logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2:

"EMERGENCY!"
"Ano bang ginagawa nyo dyan? Nag-tutumpukan kayo, ang daming pasyenteng dumadating!"
"TABI! EMERGENCY ITO!"
"Ilabas yung ibang stretcher!BILIS!"
Naalimpungatan ako dahil sa maingay na paligid na halos paulit-ulit lamang ang sinasabi.
Sumakit lamang ang aking mata nang binuksan ko ang mga ito, wala akong ibang makita kundi liwanag at ilang mga taong nag-tatakbuhan, nakakarinig ako ng ilang pag-iyak at paulit ulit na pag-sigaw.
"EXCUSE ME PO, EMERGENCY ITO, TUMABI PO MUNA KAYO."
Ipinikit ko ang aking mga mata at dumilat ako ng dahan-dahan, napalingon ako sa aking paligid, nasa ospital na pala ako.
Nagta-takbuhan ang mga nurse at doktor, nasa emergency room ako, ngunit bakit parang ang daming tao ngayon? Alam ko namang madaming tao sa ospital pero bakit parang ang dami naman ata ngayon?
Sinundan ng mata ko ang doktor na tumatakbo papunta sa pasyente dito sa aking kaliwa, bakit maraming duguan?
Lumingon-lingon pa ako at duguan ang mga taong andito.
Ang mga pasyente, puno sila ng dugo, siguro may nag-banggaan kanina kaya ganito ang nangyari.
Napatingin ako sa pintuan at nakitang marami pang ipinapasok na duguan rin.
Naguguluhan na ang mga doktor at nurse kung paano sila aasikasuhin.
Sinubukan kong tumayo ngunit para bang may pwersang pumigil sa akin.
Napatingin ako sa mga kamay kong nakaposas sa higaan.
Tama, andito ako dahil sinaksak ko ang sarili ko sa kulungan at nakatanggap ako ng sulat na nawawala ang kapatid ko..
Nakumpirma ko rin nga na totoo ito nang mapanood sa telebisyon ang impormasyong isa sya sa mga nawawala, pero bakit?
Pinipilit kong makawala ngunit wala naman itong silbi, napatingin ako sa tagiliran ko, nararamdaman kong hindi na ito kasing sakit kagaya na lamang ng kanina, naagapan pa sya kahit papano.
Sinubukan kong gumalaw upang maramdaman ang kirot nito at nang ginawa ko nga ay masakit parin talaga sya.
Ilang oras na ba ako dito?
Siguro hindi pa naman ganon katagal dahil andito parin ako, hindi pa ako nalilipat.
"HINDI, HINDI!!" napalingon ako sa kaliwa ko nang makitang may mga nag-tatakbuhan papunta rito at umiiyak, maaaring pumanaw na ito dahil huminto na ang doktor, ilang pasyente pa ang ipinapasok sa loob at nagkakagulo na talaga sila nang tuluyan.
Dahan-dahan kong inayos ang pag-higa ko, at lumingon sa bandang kanan ko.
Laking pag-kagulat ko nang makita ang isang babaeng nakatitig sa akin habang nakahiga sa isang stretcher kaya't napatitig rin ako sa kanya.
Kakaiba ang tingin nya , hindi manlang gumagalaw ang katawan nito.
Nakatihaya sya sa stretcher at nakalingon ang ulo sa akin, nakakapanlamig ang mga titig nito at nakakatakot.
"Time of death; 3:17 PM.."napalingon ako sa doktor na nasa kanan ko na ngayo'y nakatitig sa babaeng nakalingon sa akin.
Patay..?
Patay na sya?
Tumingin ako sa doktor at mabilis na tumingin sa babae, kinilabutan ako sa mga titig nito, kaya pala parang kakaiba ang mga mata nya, patay na pala sya.
Duguan ang kalahating katawan nito at ang kanyang leeg.
Hindi ko mai-alis ang pagka-titig sa mga mata nito, ngunit may kakaiba akong nakita.
Kinilabutan ako nang mapansing dahan-dahang ngumingiti ang mga labi nito habang nakatitig sa akin.
Nag-tayuan ang aking mga balahibo sa kanyang labi, para bang nginingitian nya ako..
Nakakatakot ang ngiti at titig nito, nakakatakot ring patay na sya pero bakit.. sya ngumiti?
Takot at pag-tataka ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya ngunit bigla akong natauhan nang nakarinig ng iyak ng isang bata, napatingin ako sa bata na nasa bandang kaliwa ko, ang lakas ng iyak nito na kahit patahanin pa sya ng kanyang ina ay patuloy parin ang pag-iyak nya.
Nang dahil sa bata ay nadistract ako kaya't agad kong binalik ang aking titig sa babaeng walang buhay sa aking kanan, na ngayon ay nakatitig na lamang at hindi na nakangiti.
Pero nakangiti sya kanina..
Hallucination lang to, Ray.
Inayos ko ang aking pagkakahiga at naramdaman ko ang sakit ng aking sugat, baka naman epekto lang iyon ng aking nararamdaman, tama, nagha-hallucinate lamang ako, patay na sya eh.
Lumingon ulit ako sa babae, nakatitig lang sya, bukas ang mga mata ngunit patay na, hindi nakangiti ang labi nya, nagha-hallucinate lamang talaga ako kanina.
Kailangan kong makaisip ng paraan paano ako makakaalis dito at makakatakas, kailangan kong mahanap ang kapatid ko at malaman bakit sya nawawala, ngunit hindi ako makapag-isip ng paraan sa kadahilanang maingay ang batang umiiyak kanina pa.
"MAMA! YUNG BABAENG NAKADILAT, NGUMITI SYA!" agad akong napalingon sa batang umiiyak na tinuturo ang babae sa aking kanan.
Nakita nya rin iyon?
Ngunit paano?
Nagha-hallucinate lamang ako..
Lumingon ako sa babae sa aking kanan at laking takot ko nang makitang nakangiti na ulit sya sa akin.
Bakit...
Para bang naririnig ko ang tibok ng puso ko, totoo ba tong nakikita ko?
Wala bang nakakakita na nakangiti ang isang patay?
Baka naman buhay pa sya?
Kahit buhay pa sya, bakit nya ako ngingitian, bakit hindi sya tumayo at kumilos?
Hindi ako nagha-hallucinate dahil nakikita rin ito ng bata.
"HOY!" nagulat ako nang may humawak ng kaliwang kamay ko, isang pulis na tinatanggal ang pag-kakaposas ko sa higaan, bumalik ang tingin ko sa babae sa aking kanan at hindi na sya nakangiti, hinihila na sya palayo sa emergency room, nakatingin sya sa kanyang bandang kaliwa at habang ang stretcher ay palayo biglang umikot ang ulo nya papuntang kanan at nakatitig parin sa akin, hanggang sa dahan-dahan na syang nawala sa aking paningin..
Ano ba tong nakikita ko?
"Ginamot na ang sugat mo, ililipat ka nalang dun sa isang kwarto, ako na mag-lilipat sayo dahil busy masyado ang mga doktor at onti lang ang mga tao dito..kailangan rin nila ng stretcher ..."paliwanag ng pulis at patuloy na tinatanggal ang posas ko sa higaan.
Dadalhin na ako sa recovery room.
Tinulungan akong tumayo ng pulis, inalalayan nya ako at tinulungang humakbang paalis ng emergency room kung saan maraming nag-iiyakan.
"Saan po tayo pupunta?" tanong ko habang nag lalakad kami palapit sa elevator.
"Sa taas, ichechek ulit nila ang sugat mo, hindi ko alam kung anong meron pero may malalang aksidente ata ang naganap kaya kami nalang mag-aakyat sayo."
Tumango lang ako sa kanyang sagot.
Inantay kong pumasok kami ng elevator bago kumilos.
Agad na pinindot ng pulis sa aking kaliwa ang button papunta sa isang floor at bago sumara ang elevator ay agad akong tumakbo palabas.
Sumabit pa nga ang aking damit ngunit mabilis ko itong nahila, naririnig ko ang sigaw nila sa loob ng elevator.
Pasensya na, hindi ko sana gustong gawin to.
Pinagtinginan ako ng mga tao ngunit hindi ko nalang sila pinansin, agad akong tumakbo palabas ng ospital, kailangan kong makalayo rito bago sila makabalik pababa.
Huminto muna ako saglit at hinawakan ang tagiliran ko, kumikirot ito at tumatagas ang mga dugo.
Hindi ko alam kung saan pupunta, ang daming sasakyan ang dumadaan sa harapan ko, ang ingay at ang init pa.
Hindi ako makapag isip.
Pero kailangan kong kumilos.
Nagmamadali akong tumakbo sa kalsada at hindi ko napansing may sasakyan na papalapit pala sa akin.
Naramdaman ko itong dumikit sa katawan ko, hindi malakas ang impact ngunit natumba ako..
Yung sugat ko, patuloy lang yung kirot nito.
Onti-onti nang nandidilim ang paningin ko..
"SORRY, HINDI KO SINASADY-RAY??"
Pamilyar ang boses na yon, boses ni Lex.
Hindi ko makakalimutan ang boses nya.
"Ilayo mo ako dito.." pilit ko man pinipigilan pero kusang sumasara na ang aking mga mata hanggang sa wala na akong ibang nakita kundi itim..

Book Comment (10)

  • avatar
    Christine Joy Espinosa Gadayan

    👍 good

    24/07

      0
  • avatar
    Edison Lipata

    this is good story

    13/04

      0
  • avatar
    Park Sun Bae Ching

    I love the story part 20 na please🥹

    11/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters