logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 5: Barangay ball

KIELY'S POV
MAMITA was true to her words. This event was unique. Ang akala ko kaparehas lang ‘to ng mga napupuntahan ko but the truth is, this isn’t.
Hindi ko inaasahang ganito pala kasayang sumali sa mga ganitong barangay ball. Lahat ng tao na nakikita kong sumasayaw ay nakangiti at tumawa. Makikita mo talaga sa mga muka nila na masaya sila at nage-enjoy.
Ibang-iba ito sa mga bar at school event na napuntahan ko. Sa bar kasi most of them are happy because they’re drunk, nasa sistema nila ang alak kaya sobrang hyper nila. Sa school ball or prom naman required na mag suot ng gowns at dresses na kaya nang bumili ng bahay at lupa. Payabangan here, payabangan there and it’s getting into my nerves.
Dito naman, puwedeng makisaya kahit sino. Wala ring higpit sa suot, kahit nakapambahay puwedeng pumasok. Kung alam ko lang sana puwede pala ‘yon eh ‘di sana gano’n na lang rin ang sinuot ko. ‘Yon ang maganda dito hindi sila bumabase sa estado ng buhay mayaman ka man o mahirap puwede kang makisaya. Nakangiti kong pinapanood ang mga batang sumasayaw ng budots sa gitna ng dance floor.

“Aren’t you going to dance, Kits? It’s fun,” nakangiting alok sa akin ni Kuya Kendrick habang umiinom siya ng coke na nakalagay sa disposable cup.
I shook my head. “Nah, okay lang ako dito.”
“Are you sure?” I nodded. “Look at Mamita she’s having fun, I didn’t know that she’s good at dancing budots,” natatawang sabi niya. Tinuro niya si Mamita na masayang sumasayaw sa gitnang parte ng dance floor.
I suppressed a soft laugh. “Let her be Kuya,” I said.
Simula nang maupo ako dito hindi pa ‘ko tumatayo kahit isang beses. Sina Mayor at Governor ay nakisayaw na rin sa gitna kanina gano’n rin si Kuya Kendrick at Mamita while Kuya Kyrus is nowhere to be found. Ewan ko kung saan nagsususuot ang isang ‘yon.
Kahit naman hindi ako sumayaw nage-enjoy pa rin naman akong manood sa kanila. Especially to those kids who are having fun.
“Okay I won’t force you anymore, tawagin mo lang ako kung gusto mo nang umuwi okay?”

“Yeah sure, shoo go away I’m fine here.”
Umalis naman siya kaagad. Ako na lang ulit mag-isa dito sa lamesa. Kinuha ko ang soft drink ko na nasa ibabaw ng lamesa at dahan-dahang ininom ‘yon. Gusto ko sanang humingi ng alak kaso wala naman no’n dito. They’re only serving soft drinks and food.
Unang beses akong nakatikim ng alak when I was 16 years old. Inaya ako ni Maya na pumunta kami ng bar for the first time pero dahil hindi pa kami legal age that time nagpanggap kaming 18 years old na first timer mag-bar dahil matangkad naman kami kaya pinapasok kami kaagad without asking for identification card or something.
Hindi lang isang beses nangyare ‘yon. Inulit pa namin ‘yon ng ilang beses hanggang sa mahuli kami ni Kuya Kyrus. He scolded me to death pero hindi niya ko isinumbong kina Mama. At iyon rin ‘yong araw na unang nabaliw ‘yong kaibigan kong shunga kay Kuya Kyrus.
Hanggang ngayon hindi pa rin alam ng parents namin ‘yong ginawa ko. Ang alam lang nina Mama at Daddy na 18 years old na ko nang magsimula akong mag-bar at uminom ng alak.
“Hi, Kiely...”
Halos maibuga ko ang iniinom kong soft drink ng marinig ko ang pamilyar na boses na ‘yon. I could feel my heart beat fast and I don’t freaking know why! Umupo siya sa katabing upuan ko.
“River, what are you doing here?”

Siguro kung may sakit ako sa puso inataki na ‘ko ngayon. Bakit ba para siyang kabute na basta-basta na lang sumusulpot?!
“Tinanong mo rin ako niyan kaninang umaga,” natatawang sabi niya. “Well, Doña Asuncion invited me to attend wala namang masama kung pumunta ako ‘tsaka ‘di ba sabi ko sa’yo magkikita tayo ulit.”
Yeah, I know that. At ‘yon ‘yong dahilan kung bakit hindi ako dito tumatayo!

“Kanina ka pa ba dito?” kunot noong tanong ko. Pinilit kong makipag-usap sa kaniya ng normal kahit kanina ko pa gustong umalis na lang dito.
“Nope, kakarating ko lang galing pa kasi kami ng bar ng tropa ko uminom kami ng kaunti bago ako pumunta dito,” sabi niya.
Kaya pala medyo mapula ‘yong muka niya ngayon. He’s drunk, pero bakit pumunta pa siya dito kung nakainom siya? ‘tsaka bakit nag-drive pa siya?! Pano kung may mangyareng masama sa kaniya habang nasa daan siya?!
“Umuwi ka na kaya.” Pagtataboy ko sa kaniya.
He chuckled. “Ayaw mo ba ‘ko dito?”
Ayaw kaagad?

“Hindi naman sa gano’n pero ‘di ba sabi mo nakainom ka?” pagdadahilan ko.
“Yeah, pero dalawang shot lang naman hindi naman ako malalasing no’n.”

Ang kulit! Kairita!
“Kahit na!”
Why am I acting like this? The hell I care about him! Eh ‘di ‘wag siyang umalis kung ayaw niya at uminom siya kung gusto niya hindi ko naman problema ‘yon!
“No, I won’t leave whether you like it or not.” Ngumiwi ako dahil sa sagot niya.

“Eh ‘di ‘wag.”
Natahimik kami. Tanging malakas na tugtug lang ang nagpapa-ingay sa paligid naming dalawa. Nakatuon lang ulit ang tingin ko sa dance floor, mas dumami na ang mga nagsasayaw sa mga oras na ‘to, lumalalim na rin kasi ang gabi.
Hawak ko pa rin ang disposable cup at umiinom pa rin ng soft drink para may mapagkaabalahan ako.

Sana lang talaga ‘wag sumakit ang tiyan ko pagkatapos nito.
Habang abala ako sa panonood. Someone’s phone rang. Alam kong hindi akin ‘yon dahil iba ang ringtone. Si River lang naman ang kasama ko dito sa lamesa kaya alam kong sa kaniyang telepono ‘yon.
I didn’t bother to look at him. Pero ang tainga ko ay nakatuon ang atensiyon sa kaniya.

“Hello Yolan… I’m busy… No umalis na ‘ko riyan… Why? Don’t ask me, ask King… I said I’m busy… Don’t you dare― Fuck!”
In my peripheral vision, he almost crushed his phone due to frustration. Who the heck is he talking to that caused him to be frustrated like this? Kumunot ang noo ko.
Bigla akong humarap sa kaniya. Nang magtama ang mata naming dalawa ay saka naman nag-iba ang kanta.
Tonight I've fallen and I can't get up,
I need your loving hands to come and pick me up,
And every night I miss you,
I can just look up,
I swallowed the lamp in my throat. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya. Parang biglang nag slow motion ang lahat ng nasa paligid naming dalawa.
And know the stars are,
Holdin' you, holdin' you, holdin' you tonight,
‘Yong feeling na parang kaming dalawa lang ‘yong nag eexist sa lugar na ito. Biglang umamo ang mga mata niya habang nakatingin sa mga mata ko.

“Kuya River puwede po bang mag papicture?”
Kaagad akong nag-iwas ng tingin kay River ng may biglang mag-salita. It was a group of female teenagers dressed in casual wear.
“Y-yeah sure,” River replied.
“Talaga po? Hala thank you po.” Tuwang-tuwa na sabi nito.
“Sino mag-pipicture?”
“Ikaw na, ikaw nakaisip eh.”
“Anong ako? Ikaw na Emma.”
“Ayoko nga nakapwesto na ko eh si Sofia na lang.”
“Ano? Ayoko nga si Nora na lang!”
“Ano ako na naman? Ako na nga nagtanong eh.”
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa monoblock chair at pumunta sa puwesto nila. Patuloy pa rin sila sa pag-tuturuan kung sino ang kukuha ng litrato.
“Excuse me?” Agaw ko sa atensiyon nila, lahat naman sila ay napatingin sa akin kahit si River. “Ako na lang magpipicture,” nakangiting presinta ko.
I remember them when Maya and I were still in high school. Ganito rin kami kakulit dati.
“Sige p―.”
“Nakakahiya naman po.” Naputol ang sasabihin no’ng isa nilang kasama nang sikuhin ito ng isa.
“No, I insist.”
“Pero–sige na nga po.” Wala naman silang nagawa inabot sa akin no’ng isa ang cellphone niya.
Lumayo ako ng kaunti. Tiningnan ko kung nakapwesto na sila.
“One, two, three, say cheese.” Kaagad naman silang tumalima. “Isa pa,” I said, “one, two, three, say cheese.”

“Cheese!” they said in chorus.
Pagkatapos ay iniabot ko doon sa Nora ang phone niya.
“Thank you po!”
“Welcome,” I answered.
“Thank you rin po Kuya River!”
“You’re welcome.”
Naglakad na sila palayo sa amin pero nakasunod pa rin ang paningin ko sa kanila. Naalis lang ang tingin ko sa kanila nang maramdaman kong tumabi sa akin si River.

“You look dazzlingly beautiful tonight Kiely...” he sincerely said.
I felt my face heated up because of his compliment. “T-thanks.”
I suddenly felt nervous. Hindi ko alam kung saan nag-mumula ‘yon. Magsasalita na sana ako kaso may bigla namang sumulpot sa gitna naming dalawa. Napaatras pa ko dahil parang sinadya niyang itulak ako para mapalayo kay River.
“Found yah, Noah.” Maarteng sabi nito at saka pumulupot sa braso ni River.
Who the heck is she?
Pasimple ko siyang tiningna mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng kulay asul na off-shoulder dress. Hapit ito sa katawan niya dahilan upang lumabas ang pagkakakurba ng katawan niya. She also has a straight jet black short hair.
“What the fuck, Yolan?” River annoyingly said.
“What?!”
“What the Devil are you doing here? Didn’t I tell that I’m busy?”
“You aren’t! God, Noah you left at the bar and I'll just see you here at this,” she roamed around her eyes, “cheap event? Are you insane?”
“This isn’t cheap, Yolan,” River enunciated.
“Yeah sure I don’t care.” She rolled her eyes dahilan upang magtama ang paningin naming dalawa. “Look, who’s here?”
Does she know me?
“Yolan please ‘wag kang gumawa ng gulo dito.”

“What? Hindi naman ako gumagawa ng gulo.” Tugon niya kay River ngunit ang paningin niya ay nasa akin pa rin. “Is she the reason why you don’t want to leave here, Noah?”
Hindi ako sumabat sa usapan nila. Tahimik ko lang inoobserbahan ang mga galaw niya.
“Yolan please leave…”
“No, aalis lang ako dito kung kasama kita.” Pagpipilit nito.
I saw frustration all over River's face.
“Oo na–”

“Yolan?” River's words were cut short when someone suddenly spoke behind us.
Tumingin kami doon. We saw Governor Valbuena with Mamita, Kuya Kendrick and Kuya Kyrus. I didn’t see Mayor Aguas with them.

“D-dad?”
What?! Dad?! Who? Daddy niya si Governor?!

“What are you doing here? I thought you don't want to come here?” takang tanong ni Governor Valbuena kay Yolan.

Para namang nangapa nang sasabihin si Yolan.
“A-actually Dad, I was with Noah kasama ko siyang pumunta dito, right Noah?” Kumapit na naman siya sa braso ni River.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. I don’t know where the annoyance I’m feeling right now comes from. Gusto kong tarayan si Yolan dahil hindi naman totoo ‘yong sinasabi niya. Nauna kayang dumating sa River dito.
“Yes, po Tito I was with her,” River answered.
I rolled my eyes mentally.
Really? Sinakyan niya talaga ang kasinungalingan ng babaeng yan? Unbelievable!
“Kayo talagang mga kabataan.” Iiling-iling na sabi ni Governor. “Siya sige hijo ingatan mo ang anak ko ha, may babatiin lamang kami doon sa kabilang table.”
“Sige po Tito.”
Nang makita kong susunod si Kuya Kendrick kina Mamita ay kaagad ko siyang tinawag.
“Yes, Kits?” takang tanong niya.
“Sa’n ka pupunta? Sama ako,” sabi ko sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Kinuha ko ang pouch ko sa lamesa at saka dali-daling pumunta sa pwesto niya, nilagpasan ko lang sina River at Yolan na nakatayo parin sa dati nilang kinatatayuan.
“Is there any problem, Kits?” nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Kendrick.
I shook my head. “W-wala, na-boring lang ako doon,” tugon ko.
Pasimple ko silang nilingon pero dapat pala hindi ko na lang ginawa dahil muling nagtama ang paningin naming dalawa ni River. Nakakunot ng noo ay habang nakatingin sa akin. Umiwas ako kaagad ng tingin at hindi na muling lumingon pa sa kanila.
*****
KINABUKASAN ala-una na ko ng hapon nagising. Kung hindi pa sana ako muntik mahulog kanina sa kama hindi pa ‘ko magigising. Dinalhan ako kanina ni Margarita ng lunch kaya busog na ko.
Kasalukuyan akong naka-upo ngayon sa lounger sa harap ng swimming pool habang sumisimsim ng orange shake na pinagawa ko kanina kay Margarita. Dahil maganda ang panahon ngayon naisipan kong tumambay muna dito.
Sinabi ni Mamita kanina na may pasok na kami sa lunes she already gave us our schedules, it's not difficult for me to follow that because my schedule is almost the same at my previous school in Manila and here.
Bukas kailangan kong pumunta sa school dahil kailangan naming kumuha ng uniform at ID.
Habang busy ako sa pagsimsim ng orange shake ko bigla namang tumunog ang phone ko. It was a video call. I saw Maya's name flashed on my phone screen. Sinagot ko ‘yon. Muka kaagad ni Maya ang bumungad sa’kin kulang na lang ay madikit ang muka niya sa phone screen.
“Hello Maya!” bati ko at kumaway pa sa kaniya.

“Hi Kity miss you! Naks, buhay prinsesa ka riyan ah,” panunukso niya. May nakapulupot na tuwalya sa ulo niya at nakasuot lang siya ng bathrobe.
“Not really, so boring here I have nowhere to go,” I said and rolled my eyes. “By the way napatawag ka?”

“Ay kailangan may reason? Namiss lang naman kita ‘tsaka hello birthday ngayon ni Aria nakalimutan mo na ba?”
Natuptop ko ang bibig ko. “Oo nga pala!”
I forgot. I was thinking a lot last night! Nakalimutan ko siyang batiin.

“Tsk. Bukod sa nag-party ka kagabi ano pang ginawa mo na naging dahilan para makalimutan mo ang birthday ng kaibigan natin, aber?”
“Wala hating gabi na kami kagabi nakauwi tapos ala-una na ‘ko ng hapon nagising kanina nawala sa isip ko,” pagdadahilan ko.
But the truth is, we went home at eleven last night, but I fell asleep at three in the morning. I don't know, but I had a hard time sleeping last night. Hindi mawala sa isip ko ‘yong nangyari kagabi. I mean ‘yong eksena ni Yolan.
Who the heck is Yolan? And what is her relationship with River?
“Nagtatampo ako hindi mo na ako tinatawagan o kaya tinitext simula no’ng pumunta ka riyan.”
“Magpasuyo ka sa tuyo kung nagtatampo ka,” natatawang biro ko.
Lumukot ang muka niya. “Binabawi ko na ‘yong sinabi ko sa’yo no’ng nakaraan na ililibre kita ng shawarma!”
“Sure, binabawi ko na rin ‘yong sinabi ko sa’yo na babantayan ko si Kuya Kyrus para sayo,” nakangising sabi ko. “Sayang may nalaman pa naman ako kagabi.”
Her eyes widened. “Joke lang Kity hindi ka naman mabiro gusto mo ilibre kita ng five months o kaya puwede ring one year kung gusto mo talaga.”
Pinigilan kong humagalpak ng tawa.
“Sige basta totoo.”

“Totoo nga! So anong nalaman mo sa sweetheart ko? May umaaligid ba sa kaniya kagabi?”
“Wala.”

“Wala?”

“Oo walang maaligid sa kaniya kagabi.” Nakahinga siya ng malu'wag. “Pero…”
“May pero?” I nodded. “Pero ano?” Halata ang inip sa muka niya.

“Pero bigla siyang nawala kagabi, bumalik lang siya kasama niya na sina Mamita,” I said.
“What?!” she exclaimed muntik niya nang mahulog ang hawak niyang cellphone. “Kity naman eh bakit hindi mo binantayan ‘yong Kuya mo what if may kinita siyang babae?!”
“Huwag ka ngang mag-overthink riyan isa lang naman ang karibal mo sa kapatid ko.”
“Oh tingnan mo may karibal na pala ko hindi mo man lang sinabi kaagad! Sino ba ‘yan? Pigilan mo ko sasabunutan ko ‘yan!”

“Yong karibal mo ay ‘yong pag-aaral niya.” Natigilan naman siya ng marinig ang sinabi ko.

“Bwisit ka Kity! Akala ko pa naman may iba na si sweetheart.”
Yuck!
Nagpaalam na si Maya dahil maghahanda pa daw siya para sa party ni Aria. I texted Aria and greeted her happy birthday I also apologized to her for not attending her birthday party.
I spent my whole afternoon in the lounge. Nang sumapit ang alas kwatro ng hapon ay saka lang ako pumasok sa loob ng mansion. I took a bath and stayed in my room. Lumabas lang ulit ako nang tawagin ako ni Margarita para sa dinner.
Ang boring! Ganito lang ba ang magiging takbo ng buhay ko dito?
Huwag naman sana akong mabaliw kung gano’n.

NIKEINKSHA | SUSHI

Book Comment (2)

  • avatar
    ShayHanie Bint Alimon

    wow I like the story su pretty

    20/05

      0
  • avatar
    Mae Jacobo

    Lovely

    24/04/2022

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters