logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2: Overaction

Heather Jean Duerre's P.O.V
"Hala! May dugo sa ulo mo!" sigaw ko dahil sa gulat. Hinawakan niya ang noo niya at nakita niya ngang may dugo rito.
"Pusang gala!" Sinigawan niya ako na para bang sobrang pigil na pigil niya na sa galit niya.
Agad kong kinuha 'yung dala kong panyo sa bulsa ko at pinunas sa dumadaloy na dugo sa gilid ng mukha n'ya. Hala. Mamamatay na ba s'ya? Bakit hindi pa ngayon? As in now na?
Nangangatog 'yung kamay ko habang pinupunasan 'yung dugong walang tigil sa pag-agos sa noo niya. Huhuhu Nooooo~ Hindi ako mamamatay taoooo!
"Mamamatay ka na ba? Sorry na. Huwag mo 'kong dadalawin, please." Saad ko. Shemay naman kasi. Sobrang lala ba nung nagawa ko? Bakit ang daming dugo? Hala.
"Tss, tabi nga! Overaction." Sabi n'ya at tinabig ako. Naglakad na s'ya paalis at hindi na muling lumingon pa. Parang sa isang relasyon, kung sinong nang-iwan wala nang karapatang lumingon, wala nang karapatang bumalik dahil wala na siyang babalikan. Sa oras na bumitaw ka, asahan mong wala ka nang hahawakan pa.
Tiningnan ko na lamang ang likod n'ya habang naglalakad s'ya papalayo sa akin.
Tsk. Yabang mo! Buti nga sa 'yo! Bleh.
Naglakad na rin ako pabalik kung nasaan ang bike ni kuya. Nakita kong may gasgas ako sa braso ko gano'n din sa tuhod ko.
"Talaga naman." Dinukot ko sa bulsa ko ang panyo ko.
T-t-eka nasaan 'yung panyo ko? Dala ko 'yon kanina eh.
Shems, oo nga pala nasa lalaki kanina! Ibig sabihin hindi naisauli sa akin? Naman!
Pasakay na ako sa bike nang mapansin kong flat ang gulong nito. 'Wag n'yong sabihing maglalakad pa ako?
Napapikit ako. Hindi ko na kaya.
Maglalakad akong ganito? Nako naman.
May napansin akong bagay sa kalsada. Teka, bracelet?
"Kim?" basa ko do'n sa pangalan na nasa bracelet. Hindi naman siya mamahaling bracelet, kasi 'yung parang nabibili lang 'to sa tabi-tabi. 'Yung may pisi na ititirintas tapos may mga maliliit na dice/cube na may letter. Kadalasan, mga bata ang bumibili ng ganun.
Kanino naman kaya ito?
Hindi ko alam kung bakit kinuha ko iyon at binulsa ko. Mumurahin lang naman 'yon at hindi mahal na alahas pero meron kasi sa loob kong nag-udyok na kunin ko 'yon dahil para bang mahalaga 'yon sa 'kin.
Naglakad na ako kasabay ng bike ni kuyang wala nang kwenta dahil flat naman at parang tumabingi nga 'yung gulong. Natawa na lang ako sa kapalpakan ko.
"Ma, heto na 'yung toyo!" Sigaw ko nang makarating ako sa bahay.
"Jean, anong oras na? Sa sobrang tagal mo pinrito ko nalang 'yung manok. Ano bang nangyari sa 'yo? At bakit may mga sugat ka sa binti?" Sunod-sunod na tanong sa 'kin ni mama. Nanlumo naman ako sa narinig ko mula sa kaniya. Pakiramdam ko babagsak na ang katawan ko.
"Ma, kung alam mo lang kung anong pinagdaanan ko bago ako makauwi rito." Matabang kong sagot.
Ibinigay ko na kay mama 'yung toyong pinabili n'ya at umakyat na ako sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos ay kinuha ko ang first aid kitten ko at sinimulang gamutin ang mga gasgas at sugat na natamo ko. Napabuntong hininga ako nang makahiga ako sa kama.
Naalala ko ang nangyari sa akin kanina. Ang hirap ko do'n sa tindera at 'yung oras na nakabangga ako gamit ang bike ni kuya.
Hindi ko sinasadya ang bagay na 'yon pero kung magalit s'ya akala mo mapapatay ko na s'ya at siya lang ang nasaktan, ako rin kaya, nasaktan din ako sa mga sinabi niya.
Akala ko, ako lang ang nag-iisang overaction sa mundo, may isa pa pala pero mas overaction s'ya. Ang yabang yabang!
Pangit na nga, ang pangit pa ng ugali! Sabihan ba naman akong tanga at bobo! Alam kong tanga ako pero hindi na kailangang ipaglandakan at ipamukha pa sa akin!
Naiinis ako sa kan'ya! Hindi n'ya pa isinauli yung panyo ko! Big deal 'yun kasi regalo yun sa 'kin ni papa. Galing pa 'yun sa South Korea kung saan s'ya kasalukuyang nagtatrabaho. Pinaburdahan pa 'yon ng pangalan ko tapos tatangayin n'ya lang! Kakaiba! Siguro modus 'yun si kuya. Wait. Baka pakay niya talaga 'yung panyo ko? Wait, stalker ba siya? Pa'no niya nalamang mamahalin at galing sa South Korea 'yung panyong 'yun?
Bigla akong may naalala. Agad akong bumalik sa c.r kung nasa'n ang damit na pinaghubaran ko. Kinuha ko ang shorts ko at tiningnan ang bulsa nito. Kinuha ko ang bracelet na napulot ko kanina at hinawakan ang maliliit na cube na may pangalang K-I-M.
"Jean! Bumaba ka na riyan at kumain na!" Rinig kong sigaw ni mama.
Agad kong itinago ang bracelet sa damitan ko at bumaba na. Pagkatapos kong kumain ay naghugas na ako ng plato.
"Jean anong nangyari sa 'yo kanina? Okay ka lang ba?" Tanong muli ni mama sa akin. Napabuntong hininga ako.
"Ma, wala naman 'yon. Nadapa lang po ako pero okay na po ako." Simpleng sagot ko. Ayoko na rin kasing maalala pa ang nangyari. Nakakapanlumo kasi.
"Hay nako, ang laki-laki mo na para madapa. Alagaan mo naman ang sarili mo. Walang ibang mag-aalaga sa 'yo kapag malayo ka sa amin kundi ikaw lang." Paalala ni mama.
"Ma, huwag ka nang mag-alala. 'Di ba nga sabi ko sa 'yo malakas ako? Maganda pa. Teka, may pupuntahan po kayo ngayon?" Pag-iiba ko ng usapan nang mapansing naka-pustura si mama.
"Oo, kukunin ko lang 'yung padala ng papa mo. Magpahinga ka muna rito, aalis na ako." Paalam niya tsaka ko siya hinatid sa gate at hinintay na makasakay sa taxi.
"Sige, ingat po kayo."
Umakyat na ako muli sa kwarto ko para manood ng sinusubaybayan kong koreanovela.
****
"Jean?" Nagising ako nang may marinig akong kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Nakatulugan ko pala 'yung pinapanood kong movie. "Jean, nand'yan ka ba?" Teka, boses ni kuya.
"Bakit?" Tanong ko nang mabuksan ko ang pinto at nakita ko nga ang pagmumukha ni kuya na mas malapad pa sa dos por dos ang ngiti.
"Bakit ka nakangiti d'yan?" tanong ko pa.
"Ang cute mo kasi Jean." Pinisil-pisil pa n'ya ang pisngi ko. Bakla talaga 'to, shems.
"Aray naman koya! Mashaket!" Binitiwan naman n'ya ako. Syempre, kinurot ko eh. Kahit maikli 'yung kuko ko no, masakit 'to!
"Ang sadista mo talaga, Jean! Wala kang katulad!"
"Wala kang paki! Oh bakit may better news ka ba?" Tanong ko dahil mukhang press na press ang aura ni kuya ngayon. Nag-press powder siguro.
"Good news kamo."
"Yun nga. May good news ka ba?" Tumango siya.
"Ah talaga? Break na kayo ni Ate Allen? Sabi ko na nga ba hindi ka n'ya mapagtyatyagaan. Ang sama kasi ng ugali mo hahaha," asar ko sa kan'ya sabay tango-tango.
"Ako pa ang masama ang ugali? Hindi kami nagbreak at hinding-hindi kami magbe-break. May forever sa aming dalawa, Jean." Halos masuka naman ako sa sinabi niya. Tipong kitang-kita ko pa 'yung matamis niyang ngiti na mukhang kahit anong pigil niya doon ay hindi niya talaga maalis.
"Yak kuya! Nagmumura ka na naman, walang forever!" Umarte pa akong naduduwal sa harap niya at wala siyang ibang ginawa kundi umiling at pagtawanan ako.
"Bitter ka kasi. Isang hiwaga talaga kung bakit ka nagkaganiyan, Jean."
"Tsk. Ano ba kasi 'yang good news mo?" Tanong ko at sinamaan ko siya ng tingin. Bukod sa inabala niya ang pagtulog ko, sinasayang niya ang oras ko.
"Gusto ko lang namang sabihin sa 'yo na ililibre kita sa unang sahod ko." Sambit niya sabay taas-baba ng kilay na para bang tinatanong kung nakuha ko ba 'yung sinasabi niya.
"Weh 'di nga? Eh wala ka namang trabah--'di nga? Natanggap ka?" Tumango-tango naman si kuya.
"Hay nako, dinaan mo na naman sa karisma mo. Tsk tsk, wala akong masabi. Kahit kay Ate Allen kaya 'di ka iniiwan nun eh."
"Kasalanan ko bang gwapo ako? Tsaka hindi ganiyan si Allen, mahal niya ako at masaya siya sa 'kin kaya hindi niya ako iiwan." Mayabang na sabi ni Kuya. Kung hiwaga sa kanila ang pagiging bitter ko, hiwaga naman sa akin kung bakit masaya silang naniniwala na may forever. Shemay, lahat ng bagay may katapusan. Siguro ngayon, hindi mo masasabi kasi masaya ka pero dadating 'yung araw na malulungkot ka, masasaktan ka at wala ka nang ibang magagawa kundi tapusin na lang ang lahat.
"Kapal, chupi ka na nga. Iniistorbo mo ako." Sinarhan ko na s'ya ng pinto.
"Hoy Jean! Bastos ka talaga! Hindi kita ililibre d'yan, akala mo!" Sigaw n'ya. Pinagbuksan ko ulit s'ya ng pinto.
"Hindi ka naman mabiro, kuya. Bakit ang gwapo mo ngayon ha?" Ngumiti naman s'ya sa akin. Ganito talaga kami, isang bola lang, ngumingiti na. Sinara ko na ulit ang pinto ng kwarto pero binuksan ko ulit para tawagin si kuya.
"Kuya!"
"Oh?" Lumingon siya sa akin.
"Ano bang ibig sabihin ng o.a? 'Di ba overaction 'yon?" Pinagtawanan niya ako. Okay, baliw na siya.
"Overacting lang 'yon, Jean, hindi overaction." Ginulo-gulo niya ang buhok ko tsaka siya pumasok sa kwarto niya. Kaya pala ako pinagtawanan ng baliw kong kuya ha. Tsk. "Hindi ba pareho lang 'yon?"
Tiningnan ko ang orasan. Alas singko na, kaya pala nandito na ang kuya kong saksakan din ng yabang. Bumaba na rin ako.
"Oh ma?" Sinalubong ko si mama. Kauuwi lang din pala n'ya. Tinulungan ko s'yang magbuhat ng mga balikbayan boxes na por shur may laman na namang kung ano-ano galing kay papa. Tinulungan din kami ni kuyang magbuhat.
"Tatawag daw ang papa n'yo mamaya." Sambit ni mama. Tumango na lang kaming dalawa ni kuya.
"Please lang 'wag kayong mag-aaway," paalala sa 'min ni mama na palagi namang hindi nasusunod. Parang aso't pusa kami ni kuya pero kahit ganoon alam kong mahal n'ya ako at mahal ko rin ang kuya ko. Ganoon lang siguro kaming maglambingan. Ganoon siguro naming kayang ipakita kung gaano naming kamahal ang isa't isa. Tipong magsusukahan, ganun.
Pagkatapos na 'ming magbuhat ay saktong tumawag si papa. Dali-dali naman akong pumunta sa sala para kausapin siya.
"Hello Papa! Kumusta po? Hindi naman po ba kayo inuubo o kaya sinisipon? Baka nagkakasakit na kayo d'yan. Marami po ba kayong nakikitang artista o kaya kpop? Nakita n'yo na po ba 'yung BTS? Eh 'yung Infinite po? 'Yung Seventeen? 'Yung EXO? ASTRO? SISTAR? BLACKPINK? RED VELVET? TWICE? CLC? IOI? GFRIEND? PRISTIN? Nakita niyo rin po ba 'yung mga OPPA ko? Sina Lee Min Ho? Song Joong Ki? Lee Jong Suk? Ji Chang Wook? Park Bo Gum? Yoo Seung Hoo? Eh 'yung dokbokki, masarap po ba talaga?" Sunod-sunod kong tanong kay papa. Pagdating kasi sa usapang Korea, nagiging activity ang mga nerves ko.
"Hay nako, isa-isang tanong lang Jean. Para kang rapper e. Tsaka para namang kilala ni papa 'yung mga pinagsasasabi mo na 'yan. Ikaw talaga." Singit ni Kuya at ginulo-gulo ang buhok ko tsaka niya ako siniksik at tinulak paalis sa screen. Inirapan ko s'ya. Badtrip talaga ang isang 'to, 'di naman s'ya kinakausap sabat nang sabat.
"Hindi ikaw ang kausap ko," bulong ko.
"Aba't!" Akmang papaluin niya ako nang sinumbong ko siya kay mama.
"Ano po papa? Kumusta po?" Tanong ko muli kay papa.
"Okay lang ako. Oo nga pala, magka-college ka na 'di ba kaya galingan mong mag-aral ha? Pagka-graduate mo, dito ka na magtrabaho sa Korea maganda ang buhay rito. 'Di ba pangarap mo 'yon? Kukunin ko kayo d'yan at dito na tayo titira 'pag na-petition ko na kayo," sabi ni papa.
Parang nagkaroon ng kislap 'yung mga mata ko kahit hindi ko naintindihan 'yung huling sinabi ni papa. Petition?
"Talaga, Papa?" Tanong ko. Tumango lang s'ya.
"Talagang-talaga? Walang halong biro?" Binatukan naman ako ni kuya. Aba, bakit ba nambabatok ang isang ito? Papansin.
"Ang o.a mo," sabi n'ya sa 'kin.
"Oy alam ko na ang meaning n'yan. Inggit ka lang kasi kuya Jake. Hindi mo alam ang feelings ng isang Kpopper. Grabe, pagdating ko talaga do'n. Pag-apak na pag-apak ko, hahalikan ko 'yung lupa!" Paliwanag ko sa kan'ya. Kitang pangarap ko 'yun eh. 'Yung mahalikan 'yung lupa pagdating na pagdating ko sa Seoul. Whahahaha "Papa oh, binatukan ako," Sumbong ko.
"Hay nako kayong dalawa, tumigil nga kayo. Lagi na lang kayong nag-aaway. Sige Jean, iwan mo muna kami ni Jake," sabi ni papa.
"Sige po papa. Pagalitan n'yo po 'yan. Ingat po kayo lagi d'yan. Saranghae," paalam ko at umakyat na sa kwarto ko. At katulad nang nakagawian pagpatak ng alas syete ng gabi, bubuksan ko na ang laptop ko para mag-type ng susunod na update ko sinusulat kong libro.
###

Book Comment (26)

  • avatar
    BantiloJosh Daniel

    yhhh f t tctcctctctctctctctctvtv I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I can get it so I c

    05/08

      0
  • avatar
    Kylee Jean

    good

    21/07

      0
  • avatar
    Estella Delima

    ilove the story🥰🥰

    02/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters