logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4 : Syudad Del Moonterifico

Chapter Four : Syudad Del Moonterifico
"Nandirito na ba talaga tayo? Waahhhh! Hindi ko pa rin maprocess sa aking utak na meron palang ganito dito sa Lacoste," anang si Ashley habang pababa kami sa valley.
"Tama nga si pareng Maicko. Nakatago lang ang lugar na ito at hindi pa nadidiskubre," sabi naman ni Timothy.
"Mabuti na iyon dahil baka pag nalaman ito ng mga mortal ay baka magkaroon pa ng sakupan ng teritoryo ang mangyari," segunda naman ni Lucas.
"Pero sa tingin ko hindi basta basta nakakapasok ang mga tao dito. Pakiramdan ko kanina ay parang may malaking harang tayong nadaanan papasok dito sa loob," saad ko.
"Like portals?" Tumango ako sa tanong na iyon ni Maicko. Hindi nya ba naramdaman iyon?
"Hindi ko sya naramdaman o napansin. O baka dahil masyado akong seryoso sa daan."
"Baka nga!"
ISANG malakas na dagungdong ang umalingawngaw sa buong paligid. Malakas na umuga ang buong lugar.
"AAAHHHHHH!" sigaw ni Ashley dahil napabitaw sya sa baging na hinahawakan namin para makababa.
"ASHLEYYYYYYY!" malakas na sigaw mula sa akin ang narinig dahil sa kaba.
"AAAHHHH! HELPPPPPP MEEEEE!" muling sigaw nya at tuluyan na ngang napabitaw. Sht si Ashley mahuhulog.
Mariin akong napapikit dahil ayaw kong makita ang mangyayari. Mataas ang lugar na kinalalagyan namin. Ayokong makitang mahulog si Ash pababa. Ayoko! Mawawalan ako ng kaibigan. Ayoko!
Naiiyak na ako. Sht!
Naramdaman kong may yumugyog sa akin kaya napamulat na ako. Wala na din akong narinig na sigaw mula sa nahuhulog na si Ashley.
"Hey! Luna okay na! Huwag ka na matakot. Ligtas si Ashley."
Kaya dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at nakitang nakahiga na ako sa malawak na damuhan. May naririnig din akong lagaslas ng tubig sa paligid.
"Nasan na tayo? S-Si Ashley?"
Humahangos na tumakbo at lumapit sa akin si Ash. Mahigpit na niyakap ako nito.
"Hey! I'm sorry to scared you Buwan. Sorry!"
Doon ay nakahinga ako ng maluwag. Ayoko mawalan ng kaibigan. Ayoko!
"Tinakot mo ako Ash! Mabuti naman at ligtas ka. P-Papano ka naka--- OH MY GOSH! GIANT!!!"
Sigaw ko nang makita ko kung ano ang nasa likuran nya. Halos takbuhin ko na ang pagitan namin ni Lucas na nasa medyo kalayuan sa akin dahil sa gulat.
"B-Bakit m-may higante dyan? Anong ginagawa nya dyan?" nauutal na tanong ko habang nakasubsob sa dibdib ni Lucas. Jusko naman!
"Sya ang nagligtas sa akin. Sya din ang nagbaba sa inyong apat patungo dito," nakangiting sagot nya.
Kumawala ako sa pagkakayakap kay Lucas dahil masyado na akong chansing sa kanya. Joke! Bumaling ang tingin ko dun sa higante. Mukha naman syang harmless.
"H-Hi?!" bati ko dun sa higante. Ngumiti ito sa akin at ginulo ng kanyang isang daliri ang aking buhok. Naks! Meganon?
"Ang cute mo Buwan!" napangiwi ako sa sinabi ni Ashley.
HABANG naglalakad kami patungo sa kung saan ay biglang may sumigaw. Napalinga ako sa kanan ko ngunit wala at ganun din sa kaliwa. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad dahil baka guni guni ko lang iyon.
Pero maya maya ay may muling sumigaw. Isang tinig ng lalaki na para bang may tinatawag. Kinublit ko si Lucas na nasa aking tabi.
"Bakit?"
"May naririnig ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Meron! Boses ng lalaki. Ewan ko kung sinong tinatawag nun. Bakit? Naririnig mo din ba?"
I nodded my head.
"Talaga?"
"Oo! Ang sakit nga sa tenga, ang ingay ingay. Pero hindi ko naman makita kung nasaan."
Napatingin ako kay Maicko na nasa unahan at palinga linga ito. Mukhang nakikiramdam.
Napahinto kami nang biglang may punong papabagsak sa pwesto ko. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa pagkabigla. Nagulat ako nang biglang sumigaw si Ashley. Hindi lang simpleng sigaw na natatakot. Kundi sigaw na napakalakas na halos bumalik sa pinanggalingan iyong puno na papabagsak sa amin. Kulang na lang din ay mawasak iyon dahil sa impact ng sigaw nya.
What was that?
Gulat akong napatingin sa pwesto nya. Maging ang tatlo ay nagulat din sa nangyari at ginawa nya.
"OH MY G! ANONG GINAWA KO???" gulat na tanong nya. Napatakip sya sa kanyang bibig at napaupo sa damuhan. Agad syang dinaluhan ni Timothy at Maicko.
Samantalang kami ni Lucas ay nakanga-nga pa rin sa kanya.
"Meron din sya! Hindi iyong isang simpleng sigaw lamang. Halos mawasak na nya yung puno sa lakas niyon," wika ni Lucas nang makaget over sa nangyari.
"Ganun din ang naiisip ko. Pero sino ang may gawa ng bag---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa isang tinig ng lalaki.
"WOW! That was so unbelievable!" isang baritonong tinig ang nagmula sa itaas namin ngunit wala akong natagpuang tao doon.
Nataman kong pinagmasdan iyon at doon ko napansin ang isang bagay.
"Sino yan? May tao ba dyan? Magpakita ka!" sigaw ni Timothy. Nakatayo na si Ashley at hinahanap din ang nagsalita.
"Hoy Khron! Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin," muling sabi nito. Nakita kong napayuko yung higante.
"Pasensya na Master! Hindi ko kayo naririnig," sagot nung higante na si Khron daw.
"Kausap mo ba yung lalaking nagsasalita?" tanong ni Ashley kay Khron the Giant. Tumango tango naman ito.
"Hoy! Magpakita ka!" muling sigaw ni Timothy.
"At bakit ko naman gagawin iyon?" mayabang nitong sagot na ikinainis ni Tims. Sinenyasan ko naman si Maicko na pigilan sya kaya ginawa naman nya.
Tumikhim ako bago muling tumingin sa taas na kung saan may nakita akong kakaiba. May gumagalaw sa itaas. Kung sa normal na tao ay hindi iyon mapapansin ngunit sa akin ay kitang kita ko iyon. Katulad nang makita ko ang mga bakas ng sasakyan at yung pangalan ng lugar na dinaanan namin kanina papasok.
Ramdam ko itong tumingin sa akin kaya ngumiti ako kahit hindi ko nakikita ang expression nya.
"Hindi mo na kailangang magtago pa. Invisible ka diba? Bakit nadyan ka sa taas? Lumilipad ka ba? Bumaba ka nga nangangawit na leeg ko eh." casual na pakikipag usap ko dito. Naramdaman kong pipigilan sana ako ni Lucas pero inawat ko sya.
"Easy ka lang dyan Lucas! Kaya ko 'to."
Tumigil naman at nagmasid na lamang si Lucas. Nakita ko namang unti unti nang lumalapag sa lupa yung lalaki.
Napasunod ko sya?
"H-How d-did you do that?" mangha nyang tanong habang nakatingin sa akin na naka awang ang mga labi. This time ay nawala na ang pagkainvisible nito at nakikita na ang kanyang tunay na itsura.
"Shocks! Ang gwapo!" bulalas ni Ashley.
Tama naman kase sya. Gwapo naman talaga ang lalaking nasa harapan namin. Kung gwapo na ang tatlong kaibigan namin ay mas dumoble yata ang kagwapuhan nito. Dahil siguro isa syang maharkika?
Paano ko nalaman? Simple lang! Pang royalty ang kanyang kasuotan.
"Hoy Khron! Saan mo napulot ang mga batang ito?" Baling nya sa higanteng nagkakamot ng ulo. Muli syang tumingin sa akin at pinasadahan ang buo kong katawan.
"Pasensya na Master! Mahuhulog kase yung babae kaya tinulungan ko silang makababa dito. Mula sila sa valley."
Tiningnan nya ang apat kong kasama bago muling tuningin sa akin.
"Kung ganun... Mula kayo sa--- F*ck! Kailangan itong malaman ng Hari at Reyna. May nakapasok na mga taga lupa sa Syudad."
Agad syang nagmadali. Nagulat pa kami nang makitang lumutang sya sa ere.
May pakpak ba sya?
"Silly! I don't have any wings. I have magic!" nakangisi nyang sagot.
Nanlaki ang aking mga mata. Narinig nya ang iniisip ko? Nababasa nya ba ang iniisip ko?
Muli itong tumawa ng mahina. Para bang aliw na aliw sa akin. Akmang lilipad na ito palayo nang pigilan ko sya.
"Sandali lang! Isusumbong mo ba kami? Makukulong ba kami o ipapatapon sa kung saan?"
"Bakit? Natatakot ka ba?"
Umiling ako. "Hindi! Nagtatanong lang ako." Napangisi ito.
"Don't worry! Ipapaalam ko lang ang mga nangyayari dito bilang isang Prinsipe. Hindi nila kayo sasaktan dahil mga bisita kayo." sabi nito bago lumipad papalayo.
Nagulat kami nang yumukod si Khron the Giant upang makasakay kami sa kanyang balikat. Ginawa naman namin ang gusto nya dahil kung maglalakad lang kami ay baka isang taon kaming abutin sa daan. Masyadong malawak ang lugar na ito at puno ng iba't ibang klase ng hayop na nagkalat at mga puno.
Kitang kita namin ang pagilid nang dinadaanan dahil nasa balikat kami ng Khron.
Nasa isang malawak na kagubatan kami na may iba't ibang kulay ang mga dahon ng bawat puno. Isang malaking kaharian ang bumungad sa amin. Nasa gitna ito at malawak ang nasasakupan. May mahabang tulay dun na nagsisilbing daan papunta sa kabilang bahagi dahil ilog ang nasa ilalim nito.
Ibinababa kami ni Khron sa malawak na hardin ng kaharian. Nagulat kami ng may mga gwarding nakasuot ng bakal na damit ang lumapit sa amin.
Ngunit tumikhim si Khron bago umiling, kaya umatras ang mga gwardya at bumalik sa mga pwesto nila.
"Masyado akong kinabahan doon. Akala ko ay huhulihin na tayo at ipalapa sa mga wild animals out there."
"Ang oa mo Ashley!"
"Hoy! Anong oa ka dyan. Natigilan ka nga din eh. Kinapitan mo pa ako sa braso. Masyado kang halata pareng Timothy."
Inismiran lang sya ni Tims.
"Aso't pusa talaga kayong dalawa." sita ni Lucas.
"Oh? Talaga ba? Ikaw nga dyan eh malapit nang maihi." pang asar ni Ashley.
Natawa naman ni Timothy kaya aambahan sana sya ng suntok ni Lucas nang may tumikhim mula sa gilid namin. Nandoon yung lalaki kanina at nakangisi ito-- sa akin.
Siniko ako ni Lucas.
"Mukhang malakas tama nyan sayo ah." sabay nguso sa lalaking nakangisi pa din sa akin. Agad kong iniwas ang tingin dito.
Pinalo ko sya sa braso. "Tigilan mo nga! Ang dumi ng utak mo pakilinis. Nakangiti lang may tama na agad? Ikaw kaya tamaan ko?"
Ngumuso sya. "Joke lang di na mabiro."
ISANG magiliw na tinig ang bumulaga sa amin.
"Maligayang pagdating sa Kaharian ng Moonterio Vantrecastle, aming mga magigiliw na panauhin."
Isang maganda at nakangiting babae ang lumabas mula sa bulwagan ng kaharian. Base sa suot nito ay isa itong reyna at hari ang kanyang katabi. Magagara at talagang kamangha mangha ang kanilang kasuotan. Walang duda, sila ay pamilya ng mga Royalty.
"Bukas ang buong kaharian para sa inyong magkakaibigan." sabi ng hari.
"Maghanda ng isang salu-salo para sa mga panauhin. Linisin ang limang kwarto para sa kanilang pansamantalang pagpapahingahan." maawtoridad na utos ng hari sa mga katulong na agad namang nilang tinalima.
Pinapasok kami ng mga gwardiya sa loob. Tumambad sa amin ang malawak na bulwagan ng kaharian. Mahaba at engrandeng staircase patungo sa ikalawang palapag ng kaharian. Malalaking chandelier ang nagsabit sa taas.
Inshort nakakasilaw ang lahat ng gamit sa loob at maging ang mismong kaharian.
Iginaya kami ng isang katulong papunta sa hapag kainan ng palasyo.
"Naririto kayo sa Syudad Del Moonterifico kaya ang aming kaharian ay nagagalak na maging panauhin kayo. Huwag kayong mag alala walang gagawa sa inyo ng masama habang nasa puder ng kaharian kayo," naka ngiting wika ng reyna.
"M-Maraming salamat po!" wika ko.

Book Comment (222)

  • avatar
    LiliAbello

    interesting story. keep it up author ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ

    27/04/2022

    ย ย 1
  • avatar
    Laichelle De Larna

    Subrang ganda ng story

    12h

    ย ย 0
  • avatar
    Julius Sumicad

    it is soo boring

    7d

    ย ย 0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters