logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5 Eilaine Diaz Samonte

Poging tao.
Pagtatama niya sa sariling konsensya. Chinito, may maliit ngunit patusok na ilong, matangkad, clean cut at kulay itim na buhok, moreno, manipis na mga labi at medyo may malapad na panga. Ganito niya inilarawan sa kanyang konsensya ang halimaw este ang taong nakahawak sa kanyang braso. Nawala na ang takot sa kanyang dibdib ngunit nanatili roon ang kabang hindi niya maintindihan. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya habang nakikipagsubukan ng titig sa lalaki. Parang pamilyar sa kanya ang mga matang iyon. Hindi niya lang maalala.
Siya ang unang bumitaw ng tingin. Masyado na kasi siyang naiilang at para bang hindi na niya maintindihan ang ipinaglalaban ng tibok ng puso niya. Mabilis iyon na ewan na pati ang tiyan niya ay tila naaapektuhan na rin.
Kumalma ka na! Walang monster! Anas niya sa sarili. Hindi naman na siya nakakaramdam ng takot. Bagkus ay tila napayapa ang kalooban niya nang masiguro na tao ang kaharap niya at hindi isang nakakakot na nilalang. Pero hindi pa rin siya mapalagay. Bakit kaya? Hindi rin naman ito mukhang rapist o serial killer. Ramdam niyang may kabutihang loob ang lalaking kaharap. Kung paano niya naramdaman na mabuti itong tao ay hindi rin niya alam.
“B-bakit ka ba nanggugulat? Ikaw ba ang may-ari ng bahay na ito? O katiwala ka dito?” Tanong niya sa lalaki na nakahawak pa rin sa braso niya. Mainit ang palad ng lalaki na tila ba tumatagos sa kalamnan niya. Ameyzeng!
Tattered jeans at itim na damit ang suot ng lalaki kaya naman naisip niya na baka katiwala ito ng mansyon. Correction, mabangong katiwala. Dahil kahit ilang sentimetro ang pagitan nila ay naaamoy niyang kagagaling lamang nito sa banyo mula sa pagkakaligo. Hindi rin masakit sa ilong ang gamit nitong pabango. Parang baby na ang sarap-sarap amuyi at pupugin ng halik.
Sinita niya ang sarili, Halik kaagad? Harot mo, Eilaine! Pinatino niyang muli ang isip at tinanong ang lalaki.
“Nasaan ang mga tao dito? Bakit parang walang nakatira? Tsaka ikaw kanina, saan ka galing? Wala naman akong narinig na nagbukas na pintuan o mga yabag palapit sa akin kaya sobra mo talaga akong nagulat. Pasalamat ka wala akong sakit sa puso kung hindi ay baka zombie na ako ngayon.” Tuloy-tuloy niyang patutsada. “Oo zombie talaga. Kasi hindi pa ako pwedeng tuluyang kunin ni Papa Lord kasi marami pa akong unfinished businesses. Marami pa akong mga kautangan na kailangang bayara-.”
“Nakatagtagari ka.” Iritableng muling wika ng lalaki. Para bang umiinda ito ng sakit sa tenga at mukhang bwisit na sa kanya. Gayunpaman kahit lukot na ang mukha nito ay hindi pa rin naman nabawasan ang kaguwapuhang taglay nito. At parang pamilyar talaga ang mga mata nito.
Ah! Naalala niya na. Medyo hawig ito sa siguro ay pogi ring lalaking nakasabay niya sa bus. Hindi kasi niya nakita ang buong mukha nito. Tanging mga mata lamang na parang may sariling ekspresyon kung mangusap.
At nagtataka siya sa sarili kung bakit ang bilis niyang maka-appreciate ng mga guwapo ngayon gayong kagagaling lamang niya sa isang nasawing pagsintang pururot.
At nabi-bwisit na rin siya. Napakamot tuloy siya ng ulo. “Ano ba yang sinasabi mo? Kaya mo namang mag-Tagalog.
Pwede bang iyon nalang ang karirin mo?”
“Ang ingay mo. Bawal ang maingay dito sa mansyon ‘ko’.” Binigyang diin ng lalaki ang huli nitong sinabi.
Shet! Sa lalaki palang ito ang mansyon. Nakonsensya tuloy siyang bigla dahil napagkamalan niya itong boy.
“Ah, 'yon pala 'yon.” Tumatango niyang wika. “Noted yang sinabi mo. Additional information para sa aking Ilocano vocabulary.” Aniya habang nag-me-mental note. “Salamat na rin pala sa pagpapatulog dito sa mansyon ‘mo’. Ciao!”
Oh, eh di ito na ang mayaman at big time dahil may mansion ito. Wala siyang care totoo man iyon o hindi. Ang importante sa kanya ngayon ay makabalik na sa bahay ni Lola Heneria. Hindi siya komportable kasama ang lalaking ito sa iisang lugar. Kanina pa abnormal na tumitibok ang puso niya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.
Muli na siyang pababa ng engrande nitong hagdanan ngunit muli rin ay pinigilan na naman siya ng lalaki.
“Ano na naman ba iyon?” Reklamo niyang muli habang pumapalag mula sa pagkakahawak nito sa kanya. Masyado iyong mahigpit na para bang wala talaga itong balak na pakawalan siya. Kikiligin na ba siya? Natipuhan na ba siya kaagad ng lalaki? Tumalab ba rito ang karisma niya? Oh, well.
“Sinukahan mo ang kotse ko.” Imporma ng lalaki habang gusot pa rin ang mukha.
Napalunok siya ng laway. Sheteness, nakakahiya ang ginawa niya. Pero hindi niya alam iyon, lasing siya. At oo nga pala…
“Paano ba ako napunta dito sa bahay ‘mo’? Huwag mong sabihing kinidnap mo ako?”
“Mahabang kwento.”
“Fine. Kung tinatamad kang mag-kwento, keri lang. Basta sorry na sa ginawa ko sa sasakyan mo. Hayaan mo nalang iyon. Bawi nalang ako sa Pasko. Sige na, babalik na ako kay Lola Henz. Happy Valentine’s, Merry Christmas, Happy New Year, Happy Three Kings…” Sala-salabat niyang wika. Nagpapanic na kasi siya at para bang walang tigil pa rin sa pag-ririgodon na ang mga kalamnan niya. Ang weirdo niya lang talaga! Sanay siyang makipaghuntahan sa mga taong hindi niya kilala pero iba ang karakas ng lalaking ito na para bang ilang na ilang siya dito. Parang hindi niya masakyan ang aura nito. Isa yata itong bad omen.
“Pumunta sa La Union ang buong pamilya ni Lola Heneria dahil namatay ang kapatid niya kaya naman ibinilin ka niya sa akin. Huwag ka nang magtanong pa ng ibang detalye.” Impormang muli at demand ng lalaki.
Nagpahaba siya ng nguso.
“Sabi ko nga.” Saan na siya pupunta? Wala na ang pamilyang kumupkop sa kanya. Dahil bukas pa niya balak umuwi ng Maynila ay mukhang matutuloy na ang balak niyang pagkakampo malapit sa Kiltepan Peak mamayang gabi.
“Bayaran mo ang kotse ko.”
Gulat siyang napatingin sa lalaki kasabay ng paglaki ng mga mata. Dito yata sa Ganduyan tuluyang uunat ang mga mata niya. “Ang O.A.! Bayad kaagad? Hindi ba pwedeng linis muna? Sige na, ako na ang maglilinis. Lalagyan ko pa ng Downy kung gusto mo. Parang suka lang eh.” Humaba na naman ang nguso niya.
“Stop pouting. Or else I will kiss you.” Irritable pero may awtoridad na wika ng lalaki. Mahina iyon ngunit may kakambal na warning ang tono nito. Tila ba kaya nitong totohanin anytime ang sinabi.
Kiss daw! Nagpapanic na naman ang diwa niya.
Muli na naman siyang gulat na napatingin sa lalaki at pagkatapos ay bumaba ang mga mata niya sa mga labi nito. Parang bigla siyang nauhaw. Why?!
Pinili niya ang magmaganda kasya pumayag sa gusto nitong mangyari syempre.
“Wow. Kiss kaagad? Jowa ba kita? Bakit mo ako hahalikan? Hindi nga kita kilala at mas lalong hindi tayo close. Kiskisin ko yang mukha mo eh.”
Napailing ang lalaki at para bang nagtitimpi ito na itulak siya sa hagdan. Tila ba hindi ito makapaniwala na nasasagot niya ito ng ganun-ganun lamang. “Napalinis ko na ang sasakyan ko at binayaran ko na iyon. Iyon ang babayaran mo.”
“Magkano?” Tanong niya sa mukhang masungit na lalaki at nang matapos na ang usapan nila para makaalis na siya sa pamamahay nito. Hinalungkat niya sa kaniyang bag ang antigo niyang wallet na sira na ang zipper.
“Two thousand.”
“Dalawang libo?!” Eksaherada niyang ulit sa sinabi ng lalaki. Wala siyang ganun kalaking ekstrang pera. Hindi na nga aabot sa dalawang libo ang natira sa pera niya eh. Nalibang kasi siya kahapon ng hapon nang mamasyal siya sa bayan pagkatapos niyang magrenta sa isang computer shop para ipadala ang output niya sa kanyang boss.
May mga kung anu-ano siyang binili kasama na ang pagkain hanggang sa pamasahe nalang ang itinira niya. Bukod sa tulugan, ang akala niya kasi ay makakalibre na siya ng pagkain sa bahay ni Lola Heneria.
“Grabe ka naman. Sa lahat ng taga-Ganduyan na nakilala ko, ikaw ang pinakamagulang. Parang suka lang, inabot na ang dalawang libo ang pagpapalinis mo? Sabi ko naman sa’yo sana ako na lang ang naglinis.” Pagwewelga niya.
“Hindi kita babayaran ng ganun kalaki. Hinding-hindi.” Matatag niyang deklarasyon.
Umangat ang isang sulok ng labi ng lalaki. “So, ipapa-pulis na lang kita?” Pagbabanta nito. Hinugot nito ang telepono sa bulsa ng suot nitong pantalon at tipong may tatawagan.
“Taka lang naman!” Hinawakan niya ang kamay ng lalaki kung saan hawak nito ang telepono. Mabilis rin siyang napabitaw dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. May electrical source yata sa kamay ang lalaki. Bakit napaka-static nito?
“Baka naman may iba pang paraan? Wala kasi akong two thousand dito. Baka pwedeng utang nalang muna? Pramis, babayaran kita sa sweldo.” Aniya sa tonong nakikiusap. Sana gumana ang karisma niyang taglay sa lalaking mukhang mas malakas pa yata ang karisma na mayroon siya.
“Hindi ako nagpapa-utang.” Sagot ng lalaki ngunit hindi siya susuko.
“Installment!” Suhestiyon niya. “Bibigyan muna kita ng 200 tapos huhulog-hulugan ko hanggang sa makumpleto ko ang bayad.”
“Hindi ako bumbay.”
“Kapag installment, bumbay kaagad? Bumbay na rin ba ang tawag sa mga bangkong may credit card applications?”
“No.”
“Eh, wala nga akong pera dito. Pamasahe nalang ‘to pabalik ng Maynila. Kahit pigaan mo pa ako, wala talaga akong maipambabayad sa’yo.”
“Linisin mo ang buong bahay ko.”
Laglag ang panga niya sa sinabi nito. Halos kasing-laki ng Philippine National Museum kung nasaan nakalagak ang tanyag na Spoliarium ang bahay ng lalaki. At lilinisin niya iyon? Hindi siya si Darna!
Itinuro niya ang sarili. “Ako lang mag-isa?”
Tumango ang lalaki.
“Eh ‘di, wow. Patayin mo nalang kaya ako? Nasaan ba ang kusina mo dito? Kukuha lang ako ng kutsilyo at ako na mismo ang mag-aabot sa’yo para ipansaksak mo sa akin.” Itinuro niya ang sariling leeg. “Dito, oh. Para ubos kaagad ang dugo.”
“Dalawang libo o linis?”
Nagpahaba na naman siya ng nguso. “Linis.” Laglag ang mga balikat niyang tugon.
“Good. Ngayon, kumain ka muna para may lakas ka sa paglilinis.”
Nauna nang bumaba ang lalaki at mabigat ang loob na sinundan niya ito. Itulak na kaya niya ang lalaki sa hagdan?
Hindi nga pala siya criminal. Masama ang bagay na iyon sabi ni Lord.
“Oy!” Tawag niya sa lalaki na hindi pa pala niya alam ang pangalan. Napahinto ito sa pagbaba. “Ano’ng pangalan mo?” Tanong niya rito. Lumipat na yata sa likod ang mukha nito dahil hindi man lang siya nito nilingon.
Bahagya lamang siya nitong nilingon. Naka-ninety degrees lamang ang mukha nito. “Mateo Do Suarez.”
“Ako naman si…”
“Eilaine Diaz Samonte.” Magkasabay nilang wika na ikinagulat niya. Synchronized.
“Kagabi mo pa sinasabi yan habang lasing ka.” Nagtuloy na sa pagbaba ang lalaki na maaaring patungo sa silid kainan.

Book Comment (119)

  • avatar
    Jojo Valeros Suaso

    it's a nice story..I love it so much

    12/02

      0
  • avatar
    Melinda Regalado Oña

    nice story

    11/01

      0
  • avatar
    Rica Indino

    nice story

    11/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters