logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7: Fall

"Are you alright Ms. Duerre?" Tiningnan ko si professor pati ang mga kaklase ko. Parang nanlalabo ang mga mata ko. Pumikit ako saglit. Ano bang nangyayari sa akin? Tumingin ulit ako kay professor nang makaramdam ako ng kahimasmasan. Tumango ako at ngumiti nang bumuti ang pakiramdam ko.
"You know, dalawa lang kayong hindi naniniwala sa forever dito sa class at mukhang magkakasundo kayo kaya sa tabi ka na ni Ms. Ramirez umupo." Sumenyas naman ang tinutukoy ni Ma'am at bumulong na 'Dito.' Nginitian ko s'ya at umupo ako sa tabi n'ya.
"Para sa kaalaman mo Ms. Duerre ako si Professor Rivera at ako ang homeroom adviser ng Class A." Tumango ako para ipahiwatig na naiintindihan ko. Nakakapagtaka, bakit nasa Class A ako e hindi naman ako matalino baka magaganda at gwapo ang narito. Balon well, 'di na nakapagtataka 'yon.
"Akala ko, ako lang ang hindi naniniwala sa forever pati pala ikaw." Napalingon ako sa katabi ko at nginitian ko ito.
"Ako nga pala si Charlee Maine Ramirez. Okay ka na ba? Parang medyo nahihilo ka pa ah." Napatingin ako sa kamay niya na inilahad niya sa akin... Hindi ko naiwasang ngumiti nang mapansin ko ang magaganda niyang kuko.
"Oo, okay na ako. I'm good better best." Kinuha ko ang kamay niya. Tumawa naman s'ya.
"Maine na lang ang itawag mo sa 'kin, ayaw kong tinatawag ako sa first name ko at nabibwisit ako."
"Ha bakit naman?"
"Mahabang kwento."
"May isang tao kasing kinalilimutan niya at Charlie ang pangalan. Anyway, ako naman si Jan Karen Parker, Karen na lang. Nice to meet you, Jean." Nilingon ko ang katabi ko sa bandang kanan ko at nginitian ko s'ya.
"Sabi mo hindi mo ipagsasabi," bulong ni Maine.
"Haha peace tayo Charl-Maine." Siguro magkakilala na sila. Sabi na nga ba mahuhuli ako sa klase.
"Ikaw pala 'yung absent kahapon," sabi sa akin ni Karen. Tumango ako.
"May nangyari kasi kahapon."
"Talaga? Anong nangyari sayo?" tanong naman ni Maine.
"Naaksidente kasi ako buti nga hindi naman ganoong kalala ang nangyari sa akin kaya nakaya kong pumasok ngayon."
"Mabuti naman at umo-okay ka na," sabi ni Karen.
Napatingin kami sa pintuan nang makarinig kami ng katok. Pinagbuksan naman s'ya ni Professor Rivera.
"Oh yes?"
"Pinapatawag po lahat ng professors ni Dean. Wala na raw pong klase ang lahat ng first year ngayong araw."
"Sige susunod na ako," nakangiting sabi ni Prof. sa lalaki. Nagpaalam na ito at ganoon din si Prof. sa amin.
"Teka, uuwi na ba kayo?" tanong ko sa kanila. Tumango naman sila sa akin.
"Oo, may pinapagawa sa akin si ate so pwede ko s'yang gawin ngayon kaya uuwi na ako," paliwanag ni Maine. Ganoon rin si Karen may gagawin rin daw s'ya.
Nagpaalam na silang dalawa sa akin at nauna nang umalis. Naglakad na rin ako palabas ng room. Kailangan ko nang makauwi medyo sumasakit rin ang likod ko siguro dahil sa pagbagsak ko kahapon nang mabangga ako. Mabuti na lang wala na kaming klase para makapagpahinga na rin ako. Parang pinagpakilala lang ako at biglang wala nang klase eh no.
Teka, saan nga ba ang daan palabas? Sa pagkakatanda ko doon, wait hindi, doon yata.
Naglakad-lakad na ako, siguro naman makikita ko 'yun. Hindi naman siguro ako... Naliligaw?
Nako! Naliligaw na yata ako! Paano ako makakauwi? Helf me!
Nakakahiya namang magtanong sa mga dumadaan baka pagtawanan lang ako. Ayoko nang masabihan ng bobo o tanga.
Ilang minuto pa ng paglalakad, may nakita akong isang pamilyar na mukha. Parang nakita ko na ang lalaking 'yon hindi ko lang matandaan kung saan.
Pilit kong inalala kung sino nga ba s'ya. Para bang may bombilyang umilaw sa taas ng ulo ko nang maalala ko. Ahh s'ya 'yung lintek na nakabangga sa akin kahapon!
Teka, bakit pa nga ba ako nagagalit sa kan'ya? Nag-sorry na naman s'ya sa akin tsaka nabangga ko rin naman s'ya dati tapos niligtas n'ya naman ako.
Teka, dito rin s'ya nag-aaral? Siguro alam n'ya ang daan palabas. Susundan ko na lang s'ya para makauwi na rin ako. Ayoko namang kausapin s'ya at tanungin kung saan ang gate palabas baka asarin n'ya pa ako.
Lihim akong naglakad kasunod n'ya. Medyo malayo-layo naman ako ng kaunti sa kan'ya at para akong isang ninja na nagsha-shadow step. Hindi ko napansing may nakaharang palang bato kaya nadapa ako. Bakit ba lagi akong minamalas? Aray ko, parang mas lalong sumakit 'yung katawan ko.
"Wala ka bang balak tumayo d'yan? Hindi ka ba marunong mahiya?" Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang nagsalita. Sabi na, s'ya 'yung nagsalita, punong-puno ng pang-aasar e.
"Tulungan mo akong tumayo please," pagmamakaawang sabi ko sa kan'ya.
"Tsk overaction kasi e," bulong n'ya na narinig ko naman. Tinulungan n'ya naman akong tumayo kahit mukhang ayaw n'ya.
"O ano okay ka na?" Tanong n'ya na para bang galit pa.
"O-oo. Salamat hehe." Saglit ko s'yang nginitian at naglakad na ako pero parang na-sprain yata 'yung paa ko kaya mukhang madadapa na naman ako pero tinulungan n'ya na naman ako.
Sinalo n'ya ako. Sana ganito na lang lagi sa pag-ibig, 'yung tipong ma-fafall ka tapos sasaluhin ka n'ya. Wait! Hindi ko sinasabing may gusto ako sa feeling close na 'to ha?
Bakit ako nagpapaliwanag?
Para nagkakaintindihan tayo!
"Hehehe peace," bulong ko sa kan'ya.
"Umayos ka nga. Nananadya ka ba? Para kang timang e!" sigaw n'ya sa akin. Ito na naman ang ugali n'ya, parang nakalimutan n'ya nang naging mabait s'ya sa akin kahapon. Tsk.
"S-sorry."
"Iniisip ko bakit ka kaya laging naaaksidente 'pag nakikita ako, nagpapapansin ka ba sa akin? May gusto ka talaga sa akin no?" Para bang nabingi 'yung tenga ko sa sinabi n'ya.
"Huwaw. Ang kapal mo ah! Ang sabihin mo, minamamalas ako 'pag nakikita ka! Ni hindi nga kita kilala e tapos magkakagusto ako sa 'yo? Yak! Eeewness!" Maarte kong sabi.
Umupo naman s'ya kaya nagtaka ako.
"Bakit ka nakaupo d'yan? Tumatae ka ba?" tanong ko. Nakakatawa naman s'ya, may c.r naman ah bakit hindi s'ya do'n tumae? Bastugang lalaki 'to!
"Sumakay ka na sa likod ko mukhang na-sprain 'yang paa mo. Tsaka sayang naman ang effort mo sa pagpapapansin sa akin kaya labag man sa loob ko dadalhin na kita sa clinic." Napansin n'ya palang may sprain ako sa paa pero papayag ba ako? Nakakahiya, pero kasi..
"Ano, 'wag na... nakakahiya. Ang dami kasing nakatingin." Pabebe kong sabi. Eh ano kashie...
"Wag ka na ngang maarte! Isa! Dal-"
"Shige na nga." Pumasan na ako sa likod n'ya. Pinasan n'ya ako at nagsimula na s'yang maglakad. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante sa sitwasyon namin ngayon.
"Teka, 'di ba bawal ang PDA?"
###

Book Comment (26)

  • avatar
    BantiloJosh Daniel

    yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c

    05/08

      0
  • avatar
    Kylee Jean

    good

    21/07

      0
  • avatar
    Estella Delima

    ilove the story🥰🥰

    02/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters