logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 2 : The Truth

Chapter Two : The Truth
KINABUKASAN ay sinabi ko kina Mommy na kailangan ko munang umalis upang hanapin ang tunay kong mga magulang. Hindi nila ako pinigilan pa dahil alam nilang iyon talaga ang nais ko.
"Anak huwag mong kalilimutan na balikan kami ng Mommy mo ah. Mamimiss ka namin Princess!" malungkot na sabi ni Daddy.
Ngumiti ako at niyakap si Daddy.
"Naman Dad! Kapag nakita ko na sila ipapakilala ko pa kayo. Hindi ko kayo malilimutan ni Mom dahil utang ko ang buhay ko sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo siguro ay hindi na ako nabuhay at naririto ngayon. Mamimiss ko din po kayo ng sobra!"
I kissed my Dad's cheeks. Yumakap na din sa amin ni Dad si Mom at hinalikan ako sa pisnge.
"Thank you for everything, Mom and Dad! I love you both!"
"We love you din Princess!" Dad kissed my forehead kaya napapikit ako. "We love you baby! Mamimiss ka ni Mommy."
They're the most kind, lovable and sweet parents to me. Kaya I'm gratefull that sila ang nakapulot sa akin noon.
"Mom can I ask?"
"Hmm? What is it baby?"
"Where is the exact place you saw me that time, Mom?" puno ng kuryusidad sa boses ko. Nais kong malaman baka magkaroon ako ng lead kung saan ang tunay kong tahanan.
Umayos ng upo si Mom bago nag isip ng malalim.
"Hindi ko na alam kung anong pangalan ng lugar na iyon pero ang natatandaan ko lang ay isang malawak at mahabang ilog. Walang katapusan ang pag agos ng tubig nito. Kulay krystal at kumikinang ang tubig kahit na dinaanan ng bagyo at baha."
Natigilan ulit sya saglit.
"AAHHH! Tama!" aniya na parang may naalalang isang mahalagang bagay.
"Nakita mo iyon, diba Mahal?" tanong nya kay Dad. "Alin Mi?" takang sagot naman ni Dad.
"Yung kaharian sa ulap. Iyong pinanggagalingan ng tubig sa ilog. Sabi mo sa akin nung paalis na tayo at karga ko si Luna noon na may napansin kang isang kaharian sa itaas, lumulutang iyon."
Kaharian? Sa itaas ng ulap? Lumulutang na kaharian? WHAT?!
"AHHH! Oo! Nakita ko pero hindi ako sure kung totoo ang nakita ko at hindi isang ilusyon lamang." sabi ni Dad.
"Kaharian? Ilusyon? Dad? Mom? Did you guys something didn't tell me?" naguguluhang tanong ko.
"Anak!" hinawakan ni Mom ang mga kamay ko. "Siguro ito na ang tamang panahon upang sabihin sayo na hindi ako tunay na nnagmula sa mundo ng mga tao."
Halos hindi agad ako naka react dahil sa sinabi nya.
"Mom! What are you talking about? Dad?" baling ko kay Daddy na tahimik lamang at sinabing makinig ako sa paliwanag ni Mom.
"Hindi ako dito nakatira anak, kundi sa ibang mundo. Mundo ng salamangka. Ako ay isang white witch." Napanganga ako sa narinig at muntik nang mahulog sa pagkakaupo dahil sa kanyang inamin.
Isa syang mangkukulam. Specifically, a white witch.
Ngunit paano?
"Isang adventurer ang Daddy mo noong unang kita namin. Naligaw sya sa lugar namin at hindi na nakaalis. Nagkagusto ako sa kanya ngunit ayaw sa kanya ni Ina dahil isa syang mortal. Bawal at hindi pwede kaya nagpasya syang isama na lang ako sa kanyang pag alis. Mahal namin ang isa't isa kaya ninais kong sumama na lamang sa kanya. At isa ngang malakas na bagyo ang dumating na nagdulot ng malawakang pagbaha sa buong lugar. Nagkakagulo kinabukasan pagkalipas ng bagyo kaya nagkaroon kami ng chance na tumakas ng Daddy mo. At nang papalabas na kami sa lugar na iyon ay saka ka namin nakita. Nakalagay ka sa isang napakagandang higaan at umiiyak ka. Naawa sayo ang Daddy mo dahil nag iisa ka lang kaya kinuha ka namin at dinala dito sa mundo ng mga tao."
Sa buong oras na nagkukwento si Mom ay may nagtutukso saking pakinggan ang bawat detalye ng kanyang sinasabi.
"Dinala ka namin dito at pinalaki na parang tunay na anak. Dahil hindi kami magkaanak ng Daddy mo ay pinaregister ka namin bioang amin. I'm sorry for not telling you the truth about us baby. Natatakot akong baka matakot o kamuhian mo ako dahil inilayo ka namin sa tunay mong mundo. I'm so sorry anak!"
Niyakap ko si Mom na umiiyak na.
"Its okay Mom! I understand you po. Salamat na rin po ako dahil kinuha nyo dahil dahil kung hindi ay baka iba pa ang makapulot sa akin." pag aalo ko kay Mom.
"19 years na simula nang umalis kami ng Daddy mo sa lugar na iyon. Pero alam ko na doon ka nagmula. Ngunit hindi ko lang alam kung saang angkan."
Ngayong may konte na akong pagkakakilanlan sa aking sarili ay mas ninais kong malaman kung sino ba talaga ako. Nang malaman ko kay Mom ang about sa ibang mundo ay parang mas gusto kong puntahan ang lugar na nakita namin kahapon. Para kase iyong misteryo at palaisipan sa akin.
Umalis na sina Mom para pumasok sa trabaho kaya ako na naman ang naiwan dito sa bahay na mag isa.
Gumagawa kase ng drama yung apat para payagan silang sumama sa akin. Kaya ngayon ay kailangan nila munang magpakabait sa mga magulang.
Naligo muna ako bago humarap sa aking computer. Nag search ako ng tungkol sa mga kaharian at mga mahika.
"Totoo pala ang bagay na ito? I tought that this is just an imaginary at sa mga palabas lang meron." bulong ko habang nagbabasa.
Hindi ko aakalain na mula pala ako sa kakaibang mundo. I really live fantasy books and movies. Lalo na itong Harry Potter at minsan pa nga ay naiimagine kong naroroon ako. At ngayon? Heto malalaman ko ang totoo na may magic pala talaga. Silly me!
Nasa kalagitnaan ako ng pag aaral about sa mga powers and magic nang biglang tumunog ang phone ko. Kaya agad kong sinagot ang tawag.
"Hello! Luna's speaking!"
Isang mahinang hikbi ang narinig ko mula sa kabilang linya kaya agad kong tiningnan ang caller. Si Lucas ang tumawag sa akin.
"Hello? Lucas are you still there? What happened? Why are you crying?"
"L-Luna! A-Ang sakit sakit." nahihirapang sagot nya.
Bigla akong nag alala sa kanya lalo na at umiiyak sya. Kapag kase ganun ay about sa parents nya ang dahilan at sa akin sya lumalapit.
This is what I like from him. Kapag masama ang loob nya sa amin agad sya pupunta o lalapit at hindi sa ibang tao. Hindi rin sya naglilihim sa aming apat kaya kapag ganito na sya at agad ko syang dadaluhan ng yakap. Alam kong pasaway sya at may pagkamatigas ang ulo pero deep inside he's really soft guy.
"What happened Lucas? Tell me pinag aalala mo ako."
"Can you come-- No! Ako na lang pala ang pupunta dyan. I-I j-just badly want someone to lean on right now."
"Sure! You're always welcome here. I'll wait for you!"
Tsaka nya binaba ang tawag. Ilang minuto lang naman ay may narinig na akong busina sa labas.
Hindi na ako bumaba dahil alam naman nilang welcome sila palagi dito sa bahay. At si Mom na din ang nagsabi na huwag na silang mahiya at pumasok na lamang.
Bumukas ang pinto at isang namumulang Lucas ang bumungad sa akin. Mugto ang kanyang mga mata at namumula pati na ang ikong. Agad itong tumakbo at yumakap sa bewang ko at nagsimula na syang umiyak ulit.
Hinagod ko ang kanyang likod at sinuklian ang kanyang yakap ng isang magaang yakap. Yakap na may pag aalaga.
"What happened Lucas? Bakit ka umiiyak? Is it about Tita Lani and Tito Ken?"
Tumango sya bilang sagot. "Pero may mas higit pa."
"Its okay! You can tell me kapag okay ka na."
Mas matanda sya sa akin ng isang taon pero parang ako pa iyong ate sa aming dalawa. I understand naman dahil nasasaktan sya. She needs a sister right now.
Yinakap ko lang sya hanggang maging okay na sya. Kinuha ko sya sa kitchen ng tubig para painumin. Mahirap ng nadihydrate pagkatapos mong umiyak nang umiyak, noh.
"Ano okay ka na ba?" Tumango naman sya. "You can tell me na. My ears are ready!"
Huminga muna sya ng malalim bago tumingin sa akin.
"Sinabi ko kina Dad na sasamahan ka namin na hanapin ang parents mo. Wala silang kaso doon dahil para ka na din nilang anak. Pero kanina nag uusap sila ni Mom about something. Rinig na rinig ko kahit nasa kwarto ako at nasa sala sila."
"Nakapagtataka diba? Naririnig ko ang pinag uusapan nila kahit malayo ako. At tungkol iyon sa akin."
"And?" naghihintay ng susunod nyang kwento. Sabagay nakapagtataka nga iyon. Maliban na lang kung may powers sya.
Powers?
Hindi kaya? No-- impossible!
"Nalaman kong hindi pala nila ako tunay na anak at binigay lamang ako ng isang matanda sa kanila. Pinaalagaan lamang ako sa kanila. Hindi ko sila tunay na magulang. Nagalit ako dahil kung ano anong sinasabi nila kahit na ang totoo ay natatakot lamang ako na malaman ang totoo, kaya pinuntahan ko sila sa sala. Sinabi nila ang totoo sa akin."
Nagsimula na ulit syang umiyak. Kay hinawakan ko ang kamay nya.
"Alam mo ba kung ano pa ang kinagagalit at kinasasama ng loob ko? Sinabi nila sa akin na hindi ako nagmula dito. Hindi ako normal na tao gaya nila. Na may kapangyarihan daw ako. Na nagmula talaga ako sa mundo ng mga kakaibang nilalang. Ang sinungaling nila diba? Hindi na nga nila sinabi sa akin ang totoo na hindi nila ako anak, nagsisinungaling pa sila na iba ako. Hindi ako abnormal, Luna. Hindi!"
So, isa din pala sya. May kakaibang kakayahan din sya. Kaya niyakap ko sya nang sobrang higpit.
"Naiintindihan kita. Kung bakit ganyan na lang ang galit at nararamdaman mo. Naiintindihan kita Lucas. Pero hindi ka abnormal. That's a gift, a blessing!"
Napabitaw sya sa yakap ko at inis akong hinarap.
"Sa tingin mo ba ay ganun ako? Naniniwala ka sa kanila na hindi ako tao? Kung ganun, ano ako? Ano ako Luna sabihin mo!"
Sumisigaw na sya.
"Makinig ka muna sa akin. Inamin sa akin ni Mom kanina na hindi sya galing sa mundo ng mga tao, na nagmula din sya sa ibang mundo. Tulad ng sinabi ng parents mo ganun din ang sinabi nya at naniniwala ako doon."
"A-Ano? S-Si Tita Eunice ay hindi tao?" I nodded.
"Isa syang white witch. At nalaman ko din na nakuha nila ako ni Dad sa kakaibang mundo. Hindi din ako taga rito. Hindi tayo taga dito, Lucas. Kaya I badly want to go there, sa Casa De Moonterifico. Baka nandoon ang sagot sa ating mga katanungan."
Halos hindi sya makapaniwala sa nalaman.
"Do you want to go with me? Do you want to know the truth about us, Lucas?"
Desididong tumango sya sa akin. I smiled back at him.

Book Comment (222)

  • avatar
    LiliAbello

    interesting story. keep it up author ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ

    27/04/2022

    ย ย 1
  • avatar
    Laichelle De Larna

    Subrang ganda ng story

    16h

    ย ย 0
  • avatar
    Julius Sumicad

    it is soo boring

    8d

    ย ย 0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters