logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

Napasinghap na lang si Dallas at pinalo sa braso ang pinsan para sawayin marahil tungkol sa huli nitong pagbanggit sa ina ni Lani. But Lani herself didn’t mind. Gets naman kasi niya ang ibig sabihin ni Pretzel.

“Maghinay-hinay ka sa mga sinasabi mo sa harap ni Lani, Preciosa. Anak `yan ni Senator Guerrera.”

“Ay, talaga? Uy, friends na tayo, ha? Alam mo kasi idol ko ang tatay mo, eh. Sabihin mo sa kanya na kapag tumakbo siyang Presidente ng Pilipinas, iboboto ko siya. Ikakampanya ko pa siya sa buong angkan namin,” tuluy-tuloy na saad nito.

“At puwedeng manahimik ka muna saglit, Preciosa? May problema `yang si Lani kaya siya nandito, at hindi kami makakapag-isip ng tamang solusyon kung boses mo ang naririnig namin.”

“Hangga’t hindi mo ako tinatawag na ‘Pretzel’ ay hindi ko ititikom ang bibig ko, Dallas Emmanoelle.” Umismid pa ito.

“Anak ka talaga ng tatay mo, Preciosa.”

“At anak ka rin ng parents ko, Dallas Emmnoelle.”

Nagpatuloy sa pagsasalitan ng kung anu-anong salita ang magpinsan. Napapangiti na lang si Lani. Kahit naman walang katuturan ang mga pinagsasasabi ng mga ito, halata pa ring kinaaaliwan nila ang isa’t isa. It was also obvious that the two didn’t like people calling them by their birth names, but it was fine if it was just between them.

“Teka nga, hindi naman ikaw ang topic of discussion dito, Preciosa. Itong kaibigan kong si Lani ang may problema.” Bumaling na uli si Dallas kay Lani. “So, ano? Napag-isipan mo na na? Payag ka na ba sa proposal ko?”

“What’s the problem? Baka makatulong din ako. Since, you know, we’re friends now,” singit ni Prezel.

“Problema? Marami,” sagot ni Lani, saka nagbuntong-hininga. “Una na ang problema ko sa bahay.”

“Bahay? Bakit namumorblema ka sa bahay? E di ba, senador ang tatay mo?”

“Yes. But I wanted to get out of our house and live on my own. Sawa na ako sa bahay namin. Lagi lang naman kaming nagtatalo ni Daddy.”

Katahimikan ang sumunod. Lani knew the cousins were weighing their next words, specially Pretzel, as the woman finally caught up with Lani’s dilemma.

“So…kailangan mo ng matitirhan?” maingat na tanong ni Pretzel.

“Oo sana. Sa lalong madaling panahon.”

“Bibilhin mo ba ‘yung bahay o uupahan mo uupahan mo lang?”

“Kahit ano. I just needed something to start a new life somewhere. As soon as possible.”

“I see. Kung ganon, doon ka na lang sa akin. Diyan lang ako nakatira sa village na malapit lang dito sa Cafe Helenas. Rancho Estate Village. Mag-isa lang naman ako dun at lagi pa akong wala dahil sa trabaho ko. You can stay there if you want. Basta ikaw na lang bahala sa gastos sa tubig at kuryente.”

Nagliwanag ang mga mata ni Lani sa narinig. “Talaga?! Oo, ako ang bahala sa lahat ng gastos. Pero…hindi ba nakakahiya? Ngayon lang tayo nagkakilala.”

“Okay lang `yon. Senator naman ang tatay mo, eh. Siya ang unang-una kong sisingilin kapag ninakaw mo ang bahay ko.”

“Baliw ka talaga,” natatawang sambit ni Dallas.

Natawa na lang din si Lani.

“At tsaka, kaibigan ka naman ng pinsan ko. May tiwala ako sa mga kaibigang pinipili niya.”

“Naks! Nambola pa,” wika ni Dallas. “pero sisingilin pa rin kita sa katapusan ng buwan, Preciosa. ‘Lakas mo kumain, eh. Itong SanMig Light lang ang maililibre ko sa iyo.”

“`Yan ang isa pang gusto ko sa `yo, `insan. Ang kuripot mo manlibre, pero at least nanlilibre pa rin.” Hawak na ni Pretzel ang bote ng SanMig Light. “Siyanga pala, Lani. Kailan mo ba balak na maglipat?”

“Bukas na sana, kung puwede.”

“Bukas? Sige. Kaso, hindi pa ako nakakapaglinis. At hindi na ako makakapaglinis dahil kailangan kong mag-stock ng tulog since alas dos ng madaling araw ang biyahe ko pa-Iloilo.”

“Sus, ang sabihin mo, tamad ka lang talaga maglinis ng bahay, Preciosa.”

“Kahit tamad ako, may inuupahan naman akong taga-linis. Hindi lang siya available this week.”

“It’s okay,” singit ni Lani. “Marunong ako maglinis ng bahay.” halata ang gulat sa mukha ng magpinsan. “Kahit anak ako ng senador, tinuruan pa rin ako ng Mommy ko paano maglinis ng sarili kong kuwarto. Ayaw niyang umasa ako lagi sa ibang tao para sa mga bagay na kaya ko naman gawin.”

“Your mom’s amazing.”

“Yeah. But I still think na kailangan natin tulungan ‘yung mga housekeeper na magkaron ng kumikitang kabuhayan,” wika ni Pretzel. “Para sa ekonomiya ng bayan.”

“Oo nga pala, kung aalis ka mamayang madaling araw, paano ako makakapunta sa bahay mo? Hindi ko alam kung saan ka nakatira.”

“Ah. E di sumama ka sa akin ngayon. Ituro ko sa iyo kung saan ang bahay ko. Tutal naman, ilang minutong lakaran lang papunta dun mula dito.”

“That would be great!”

Pretzel finished her drinks and they were off to her house. Kailangan din daw kasi nitong sulitin ang mga nalalabing oras para makapag-ipon ng sapat na tulog bago ang flight nito.

Habang naglalakad ay marami siyang nalaman tungkol kay Pretzel dahil na rin sa kadaldalan nito. Pati ang buhay ng mga kaibigan ni Dallas ay nabulgar. Kaibigan din pala kasi ni Pretzel ang mga iyon. Pero sa dami ng sinabi nito, wala naman itong nabanggit na kahit na ano tungkol sa personal nitong buhay.

Isang oras pa ang lumipas, papasok na sila sa isang marangyang village. Naisip niyang iyon na marahil ang Rancho Estate.

“Bukas ay makikilala mo rin ang mga kapitbahay natin,” anito nang papasok na sila sa loob ng bahay. “Nabanggit ko iyon kasi interesante talaga ang mga tao dito sa village. Hindi ka mauubusan ng mapaglilibangan.”

“I don’t understand…”

“Basta. Masaya dito. Mababait ang mga tao lalo na `yang mga nakatira sa katabi nating bahay. Sina Aleister at TJ, parehong guwapo at pareho ring available.”

“I’m not interested.”

“Good girl. ‘Yan ang mga gusto ko sa mga girl friends ko. Hindi basta-basta naakit sa mga guwapo lang. Pero marami talagang guwapo dito. Lalo na si Alec my loves ko. He’s off-limits, though. According to me.” Hindi na sumagot si Lani. “Seryoso ako.”

“You like him. I know. I got it.”

“Yeeeesss,” nakangisi nitong hirit.

Baliw na babae ‘to, natatawang sambit ni Lani sa isip.

She knew Pretzel was trying to play Cupid with her and her neighbors. Pero wala talaga sa bokabularyo niya ang bagay na iyon dahil wala siyang planong guluhin pa ang magulo na niyang buhay.

“So, paano? Ikaw na ang bahala rito.”

“Teka, aalis ka na?” Nakita kasi niya itong dinampot na ang maleta na nasa tabi ng sofa. “Akala ko ba matutulog ka pa bago ang flight mo?”

“Oo nga. Pero wala naman akong sinabi na dito ako sa bahay matutulog. May kasamahan akong malapit lang sa airport ang condo. Doon na ako matutulog para hindi ko na kailangang magkumahog bumiyahe paggising ko. Dami ko pa namang seremonyas sa banyo bago maligo. Susulitin ko ang bawat segundo ng tulog ko. Plus, hindi ko na kakailanganin pang dalhin ang kotse ko at mag-drive. Ayoko ng maraming hassle sa buhay.” Itinuro nito ang side table kung saan naroon ang telepono. “Nasa phone book na katabi ng telepono ang lahat ng importanteng numero na puwede mong tawagan kapag nagkaroon ng emergency. Puwede ka ring dumiretso na lang kay Dallas, if you need anything. Katok ka lang sa bahay niya. Taga-dito lang din naman iyon. ‘Yung puting bahay dun sa unahan sa ikalawang kanto from the village gate.”

“I’ll remember that.”

“May stocks pa yata ng pagkain sa fridge. Gamitin mo na iyon bago pa mag-expire. And then…”

“Ako na lang ang bahalang mag-explore sa bahay. Don’t worry. Wala akong guguluhin.”

“Okay lang naman guluhin mo. Basta ibalik mo lang sa dating ayos pagkatapos.” Ibinigay na ni Pretzel ang susi ng bahay kay Lani. “You can stay and explore around a little. Para maging pamilyar ka na dito. I have to go. Ikaw na ang mag-lock pag-alis mo.”

“Maraming salamat uli, Pretzel.”

“Little thing.”

“Ha?”

“Maliit na bagay.”

“Ah.”

“O siya, babay na. Tatawag na lang ako para ipaalam sa `yo kung kailan ako babalik.”

“Okay. Ingat ka.”

“Ikaw rin. Maraming bubuyog dito na mahilig sa magagandang bulaklak.” Humagikgik pa ito nang maglakad palabas ng bahay.

Hindi niya narinig ang ingay ng kotse kaya naisip niyang baka maglakad na lang si Pretzel palabas ng village kung saan ito maghihintay ng taxi.

“Bakit hindi na lang siyang nagpasundo sa Grab taxi?” Naalala niya ang Cafe Helenas. “Baka nagpaalam pa siya sa pinsan niya.”

She closed the door and surveyed the whole house. Medyo magulo ang ilang bagay pero maayos at malinis pa rin naman kahit paano. She also likes the ambiance. Hindi iyon kasinrangya ng bahay nila, but it was spacious and cozy enough for her. Isa pa, mas pipiliin niyang tumira dito kaysa sa bahay nilang mansyon nga pero hindi naman sila lagi magkasundo ng kanyang ama.

Kinarga niya si Buffy na naglalambing na sa kanyang paanan. “At ikaw, kailangan mo na ring magtipid sa pagkain,” wika niya rito. “Wala pang trabaho si Mommy kaya wala kang choice kundi mag-diet kasama ko. ‘Yung snacks mo, three times a day na lang imbes na anytime mo maisipan. Ha? Nagkakaintindihan ba tayo?”

Her cat didn’t answer. “Good. Huwag kang mag-alala, once na magkatrabo naman si Mommy, balik natin ang bisyo mo sa pagkain.”

Ini-off na ni Lani isa-isa ang mga ilaw sa kusina, banyo, kuwarto, at sala matapos ang pag-iinspeksyon niya. Bukas na lang niya ie-explore nang husto ang bahay. Kailangan pa rin niyang umuwi sa kanila para mag-impake ng mga gamit niya. Madali siya makakaalis dahil isang linggo ang conference ng kanyang ama sa Cebu. Mag-iiwan na lang siya ng mensahe rito na lilipat na siya ng bahay, to live on her own. Siguradong hindi naman ito magrereklamo o magagalit. Afterall, he doesn’t really care about her.

She closed the door and locked it and watched the house from the out side for moment.

“Makikita mo, Daddy. Hindi lang ikaw ang kayang mabuhay ng mag-isa.” Her cat meowed. “Kasama si Buffy, makakaya ko.”

But it was more like a promise to herself than to her father. Kaya mas determinado siyang gawin iyon. Dahil more than anything, gusto rin niyang mapatunayan sa kanyang sarili na may silbi rin siya para kailanganin ng ibang tao sa kanilang buhay.

Lalo na sa buhay ng kanyang ama.

Book Comment (92)

  • avatar
    Christopher Montefalco

    I'm done very nice chapter

    12d

      0
  • avatar
    Rainier Granada

    13377

    13/08

      0
  • avatar
    Hannie Andi

    nice story

    02/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters