Balak niyang itago o ipamigay ang iba niyang mga bestida. Kumuha siya ng sweat pants na dating pagmamay-ari ni Raul at puting lose t-shirt. Hinubad niya ang kanyang sing-sing at inilagay sa lagayan nito. Tinitigan ni Emma ang sing-sing ng saglit tapos ay inilagay na niya ito sa aparador. Agad siyang naligo at pagkatapos ay nagbihis. Tinignan ni Emma ang sarili niya sa salamin, inipit niya ang harapan ng damit sa loob ng sweat pants na kanyang suot dahil mahaba ito at muling tinignan ang kanyang sarili sa salamin. Tila nakita niya ang kanyang sarili noong dalaga pa siya. Sinuklayan niya ang kanyang medyo mahabang buhok, inikot niya ito at inipitan kahit basa pa ito. Kontento si Emma na tumingi sa kanyang kabuuan. Ganito na ganito ang hitsura ng isang babaeng nasa bahay lang. Namamaga ang kanyang mga mata kaya pinisil niya ito ng bahagya pagkatapos tinaas niya ang isa niya kilay. Pipilitin niyang maging maayos pero hindi na mauulit na magmukha siyang ganito, kaylangan niyang lumaban. Bumaba siya upang linisin ang mga kalat sa ibaba na siya mismo ang gumawa. Hindi nya gusto pang makita ang dahilan kung bakit nawalan siya ng anak. Ilang oras siyang naglinis at itinapon ang lahat na ginawa niya sa basurahan. Pagkatapos ay pinagpagan ang kanyang kamay at hinugasan ito, pinunasan niya ang kanyang kamay ng tuwalya sabay naupo siya sa couch. Binuksan niya ang Tv at pinatong ang mga paa niya sa maliit na lamesa sa kanyang harapan na gawa din sa Glass. Sumandal si Emma sa likuran ng couch kaya tila gumaan ang kanyang pakiramdam. Malaya siyang nakakakilos na walang inaalala kung mayroong huhusga sa kanya. She doesn't care anymore. Saglit niyang nilapat-lipat ang channel ng Tv nang mayroon siyang narinig na sasakyan sa labas. Tinignan niya ang orasan at nakita niyang 1 Am na. Tumayo si Emma at nagtungo sa veranda sa ikalawang palapag upang silipin mula dito ang sasakyan sa labas ng kanyang bahay. Alam niyang hindi ito ang sasakyan ni Raul dahil alam nito ang tunog ng sasakyan ng kanyang asawa. Naghalukipkip si Emma at pinanood niya si Amira at ang kanyang asawa sa loob ng sasakyan dahil nakikita niya ito. Lasing si Raul at ginigising siya ni Amira. Si Amira Ash Alcantara, ang unang nobya ni Raul na kaibigan din niya, siya ang dahilan kaya pinakasalan siya ni Raul. Dahil gustong ipakita ni Raul sa dalaga na hindi hihinto ang buhay niya nang iwanan siya nito, sa madaling salita. Gumanti si Raul sa pang-iiwan nito sa kanya. Noong inalok siya nito ng kasal ay sinunggaban ito kaagad ni Emma dahil mahal niya si Raul at nais din ni Emma na matuwa ang kanyang mga magulang na umampon sa kanya. Ang maging Mrs. Salvacosta ay malaking karangalan para sa mga tao. Nakita ni Emma na hinimas ni Amira ang mukha ng kanyang asawa habang tinititigan ito. Muli na namang tumarak ang kirot sa kanyang puso ngunit hindi ito dahil sa selos kundi dahil sa galit. Habang miserable siya ay ang kanyang asawa ay nagpapakasaya naman sa piling ng kanyang unang babae na minahal. Shameless bastard. Hinalikan ni Amira sa labi si Raul na walang malay at natutulog dahil sa kalasingan. Nanggigil ang mga kamao ni Emma at nandiri siya. "Disgusting." Dismayado niyang bulong. Nakita niyang inalalayan ni Amira si Raul papunta sa gate. Narinig niya ang pagdo-door bill nito kaya naman bumaba siya at nagtungo sa gate, pinagbusan niya ang dalawa ng gate. " Hi, good evening..." Napahinto si Amira sa pagsasalita at pinagmasdan niya ang histura ni Emma. Walang make-up at mukhang tambay, bihira niyang makita ito na ganito ang suot. Halata ang panghuhusga ni Amira sa kanyan, isang tingin palang sa mga mata nito ay lumalabas na ang totoo niyang kulay. "Good morning...actually." Pagtatama ni Emma sa dalaga. Pilit na ngumiti si Amira. "Nalasing kasi silang lahat kaya ako na lang ang naghatid, don't misunderstood." Bait-baitan nitong pahayag. Kinuha ni Emma ang asawa niya at inalalayan ito. Plastic din siyang ngumit kay Amira dahil pinaplastik siya nito. "Of course, masyado kang disente at mayroong pinag-aralan para pumatol sa may-asawa." Parinig na sabi ni Emma sa kanya. Hindi komportableng ngumiti si Amira dahil tila tinamaan siya sa pahayag nito. "Thank you nalang and ingat sa biyahe." Huling habilin ni Emma bago niya isinara ang gate sa mukha nito. Gabing-gabi na ang lalandi parin. Iritable niyang inalalayan si Raul papasok sa loob ng bahay. "Mmm..." Ungol nito. Bigat na bigat siya sa kanyang asawa. "Water....mm.." Muli nitong ungol, umiling si Emma. "Inom ng inom, hindi naman pala kaya ang sarili!" Mahinang pagrereklamo nito kay Raul. Nang makarating sila sa sala ay napahandusay si Raul sa sahig. "Raul!" Kinabahan si Emma dahil muntik nang mauntog ang ulo nito. "Don't...mmm...one more..." Panay na ungol nito habang nakahiga. Kahit ano-ano na ang lumalabas sa bibig. Pinatong ni Raul ang isa niyang paa sa couch at kinamot ang kanyang tiyan, naka-suit ito pero magulo na ang pagkakatali ng kanyang necktie ganoon din ang formal shirt niya. Umaalingasaw ang amoy ng alak sa kanya. Nandidiring pinaypayan ni Emma ang ere sa kanyang harapan para maalis ang amoy ng alak. Yumuko sya. "Raul wake up! Ano ba! You need to change or you will get sick--" Napahinto si Emma sa sinasabi niya at tumayo siya nang maayos. Sanay kasi siyang pinagsisilbihan ito kaya hindi na niya maalis ang ganitong ugali. Namaywang siya at tinignan niya ang kanyang walang pakundangang asawa. "Ok, If you want to sleep here...then fine." Sabi niya at iniwan niya si Raul na nakahiga sa malamig na sahig habang naliligo sa mabaho niyang amoy. Lumipas ang mga oras at nagising si Raul. "Mmm..." Tumambad sa kanya ang liwanag ng ilaw ganoon din ang liwanag sa labas ng kanilang bahay. "What the..." Inaantok niyang bulong na may papikit-pikit pa ng mga mata. Napahimas siya sa masakit niyang ulo at umupo sya. Nagtataka niyang tinignan ang paligid. Nasa sala siya? Sa sahig sya natulog? Hindi makapaniwala si Raul sa kalagayan niya. Halata sa mukha nito ang pagtataka dahil naka kunot ang kanyang noo. Sa tuwing nalalasing siya ay gumigising siya sa kanyang kuwarto na maayos ang kanyang kalagayan dahil tinutulungan siya ni Emma. "Oh, gising kana?" Napalingon si Raul sa kanyang asawa na kakababa lang sa hagdan at dumiretso sa refrigerator. Ngayon lang niya nakita ang kanyang hindi prisintableng kasuotan. Hindi naka night gown si Emma at walang make up. Nagtatakang nag-unat ng leeg si Raul at tumayo siya. "Why I'm here?" Takang tanong nito sa kanyang asawa. Kumuha ng tinapay si Emma at palaman. Umupo siya sa counter at nilagyan ng palaman ang kanyang tinapay. "Isn't obvious? Diyan ka nakatulog sa kalasingan." Direktang sagot ni Emma sa kanya sabay kuha nito ng kanyang cellphone at nanood. Nagtaka si Raul sa tono nang pananalita nito. Madalas malumanay siya nito kung kausapin ngayon ay parang walang oras si Emma na kausapin siya. Tumawa si Emma habang nanonood sa kanyang phone ng comedy show. Hinimas ni Raul ang kanyang ulo sabay pulot sa Jacket suit niya na nasa lapag din. Napangiwi siya nang maamoy niya ang kanyang kuwelyo. "Ahg...bakit hindi mo'ko dinala sa kuwarto? You left me here?" Mapait na tanong ni Raul sa asawa. Hindi pinansin ni Emma si Raul kaya nag-iinit ang ulo nito. "Emma!" Gulat na napatingin si Emma sa kanya. "What-what? Why?" Takang tanong ni Emma sa kanya. Bahagyang natigilan si Raul at tinitigan niya ang kanyang asawa. Gustong sabihin ni Raul kung bakit hindi siya dinala nito sa kuwarto para bihisan at punasan tulad ng lagi nitong ginagawa. Pero hindi niya masabi dahil parang nagde-demand siya nang pag-aalaga mula sa babaeng kahit minsan ay hindi niya minahal. "Never mind." Sagot ni Raul at umakyat nalang siya papunta sa kanyang kuwarto. Tinaas ni Emma ang isa niyang kilay, sinadya niyang hindi ito pansinin dahil sumasama lang ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita ang mukha nito. Matapos niyang kumain ng tinapay ay nag-coffe si Emma, kinuha niya ang isang libro sa kanilang hindi masyadong kalakihang library. Tumambay siya sa kanilang outdoor garden at nagbasa hanggang sa magsawa ito. Bumalik siya sa loob at sakto namang bumaba si Raul sa hagdan na bagong bihis at bagong ligo, medyo hilo pa ito pero kaylangan niyang pumasok. 10 Am na at marami nang tawag ang assistant niya dahil puno ang kanyang schedule ngayong araw. Nagugutom din ito. Nakita niya si Emma na papunta sa library para isuli ang libro nitong hawak, hindi siya madalas kumakain dito sa tuwing nagluluto ang kanyang asawa ngunit sa pagkakataong ito ay nagugutom siya. "Emma, what did you cook?" "May mata ka tignan mo sa Ref." Nagimbal ang pagkatao ni Raul at napahinto siya sa pagbaba ng hagdan dahil sa balagbag nitong sagot sa kanya. Parang Nanay siya nitong pinagalitan. "What on Earth..." Hindi niya makapaniwalang bulong. Hindi siya sanay sa pagiging agresibo ng tono nang pananalita nito. Walang nagawa si Raul kundi pumunta sa kusina at buksan ang Refrigerator. Puro tira ang pagkaing nakita niya dito. She didn't prepare food for him...for the first time in his life. Paggising palang niya nang umaga ay nakabuntot na ito sa kanya para alukin siyang kumain bago pumasok sa trabaho pero madalas pinipili nyang kumain sa opisina at nago-order nalang. Nagtataka man ngunit kinalma ni Raul ang kanyang sarili. Narinig ni Raul ang paglabas ni Emma sa library at paakyat na ito ng hagdan. "Mamayang gabi may formal dinner tayo kasama ng mga kaibigan ko. Babalik na ang iba sa kanila sa ibang bansa and they want to spend more time with me!" Sabi niya kay Emma. "Susunduin kita mamaya, 8 Pm!" Pahabol ni Raul. Binalik ni Raul ang pagkain niya sa refrigerator. Sa opisina nalang siya kakain at nawalan na siya nang gana. "K." Tipid na sagot ni Emma sabay panhik sa kuwarto niya. Hindi mapalagay na naglakad si Raul palabas ng pintuan. Takang-taka sa nangyayari, tiningala niya ang hagdanan nang saglit. Nasa kuwarto na si Emma at hindi na niya ito nakita. Hinawakan niya ang doorknob ngunit hindi niya ito binuksan. Nagdalawang isip muna siya bago magsalita. "I'm going!" Sigaw niya upang marinig ni Emma ngunit hindi ito lumabas ng kuwarto upang makita siyang umalis. Madalas sinasamahan sya ni Emma sa garahe at hihintayin siya nitong umalis tapos ay nakangiti siya nitong kakawayan paalis. Hindi alam ni Raul kung anong nangyayari ngunit hindi siya sanay sa kinikilos nito.
salamat pu sa inyo
18/03/2025
0nice app
08/03/2025
0so beautiful
18/11/2024
0View All