logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4 Mateo Do Suarez

NATAGPUAN na lamang ni Eilaine ang sarili sa isang mesa na napalilibutan ng mga nag-iinumang kalalakihan.
Kaarawan ng kapitbahay ni Lola Henaria at inimbitahan siya ng mag-anak nito. Sino siya para tumanggi? Masaya siyang nakipaghuntahan sa mga bagong kakilala at tila ba aliw na aliw rin naman ang mga ito sa kanya. Magaling siyang magdala ng problema kaya naman wala sa mga ito ang nakahalata na masakit ang puso niya at isa siyang bigo. Bigo ang buhay pag-ibig niya at pati na rin ang financial account niya. Ang saya-saya lang, hindi ba?
Matapos ang masarap na kainan ay napasama siya sa tagayan. Kailangan niya ng alak. Sa pagbabaka-sakaling bukas ay makakalimutan na niya ang nararamdaman para kay Broccoli Man. Kailangan na niyang pataying ang nabuong damdamin para sa may sabit ng lalaki.
“Ahh!” Inisang lagok niya ang baso na may lamang matapang na alak. Ito ang unang pagkakataon na nakainom siya ng rice wine. Noong una ay napakasakit niyon sa kanyang lalamunan ngunit kalaunan ay nasanay na siya. Ngayon nga habang palalim na ang gabi ay napaparami na rin ang tagay niya. Bukod sa pamilya ni Lola Heneria ay mababait at magigiliw rin ang iba pa nitong mga kapitbahay. Kahit pa nga halos puro tunog alien ang naririnig niya sa paligid ay nadarama naman niya na malayo siya sa panganib. Kampante ang loob niya na malayong-malayo siya sa kapahamakan. Masipag magtrabaho si Lord sa pag-po-protekta sa kanya. Siguro nga ay hindi talaga si Matthew ang knight in shining armour o Prince Charming niya kaya naman patuloy lamang si Lord sa paggabay sa kanya bente kwatro oras. Mag-mu-move on na talaga siya! Sa makalawa ay babalik na siya ng Maynila para tuluyan nang matigil ang kahibangan niya. Bukas ay maglilibot siyang muli gaya ng ginawa niya kaninang hapon upang masilayan niya ang kagandahan ng lugar na kanyang dinayo. Para sulit!
Dahil bukod sa paghahanap kay Broccoli Man ay ninais talaga niyang lumuwas upang makalayo saglit sa magulo niyang mundo sa Maynila. Kumbaga ay dumagdag lamang sa ningas ng apoy si Matthew upang tuluyan niyang lisanin pansamantala ang mapait niyang buhay. Gusto niyang huminga muna saglit at ayaw na muna niyang isipin ang mga problemang kinakaharap. Sa susunod na araw na lang ulit kapag pabalik na siya sa tunay niyang daigdig na ginagalawan. Sa ngayon ay gusto na muna niyang magliwaliw at magpakasaya na para bang wala siyang kahit anong mabigat na problemang dinadala.
“Shagay fa!” Aniya at isinahod ang wala ng laman na baso kay Jeff- isa sa mga kalalakihan na kainuman niya. Umuwi na si Lola Henaria sa katabing bahay sampu ng pamilya nito at nagpaiwan nga siya para makipag-inuman sa mga kabataan ng Hasyenda Suarez. Hindi nalalayo ang edad niya sa mga ito.
“Lasing ka na po, Ate Eilaine.” Hinuha ni John na isa rin sa mga kainuman niya. Pinigilan nito si Jeff na salinan ng alak ang baso.
“Oy, hindi pa, ah. Hik!” Aniya. “Shori, sininok. Nagdadalaga lang. Ha-ha-ha!” Wika niya.
Sa totoo lang ay umiikot na ang paningin niya ngunit tinitiis niya lamang iyon.
“Sheka lang ha. Five minish. Papatanggal lang ako shaglet ng amatsh.” Yumuko siya sa mesa para patigilin sa pag-ikot ang kanyang mundo. Tiwala lang at mawawala rin maya-maya ang pagkahilo niya.
Ngunit tuluyan na siyang ginupo ng antok at kalasingan. Knock out na ang lola mo.
Ngunit bago pa man siya tuluyang mawalan ng ulirat ay tila nagkaroon ng komosyon sa kanyang paligid. Naramdaman niya iyon. Na tila ba nagpapanic ang mga tao.
Wala na siyang lakas para makiusyoso kaya binalewala na lamang niya iyon.
“Anong nangyayari dito?”
Ito ang mga huling salita na kanyang narinig mula sa kung sinong siga na dumating. Nagsilbing kulog para sa lahat ang boses nito. Tuluyan na siyang naglaho sa bago niyang daigdig. Nawalan na siya ng ulirat.
NAGISING si Eilaine na sobrang bigat ng pakiramdam. Parang sasabog din ang ulo niya sa sakit. Para itong binibiyak na hindi niya maintindihan. Hindi tuloy niya maimulat nang maayos ang kanyang mga mata.
Ano bang nangyari sa akin? tanong niya sa sarili habang sapo ang noo at inisa-isa ang mga bagay na naalala niya.
Bus. Ganduyan. Malawak na hasyenda. Si Lola Henaria. Si Matthew Soriano at ang asawa nitong si Selaine. Alak na gawa sa bigas. Shems! Bumalik na sa kanya ang diwa niya.
Nasapo niya ang inuupuang kama. Malambot. Teka lang. Bakit malambot ang kinahihigaan niya? Sa pagkakatanda niya ay papag ang kama nila Lola Henaria. Walang kutson. Pero ano 'tong nasasalat niya? Bakit ang lambot? At bakit parang napakalawak ng kamang kinasasadlakan niya? Pinilit niyang buksan ang mga mata. Isa pang shems!
Inilibot niya ang paningin sa buong paligid. Napakalawak ng silid na kinalalagyan niya. Nasaan siya? Mukhang nasa Ganduyan pa rin naman siya dahil sa napakalamig na temperatura kahit pa walang bentilador o aircon sa loob ng silid na iyon.
Ibinaba niya ang tingin sa katawan at nagulat siya sa kaniyang natunghayan. Naka-damit pantulog siya. Paanong nangyari iyon? Paano siya nakapagbihis? At ang mas malalang tanong ay sino ang nagbihis sa kanya?
Base sa huli niyang natatandaan ay nakikipag-inuman siya ng alak kagabi sa mga kalalakihang kabataan. Pagkatapos n'on? Ano na ang nangyari?
Sheminish! In tact pa ba ang ‘Bataan’ niya? Pinakiramdam niya ang sariling katawan.Wala naman siyang nararamdamang kakaiba o masakit down there kaya siguro naman ay ‘normal’ pa rin iyon.
Kahit medyo nahihilo pa ay pinilit niya ang tumayo. Hinahanap niya ang banyo. Nahagip ng kanyang paningin ang back pack niya. Maayos iyong nakapatong sa isang marmol na mesa. Nasaan ba talaga siya?
Binuksan niya ang isang pintuan at nandoon ang hinahanap niya. Mamaya na siya mag-iisip. Kailangan muna niyang maligo para tuluyan na siyang mahimasmasan.
Pagkatapos magbihis, bitbit ang backpack ay lumabas na siya ng silid na kanyang tinulugan. Nanlaki na naman ang mga mata niya. Para siyang nasa loob ng isang napakalaking kastilyo na mayroong engrandeng hagdanan paikot pababa.
Ang OA! Sita niya sa sarili.
Tila mansyon ang kinalulugaran niya. Tahimik ang buong paligid at wala siyang makita na kahit isang tao man lang. Nasaan ba talaga siya? Mayroon palang lugar dito sa Ganduyan na ganito karangya? Pero medyo creepy ang malaking bahay. Nakabibingi ang katahimikan. Naiisip niya ang mga nakakatakot na palabas na napanood niya. Ganitong-ganito ang mga datingan ng setting o lokasyon. Kinakabahan siya kaya ang naiisip niyang gawin ay makalabas na kaagad ng mansyon na iyon at makatakbo sa malayo. Nilalamon na siya ng takot dahil sa malikot niyang imahinasyon. Naiisip niya si Sadako, si Annabelle, si Chuckie, si Frankeistein, si Chaka doll at lahat ng mga panget na nilalang na napanood na niya. Nag-sign of the cross siya bago ihakbang ang mga paa sa hagdan pababa. Ipinagdasal niya kay Papa Lord na sana ay walang panget na mumu ang sumalubong sa kanya. Inihakbang na niya ang paa pababa ng hagdan.
“Saan ka pupunta?” Anas ng isang mababa at mahina ngunit nakakakilabot na tinig.
“Aahhh!” Ubod ng lakas na tili niya na halos ikapatid na ng mga ugat niya sa leeg. Bigla rin ang naging mabilis na pagtibok ng kanyang puso na para bang may sampung dagang naghahabulan sa kanyang dibdib. May multong nagsalita at kailangan na niyang iligtas ang sarili dahil baka patayin siya nito. Mabilis niyang tinakbo ang hagdan pababa.
“Bitawan mo ako!” Muli siyang nagsisisigaw dahil may humawak sa braso niya. Pinipigilan siya ng kung sino mang halimaw na ituloy ang kanyang mabilis na pagbaba ng hagdan. Pumikit siya ng mariin upang hindi niya makita ang pangit na itsura nito. Baka kasi lalo lamang siyang matakot kapag nakita niya kung anong klase ito ng nilalang.
“Ahh! Bitawan mo sabi ako, you creepy monster!” Malakas pa rin ang boses niya at pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ng halimaw. “In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Our Father, who are in heaven-“
“Nakatagtagari ka!” Anas ng nilalang na hindi siya sigurado kung multo ba ito o aswang o halimaw.
“Eh?” Mariin pa rin siyang nakapikit. Alam niyang salitang alien este Ilocano iyon. Hindi niya nga lang alam kung ano ang ibig sabihin niyon sa Tagalog. Ang sosyal naman ng halimaw dito at nakakapagsalita ng Ilocano.
“Kapag binitiwan kita, mahuhulog ka sa hagdan. Ikaw lang din ang masasaktan.” Anas ng nilalang sa wikang Tagalog.
Tao! Ito ang sabi ng konsensya niya. Hindi isang halimaw ang may hawak sa kanya kung hindi isang tao. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga tao.

Book Comment (119)

  • avatar
    Jojo Valeros Suaso

    it's a nice story..I love it so much

    12/02

      0
  • avatar
    Melinda Regalado Oña

    nice story

    11/01

      0
  • avatar
    Rica Indino

    nice story

    11/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters