logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4

Dheille Amethyst's POV
Hindi ko akalain na madali lang pala pakisamahan si Ivan sa bahay. Kung tutuusin, mas kumportable pa ako rito kaysa doon sa bahay. Malaya akong nakakakilos at walang nagdidikta ng mga gagawin ko. Hinahayaan niya lang akong gumawa ng kung anu-ano basta hindi ako lalabag sa rules namin. Gano'n din naman ako sa kaniya.
Magda-dalawang linggo na ang lumipas simula no'ng nagplano kami sa setup nitong kasal at paninirahan namin sa bahay. Sinabi namin sa mga magulang namin na payag kami manirahan sa iisang bahay ngunit hindi nila alam ang aming plano. Kaya imbis na no'ng nakaraang linggo pa ang kasal ko, sa susunod na buwan na lang daw dahil kailangan muna naming tumira sa iisang bubong.
May mga oras na bigla-bigla na lang bibisita ang parents namin kaya wala kaming magawa kundi umaktong 'sweet'. Eww, I wanna puke when I said the 'sweet' word. That's disgusting. I can't even imagine myself spending my future with Ivan. No, not him. But we don't have a choice, do we? We were both tied in this situation. And there's no way to escape this.
" Amy, are you with us? Hey, Amy?" I was back in reverie when Elias clicked his fingers in front of me multiple times.
Nandito kami ngayon sa A's Cafe kung saan pagmamay-ari din ni Ivan. We decided to hang out since we were too busy to have fun. I'm also planning to tell them about our setup.
" Sorry, what were you saying?" I replied before sipping my coffee.
He looked at me, confused, as if I said something unbelievable. " I didn't say anything."
Napangiwi na lang ako sa sinabi niya at nahihiyang ngumiti sa mga kaibigan namin na nakakunot-noong nakatingin sa akin.
" On drugs ka ba?"
Bigla akong nabilaukan sa nakakalokong tanong sa akin ni Justin. Agad namang tinapik ni Elias ang likod ko dahil katabi ko lang siya. Nang mahimasmasan ako ay sinamaan ko ng tingin si Justin.
" G*g* ka ba?" I cursed, making him gasp. Kita ko naman ang pagpipigil ng tawa ng mga kaibigan ko. " Hindi ako naka-drugs!"
" Eh, sorry naman. Wala ka kasi sa sarili mo eh." Sagot niya sa akin at nahihiyang kinamot ang ulo. Sinuklian ko lang siya ng matalim na irap kaya napasimangot siya.
" Porket wala ako sa sarili ko, on drugs ako?!" Pasigaw kong tanong sa kaniya at hinampas ang mesa namin kaya napatingin sa amin ang mga katabi namin mesa. Agad naman akong humingi ng tawad at bumaling sa mga kaibigan kong namumula na ang mga pisngi kakapigil ng tawa. " Itawa niyo na yan, baka mautot pa kayo dyan."
Bigla humagalpak sila ng tawa kaya nakaagaw kami ng atensyon. Ang iba ay nagtatakang nakatingin sa amin, samantalang ang iba naman ay natatawa na rin. Napasimangot na lang ako habang tinitingnan sila na halos hindi na makahinga kakatawa.
" Tapos na ba kayo?" Naiirita kong tanong habang nakataas ang isang kilay nang mahimasmasan na sila kakatawa.
" Hmmm.. " Sagot ni Justin na nakahawak pa ang kamay sa baba na animo'y nag-iisip. Wala naman siyang isip. " Oo, tapos na kami."
At dahil tahimik na sila ay napagpasyahan kong sabihin na sa kanila ang setup namin ni Ivan. Para hindi na sila magulat kung sakaling bibisita sila sa bahay. Alam kasi nila na lumipat ako ng bahay at ibinigay ko sa kanila ang address ngunit hindi nila alam na kasama ko roon si Ivan.
I inhaled a deep breath and exhaled it slowly. Ilang beses ko pang kinagat ang ibabang labi ko habang nakatingin sa kanila na masayang nag-uusap. Iniisip ko kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang setup. Ano kaya ang magiging reaction nila? Magagalit ba sila? Umiling ako sa isip ko. Hindi, hindi sila magagalit. Alam kong mauunawaan nila ako. Sana nga.
" May dapat ka bang sabihin sa amin?" Napabalik ako sa ulirat nang tanungin ako ni Emerald. Saka ko lang narealize na nakatingin pala silang lahat sa akin. " Kanina ka pa bumubuntong-hininga dyan. "
Napalunok ako bigla. Hindi ko alam na bumubuntong-hininga pala ako dahil sa iniisip ako. Napalabi ako at napatingin sa kamay ko nang may pumatong na kamay doon. Napatingala ako kay Elias na malamlam ang mga mata na nakatitig sa akin. Kitang-kita ko rin ang nakaukit na pag-aalala roon kaya napayuko na lang ako.
Damn. This is hard as much as I expected.
" Is there something wrong?" Malambing na tanong ni Elias habang hinihimas ng daliri niya ang kamay ko.
Muli akong bumuntong-hininga bago tumikhim. " K-kasi... " Napataas ang kilay nilang lahat, inaabangan ang susunod kong sasabihin. " NaninirahankaminiIvansaiisangbahay." Mabilis kong sagot para 'di nila maintindihan—ngunit kabaligtaran yata ang nangyari.
" ANO?!!!!" Sabay-sabay nilang sigaw kaya napatingin sa amin lahat ng tao sa cafe kahit ang mga servers sa counter.
" SERYOSO KA BA?!!! "
" KAILAN PA?!!! "
" BAKIT HINDI MO AGAD SINABI SA AMIN?!! "
Sunod-sunod nilang pagtatanong kaya napatakip na lang ako sa tainga ko. Nanlalaki ang mga mata nila at nakaawang ang mga bibig, halatang hindi talaga makapaniwala sa narinig nila.
" Huminahon nga muna kayo!" Pagpapakalma ko sa kanila at bahagya silang huminahon.
" Talaga bang naninirahan kayo sa iisang bahay?" Pang-uusisa ni Anniza at tumango naman ako.
" Kailan pa?" Segunda naman ng kambal niyang si Aliza.
" M-magdadalawang linggo na ang nakalipas." Sagot ko. Bahagya naman akong napaigtad nang humigpit ang pagkakahawak ni Elias sa kamay ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.
" Eh, kailan ang kasal niyo?" Bahagya akong kinilabutan nang marinig ko ang malamig at mababang boses ni Elias. Napalingon din sa kaniya ang mga kaibigan namin, mukhang napansin din siguro nila ang tono sa pananalita ni Elias.
" N-next month." Tumango lang siya sa sagot ko at sumisimsim sa kaniyang kape habang hawak pa rin niya ang kamay ko.
" Well... Atleast dalaga ka pa rin ngayon." Kibit-balikat na wika ni Zamel. " Dalagang engaged." Napahagalpak naman ng tawa ang mga kaibigan namin dahil sa idinugtong niya. Mga baliw.
------------------------------------------------
Pagkatapos naming maghang-out sa A's Cafe ay agad na rin kaming umuwi. Tambak pa kasi ang kaniya-kaniya naming gawain since lahat kami ay mga tagapagmana. Kung hindi nag-iisang anak, mga panganay naman ang iba sa amin kaya bagsak talaga sa amin ang kumpanya sa hinaharap. Tsk.
We really had fun having chitchats while sipping our favorite drinks. We talked so much that we almost forgot our works. Actually, I temporarily forgot my problems because of them. God, I don't know what to do without them by my side.
But as I said, everything is only temporary.
Pagkatapak ko sa bahay namin ay parang bumalik ako sa reyalidad. No, talagang bumalik ako sa reyalidad. Ito ang mundo ko—maraming problema.
Agad akong dumiretso sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Saka ko lang naramdaman ang pagod nang tumama sa lalamunan ko ang malamig na tubig. Fresh.
Akmang pipihit na ako patalikod nang may yumakap sa akin sa likod. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko. Napadaing ako nang mahina nang mas lalo niya pang isuksok ang ulo niya sa leeg ko.
" I-Ivan... " Daing ko pagkatapos niyang dilaan ang gilid ng leeg ko na siyang nagpatayo sa mga balahibo ko.
Bumuga naman ako nang marahas no'ng umalis siya sa pagkakasuksok niya sa leeg ko.
" Dhelle... " Mahina niyang tawag sa akin ngunit puno ng awtoridad kaya napalingon ako sa kaniya. Napalunok naman ako nang makita ko ang madilim niyang mukha, halatang galit din siya dahil kitang-kita ko ang paggalaw ng panga niya.
" B-bakit?" Nauutal kong sagot. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng takot at kaba habang nakatitig sa madilim niyang mukha. Alam ko namang galit siya pero bakit?
Tinitigan niya ako nang masama at unti-unti akong napaatras nang magsimula siyang humakbang papalapit sa akin.
" B-bakit ka ba n-nagagalit?" Nagtatapang-tapangan kong tanong sa kaniya kahit nanginginig ako sa kaba.
Tila natauhan naman siya sa sinabi ko at unti-unting nawala ang madilim niyang awra. Bumuntong-hininga naman siya nang marahas at iniwan akong tulala sa kusina.
Nanatili pa ako sa kusina nang mga ilang minuto bago ko napagdesisyunang umakyat ng kwarto. Napasinghap naman ako dahil nakita kong nakahiga sa kama ko si Ivan. Relax na relax pa siyang nakahiga roon habang may binabasa.
" Why are you here in MY ROOM?" I asked him, emphasizing the word my room. Tumayo ako sa harapan niya habang nakalagay ang magkabila kong kamay sa baywang ko.
He just glanced at me and raised a brow before turning his gaze on his book. My jaw dropped because of what he did. How dare him!
" Hey! Go back to your room!" I shouted at him as I pull him out of my bed.
Magkaiba ang kwarto namin ni Ivan kahit sa iisang bubong lang kami nakatira. Bihira lang kami magtabi sa higaan lalo na kung bibisita rito ang mga magulang namin. Nagpapanggap kaming magkatabi sa higaan at babalik din sa dati naming pwesto kapag umalis na sila.
He groaned in frustration and finally, he stood up of my bed. Lumapit naman siya sa akin at unti-unti naman akong napaatras. Umatras lang ako nang umatras hanggang sa maramdaman kong pumapasok na kami sa walk-in closet ko. Damn, bakit ko ba 'tong iniwang bukas kanina?!
" A-ano ba... "
He let out a small chuckle making my brows furrowed.
" May nakakatawa ba?" Taas-kong kilay na tanong. Inirapan niya lang ako bago lumabas ng walk-in closet at bumalik sa pagkakahiga sa kama ko.
What the hell is happening to him?
Napagdesisyunan kong sumuko na lang dahil alam ko naman na hindi ako mananalo sa kaniya. Since nandito na rin naman ako sa walk-in closet ko ay kumuha na ako ng pantulog na damit. Kumuha ako ng maroon satin na sando at kapares nito ang maroon satin short.
Dumiretso ako ng banyo at naligo na. Nakarinig naman ako ng pagbukas at sara ng pinto habang nagsha-shampoo ako. Mabuti naman at lumabas na siya.
Tinapos ko ang pagligo at nagbihis na. Agad naman akong lumabas ng banyo at laking gulat ko nang makita ko si Ivan na nakaupo sa dulo ng kama ko at may dalang pantulog na damit.
" Dito ka maliligo?" I asked and he nooded. I sighed gave him a short nod before going to vanity mirror.
Naglagay ako ng lotion sa katawan ko at ginawa ko naman ang skincare routine ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong nakatitig lang siya sa akin sa salamin habang naglalagay ng moisturizing cream sa mukha ko.
" What are you staring at?" Mataray kong tanong at umiwas lang siya ng tingin. I rolled my eyes on him and continued my work.
Pumasok na siya ng banyo nang humiga ako sa kama namin. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-check ng account ko. Bumungad naman sa akin ang tambak na message sa gc namin nila Emerald.
FOREVER SQUAD yan ang ipinangalan ni Emerald sa gc namin.
Ako: Good evening.
Agad naman silang nagreact ng wow na ikinatawa ko. Lagi naman silang ganyan sa tuwing lalapag ako sa gc namin at nasanay na ako roon.
Emerald: ebning mami amy
Justin: Wazzup, Mrs. Anderson.
Zamel: evening, Mrs. Anderson. What can I do for you?
Napairap na lang ako sa reply nilang tatlo. Sa aming grupo, sila talaga 'tong mga baliw at loko-loko sa amin. Sina Anniza, Aliza, JC at Elias lang ang matino sa kanila.
Ako: Shut up.
Anniza: Good eve, Amy!
Aliza: Yow, Amy eves.
JC: Evening, Amyyy!
Elias: Good evening, Amy.
Napangiti naman ako sa matinong reply nilang apat. Buti pa sila matino.
Justin: Hi dzadeh Elias~
Elias: Fvck you.
Emerald: HAHAHAHAHAHHAHAHA hi dzadeh pa nga
Anniza: Trip niyo na naman si Elias.
Aliza: Ate tawag ka ni Mama.
Anniza: Manahimik ka.
Justin: Babe, tawag ka daw ni Mama natin.
Anniza: 🖕
Napahagalpak naman ako ng tawa dahil sa bardagulan nina Justin at Anniza. Parehas silang magbardagulan kagaya kina Aliza at JC. Magkambal nga naman.
Napatigil ako sa pagtawa nang maramdaman kong bumigat ang kabilang side ng kama. Ni hindi ko man lang naramdamang lumabas na pala siya ng banyo dahil tutok ako sa cellphone. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang atensyon ko sa gc namin na ngayon ay maingay na dahil sa bardagulan nina Anniza at Justin.
Justin: Babe, sumunod ka nga sa Mama natin! Ang tigas ng ulo mo.
Anniza: Hindi kita kapatid kaya 'di mo 'yon mama!
Aliza: Tama tama!
Zamel: Go Justin! Para sa ekonomiya!
Napapabungisngis na lang ako dahil sa mga chats nila. Mga baliw.
Elias: I bet for Anniza.
Justin: Lah walang ganyan, tol! Dito ka sa'kin!
Elias: Bahala ka na dyan. Kaya mo naman mamuhay mag-isa eh.
Emerald: HAHAHAHAHAHAHAHAHA OO NGA!
Justin: */ sinuntok ang pader inshort sinuntok si Amy.
Nangunot ang noo ko dahil sa chat ni Justin. Tarantado.
Ako: ANONG SABI MO?!
Elias: And now I bet for Amy. Go Amy!
Emerald: Kay Amy ho ako!
JC: Go, Mrs. Anderson!
Elias: Damn you, JC. Don't call her Mrs. Anderson.
Emerald: Witwew~~
Nabigla ako nang biglang inagaw ni Ivan ang cellphone ko at madilim ang mukhang nakatingin sa akin.
" Akin na nga yan!" Pilit kong inaagaw ang cellphone ko sa kaniya ngunit nilalayo niya ito. Tumayo siya at inangat ang cellphone ko kaya pilit kong inaabot.
" Damn it, Ivan! Give it back to me!" Pilit ko pa ring inaabot ang cellphone hanggang sa ma-out balance ako at napahiga kaming dalawa habang ako ay nakapatong sa kaniya.
And worst? Lumapat ang labi ko sa labi niya.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakalapat ang labi ko sa labi niya. Halata rin ang gulat sa kaniya ngunit mas nagulat ako nang dahan-dahan niyang igalaw ang labi niya. Marahan lang iyon ngunit patagal nang patagal ay unti-unting lumalalim ang paghalik niya.
Kinagat niya ang ibabang labi ko kaya napasinghap ako at bahagyang napaawang ang labi. Iyon naman ang nagbigay ng daan sa kaniyang dila upang maglikot sa loob ng bibig. He is almost tasting my whole mouth. I stiffened when his hands starting to roam around my body. His hands stilled in my waist.
As he deepened the kiss, it feels like it's hallucinating me so I closed my eyes and felt the kiss. I almost out of breath when he let go of my lips. He stared at my eyes with full of amusement.
" Dheille... " He whispered, catching his breath a little. I could smell the mint coming from his mouth and it's refreshing.
Napahiyaw ako nang bigla niya akong binuhat, bridal style at inihiga sa kama. Pumaibabaw siya sa akin habang nakalagay ang kamay niya sa magkabilang gilid ko para hindi niya ako tuluyang madaghanan.
" Ivan... " Napapikit siya nang banggitin ko ang pangalan niya at napalunok naman ako dahil nakita ko ang madilim niyang mata pagkadilat niya.
Bumilis ang paghinga niya at bago pa ako makapagtanong ay muling lumapat ang labi niya sa labi ko—ngunit ngayon ay hindi na aksidente.
I don't know why but I quickly opened my mouth for him to roam around my mouth. I almost cursed in my mind when I responded in his kiss.
Why?!
Unti-unting bumaba ang halik niya patungong leeg ko. Hinalikan niya iyon at bahagyang sinipsip ngunit bago pa ako makadaing ay dali-dali siyang tumigil at umalis sa ibabaw ko.
Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang mabilis na tumataas-baba ang kaniyang dibdin. Nakayukom din ang kaniyang mga kamao na parang handa akong suntukin.
But why...?

Book Comment (19)

  • avatar
    John Mark Sacaday

    wjeu2j

    20/07

      0
  • avatar
    Lawrence Bongolan

    okay maganda

    16/07

      0
  • avatar
    Erick Mendoza

    wow

    01/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters