logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4 BELIEVE

Ang buhay ko ay parang isang talon. Patuloy lang ako sa pagtangay  sa tubig. Walang inaasahang tutulong o makakakita man lang.
Kada tama ko sa mga batong dinadaan ng tubig. Ang siya namang paglatay ng mga sugat at hapdi sa aking buong katawan.
Pero hindi ko na ito pinapansin pa at hinahayaan lamang ang aking sarili na masaktan.
Dahil para sa akin wala nang halaga pa ang mabuhay.
Ang mabuhay sa mundong puno ng gulo, krimen, problema, karahasan, at kawalan ng pag asa.
At ang mabuhay sa mundo ng mag isa't ni walang kasama at masasandalan.
Lahat ng yun wala. Dahil hindi ko man lang naranasang maging masaya ng matagal.
Dahil lahat ng saya ko ang kapalit kinabukasan ay sakit at pighati.
Dahil ang pagiging positibo ko nauuwi lang nauuwi sa pagiging negatibo.
Ako lang itong naniwala't nagpauto sa kanya.
Siya ang sinisisi ko sa lahat ng masamang nangyari sa buhay ko.
At siya rin ang sinisisi ko sa lahat ng kahayupang nangyari. Hindi lang sa akin kundi na rin pati sa ibang tao.
Dahil kung hindi niya sana ako binuhay sa mundong ito. Hindi ko mararanasan lahat ng ito.
Lahat ng sakit.
Lahat ng pag iyak ko.
Lahat ng pagsigaw ko ng tulong.
Lahat ng paghingi ko ng payo sa kanya.
Lahat yun hindi man lang niya pinansin. Sa halip titingnan lamang niya ako at pinapabayaan.
Sa tingin niya ba tama ang ginagawa niya?
Ang hayaan ang sariling niyang mga anak na mahirapan at magdusa?
Ang hayaan ang sarili niyang likha na maiwang magisa at naghihirap?
Ang hayaan kaming pumatay o mamatay?
Sa mundong dapat sana'y magiging paraiso.
Ngunit dahil sa kanyang kapabayaan naging isa itong impyerno.
Isang impyernong puno ng kasamaan. Na pinalilibutan ng mga demonyong walang puso't, damdamin.
Sa tingin niya ba tamang manahimik lamang siya't hayaan ang lahat ng pinaghirapan niyang abusuhin at sirain ng mga demonyong pinalayas niya?
•••••••••••••••••••
Lahat ng nakasaad sa itaas ang tanong ng mga taong nawawalan ng pag asa at tiwala sa taong lumikha.
Iyon ang karaniwang tanong naming nakaranas ng sobrang pagdurusa't paghihirap.
"Ma'am magstastart na po ang interview. Pwede na po kayong pumasok"
Simple akong tumango sa lalaking staff. Nasa isang show interview ako. At mapapanood ng buong mundo.
Inayos ko muna ang sarili ko sa pagtingin sa salamin. Isang malalim na buntong hininga muna ang nilabas ko bago simpleng ngumiti sa salamin.
"Good Day, Viewers. Today, we have a new guest who is really beautiful and smart. Let's all give a applause to the Successful woman, today. Mrs. Mary Light-Mendez"
Masaya akong naglakad habang hawak ang mic sa kanang kamay ko. Rinig ko ang palakpakan ng mga audience nanonood ng show na ito.
Umupo ako sa isang puting upuan kaharap ang babaeng host. Sa pagkakatanda ko Elaine ang pangalan niya.
"Good Day Mrs.Mendez, it's nice to meet you" Masayang ani ni Host Elaine sa akin.
"It's my pleasure" I said and smiled to her.
Ngumiti din siya sa akin bago muling magsalita. "I am glad I personally meet you Mrs. Mendez."
"I'm also glad to come here tomet you."
Nasa kalagitnaan kami ng pagngangamustahan ng magpalaro ang host. Naglabas ang host ng isang fish bowl na may lamang mga question papers about me.
"This questions are from our viewers.So youre going to answer it all.Were going to ask two questions that I will choose"
Bumunot siya ng isa at binasa ang isa.Unti unting nawala ang ngiti niya habang binabasa ang nakasulat.
"So, Mrs. Mendez here's you're first question.What happened to you after you see you're parents died?"
Kasabay ng pagbanggit niya sa aking mga magulang ang pagkawala ng ngiti sa aking labi.
"I'm sorry, Mrs. Mendez. It's okay if you don't answer this question"
Mukhang napansin ata ni Elaine ang pagiging seryoso ko. Pero sa tingin ko ito na ang oras para ibahagi ko naman sa ibang tao ang nangyari sa akin.
"No, it's fine. I'm gonna answer it."
Bakas kay Elaine at sa ibang staff ng show ang alinlanlangan. Ngunit ngumiti ako sa kanila.
"My parent's died when I was eight. In our house they were killed by two armed guys. After killing my parents they get all our belongings.... I was in the cabinet hiding and crying. But those guys saw me.... And then raped me."
Lumatay ang pagkagulat sa kanilang mga mukha habang nakatingin sa akin. Muli kong pinagpatuloy ang pagsasalita.
"Isang gabi habang tulog ang dalawang lalaki. Tumakas at nagtatakbo palabas ng bahay namin. Nang makalayo na ako naghanap ako ng police station para ireport kung ano ang nangyari noon.... But, the police didn't believe. They just said I am just making story. Pinilit ko silang sumama sa akin, sa bahay namin. Kaya lang just like those killers who killed my parents..... They also raped me."
"Omy, ghad!"
Pinagpatuloy kung muli ang pagkukuwento habang nakangiti. Kita ko ang lungkot at gulat ni Elaine habang nakikinig sa akin.
"Katulad ng nauna tumakas din ako sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako noon napadpad pero sa lugar na yun ako namuhay.... Sa paglilimos at pangangalakal ko binubuhay ang sarili ko..... Sa loob ng dalawang taon naging ganoon ang buhay ko. Kaya lang isang gabi habang natutulog ako sa lansangan.May isang itim na van ang huminto at kumidnap sa akin...... Sinubukan ko non magpumiglas pero may  matapang na amoy silang nilagay sa panyo na naamoy ko kaya naman nawalan ako ng malay. Nagising na lang ako na nakabusal ang bibig at naka lapag sa sahig. Marami kaming batang nasa loob at umiiyak....Doon ko nalaman na ibebenta pala nila kami sa mga mayayaman. Isang matandang amerikano ang nakabili sa akin sa halagang 500,000.... Dinala niya ako sa isang malaking mansyon at doon binihisan at pinakain. But.... He also raped me for almost two years. Sobrang nadedepressed ako ng mga araw na yun na umabot sa puntong dalawang beses kong pinagtangkaang patayin ang sarili ko. Kaya lang....Nahuhuli ako ng isang maid pag ginagawa ko yun. Dahil sa awa niya sa akin.Tinulungan niya akong makatakas doon. Nang makatakas na ako muli na naman akong namuhay bilang isang batang palaboy. Hanggang sa mag sixteen ako naging ganoon lang ang buhay ko. Ang akala kong magiging ganoon na lamang ang buhay ko. Bigla na naman itong nabago. Dahil isang babae ang lumapit sa akin at tinanong ako kung gusto ko daw magtrabaho. Malaki daw ang kikitain ko doon at libre na daw niya ang pagkain at tirahan ko. Kaya naman pumayag akong sumama sa kanya. She brought me to a big bar. Noong unanaguguluhan ako kung bakit doon niya ako dinala. Pero nong papasukin niya ako sa isang kwarto at pinagbihis ng isang bra at maikling shorts, alam ko na kung ano ang balak niyang gawin sa akin. That's why I tried to escape that time. Kaya lang hindi ko nagawangmakatakas pa. Wala akong nagawa noon kundi ang magtrabaho sa bar na iyon bilang isang dancer at entertainer. Dahil sa mga nangyayari sa akin sinubukan ko ulit na magpakamatay.... Sa paginom ng napakaraming gamot. Tinangka kong tapusin ang buhay ko. Dahil... Ang nasa isip ko na lang noon ay walanang silbi pa ang mabuhay sa mundong ito. Dahil sa ginawa ko dinala ako ng manager namin sa isang pampublikong ospital.... Nagising ako na pinalilibutan ng apat na bantay na lalaki. Ang akala ko noon wala na akong pag asang makatakas.  Pero nang itetest na ako ng isang nurse at nilagay sa isang wheelchair.Doon na ako nagkaroon ng tsansang makatakas."
"Kawawa naman siya!''
"If it's happen to me. I would rather kill myself already!"
Ilan lamang yan sa mga bulungang narinig ko. Napatingin ako kay Host Elaine na nagpapahid ng luha.
I genuinely smiled before continue talking again.
"After that, I asked god... I asked him if his really exist?... I asked him why did he let me suffer?... Why did he left me?.... I was in the middle of the road that day. The rain was heavily dropping and the sky was gray. I was crying so hard too.... Noong araw na iyon. Inilabas ko lahat ng sakit, puot, galit at pagkasuklam ko sa kanya.... Sinabihan ko siya ng masasakit na salita at kung ano ano pa. Nakatingin lang ako sa langit habang sinasabi ang mga iyon sa kanya...... Nang isang malaking truck ang nakadireksyon patungo sa akin. Tanging ilaw lang ang nakikita ko mula sa truck. Para akong nabingi habang palapit ito ng palapit sa akin..... Ang tanging nasa isip ko lang noon ay ang isang bagay. Ito na ang katapusan ko...... Hanggang sa isang kamay ang humila sa akin."
Pinunasan ko muna ang luha ko bago muling magpatuloy."Akala ko nun katapusan ko na. Pero hindi pa pala. Dahil ang taong nagligtas sa akin ang tumulong na makabangon ako at makarating sa kinatatayuan ko ngayon. Dahil sa kanya nagkaroon ng halaga para sa akin ang mga mabuhay. Tinulungan niya akong lumimot at bumangon sa masama kungnakaraan... At sobrang nagpapasalamat ako sa kanya dahil don!" Masayang pagpapatuloy ko.
"Is the one who save you Mr. Greg Mendez?" Marahang tanong ni host Elaine na nakangiti na rin.
"Yes. He is the one who helped me moved on and forgive."
"Sa lahat po ng masamang nangyari sa inyo meron po ba kayong pinagsisisihan?"Tanong niya.
"Yes.. And that is when I questioned god about life. Iyon ang isang bagay na pinagsisihan ko. Ang sisihin siya sa mga nangyari sa akin noon. I regret saying those bad words to him" Malungkot na banggit ko.
Malawak na ngumiti sa akin si host Elaine at niyakap ako."Thank you Mrs. Mendez. I'm glad you fight. You're such a incredible and amazing person"Naluluha na siya habang sinasabi iyon sa balikat ko.
Bumitaw na kami sa pagkakayakap at nag ngitian. "Haha,Thank You Ms. Elaine"
Siguro nga dadating tayo sa puntong gusto na nating sumuko at tumigil na.
Darating tayo sa punto ng buhay natin na tatanungin natin ang lumikha kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa atin.
Darating tayo sa puntong mas gugustuhin mo na lang magpahinga at magpatalo sa problema.
Darating tayo sa puntong gusto mo nang isigaw lahat ng sakit at magpakapaos hanggang sa guminhawa ang pakiramdam mo.
Darating tayo sa puntong gusto na nating manapak ng tao mailabas lang lahat ng hinanakit natin.
At higit sa lahat darating tayo sa puntong mapapasabi ka na lang ng "Ayoko nang mabuhay pa. Sa mundong puno ng problema"
Oo darating tayo sa ganoon pero sana isipin natin na ang lahat ay may dahilan. Ang lahat ay may katapusan. At ang lahat ay magiging maayos din sa kahuli hulihan.
Wag sana tayong sumuko sa laban ng buhay. Dahil katulad ng isang gyera kahit gaano man ito kahaba darating at darating ang araw na magtatapos din ito.
"Because everything happens for a reason"
Oo! Maaari kang magpahinga dahil hindi naman tayo immortal na hindi nauubos ng lakas. Ngunit wag kang sumuko't mawalan ng pagasa. Dahil pagkatapos ng bagyo may bahagharing lilitaw. Hindi lang para pasayahin kundi para bigyan ka ng pag asa.
"Just BELIEVE and TRUST."
THE END

Book Comment (11)

  • avatar
    Ellysen

    love it

    13d

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story

    06/06

      0
  • avatar
    Anthony Broola

    Thank you

    28/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters