logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

“HI, LANI! Sabay na tayong mag-lunch.”

Nginitian lang ni Lani si Jim, isa sa mga staff ng kompanya na napapansin niyang madalas na umaali-aligid sa kanya.

“Mauna ka na. Hindi ko pa kasi puwedeng iwan ang mga ito. Baka may masabi pa na kung ano ang amo ko.”

Ikatlong araw pa lang niya noon bilang sekretarya ni Thad ay tinambakan na agad siya nito ng paperworks, kaya hindi siya puwedeng magpabaya. Batid naman niyang bawat galaw niya ay mino-monitor nito.

“Naku, mas mapapagalitan ka n’on. Mahigpit si Sir Thad sa pagtatrabaho pero pagdating sa breaktime, obligado kang mag-break.”

“Okay lang `yon. Hindi pa naman ako nagugutom, eh.”

She knew Thad was waiting for her to give up. To quit. But she would never give him that satisfaction.

Mayamaya ay may malakas na tumikhim sa kanyang likuran. Natigilan siya at hindi na nag-abala pang lingunin iyon dahil kilala niya kung sino iyon. Patunay na rin ang biglang pamumutla ni Jim.

“What are you still doing here, Mr. Manansala?” tanong ni Thad.

“Niyayaya ko lang mag-lunch si... si Lani, Sir.”

“Really? At ano ang sagot niya?”

“M-mauna na raw ako.”

“Well, bakit nga naman hindi ka pa mauna?”

“Y-yes, Sir.” Agad nang nagpaalaam si Jim kay Lani bago mahinang nagpaalam na rin kay Thad.

That only left her and Thad since all of the employees were already out for lunch.

“Ikaw, Miss Guerrera, bakit nandito ka pa?”

“Marami pa akong trabaho.” 'Thanks to you.' “Sir.”

“These can wait.” Kinuha nito ang mga papeles na inaayos niya. “Mag-lunch ka na. Marami pang oras para tapusin ang mga ito.”

Pero inagaw lang uli ni Lani ang mga papeles. “I want to use my free time working, thank you very much.”

He gave her the look he used to intimidate his employees with. Too bad she wasn’t intimidated at all. Nang mapagtanto marahil nito na wala siyang balak iwan ang trabaho niya ay napabuntong-hininga na lamang ito.

“Do I have any scheduled meeting this afternoon?” pagkuwa’y tanong nito.

“None, Sir.”

“Then I’ll be at the construction site.” Nakatalikod na ito nang muli itong humarap kay Lani. “Oo nga pala, kapag tumawag si Michelle, ask her to leave her number and I’ll call her up later.” Iyon lang at tinalikuran na siya nito.

'Michelle? Who’s Michelle?'
“Anything wrong, Miss Guerrera?”

Nagulat pa si Lani nang muli na naman itong humarap sa kanya. “Ah, no.”

Tinitigan siya nito. Ilang araw na niyang napapansin na madalas siya nitong titigan, na tila ba pilit nitong binabasa ang kanyang iniisip. Hinayaan na lamang niya ito, tutal hindi naman ito nakakaistorbo sa kanya. Kung iyon ang paraan para hindi na niya marinig ang walang maya’y maya nitong utos at reklamo, mas mabuti ngang titigan na lang siya nito maghapon.

“Lani, do me a favor, will you?” Pahapyaw nitong kinamot ang noo. Nakita niyang naghilom na ang bukol nito.

Teka. Lani? Tinawag siya nito sa first name niya?

“Ano `yon, Sir?”

“Eat something,” utos nito sa kanya.

“I’ll be fine, Sir.”

“No, you’re not. Look at yourself. You’re so skinny that if you turn sideways and stick out your tongue, you’d look like a zipper.”

“A what?”

“Just... eat something.”

“Ingat kayo, Sir. Baka isipin kong nag-aalala kayo sa akin.” Buwisit na ‘to. Hindi ako mukhang zipper, ‘no?!

“Hindi ako nag-aalala. Ayoko lang na sa gitna ng trabaho ay bigla ka na lang himatayin dahil sa kakulangan mo ng nutrisyon sa katawan. Baka makasuhan pa akong abusado sa mga empleyado.”

Binitiwan ni Lani ang hawak na ballpen. Since nasa mood itong makipag-usap sa kanya—na hindi nito madalas gawin—sasamantalahin na niya ang pagkakataong sagut-sagutin ito. Tutal naman, officially ay off duty sila.

“Sa dami nitong ibinigay mong trabaho sa akin, you should feel lucky I’m not suing you for harassment.”

“I’m not harassing you. May policy ang kompanyang ito about free time. 'I' should be the one suing 'you' for not following it.”

“Company regulations say, one is free to do whatever she wants during her spare time,” panga-ngatwiran niya.

“Thad’s Regulations say—” he pointed out, “Free time should be spent either taking a break or nourishing one’s body before resuming work.”

“How about leaving her alone and giving yourself a break?”

Sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan ng nagsalitang iyon. Natatandaan ni Lani ang lalaking nakatayo na ngayon sa may entrance ng department office nila. Isa ito sa mga kasama ni Thad nang gabing unang beses silang magkita ng binata kung saan siya napagkamalan ng mga ito na nagbebenta ng aliw.

“Don’t look at me like that, Miss Guerrera,” nakangiting wika ng lalaki. “Hindi talaga namin agad na nakilala na ikaw ang anak ni Senator Guerrera no’ng una ka naming makita. I’m really sorry about that, by the way.”

“Byron, what are you doing here?” tanong ni Thad. “Aren’t you supposed to be covering that war in Mindanao?”

“Tapos ko na ang report ko roon. I’m on a break right now. Which reminds me, ikaw di n ay kailangan na ng breaktime. Tini-terrorize mo na ang mga empleyado mo.”

Lani could only nod her head in agreement.

“Kailangan din ako sa construction site ng bagong building na ipinapagawa ng kumpanya. Kaya pass na muna ako sa gimmick ng barkada ngayon.” Tumingin si Thad sa wristwatch na suot nito. “I have to go now. Dapat pa akong makabalik dito mamaya for some paperworks.”

Nang makalayo si Thad ay si Lani naman ang hinarap ni Byron. “What did you do to my friend, Miss Guerrera? Bakit parang ayaw na niyang iwan itong opisina niya?”

“Lagi namang ‘yang ganyan.”

“Of course not. Ang gusto niya noon ay laging lumalabas dahil nababato raw siya rito sa apat na sulok ng kanyang opisina. Nagsimula lang ang bagong routine niyang ito mula nang—”

“Let’s go, Byron.” Nakabalik pala uli sa kanila si Thad nang hindi nila namamalayan. “Para sa isang news editor, masyado ka nang madaldal.”

“So, tama na naman pala ang hinala ko sa iyo,” wika ni Byron.

“Very funny. Dapat sa `yo ay itali sa Mindanao nang hindi ka na nakakaperhuwisyo rito sa Maynila.”

Umalingawngaw ang halakhak ni Byron habang patungo ang mga ito sa elevator. Natahimik lang ang buong palapag na iyon nang makapasok na ang mga ito sa loob ng elevator. Naiiling na lang na si Lani nang magbalik na ang atensyon niya sa kanyang trabaho.

“Men. Sometimes they really act more stupid than a five-year-old kid,” sambit niya.

She was going through some papers for a while now when someone interrupted her. May apron itong suot na nagpapahiwatig na isa ito sa mga empleyado sa pinaka-canteen ng gusali.

“Ma’am, `eto na po ang pagkain ninyo.”

Dalawang putahe ng ulam at isang plato ng umuusok na kanin na nasa tray ang inilapag sa desk niya ng isang babae.

“Teka, hindi naman ako um-order ng pagkain.”

“Si Sir Thad po ang nag-utos sa amin na dalhan kayo rito ng pagkain. Nagugutom na raw po kasi kayo.”

Si Thad ang nag-utos? Matigas talaga ang ulo ng lalaking `yon.

“Sige, salamat. Magkano ang lahat ng `yan?”

“Bayad na rin ho `yan ni Sir Thad.”

Matapos magpaalam ng babae ay pinagmasdan ni Lani nang maigi ang pagkain sa kanyang desk. Inisip kaagad niya kung ano ang nakain ni Thad at saglit na nadampian ang pagkatao nito ng kabaitan.

“Thank you, God, for this food and may You bless us always. P.S. sana po ay hindi ito nilagyan ng gayuma ni Thad. Amen.”

Book Comment (92)

  • avatar
    Christopher Montefalco

    I'm done very nice chapter

    12d

      0
  • avatar
    Rainier Granada

    13377

    13/08

      0
  • avatar
    Hannie Andi

    nice story

    02/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters