logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 6: First day

KIELY'S POV
MONDAY came. Today is my first day that we will go to study here in the province. Hindi pa rin ako makapaniwala dahil last week lang nasa Manila ako nag-aaral tapos ngayon nandito na ako. I know nothing at mas lalong hindi ako pamilyar sa pasikot-sikot ng school na papasukan ko.
“Nandito na po tayo, Ma’am.”
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig kong nagsalita si Mang Mario. Mang Mario is my personal driver because Mamita didn't allow me to drive. Marunong naman akong magmaneho dahil tinuruan ako ni Kuya Kyrus when I was 18 years old.
I also have my own driver's license, but because Mamita was praning she didn't let me. It’s unfair because she allowed Kuya Kyrus and Kuya Kendrick to drive an expensive BMW, but I didn't and it’s annoyed me to death.
Nakasimangot akong lumabas ng sasakyan. Sinukbit ko sa balikat ko ang handbag ko.
“Thank you po Manong ite-text ko na lang po kita kung magpapasundo na ako,” sabi ko kay Mang Mario.
“Sige po Ma’am ingat po.”
Tumango ako. Hinintay kong maka-alis ang sasakyan bago ako tuluyang pumasok sa gate.
St. Laurent College campus is huge and wide. It has 20 5-storey buildings. Some of them are quite old but well maintained, and some are newly built. Marami pang nagkalat na mga students dahil maaga pa naman.
Iba-iba ang uniform ng SLC base sa mga course degree ng mga ito. Kaya malalaman mo talaga kung anong course ang kinuha ng isang students sa isang tingin pa lang. Kaming mga health science students ay all white ang uniform. White button-down short-sleeve fitted blouse with white above-the knee pencil cut skirt. I wore my three inches black stiletto heels dahil required ‘yon.
Habang naglalakad patungo sa health science department building hindi nakatakas sa mga mata ko ang mga tingin at bulungan ng mga students. Hindi ko na lang sila pinansin. Kinuha ko ang schedule ko mula sa handbag ko at saka tiningnan kung anong first subject ko.
Nang tuluyan na akong makapasok sa building ay kaagad kong hinanap ang Room 203. Tumigil muna ako at nilabas ang phone ko. I used the map application for SLC that I installed on my phone so it’s easy for me to find the specific room or any establishment inside the campus.
“Got yah,” mahinang bulong ko sa sarili ko nang makita ko na ito.
It is located on the second floor.
Umakyat ako sa hagdan patungo sa second floor. May mga nakakasalubong akong nagmamadali sa pagbaba at pag-akyat ng hagdan. Meron ring mga naglalakad habang nagbabasa ng libro at naghahabulan pababa ng hagdan.
“Excuse me,” I politely said to the woman who was blocking the stairs.
“Ano? Ang lawak-lawak ng―Oh my god!” Nang lingunin niya ako ay napatuptop siya sa bibig niya.
I didn’t speak. Nakatingin lang ako sa kaniya nang may pagtataka. Parehas kami ng uniform kaya alam kong medicine student rin siya. She’s petite and has a monolid set of eyes. Her hairdo is a bun. Agaw pansin ang nunal niya sa itaas na bahagi ng labi niya.

“Miss puwede bang makiraan?”
“Classmate!” tili niya at saka ipinulupot ang kamay sa braso ko.
Buti na lang hindi ako nahulog sa hagdan dahil sa pagkabigla. Matinis ang boses niya kaya medyo napangiwi pa ako no’ng tumili siya.
“Huh?” What is she talking about?
“Classmate tayo ano ka ba!” Tinapik niya ang balikat ko. Nakita niya siguro ang taka sa muka ko kaya nagsalita ulit siya. “Kiely Trinity Barrameda, right?” I nodded.
How did she know my name?

“Who are you?” I asked.
I don’t want to be rude, but I don’t talk to strangers. Muka naman siyang hindi na offend dahil nakangiti pa rin siya.
“Ay sorry hindi pa pala ako nagpapakilala. I’m Olivia Castañeda third-year BS Biology student at your service.” Nakangiting pakilala niya.
“Kiely Trinity but you can call me Kity.”
Kakaiba ang introduce your self namin dahil nasa gitna parin kami ng hagdan.
“Hala sa true ba yan?” Tumango na naman ako at saka ngumiti.
I looked at my wristwatch. Five minutes na lang before magsimula ang first class namin.
“Puwede na ba tayong umakyat? Baka magsisimula na ang class we’re classmate right?”
Sunod sunod siyang tumango. “Actually kakagaling ko lang doon wala si Doctora Mendez ngayon dahil sinabi niyang hindi siya papasok dahil may sakit ang lolo niya kaya vacant tayo ngayon.”
“Is that so?” She nodded.
Saan ako pupunta nito kung gano’n?
“Gusto mo bang sumama sa akin?”
“Where?”

“Gusto kong pumunta sa cafeteria hindi pa ako nag-aalmusal akala ko kasi malalate na ko kaya hindi na ko kumain sa bahay,” paliwanag niya. “Pero kung ayaw mo namang sumama okay lang rin magkita na lang tayo sa next subject kung gano’n.”
“No, I want to come with you hindi ko naman alam kung saan ako pupunta,” sabi ko.
Thank God I met her. Hindi ko alam kung kakayanin kong makapagtapos dito ng wala man lang kaibigan. I know it's not good to trust a person right away, especially since Olivia and I have just met, but she looks harmless, so I think there's nothing wrong with me making friends with her, right?
Kasalukuyan kaming naglalakad sa malawak na hallway unti-unti nang kumukonti ang mga students doon dahil nagsisimula na ang klase. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang glasswall cafeteria. May nakalagay na Health Science Cafeteria doon.
Pagpasok namin ay may mangilan-ngilan na studyante doon na abala sa kanilang mga libro. Maybe they also don’t have a first subject class like us.
Pumunta kami sa counter at um-order. I ordered a C2 and a sandwich while Olivia in turn ordered too much.
“Tara Kity doon tayo.” Olivia said as she pointed to the available table near the entrance.
I followed her and I sat down in front of her. When we started eating, she also started to chat with me. Kahit kakakilala pa lang namin ni Olivia magaan na kaagad ang loob ko sa kaniya.
Alam ko makakasundo ko talaga siya bukod kasi sa naaalala ko sa kaniya si Maya, parehas kami ng course. Si Maya kasi ay Business Management ang kinuha dahil siya ang magmamana ng advertising company nila at proud ako sa kaniya dahil alam kong magiging magaling na boss siya.

“Mabuti na lang nakapag-transfer pa kayo dito Kity ang alam ko kasi hindi na tumatanggap ang University ng transferee lalo na’t nasa kalagitnaan na ng semester,” sabi niya habang ngumunguya ng spaghetti na in-order niya.

“About that, Daddy talked to the Dean of this school and Dad asked if we could still be transfer here and then Dean agreed because he said there was still a slot for us,” I explained.

“Iba talaga ang impluwensiya ng pamilya niniyo ‘no? Akalain mo ‘yon kinausap lang ng Daddy mo ‘yong Dean nakapasok na kaagad kayo,” Olivia said, with her eyes widening.
“I don't think that's about the influence of our family. Pinasa naman kasi namin lahat ng kailangang ipasa para makapag-transfer kami rito ‘yon nga lang hindi kami ang umasikaso ng lahat kundi Frida, ‘yong secretary ni Daddy.”

“Mabuti naman pala kung gano’n ‘yong iba kasi ginagamit nila ‘yong influence ng family nila para makataas sa iba o kaya makatapak ng buhay ng ibang tao.”
I agree with her.

“Well, honestly we really can't avoid having such people like that because they think that when you are rich you are powerful to the point that they don't think about what other people think about them.”

“Yeah, pero alam mo ba iba ang tingin ko sa mga Barrameda.” Tumigil siya at saka nilagay ang isang kamay sa baba. “Sabihin na nating oo may mansion kayo, may mamahalin at magagarang sasakyan at may branded bag at kung anu-ano pa, but you know how to help especially to those people in needs,” she said, while smiling at me.
My forehead furrowed. “Why are you saying this?”
She chuckled. “It’s because your family helped my family when we had nothing.”

I was stunned because of what she said. “What do you mean?”
“Long story but I will keep it short for you.” Tumuwid siya ng pagkakaupo at saka muling nagsalita. “I used to be a spoiled brat. I buy expensive things until my ATM card runs out. Then I would ask my parents for money, but what I didn't know at that time was baon na pala kami sa utang.” Sumimsim siya ng milk tea na iniinom niya. “Syempre na guilty ako dahil alam kong isa ako sa dahilan kung bakit nangyari sa amin ‘yon pero hindi ako sinisi ng magulang ko. Humingi kami ng tulong sa mga mayayamang pamilya rito, but they just humiliated us in front of other people.”
I saw hatred all over her eyes.

“But when we asked for help from your family?” She stopped and smiled. “Trinato nila kami bilang tao specially si Mommy because my Mommy was sick no’ng humingi kami ng tulong kay Doña Asuncion. Pina-check up niya si Mommy sa private doctor ninyo, inobserbahan nila si Mom at nalaman na lang namin na may stage 4 Astrocytoma siya. Hindi namin siya kaagad napatingin dahil wala kaming pera.Tinulungan kami ni Doña Asuncion, pinagamot niya ang Mommy ko pero kusa nang bumigay ang katawan niya. My Mom died. Doña Asuncion paid all our bills as well as our debts she even gave us an investment to start again.”
My heart softened because of her story. I didn't know that Mamita had done anything so amazing like this because of Olivia's story, I want to shout to the whole world who my Mamita is at kung gaano kalaki ang puso niya para tumulong sa iba.
******
THIS IS my last subject to attend this afternoon. I’m alone because Olivia isn’t my classmate at this subject. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang room na ‘to dahil ginamit ko naman ang SLC map application, buti na lang may ganito sila para sa mga katulad naming transferee.
After a one and a half hour class, Doctor Danny finally dismissed us. Niligpit ko kaagad ang mga gamit ko paglabas niya. It’s already 5:30 pm, tinext ko na rin si Mang Mario na magpapasundo na ‘ko.
Binitbit ko ang tatlong makakapal na libro na hiniram ko kanina sa library. Unang araw ko pa lang dito pero parang ilang taon na ko nag-aaral dahil sa dami ng ginagawa.
Mas advance pa ang lesson dito kaysa sa school ko sa Manila kaya nahirapan talaga akong makahabol. Mabuti na lang matalino ang seatmate ko kaya sa kaniya ako nagtanong.

“Do you have someone to pick you up Kity?” Dave asked, he is my seatmate that I am talking about.
I nodded. “Yeah, I’d texted my driver,” I answered. “What ‘bout you?”

“I have a car.”
“Okay.”
Sabay kaming lumabas ng room. Papalubog na ang araw dahil alas-singko na nang hapon kaya ang mga ilaw sa hallway ay bukas na. Ito ang una kong napansin simula nang pumunta ako dito. I notice that alas-singko pa lang ay nagsisimula nang lumubog ang araw at pagsapit ng alas-sais ay madilim na.

“I noticed that you’re having a hard time in our lesson earlier.” Basag ni Dave sa katahimikan.
Napansin niya pala ‘yon?

“Yes, I didn’t expect na mas advance pala dito compared sa Manila,” natatawang tugon ko.

“You mean hindi pa nadi-discuss sa inyo ang lahat ng tinuro kanina?”
I nodded. “That’s why I keep on asking you earlier in the middle of the discussion,” natatawang sabi ko.
“Yeah, maiinis na sana ako sa’yo kung hindi lang kita kilala ang kulit mo kasi kanina.”
I suppressed a soft laugh. “Mabuti na lang pala kilala mo ‘ko kung hindi baka nahampas mo sa akin ‘yong makapal na librong binabasa mo.”
Natawa kami parehas. I admit that Dave is more handsome when he laughs, especially when his two dimples appear on both of his cheeks.
Natigilan lang ako nang makalabas kami ng gate. My eyes widened when I saw the unexpected person I would see today leaning against the bumper of the black Audi.
It’s River. His face was dark and serious as he looked at me. Nakaramdam ako bigla ng kaba at pagkabog ng dibdib ko. Bakit ba lagi na lang siyang nagpapakita sa mga hindi ko inaasahang pagkakataon? ‘Tsaka gabi na ah. Ano pang ginagawa niya dito?
He frowned and straightened up when he saw me. He put both his hands in both pockets of his gray pants.

“Is he the one who will pick you up? I thought your driver?” takang tanong ni Dave.

“Oo nga parating na rin siguro si Mang Mario hindi naman ako ang sadiya–”
“Mang Mario is not coming,” River interrupted.
“What?”

“Nakita ko siya sa daan nasiraan siya habang papunta dito, so he asked to pick you up,” seryosong sabi niya, napalunok naman ako dahil iba ang awra niya ngayon.
Bakit si River pa ang pinakiusapan ni Mang Mario? Madami naman kaming driver sa bahay!
“Gano’n ba? Puwede naman akong tumawag ng panibagong driver sa bahay–”

“No, come with me.”
I rolled my eyes. “Fine.” Bumaling ako kay Dave. “Thank you Dave, see you tomorrow we'll go ahead.”
“Sige ingat.”
Pagbaling ko kay River ay papasok na siya ng sasakyan niya. Napasimangot naman ako. Hindi niya man lang ako hinintay at pinagbuksan ng pinto. Napaka-ugentleman niya naman!
Why is he so serious today? Labag ba sa loob niya na sunduin ako? Bakit pa siya pumayag kung gano’n?! Puwede naman siyang tumanggi.
Sumakay na ako ng backseat. Nagtama ang paningin namin sa rearview mirror. The annoyance appeared on his face even more.

“What are you doing there? I’m not your driver for Pete’s sake,” he frustratedly said. “Sit here beside me not there.”
I tsked. Hindi na ako umapila halata kasi na naiinis na talaga siya. Inaano ko ba siya? Wala naman nga akong ginagawa sa kaniya.
Kinabit ko ang seatbelt ko at saka sumandal sa sandalan ng upuan. Nagsimula nang umandar ang sasakyan.
Pasimple ko siyang tiningnan sa side mirror ng sasakyan. His face is really serious today and I'm not used to it. Nasanay kasi ako na laging maaliwalas ang muka niya at lagi siyang nakangiti.
“Who’s that?” Basag niya sa nakakabinging katahimikan.
I looked at him. “Who?”
“That guy with you earlier.”
Sino? Si Dave?
“Why?”

“Did you enjoy being with him?”
“Of course, bakit ka ba nagtatanong?”
Ano bang problema ng ilog na ‘to?
“It’s because Mang Mario texted you and told you that I would be the one who pick you up, don't you know that? O masiyado ka lang talagang nag e-enjoy sa pakikipagtawanan sa lalaking ‘yon kaya hindi mo man lang magawang i-check ang phone mo ng kahit ilang segundo.”
Huh? Tinext ako ni Manong?!
Kaagad kong kinakalkal ang phone ko sa loob ng bag ko. Naalala ko na sinilent ko pala ‘yon kanina dahil may klase kami. Tapos nakalimutan ko pang buksan no’ng tinext ko si Manong.
May dalawang message nga doon si Mang Mario!
From: Mang Mario
Ma’am pasensiya na po hindi po kita masusundo dahil nasiraan pa ako sa kalagitnaan ng biyahe.
From: Mang Mario
May susundo na sa inyo Ma’am pinakiusapan ko po si Sir River na daanan ka riyan. ‘Wag po kayong mag-alala mabait po ‘yon.
Tumingin ako sa kaniya. “I’m sorry okay? I didn’t notice. Sinilent ko ‘to kasi strict ang mga professors namin.”
Hindi naman siya kumibo kaya hindi na rin lang ako nagsalita. Nakafocus lang siya sa pagmamaneho niya kaya inabala ko na lang rin ang sarili ko sa pagtanaw ng mga butuin sa langit.
If I have one dream, it is to become a star because I also want to give light to the dark night through my little light.
NIKEINKSHA | SUSHI

Book Comment (2)

  • avatar
    ShayHanie Bint Alimon

    wow I like the story su pretty

    20/05

      0
  • avatar
    Mae Jacobo

    Lovely

    24/04/2022

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters