logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 2

Habang tinatap ko ang mga daliri ko sa table ay parehas kaming nagpapalitan ng matalim na tingin nung lalaking camera man.
Hindi ako nakapagtimpi at nasapak ko siya sa mukha. Kaya nandito ako ngayon sa loob ng prefect of discipline. Nabasag ang lens ng salamin niya dahil sa pagkakasapak ko. Nagalusan din ang bandang sentido niya.
"Kakagaling mo lang dito, Ms Vargas…" paalala ni ma'am Devera.
Hindi pa masyadong halata na sinapak ko siya, siguro ay bukas magiging violet na yang mata niya. Deserve naman niya 'yan.
"Anong ginawa mo, Mr. Vasquez at sinapak ka nito?" Tanong ni ma'am habang magkadikit ang mga palad.
Hindi pa ako nakakapagrecess dahil nadiretso kami rito ng makita mismo ni Prince ang pagsapak ko rito. Sinulyapan ko si Prince na kumakain ng cheesecake habang nakaupo sa sofa rito sa loob din ng POD.
Ngumiti siya sa akin at tinuro si Ma'am, kaya nabalik ang tingin ko kay ma'am.
"Shia? Anong nangyari?"
"Eh, ma'am nakakainis 'yung mukha niya!" Pinandilatan ko ng mata yung lalaki at tanging pag irap lang ang sinukli sa akin habang dinadampian ng cold compress ang mata.
"Dahil lamang doon?"
"Hindi po, ma'am! Tsaka po binastos niya ako!" paratang ko sa kaniya.
Agad naman nanlaki ang mata niya at binaba ang cold compress.
"Paano mo nasabi-"
"Gamit bibig malamang."
Pinandilatan ako ng mata ni Ma'am at sinabing pagsalitain muna yung lalaki na ang apelyido ay Vasquez!
Umayos siya ng upo at tinignan si Ma'am. "Ma'am, I don't know what she's saying. Ang alam ko lang ay ang ingay niya at panay ang tanong niya sa akin." He glanced at me and I saw how he smirked before going back to ma'am. "And as a polite person, I answered her."
Nilingon ako ni Ma'am para sa pagtatanggol ko sa sarili.
"Paano ka niya binastos, Shia?"
Umayos ako ng upo at nahagip ng mata ko ang glass door sa pagdaan nina Min at Gio na bumubuka ang bibig at nabasa ko ito na `lagot ka` Umirap ako sa kanila kaya nagtawanan ang mga siraulo.
"Ma'am, all I need is just for her to say sorry."
Napalingon ako sa kaniya at sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Ha! Ako pa talaga ang mag sosorry?!
"Eh, ma'am, siya nga po 'yung may kasalanan dahil tinignan niya ako gamit ang… may pagnanasa!" Ani ko at humalukipkip.
"Tinignan lang kita… may pagnanasa pa ako? Wag kang feelingera!" balik niya.
"Ako pa? Eh, minaliit mo pa ako. Kaming mga babae!"
"How? I just said that you're too loud and it's not appropriate for a woman. If you are a woman... Unless you are still a girl," he smirked.
Nanlaki ang mata ko at sinulyapan si Prince na naka-O na ang shape ng bibig na parang nabara ako roon. Tinignan ko si ma'am at dinuri duro ang lalaking nasa harap ko.
"Ma'am oh ayan na naman siya! Gusto mo ba dagdagan ko pa yang pasa sa mukha mo?" Tanong ko sa kaniya. Kibit balikat lang ang binalik sa akin.
"You two, stop it." Si ma'am na may toni ng awtoridad ang pagkasabi. "Prince, ikaw naman ang nakakita. For you, sino ang may mali?"
Lahat kami ay tumingin sa kaniya kaya halos hindi niya nasubo ang dapat na isusubo na cheesecake.
Iniiwasan ko si Prince pagdating namin ng room. Sinabi niya kasi kay ma'am na ako ang may kasalanan dahil sinapak ko at pwede naman daw daanin sa pag uusap.
"Shia, ikaw talaga ang may kasalanan. Bakit mo naman kasi sinapak agad!"
Hindi ko siya pinansin at pumunta sa pwesto ko para kunin ang pera sa bag ko. Nakita rin nila Gio ang pagpasok namin kaya agad ding silang lumapit sa akin.
"Uy, kumusta yung sinapak mo?" Humagalpak sa tawa si Gio at tinignan ko lang siya nang seryoso.
May iba na rin na nakikiusyoso at nagbubulungan sa mga kaklase namin. Wala akong pakialam!
"Ikaw naman kasi, Shia, nananapak ka!" Si Min habang naglalakad kami papunta sa canteen. Sa baba pa ang canteen kaya medyo mahaba-haba pa ang bababain namin dahil nasa 4th floor kami.
Buti na lamang ay 30 minutes ang recess namin kaya lang naubos ang sampung minuto sa pag uusap namin nung lalaking iyon sa POD.
"Eh, kasalanan ko ba?!" naiirita kong sinabi at nagmadali pang bumaba.
Naririnig ko ang tawa ni Gio kaya mas lalo akong naiinis.
"Malay mo nagandahan lang sayo kaya parang ang naging dating sayo ay pinagnanasahan ka!" pagpapalubag loob ni Prince dahil tampo pa rin ako sa kaniya.
"Ang feeling mo talaga kahit kailan, Shia!" Tumawa siya at inakbayan ako. "Tinignan ka lang eh. Baka naman ikaw ang may gusto roon?"
Nagtawanan sila.
Agad ko siyang tinulak at tinanggal ang pagkakaakbay niya.
"Kadiri ka! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo! Ang pangit non!"
Tumakbo na ako papunta sa canteen at iniwan sila dahil panay ang tawa. Ang sama talaga nitong mga kaibigan ko! Hindi man lang ako ipagtanggol! Well, hindi ko rin alam kung bakit bigla na lamang gumana ang kademonyohan ng kamay ko at gumalaw.
Bumili ako ng spaghetti at zestl bago umupo sa pwesto naming magkakaibigan ngunit hindi pa ako nakakalapit doon ay natanaw ko na ang lalaking sinapak ko na nakaupo roon.
Dali-dali akong nagtungo sa kaniya at binaba ang mga binili sa lamesa. He lazily looked up to me and leaned into the chair. Nag iinit ang ulo ko tuwing nakikita siya! At mas lalong nag iinit dahil sa parusang binigay sa akin ni Ma'am!
"Alis," mariin kong sinabi.
Kaunti na lamang ang nasa canteen dahil malapit na mag time kaya marami ng bakantang upuan.
Nilibot niya ang paningin niya sa buong canteen. "Maraming vacant, oh."
"So? Gusto ko rito. At dito ang pwesto namin," pagkakasabi ko non ay sakto naman ang dating nila Min na agad na lumapit sa akin.
Hinawakan ako ni Gio sa isang braso at hinawakan naman ako ni Prince sa balikat. Walang emosyon niya lang kaming tinignan.
"Uh… tara na sa kabilang table, Shia. Nakaupo na siya, oh!" Agad na kinuha ni Min ang binili kong pagkain kaya tinignan ko siga nang may pagkadismaya.
"Min? Sa atin ang pwestong ito! At alam ng buong highschool department na sa atin ang pwestong ito." Punto ko at umastang papanindigan ko na dito ako kakain mismo sa pwesto namin.
"Shia…" pagbabanta ni Prince.
Well, prince is only has a care of our image on this school dahil baka mawalan kami ng scholarship. Pero hindi naman ako naghahamok ng away, ang gusto ko lang ay umalis siya rito sa pwesto namin.
"What?" Tinignan ko sila na nahihiya na sa ginagawa ko. Nahagip din ng paningin ko ang ibang nanonood sa amin.
Walang pakialam naman yung lalaki sa amin at patuloy ang pag kain niya.
"Pre, pasensya na. Talagang ganto lang to," Si Gio at tinapik pa ang balikat nung lalaki bago ako hilahin papunta sa kabilang table.
Inis akong umupo na gumawa nang malakas na ingay dahil sa pabagsak kong upo.
"Shia, Chill! Baka hindi ka pa maka-moving up niyan!" Binuksan niya ang clover na binili niya at inalol sa amin.
"Eh, bakit parang kasalanan ko?"
"Eh, 'langya! Sinapak mo 'yung tao!" Si Gio na umiiling iling na akala ko dismayado pero natatawa naman. "Pero ang angas non, ah-Aray!" Hinampas siya ni Prince.
"Ikaw! Kaya ganiyan, eh! Kinukunsinti mo pa…" Humarap sa akin si Prince at binigay ang binili niyang Chuckie.
Kinuha ko iyon at agad na binuksan. Ito ang lagi kong iniinom tuwing naiinis at naii-stress. Lahat ng Chocolate ay comfort ko.
"Alam mo hindi naman nakakapagod ang paglilinis," natatawa niyang pang aasar.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Napasinghap silang dalawa ni Gio at sabay na humagalpak sa tawa.
"Maglilinis ka?"
"Oo," labas sa loob kong sinabi.
"Ha? Buong building?"
Umiling ako at nilunok muna ang nasa bibig bago sumandal sa upuan.
"Nope. Sa Library, sa Photo room at sa mga corridors." sabi ko habang nakatingin sa likod nung lalaking sinapak ko.
Nasa harap namin siya at patuloy pa rin sa pag kain. Naku! Kung nakakamatay lang ang titig, siguro pinaglalamayan na ito. Pero hindi naman ako ganon kasama, duh! Pero dahil sa kaniya ay mag lilinis pa ako!
Nang makabalik na kami sa room ay nagsimula na ang klase. Gen Math ang subject namin at halos 2 hours ito kaya naging tahimik ang klase at lahat ng atensyon namin ay nasa prof.
Mula lunch at pagtapos ng klase ay hindi ko na ulit nakita ang lalaking iyon kaya medyo napaisip na naman ako. Ano ba siya rito? Paniguradong hindi siya teacher dahil sa paraan nang pakikipag usap ni Ma'am, Devera sa kaniya kanina. Wala man lang nabanggit si ma'am na kung ano siya rito sa school. Baka taga linis? At ako ang papalit sa kaniya para sa parusa ko?
"So, kailan mag s-start ang paglilinis mo?" Tanong sa akin ni Minhabang tumutusok kami ng kwekwek.
Lagi kaming nag fofood trip magkakaibigan tuwing Monday, Wednesday, at Friday. MWF ba. Para raw makapagsaya kami at makakain sa street.
"Kuya, paano pag binili ko itong lahat?" Biro nila Gio kay manong.
"Ah, next week pa naman daw," sagot ko kay Min.
"Eh, nakapagpicture ka ba ng Id?" Medyo hindi malinaw niyang sabi dahil sa pagkain na nasa bibig niya.
At ang ingay ng dalawang boys, nakikipaglokohan kay kuyang vendor.
"Hindi nga, eh! Kainis!" sagot ko. "Sabi ni ma'am isasabay na lang daw doon sa pictorial na para sa flyers."
Pagkatapos naming kumain ay nagsi-uwian na kami. 7 to 3 ang school namin kaya nang makauwi kami ni Min sa amin ay 5 na. Malalaki ang agwat ng mga bahay dito at puro mga tamang laki lang ng bahay maliban sa nasa gitna ng bahay namin ni Min.
"Kanino kaya 'yan, ano?" tanong ni Min habang sinasarado ko ang maliit na gate sa amin.
Napatingin na rin ako sa Itim na mansyon. Maganda ang pagkakagawa at ang modern niyang tignan.
Sinandal ko ang braso sa railings ng gate namin. Hanggang bewang ko lang ito.
"Feeling ko galing ibang bansa may ari niyan."
Ngumiwi naman si Min. "Bakit dito pa siya magpapatayo, marami namang kalapit na subdivision dito sa atin na magagara ang mga bahay. Bakit dito pa?"
"Siguro kasi tahimik dito," nagkibit balikat ako.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at naglakad na siya papunta sa kanila. Bumuntong hininga ako at binuksan ang pinto namin. Nadatnan ko ang nakababata kong kapatid na naglalaro sa sala. Agad ko siyang binuhat at pinunasan ang dumi sa kaniyang pisngi.
May kaya lang kami kaya nag sumikap talaga akong makakuha ng scholarship para hindi na mamoblema pa sa tuition fee. Nasa ibang bansa ang mama namin at ang papa naman ay iniwan na kami. Buti lang iyon para hindi na maranasan ng kapatid ko ang naranasan ko. Hindi ko nga alam kung anong nakita niya roon sa bago niya, mukha namang higad… isama pa 'yung mga anak niya.
"Oh, Shia, nandirito ka na pala!"
Nagulat ako at napatingin sa babaeng lumabas sa kusina.
"Oh, tita. Akala ko umuwi na kayo? Hindi ba't sinabi ko po na pwede na po kayong umuwi kapag 3 na po."
Siya ang mama ni Min, si tita Rosa. Siya ang nagbabantay sa kapatid ko. Tuwing umaga ay pumupunta ako sa kanila para ihatid ang kapatid ko at para sabay na rin kami ni Min. Mula pagkabata ay si Tita Rosa ang naging parang kapatid na ni mama kaya sa kaniya niya kami pinagkatiwala.
"Naku, naroon naman si Arturo."
Suminghap ako at inalog alog ang tatlong taon kong kapatid. Hindi alam ni papa na nagkaanak sila ni mama dahil gustong makaganti ni mama sa kaniya. Pero siguro kahit pa ipaalam niya kay papa, eh wala naman na siyang paki sa amin.
"Nagluto na pala ako ng ulam. Uuwi na ako at hinahanap na ako ni Min," tumatawang sinabi ni tita.
Tumango ako at hinatid siya sa labas bago ko sinarado at ni-lock ang gate at pinto. Bumuntong hininga ako sa huling pagkakataon bago pinakain ang kapatid ko. At kumain na rin naman ako.
Habang nasa duyan ang kapatid ko ay naglinis muna ako sa labas. Binuksan ko rin ang tv para kahit papaano ay may ingay sa bahay namin. Ganito ang ginagawa ko lagi tuwing monday at friday dahil hindi ako nakakapaglinis tuwing sabado linggo dahil tumutulong ako kay Tita Rosa sa palengke.
Ngunit hindi rin ako makapag linis nang maayos dahil iyak nang iyak ang kapatid ko. Pabalik balik ako sa loob kaya in the end ay tinali ko na lang ang kumit sa dibdib ko at nilagay siya roon. Mabigat na siya kaya nang matapos ako ay ang sakit ng likod ko.
"Ang bigat mo, Sun!" reklamo ko sa kaniya kahit hindi naman niya ako naiintindihan.
Naghugas pa ako ng pinggan at naglinis na ako sa loob. Sa taas ang inuna ko bago ang baba. Pawis na pawis na ako nang natapos at nagulat nang makitang 11 na pala ng gabi. Nasa taas na ang kapatid ko at naglinis lang ako ng katawan.
Pagod akong humilata sa kama na naroon ang kapatid ko. Pinaliligiran siya ng unan para hindi kung saan saan napupunta at baka malaglag pa.
Halos atakihin ako sa puso nang mapadilat ako sa iyak ng kapatid ko. Tinapik ko ang hita niya para tumigil sa pag iyak, at tumigil naman. Ngunit nagtuloy tuloy ang pag gising ko nang paulit ulit dahil iyak siya nang iyak! Sinusumpong na naman ata.

Book Comment (114)

  • avatar
    LacsaSonny rey

    good

    6d

      0
  • avatar
    LabuayanDanny

    hello

    8d

      1
  • avatar
    TalosigRosemarie

    how to get a money

    8d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters