logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3: Finding Her

Raven Kim Del Valle's P.O.V
"Ano Brad? Nahanap mo na 'yung babae?" Tanong sa 'kin ng barkada ko na si Kurt. Simula nung kinuwento ko sa kanila 'yung nangyari sa akin, hindi na nila ako tinigilan at sinabing hanapin ko raw 'yung babae. Medyo nayayamot nga ako kapag naaalala ko 'yung babaeng 'yon. Simpleng sorry lang hindi niya pa magawa. Badtrip e.
Hindi ko sinagot ang tanong ni Kurt. Kahit ako naging curious na rin tungkol sa babaeng 'yon dahil sa kanila.
"Hindi ka makakaganti kung hindi mo mahahanap 'yung gagantihan mo." Paliwanag ni Clark na kasalukuyang nakaupo sa couch at naglalaro sa phone niya.
Hindi ko alam kung paano ko mahahanap 'yung babae dahil wala naman akong clue kung sino s'ya. Napapaisip na nga lang din ako. Kailangan ko ba talagang hanapin 'yon? Tsaka baka mas lalo lang akong mainis kung sakaling makita ko siya. Hindi ko talaga ma-imagine ang sarili kong nabangga ako ng bike. Nakakahiya. Badtrip.
"Baka kaya hindi mo mahanap kasi hindi nagpapahanap." Sambit naman ni Kurt. Kahit kailan talaga may mga hiwaga sa mga sinasabi niya. "O kaya naman, hinahanda pa nang tadhana ang pagkikita niyong muli. Malay mo, di ba? Kapag nakatakda kayo, pagtatagpuin naman kayo ng tadhana e." Dagdag pa niya.
"Luh, meron 'di bang pinagtagpo pero hindi itinadhana? Parang sila ni Sheen?" Sabat ni Clark na para bang hindi niya alam kung anong epekto sa akin ng pangalan na 'yon. Nakita ko pang napatakip ng bibig ang mokong na tila ba napagtanto niya ang sinabi niya.
"At least 'di ba? May natutunan ka, Raven? Huwag kang mag-alala. Malay mo 'yung babaeng nakasalamuha mo 'yung para sa 'yo. Di natin alam." Singit ni Kurt.
"Malay din natin, kami talaga ni Sheen ang para sa isa't isa. Hindi pa nga lang ngayon pero baka balang araw magkabalikan kami."
"Ang tanga!" Sigaw ni Clark na nagkunwari pang kausap 'yung cellphone niya. "Sabing akin 'yung buff eh!"
"Bilib din naman ako sa pasensya mo kay Sheen pero sa ibang babae, hindi ka gan'yan." Saad ni Kurt.
"Potek! Defeat tuloy!" Lumapit sa amin si Clark. "Alam mo ba kung anong pangalan?" Pag-iiba nito ng usapan. Umiling ako. Malay ko ba kung anong pangalan ng isang 'yon ang alam ko lang s'ya si Overaction. Natawa ako nang maalala 'yon.
"Oh tumawa ka? Tumatawa si Raven?" Para bang gulat sila sa nakita nila. Tipong may paghawak pa si Clark sa mukha ko. Kung hindi ko lang tropa 'to, sinapak ko na 'to.
"Teka, ano ba 'yang hawak mo kanina pa?" Pansin ni Kurt sa panyong hawak ko.
"Panyo mo ba yan? Iba na pala ang taste mo, bulaklakan," pang-aasar ni Clark.
"Sa tingin mo gagamit ako ng ganitong panyo? Mag isip ka nga." Umiling-iling ako.
"Eh kanino ba 'yan?"
"Kay overaction." Natawa naman sila. Naikwento ko na rin sa kanila 'yung tungkol do'n kaya alam na nila.
"Patingin nga! Parang may nakasulat eh," Kinuha ni Kurt sa akin ang panyo na hawak ko.
"Oh! May burda!" sigaw ni Clark habang may tinuturo do'n sa panyo.
"Oo nga no. Jean ang nakalagay," sabi naman ni Kurt habang sinusuri ang panyo.
"Patingin nga ako." Kinuha ko muli sa kanila ang panyo at nakita ko ang tinutukoy nila. May nakaburda ngang pangalan.
So, Jean pala ang pangalan ni overaction? Mas bagay sa kan'ya ang overaction kaysa sa Jean. Muli akong napangisi.
"May alam ka na tungkol sa kan'ya. May 1% chance ka nang mahanap s'ya," natatawang sabi pa ni Kurt.
"Huwag n'yo ngang ipamukha sa akin na gustong-gusto kong mahanap ang babaeng 'yon. Kayo 'tong curious kung maganda 'yung babae e."
"Bakit hindi ba?" Sabay nilang pag-uusisa sa akin.
"Anong hindi?" Tanong ko.
"Hindi ba siya maganda?" Napakunot ang noo ko. Never thought that he'll ask about that. At isa pa, isa lang naman ang maganda sa paningin ko. Syempre 'yung ex ko.
"Ba't 'di mo ipahanap sa private investigator n'yo?" tanong ni Clark.
Naisip ko na rin ang bagay na 'yan kaso baka malaman nila mama. Baka isipin na naman nila kung ano-anong katarantaduhan na naman ang ginagawa ko baka hindi ko na naman magamit 'yung credit card ko 'pag nagkataon.
"O sige, ganito na lang. Huwag na nating hanapin 'yang babaeng 'yan. Iasa na lang natin sa tadhana na kapag nagkita kayo, you two are meant to be." Payo ni Kurt. Bakit ba lagi niyang idinadawit ang tadhana?
"Anong meant to be, Kurt? Pinagsasasabi mo?" I bluff.
"Let's set this, Raven. Kapag nagkita kayong muli ni Jean, magmo-move on ka na kay Sheen. Deal?"
"Why do you want me to move on?"
I don't know why I felt something inside me. Parang ngayon lang ako kinabahan sa buong buhay ko.
"Because we want you to be happy, brad." Seryosong sabi naman ni Clark.
"We all know na mahirap talagang kalimutan ang babaeng nagparamdam sa 'yo ng sobrang saya, tinuruan ka kung paano magmahal, 'yung pinaramdam sa 'yong buhay ka but look what she've done. She left you. If she really loves you, whatever reason she'll choose to stay, Raven. But Sheen didn't."
"At kaya nga nandito kami para tulungan ka. Tama si Kurt, tulungan mo rin 'yung sarili mo. Set na natin 'yung deal na kapag nagtagpo ulit ang mga landas niyo ni Jean, kalimutan mo na si Sheen." Umakbay sa akin si Clark.
"O sige, kapag hindi kami nagkatagpo, hahayaan niyo na ako. Maniniwala akong si Sheen talaga ang para sa akin." Saad ko.
Natahimik silang dalawa. Pareho pa silang nagkatinginan. "Deal." Kinuha nila ang kamay ko para makipagkamay at mas mapagtibay 'yung kasunduan naming tatlo.
"So kumusta naman kayo ni Karen?" Pag-iiba ko ng usapan. Nakita ko kung pa'no kumurba 'yung ngiti sa labi ni Kurt.
"All good." Simpleng sagot niya pero alam mong sa likod ng mga salitang 'yon ay marami siyang gustong ikwento. "Eh ikaw Clark? Kumusta naman ang pagiging torpe natin d'yan? Wala pa bang nakakapagpalakas ng loob mo?" Pang-aasar ni Kurt.
"Hoy ba't naman sa 'kin napunta usapan? Tsaka makita ko lang kayo, goods na 'ko." Mayabang na sagot ni Clark.
"Walanjo, sabi na may gusto ka sa isa sa amin. Kakatakot ka brad, may girlfriend na 'ko." Pang-aasar ni Kurt.
"Gago, ginawa mo 'kong bakla! Palakihan na lang ano?"
"Bastos ka talaga." Sambit ko at hinayaan ko na lang silang magbiruan. Napatingin akong muli sa panyong hawak ko tsaka ko hinaplos ang pangalang nakaburda dito. Jean...
***
Umalis na ang dalawang ugok sa pamamahay ko pagkatapos nilang kumain. Ganoon naman talaga ang dalawang 'yon, sanay na sanay na ako. Simula gradeschool kami, magtotropa na kami at lagi nilang tambayan 'tong bahay namin.
Umupo ako sa harap ng pc ko. Heto, nakahanap na ako ng paraan kung paano ko mahahanap si overaction. Oo, hahanapin ko siya para alam ko kung paano ko siya lalayuan. Kung paanong hindi magtatagpo ang mga landas namin. Teka, mukhang imposible 'yon dahil parang iisang subdivision lang kami nakatira. Takte, naisahan yata ako nila Kurt ah.
Hinayaan ko na lang ang mga kamay kong gawin ang gusto n'yang gawin. Nag-log in ako sa facebook.
Mahahanap ko kaya? Parang imposible. Kung ipahanap ko na lang kaya sa private investigator? Imposible rin dahil wala akong picture n'ya o ano man. Tsaka magsasayang pa ako ng pera 'pag gano'n. Tsk.
Nag-type ako ng 'Jean' at sinearch ko sa Facebook. Pinindot ko ang button kung saan nakalagay 'yung 'See all results'. Siguro naman may Facebook ang babaeng 'yon. Dito ko nalang s'ya hahanapin. Ini-scroll down ko pa ang mga resulta para mahanap si overaction pero wala.
Wait. Do I really have to be this low? Badtrip. Isinara ko na ang laptop ko.
Lumabas na ako ng kwarto ko. Nakita ko si mama na kakapasok lang sa pintuan ng bahay namin.
"Ma!" Bati ko sa kan'ya.
"Oh Raven? Kumain ka na?" Tanong n'ya sa akin. Umiling ako.
"Si dad ba kailan ang uwi?" Tanong ko na man nang makalapit ako sa kan'ya.
"Ano ka ba? Masyadong busy 'yon sa trabaho n'ya. Katulad mo rin ako, namimiss ko na rin ang papa mo," sabi n'ya sa akin nang nakangiti pero kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata n'ya. Nakaramdam rin ako ng lungkot, tsk si mama talaga.
Niyaya na akong kumain ni mama. Nagpa-deliver s'ya ng hapunan namin tutal naman gutom na rin kami.
"Anong nangyari sa mukha mo?" "Po?"
"Ayan o," Tinutukoy n'ya siguro 'yung gasgas sa gilid ng noo ko. Akala ko hindi n'ya mapapansin kasi tinago ko na ng buhok. Nakita pa rin pala n'ya.
"Nadapa po ako noong isang araw," pagdadahilan ko kay mama.
"Nadapa? H'wag mo nga akong pinaglololoko, Raven. Imposibleng madapa ka lang. Anong nangyari? Nakipag-away ka na naman ba?"
"Ma, nadapa nga lang po ako," giit ko. Bakas na sa mukha ni mama ang inis nya kaya mas mabuting hanggang d'yan na lang. Baka magalit pa sa akin, kumakain pa naman kami.
"Ang galing mo talagang magsinungaling. Hindi mo na ako mapapaniwala d'yan. Dalhin mo dito ang gumawa n'yan sa 'yo at iharap mo sa akin."
"Ma naman! Ang o.a nyo na. Sabing wala nga lang ito," sabi ko pa.
"Aba! Bakit ka ngumingiti d'yan?" Binatukan naman ako ni mama.
"Ang o.a n'yo kasi."
"Pag nakita ko 'yang gumawa n'yan sa 'yo, nako makakatikim talaga 'yon sa 'kin!"
Hindi ko na pinakinggan pa si mama at pinagpatuloy na ang pagkain ko. Nakuha ko na, binibiro n'ya lang ako. Naisip ko, paminsan-minsan na lang rin kaming magkasabay-sabay kumain kasi busy rin s'ya sa trabaho n'ya katulad ni dad. Hindi ko na matandaan kung kailan huling dumating si dad. I admit it, I miss him.
Pagkatapos naming kumain ni mama ay hinayaan ko na s'yang pumasok sa kwarto niya at magpahinga. Nagpresinta na akong ako na ang mag-aayos ng lamesa at magtatapon ng kalat namin.
Pumasok na ako sa kwarto ko para magpahinga. Nag-shower na rin ako saglit. Humiga na ako sa kama ko at ilang sandali lang ay nakatulog na ako.
****
****
Minulat ko ang mga mata ko.
Ang aga pa yata. Humikab pa ako.
Anong oras na ba?
Tiningnan ko ang orasan sa ibabaw ng side table ko.
5:03 AM
Bumangon na ako sa higaan ko. Nakaalis na siguro si mama. Ano na naman kaya ang gagawin ko ngayong araw? Uminat ako dahil medyo inaantok pa ako nang biglang mapansin ko ang kamay ko.
Nasaan 'yung bracelet ko? Bwisit. Nasaan 'yon? Saan ko nawala?
Inalala ko ang lahat ng nangyari kahapon at ng mga nagdaang araw. Saan ko ba nawala 'yon? Pucha naman, hindi pwedeng mawala na lang 'yun basta-basta. Kailangan kong mahanap 'yon.
Tumayo ako at dali-daling bumaba sa salas. Pinuntahan ko na rin ang kusina kung saan kami kumain ni mama kahapon. Nilibot ko ang buong bahay pero hindi ko talaga makita ang hinahanap ko. Saan pa ba ako pumunta?
Tinawagan ko si Kurt para tanungin kung nakita n'ya ang bracelet ko pero hindi raw baka kung saan ko lang daw nailagay. Mahahanap ko rin daw 'yun 'pag hindi ko na hinahanap. Madalas daw kasi n'yang mahanap 'yung bagay na nawawala 'pag hindi na n'ya hinahanap.
Bakit ba parang ang dami kong hinahanap these past few days?
Tinawagan ko naman si Clark para tanungin din s'ya tungkol sa nawawala kong bracelet.
("Hello Raven? Ang aga mong mang-abala ah!") Bakas sa boses niya ang antok.
"Gagi, nawawala kasi 'yung bracelet ko, nakita mo ba?"
("Kaninong bracelet?")
"Sa akin."
("Oh bakit mo sa 'kin tinatanong? Gago ka ba? Malay ko sa bracelet mo.")
Bwisit talaga ang isang 'to. Tama talaga ako na wala akong makukuhang matinong sagot mula sa kan'ya.
"Tinatanong ko lang naman! Malay ko rin ba kung kinuha mo!" Biro ko.
("Pogi lang ako pero hindi ako magnanakaw.")
"Ahh talaga? Wala ka talagang kwenta. Matulog ka na lang ulit!"
("Teka, parang kahapon hindi ko napansing suot mo.")
"Ha?"
("Nagtaka nga ako eh, pero naisip ko baka 'pag nasa bahay ka hinuhubad mo 'yung bracelet mo kaya hindi ko na tinanong.")
"Ibig sabihin wala na kahapon." Sambit ko.
("Baka nga. Tsaka baka nahulog nung nabangga ka.")
"Nabangga?" Inalala ko ang mga nangyari noong isang araw. Posible bang nahulog ko 'yon nung nabangga ako?
"Sige, salamat," Binaba ko na ang tawag at agad na lumabas sa bahay.
Dinaanan ko ang lahat ng nadaanan ko noong isang araw. Kailangang makita ko 'yon.
Inilawan ko ng flashlight ang daan para makita ko nang mabuti. Madilim pa rin kasi ngayon dahil hindi pa sumisikat ang araw. Kailangang mahanap ko 'yon. Mawala na ang lahat ng bagay sa akin 'wag lang 'yon. Nangako akong hindi ko iyon iwawala pero naiwala ko. 'Yun na lang ang alaala n'ya sa akin, nawala pa! Bwisit talaga.
"Tulonggggg!!!" Napatigil ako. Humihingi ng tulong? Tama ba ang pagkakarinig ko?
"Tulungan nyo kooo!!"
Lumingon-lingon ako para hanapin kung saan nanggagaling ang sigaw. Tutulungan ko ba s'ya o ipagpapatuloy ko na lang 'yung paghahanap sa pinakamahalagang bagay na nawala ko? Imposible naman sigurong may kailangan ng tulong ngayon. Subdivision 'to 'di ba? Baka nanloloko lang, may nabalitaan na rin akong ganito pero trip lang naman daw baka nangtitrip ulit. Pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap ko sa bracelet ko.
Hindi na ako nakarinig pa ng sigaw. Hindi kaya? Napalunok ako. Agad akong tumakbo at hinanap ang sumigaw kanina. Boses 'yon ng isang babae. Ang tanga ko, baka ano nang nangyari do'n. Hindi ko naisip na baka totoong may nangangailangan ng tulong. Putek, ang bobo mo Raven!
Nakita ko na lang ang sarili kong tumatakbo nang mabilis at hinahanap ang babae. Hindi ko na ipinagpatuloy pa ang paghahanap sa bracelet ko at iba naman ngayon ang hinahanap ko.
"Walang makakarinig sa 'yo! Kahit anong sigaw mo, walang tutulong sa 'yo!"
Nakarinig ako ng isa pang sigaw. Boses ng isang lalaki. Gusto kong murahin ang sarili ko, dahil sa katangahang ginawa ko. Kung bakit kasi---tupang ina naman oh! Baka dalhin ko 'to sa buong buhay ko 'pag 'di ko natulungan 'yung babae. Baka hindi ako makatulog sa gabi.
Napalunok ako sa natutukan ko ng flashlight. Pusang gala. Hindi ko inakalang masasaksihan ko ang ganitong bagay.
###

Book Comment (26)

  • avatar
    BantiloJosh Daniel

    yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c

    05/08

      0
  • avatar
    Kylee Jean

    good

    21/07

      0
  • avatar
    Estella Delima

    ilove the story🥰🥰

    02/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters