logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4: Morning Hero

"Tulungan nyo kooo!!"
Lumingon-lingon ako para hanapin kung saan nanggagaling ang sigaw. Tutulungan ko ba s'ya o ipagpapatuloy ko na lang 'yung paghahanap sa pinakamahalagang bagay na nawala ko? Imposible naman sigurong may kailangan ng tulong ngayon. Subdivision 'to 'di ba? Baka nangloloko lang. May nabalitaan na rin akong ganito pero trip lang naman daw. Baka nangti-trip ulit. Pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap ko sa bracelet ko.
Hindi na ako nakarinig pa ng sigaw. Napatigil ako. Hindi kaya?
I gulped. I immediately ran and tried to find that voice. Boses 'yon ng isang babae. I'm so stupid. Baka ano nang nangyari do'n. Hindi ko naisip na baka totoong may nangangailangan ng tulong. Putek, ang bobo mo Raven!
Nakita ko na lang ang sarili kong tumatakbo nang mabilis at hinahanap ang babae. Hindi ko na ipinagpatuloy pa ang paghahanap sa bracelet ko at iba naman ngayon ang hinahanap ko.
"Walang makakarinig sa 'yo! Kahit anong sigaw mo, walang tutulong sa 'yo!"
Nakarinig ako ng isa pang sigaw. Boses ng isang lalaki. Gusto kong murahin ang sarili ko, dahil sa katangahang ginawa ko. Kung bakit kasi---tupang ina naman oh! Baka dalhin ko 'to sa buong buhay ko 'pag 'di ko natulungan 'yung babae! Baka hindi ako makatulog sa gabi!
Napalunok ako sa natutukan ko ng flashlight. Pusang gala. Hindi ko inakalang masasaksihan ko ang ganitong bagay.
Kitang-kita ko ang isang lalaking nakaibabaw sa babae. Hinahalikan n'ya ito sa leeg kasabay no'n ay ang pilit n'yang pagbubukas ng damit ng babae na pumipiglas at tinutulak ang lalaking nasa ibabaw niya.
Why am I explaining?
Binitiwan ko ang flashlight ko. Langya, ngayon lang ako nakakita ng ganito at hindi ko alam ang gagawin ko! Lintek! Para bang naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Putcha talaga! Anong gagawin ko? Nakakita ako ng isang malaking kahoy sa may paanan ko.
"T-tulong! Tulungan n'yo ko! P-pakiusap!" Napalingon ako muli sa nanghihinang sigaw n'ya.
Kinuha ko ang malaking kahoy at tumakbo ako palapit sa kanila. Hindi na ako muling nagdalawang isip pa at pinalo ko 'yon sa lalaki. Tiningnan ko ang babae habang pinupunasan ang mga luha n'ya. Nilapitan ko s'ya.
"Tumakbo ka na. Umalis ka na rito," sabi ko sa kan'ya pero patuloy pa rin s'ya sa pag-iyak.
"P-pero p-paano k-ka?" Tanong n'ya sa akin.
"Okay lang ako. Umalis ka na rito," sagot ko sa kan'ya.
Narinig ko ang pagsigaw n'ya kasabay ng isang malakas na pagpalo ng kahoy sa likod ko. Napadapa ako sa kan'ya. Para bang binagsakan ako ng malaking bato sa likod dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"K-kuya? 'Wag ka munang mamamatay please." Napakunot ang noo ko. Ang o.a naman ng isang 'to. Pinilit kong tumayo. Tiningnan ko ang lalaking humampas sa akin. Oo, masakit pero sanay na ako sa mga ganito. Nginisian ko siya at nilapitan. Akmang susuntukin niya ako nang masangga ko siya. Sinipa ko s'ya sa mukha kaya napabagsak ko s'ya sa lupa. Tiningnan ko ulit 'yong babae.
"Hindi ka ba aalis? Umalis ka na sabi!" Sigaw ko.
"Huwag ka munang umalis miss. Nabitin ako gawa ng hayop na 'to eh. Ituloy muna natin ang ginagawa natin, alam ko namang nasasarapan ka!" Ang hayop, nagagawa pang magsalita. Talaga yatang malakas ang apog ng isang ito. Tiningnan ko muli ang babae at muling nagsalita.
"Ano? 'Wag mong sabihin sa 'kin na gusto mong ituloy n'ya ang ginagawa n'ya sa 'yo kanina?" Tanong ko sa kan'ya sa sarkastikong tono.
"Hihingi ba ako ng tulong kung gusto ko? Yak! Napakapangit kaya ng taong 'yan! Kung nakikita mo lang siguro ang mukha n'ya masusuka ka!" Sigaw n'ya rin sa akin. Tama s'ya, hindi ko masyadong makita ang mukha ng lalaking 'to pati na rin ang mukha n'ya dahil madilim pa.
"Umalis ka na dito kung hindi ibibigay kita sa gagong 'yan!"
Nakita ko ang paglaki ng mata n'ya na para bang nandidiri kaya tumakbo naman s'ya. Tumayo naman kaagad 'yung lalaki para habulin ang babae pero hinabol ko rin s'ya. Hinila ko ang damit niya at iniharap sa akin pero sinuntok n'ya ako dahilan para mapabitaw ako sa damit niya. Badtrip! Sa mukha pa talaga! Ang lakas ng loob!
Muli kong hinablot ang damit niya at binawian s'ya ng suntok.
"Ang mga katulad ko hindi sinusuntok!" Sinuntok ko pa s'ya na naging dahilan ng pagkadapa n'ya muli sa damuhan. Umupo ako at hinila ko paangat ang ulo n'ya para makita n'ya ang mukha ko.
"Nakikita mo ang gwapo kong mukha? Sayang 'to kung masisira lang! Iniingatan ko 'to!" Binitiwan ko na ang mukha n'ya at tumayo.
"Siguro naman magsisisi ka na sa ginawa mo! Pasensya ka, makikipagpalit ka muna ng mukha sa aso. Paano? Maiwan na kita?" Tinapik ko ang balikat niya. Nginitian ko s'ya at akmang tatalikod na nang mapansin kong parang may kinuha s'ya sa bulsa n'ya. Isang matulis na bagay. Kitang kita ko pang kumislap iyon.
"Haha! Bakit parang takot ka? Lalaki ka ba talaga? Bakit parang takot ka sa kutsilyo? 'Wag kang mag-alala sasaksakin lang naman kita," Pang-aasar n'ya sa akin nang makatayo s'ya. Rinig ko pa ang mala-demonyo niyang halakhak.
Mabilis s'yang tumakbo papunta sa akin at sasaksakin n'ya ako. Naihawak ko ang kamay ko sa kutsilyo. Ramdam na ramdam ko ang tulis na bumabaon sa laman ng kamay ko. Hindi ako nagpatinag kahit na may tumutulo ng dugo sa braso ko.
I gritted my teeth as I stare at him. Hinawakan ko ang braso niya kung saan nakahawak ang kutsilyo. I pressed the part where he'll get weak. Unti-unting kumakalas ang kamay niya sa pagkakahawak sa kutsilyo at tuluyan ko nang nakuha. Inihagis ko 'yon kasabay nang pagsuntok sa sikmura niya. Kinuwelyuhan ko s'ya kaya kumapit rin ang dugo ng kamay ko sa damit niya.
"Ang babae, ginagalang. Ang babae, hindi ginagawang parausan lang. Ang babae, minamahal. Kung akala mo nakakalalaki ang ginagawa mo, nagkakamali ka. Ang tunay na lalaki, hindi pinagsasamantalahan ang babae. Pinoprotektahan sila." Unti-unting nanghina ang kamay ko dahilan para mabitawan ko siya.
"Babalikan kitang hayop ka!" Sigaw n'ya sa mukha ko. "Tatandaan ko 'yang mukha mo!"
"Hindi ka na makakabalik."
Kasabay ng huling salita ko sa kan'ya ang pagdating ng mga pulis. Hindi ko inaasahan na may mga pulis na darating. Hinuli nila ang lalaki at isinakay sa kotse nila. Nagpaalam na ang mga pulis at tuluyan nang nawala sa paningin ko.
"Ah!" Napaaray ako nang kumirot ang kamay ko. Tumigil na ang pagdugo nito dahil nakabara na sa hiwa ang mga natuyong dugo. Nagsimula na akong maglakad.
"Salamat." Nagulat ako nang may marinig akong boses ng babae. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang babae. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang babaeng tinulungan ko.
Hindi ko pa makita ang mukha n'ya dahil medyo madilim pa rin. Agad kong tinago ang kamay ko sa bulsa ng jacket ko. "Hindi ba't sabi ko sa 'yo umalis ka na? Bakit ka pa bumalik?" Naiinis kong tanong.
"Tingin mo sa 'kin walang kunsensya? Hindi kita iiwanan basta-basta!" Bakas sa tono ng boses niya ang pag-aalala.
Nakaramdam ako ng kirot sa huling sinabi niya. Takte. Bakit kailangang maalala ko 'yon?
"Akala ko, huling araw ko na ito..." Pinunasan niya ang pisngi niya.
"Pero... Dumating ka at utang ko sa 'yo ang buhay ko..."
"At sorry..." dugtong pa n'ya. Hindi ko alam kung magsasalita pa ako o ano. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay umuwi na at gamutin ang sugat ko sa kamay baka makita pa ni mama. Tsaka masakit pa rin ang likod ko dahil sa malakas na pagkakapalo sa akin. Mukhang kailangan kong magpa-x-ray.
"Aalis na ako," paalam ko na sa kan'ya. Tinalikuran ko na s'ya pero hinawakan n'ya ang braso ko at hinila paharap sa kan'ya pero binitawan n'ya rin agad ako. Tiningnan ko s'ya at nagsalita.
"May kailangan ka pa ba?" Tanong ko. Sinusubukan kong maging mahinahon sa kabila ng nag-aapoy na kirot sa kamay ko.
"W-wala naman, gusto ko lang talagang magpasalamat kasi niligtas mo 'ko. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa ginawa mo sa akin." Paliwanag n'ya.
"Huwag mo nang isipin 'yon," pagpuputol ko sa sasabihin niya.
"Ano kasi, nag-jojogging lang ako kanina tapos hindi ko naman alam na may masamang tao palang pagsasamantalahan ako." Napapikit ako.
"Ano pa ba ang kailangan mo? Ha? 'Wag mong sabihing nagkagusto ka sa akin dahil niligtas kita?" Deretso kong tanong para matapos na.
"Grabe ha! Hindi ko nga kita 'yang mukha mo. Gusto ko lang namang magpasalamat kasi ngayon na lang ulit may nagtanggol sa akin... S-salamat sa pagliligtas mo sa buhay ko."
"Tss."
Nagsimula nang sumikat ang araw at tumama ang sinag ng araw sa mukha niya dahilan para masulyapan ko kung sino siya. Halos mawalan ako ng hininga nang makita ko ang babaeng nasa harap ko ngayon.
"Ikaw na naman?!" Sigaw n'ya na ikinarindi ko. Bakas sa mukha n'ya ang pagkagulat.
"Tss, o.a." Tinalikuran ko na s'ya.
***
Heather Jean Duerre's P.O.V
Napabangon ako bigla sa higaan ko. Habol-habol ang hininga habang ang kamay ay nasa dibdib. Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko.
"Panaginip lang pala," bulong ko sa sarili ko.
Tiningnan ko ang orasan sa may kalapit na lamesa. 6:30am na. Lagot! Male-late na ako, shemay naman!
Agad akong tumayo at dumeretso sa banyo para maligo. Unang araw nga pala ngayon ng klase kaya dapat hindi ako ma-late baka pumangit ang inspiration ko sa magiging professor ko. First insipiration ba 'yon o impression? Hmm...
Naalala ko na naman 'yung napanaginipan ko kanina. May lalaking kumukuha sa akin. Pagkatapos talaga ng araw na 'yon na muntik na akong magahasa, gabi-gabi na akong binabangungot. Walang nakakaalam tungkol sa nangyari kahit kay mama at kuya ay hindi ko magawang sabihin. Tanging ang lalaking nagligtas lang sa akin ang nakakaalam.
Pero ngayon, kakaiba ang napanaginipan ko. Parang totoo. Kinakabahan ako dahil naiisip ko na baka may mangyaring masama ngayong araw. Pero, panaginip lang naman 'yon 'di ba? Imposible namang mangyari 'yon lalo na kung mag-iingat ako.
Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay bumaba na ako.
"Oh Jean, late ka na. Kumain ka na lang nang mabilis." Pagyayaya ni mama.
"Hindi na po ako kakain male-late na po ako. Ngayon pa naman ang unang araw, nakakahiyang ma-late," paliwanag ko.
"Oh sige, baunin mo na lang 'tong tinapay." Nilagyan ni mama ng tinapay ang bag ko.
Buti nalang walking this stunts lang 'yung university na papasukan ko. Lalabas lang sa subdivision at lalakad ng kaunti tapos ayun na.
"Ma, alis na po ako," paalam ko kay mama.
"Sige, mag-iingat ka baka kung anong mangyari sa 'yo."
Papaalis na ako nang hindi sinasadya na madanggi ni mama 'yung baso. Nagulat kaming dalawa sa nangyari. Nakaramdam na naman ako ng kaba. Lalong nagpakaba sa akin nang maalala ko 'yung panaginip ko. Paano kung may mangyari nga sa aking masama? Senyales na ba 'to? Pero kung hindi ako papasok ngayong araw, mahuhuli ako sa pag-aaralan. Bobo na nga ako pala-absent pa. Ano 'yun?
"Ma, ipapulot mo na lang po 'yan kay kuya baka masugatan kayo. Aalis na po ako ma," paalam ko. Hindi na rin ako mapalagay. Paano kung may makita akong itim na pusa? Shems. Malas!
"Heather Jean..." tawag sa akin ni mama. Nilingon ko s'ya at nakita ko ang pag-aalala sa mukha n'ya. Pinaghalong kaba at takot. "Po?"
"Mag-iingat ka ha?"
"Opo ma." Ngumiti ako sa kan'ya para malaman n'yang okay lang ako at walang mangyayaring masama sa akin. Tama. Kailangan ko lang maniwalang walang mangyayaring masama sa akin. Wala.
Lumabas na ako sa bahay at naglakad. Pagtingin ko sa relo ko ay 6:57 na, tatlong minuto na lang. Tumakbo na ako nang mabilis. Siguradong haggardous verzosa ako pagpasok ko sa school, nakakahiyang inspiration 'to.
Nakalabas na ako sa subdivision namin. Tanaw na tanaw ko na ang university namin, tatawid na lang ako at makakapasok na sa gate. Hahanapin ko pa pala ang room ko bakit kasi—huli na nang mapansin kong may paparating na sasakyan na babangga sa 'kin. Narinig ko ang malakas na tunog ng pagpreno nito at ang tunog ng pagbagsak ko. Napapikit ako.
###

Book Comment (26)

  • avatar
    BantiloJosh Daniel

    yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c

    05/08

      0
  • avatar
    Kylee Jean

    good

    21/07

      0
  • avatar
    Estella Delima

    ilove the story🥰🥰

    02/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters