayo ako. Full of determination. "Turuan mo 'ko. I will do anything just to save Sephiel!"
"Fine, fine. No need to shout, okay?" naiirita niyang sabi. "Just remember three rules. Listen, learn, obey. Okay na?"
"Okay! I will!" sagot ko.
***
AT gaya nga ng sinabi niya, tinuruan niya 'ko kung paano mag-training. But first, mga basics muna gaya ng push-ups. Kaso sobrang tindi niya magturo! Yung tipong kaunting pagkakamali ko lang, back to zero again. Matindi! Matindi talaga.
"Huwag kang kukupad-kupad! Fifty push-ups!" sigaw niya habang hinahampas ako ng latigo sa likod. Tapos pinagbubuhat niya ko isang sako ng buhangin. Padagdag yun nang padagdag every time na magkakamali ako.
Tinuturuan niya rin ako ng ilang martial arts. At pakiramdam ko palaging natatanggal ang kamay at mga braso ko. Sobra siya kung magpilipit ng kamay! Parang galit na galit siya sa 'kin. May galit 'ata 'to sa 'kin, e.
"I'll give you thirty minutes break. After that, bumalik ka na rito." 'Tapos tinalikuran niya na 'ko.
Napahiga ako sa lupa. Nasa may garden nila kami kaya langhap na langhap ko ang sariwang hangin. And at last, nakapagpahinga na rin! Pakiramdam ko kasi ay sobrang stress na stress na ako. Ikaw ba namang mag-push ups ng fifty na may sako sa likod mo, 'di ba?
Napatingin ako sa kanang bahagi ko. Nakita ko ang isang white rose na pitas na. Umupo ako at dinampot iyon. Biglang nag-sink in sa utak ko ang masayahing imahe ni Sephiel.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig at nalaman ko. May aftershock pa rin akong nararamdaman. At hindi ko rin maipaliwanag ang lahat.
"Ah!" ingit ko nang may bumato sa 'kin ng soft drinks. Pagtingin ko, si Azeya pala na papalapit sa 'kin. Sa totoo lang, pakiramdam ko talaga may galit 'to sa mga lalaki, e. O baka maybe sa 'kin lang talaga?
"O, bakit ganyan ka makatingin? Dukutin ko mata mo, e," masungit nyang sabi. Ang suplada, 'no?
"Masama ka palang tingnan?" Natawa na lang ako. Ewan. Basta natatawa ko.
Umupo siya sa tabi ko saka niya ako inabutan ng sandwich. "Kumain ka na," she said coldly.
Inabot ko naman 'yon. Syempre, gutom na rin ako, e. "Salamat."
"Zarften," tawag niya sa apilyedo ko. Tumingin lang ako sa kanya. "Bakit mo ba gustong iligtas si Sephiel?"
Nagulat ako sa reaksyon ng mukha niya. Naging sincere siya! Sa wakas, nakita ko rin. "Dahil ako ang may kasalanan kung bakit siya nabaril. At ako rin ang dahilan ng paghihirap niya."
"Mahal mo ba siya?" Halos mabulunan ako sa tanong niya. Mahal agad?! Nakakagulat ding magtanong 'to.
"She's my best friend. Isa pa, napagkasunduan naming hanggang doon lang kami. At wala ng iba." At yun ang reyalidad sa pagitan namin ni Seph.
"Pero mukhang nahulog na sayo ang kapatid ko," giit niya. "I'm always wondering why people change because of that stupid love."
Ngumiti ako. "Hindi ko rin alam ang eksaktong na sagot diyan pero..." I looked at the rose. "I know that love is something to treasure."
She gazed at me with a what-the-looks. "Pareho nga kayo ni Seph. Mga corny."
"I know. Kaya nga mag-best friend kami, e." Tapos sinabayan ko pa ng tawa. Totoo yun, corny din si Seph. But not as corny as I am.
"Siya. Tapos na ang thirty minutes. Balik na ulit sa dati." Tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya.
Kung may isang bagay man na wala kay Azeya na mayroon si Seph, marahil 'yon ay ang pagiging malambing ni Seph. Si Azeya kasi, ramdam ko ang coldness niya. Bakit nga kaya siya naging cold? May pinagdadaanan kaya siya? Pero malay ko, baka isang araw, maging kaibigan ko rin si Azeya. Sana.
HAPON na nang makauwi mula sa training. Uuwi pa rin ako sa bahay ngayon to check and to pack my things. Ayokong maiwan ang mga gamit ko sa bahay.
At gaya ng inaasahan ko, wala ngang tao. My parents are with my brothers. Lahat sila ay nasa safe place malayo rito sa lugar namin. Hindi na ko nakapagpaalam nang personal. Through phone na lang kasi nakaalis na sila no'ng nasa hospital ako. Yung mga katiwala naman ng bahay, nag-resign na. Na-trauma siguro sa mga nangyari.
Humiga ako sa kama ko matapos kong mag-impake at ayusin ang mga gamit ko. I feel exhausted. Everything is still a mystery to me. Sana naman ay may sumagot sa mga tanong ko. Para kahit papaano, gumaan ang nararamdaman ko.
"Hey!"
"Aaaahhh!" Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko ang isang babae na naka-costume na parang witch na ewan.
"Over ka naman!" Sumimangot pa siya, 'tapos ay ngumiti. "Anyway, I'm Freeda. But you can call me Eda. Nice to meet you, Mr. Azer."
Nagulat ako. Kilala niya ko? "H-halimaw ka ba? B-bakit mo 'ko kilala?"
"Grabe naman. Halimaw agad? Sa cute kong 'to?" Oo, cute siya pero hindi ko siya type. Tsk!
"Eh, sino ka nga? Bakit ka nandito sa kwarto ko? At sinong nagsabing pumasok ka rito?"inis kong sabi.
"Ang dami mong tanong. But I'll answer it for you," magiliw at nakangiti niyang sabi. "I'm a guardian from the kingdom of Hypothemanim. Ako ang nine-tailed fox. At narito ako upang gabayan ka sa mundo namin."
Noongg una, beast lang ang nakita ko. Ngayon, NINE TAILED FOX! Ano 'to, si Gumiho? Korean drama ba 'to?
"Pinagloloko mo ba 'ko? Wala akong panahon sa mga panggu-good time. Kaya, please, just leave my house." Tumayo na 'ko sa kama at tutungo na sana sa pinto kaso ay hinigit nitong babaeng 'to ang kamay ko saka ako pinahiga sa kama. Nasa ibabaw ko siya at nakikita ko na yung kaluluwa niya! You know... Yung, uhm... c-cleavage. Kasi naman, parang pang-G.R.O. ang suot niya, 'no!
"Naaakit ka ba?" Mapang-akit ang boses niya pero hindi ko siya tinitigan. Like, hell! What the heck is she doing? Seducing me?
May mga lumabas na buntot sa likod niya, 'tapos ay may lumabas din na mga lubid sa kama ko. At automatic iyong pumulupot sa dalawang kamay at paa ko. Mukha tuloy akong ine-exorcist sa itsura ko ngayon. Tsk!
"Pakawalan mo 'ko," I coldly stated and she began to laugh. Bakit ba laging ako ang trip ng mga babae? Kainis.

Book Comment (49)

  • avatar
    DeocarezaJonas

    maganda po yung kwento niya sobrang ganda po habang binabasa ko po kinikilig niya rin po ako sobrang ganda po talaga nung kwento hindi po kayo magsisisi sa kwento kaso sobrang ganda po talaga

    20/08

      0
  • avatar
    William Francia

    wow

    09/08

      0
  • avatar
    Ucila Dairo

    this is niy

    19/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters