logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Sirena

Zhawn's POV
Nakalipas ang isang araw nang matapos ang aming presentation at masaya kami dahil pangalawa kami sa limang grupo. Natuwa lahat ng judge o mga guro namin dahil sa maganda at nakaka-inspire ang mga ginawa ng bawat grupo.
Nandito kami ngayon sa canteen kasama ang mga kaibigan ko.
"Dre, diba nong araw na sinabi ni ma'am na may quiz, wala ron ang kapatid mo?" tanong ni Zyro.
Oo, wala nga siya doon at ang ikinatataka lang namin ay bakit siya ang highest. Hindi naman na bago samin na matalino si Czyme pero nakakapagtaka lang talaga na fourth year high school and first day of school ay wala siya pero siya ang
highest.
"Oo nga, alam naman nating tatlo na hindi ganon katalino ang kapatid mo," nagtataka ring sambit ni Yshmael.
"Ewan ko din, nagtataka nga rin ako don. Hindi ko din naman siya napansing nagbasa o kahit nag-aral sa bahay," sagot naman ni Zymor.
"First, wala siya nong ituro ni ma'am ang topics natin. Second, hindi naman siya pwedeng magpaturo kay ma'am, I mean yong tuturuan siya nang mag-isa. And last, wala pa namang binibigay na libro unless itinanong niya ito kay ma'am at nagsearch," paliwanang ko.
Nakakapagtaka lang talaga.
Pupunta kami ngayon sa gym para maglaro muna ng basketball dahil maagang nagpauwi ang teacher namin ngayong hapon.
“Bakit parang sinasabi niyong cheater ang kapatid ko?” nakangising giit ni Zymor.
“Hindi naman, dre. Nakakapagtaka lang talaga,” giit ko.
Pagkarating namin sa gymnasium ay marami na ang mga estudyante. Habang papunta kami sa bench ay maraming mga babae ang sumisigaw. As usual, sinisigaw na naman ang pangalan namin at ang pangalan ng grupo. Hindi naman na bago samin ‘to kaya hindi na kami nagrereklamo pa pero nakakairita lang ang mga boses nila. Tsk.
May isang babaeng papunta sa gawi namin ngayon. Nang makalapit ito ay may iniabot syang isang bottled water kay Zyro.
Tinanggap nya naman ito ng nakangiti, na naging dahilan din ng pagngiti ng babae na halos makita na ang kanyang gilagid.
Paniguradong may kalokohan na namang gagawin yan hahaha. Ni minsan hindi pa yan tumatanggap ng kahit ano galing sa hindi nya kilala or kaibigan.
Hindi nga ako nagkakamali at kahit kailan ay hindi talaga dahil gumawa ulit sya nang kalukuhan pero......
Napatulala kami sa ginawa nya, ulit. Siya lang ang babaeng kumakalaban sa leader namin tsk.
"Subukan mo," nakangisi nitong sambit habang hawak ang kamay ni Zyro.
Inis namang ibinaba ni Zyro ang kamay niya at simaan niya ito ng tingin.
Nakahanap ka na ba talaga ng katapat mo Mauzyro hahahaha. Masama ang tingin sakanya ni Zyro pero nakangisi pa rin ito.
Maraming nagbulungan sa paligid.
Napalingon rin ako kay Zymor pero pareho lang kaming tatlo na nagulat sa ginawa niya. Ang bilis nya, hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya. Tumakbo ang babaeng nagbigay ng bottled water kay Zyro.
Napuno ng katahimikan ang pagitan nila. Sa pagtitigan nila ay biglang kinindatan at nginitian ito ni Czyme si Zyro at saka umalis.
"Bwesit ka bansot!" inis na sigaw ni Zyro.
Pikon ang loko hahaha. Ngayong may katapat ka na, titigil ka na ba? haha.
Hindi na kami nagtuloy na maglaro dahil halatang pikon at nabwisit ang isang kasama namin hahaha.
"Dre kapatid mo lang ata makakapagpatigil dito," bulong ko kay Zymor at saka inginuso si Zyro na kunot na kunot ang noo at salubong ang kilay.
Tumahimik lang ito at titig na titig pa rin siya sa hindi mapakaling si Zyro. Pikon haha.
Nagkayayaan muna kaming pumunta sa isang cafe na popular dito. Nagsisakayan kami sa sarili naming kotse. Naunang umalis si Yshmael, na kasunod lang nito ang kotse ko at sabay naman sila ni Zymor at Zyro.
Prrrrrt!!
Nasa kala gitnaan na kami ng pagmamaneho nang biglang mapatigil ang sasakyan ni Yshmael kaya napatigil rin kaming nakasunod lang sakanya. Bumusina ako kay Yshmael dahil hindi pa rin ito umaandar. May dalawang itim na kotse ang humarang sa daan.
Bumaba kami sa kanya-kanya naming sasakyan at saka tiningnan ang nakaharang sa daan. Nagsibabaan naman ang limang tao sa bawat kotse. Malayo palang ay kilala ko na, sila yong mga nakalaban namin.
"Kamusta na Mauzyro?" nakangising tanong ng pinaka leader nila, ang leader ng Hyke Minus Frat, kilala bilang HMF.
"Ito gwapo pa rin" nakangiting sagot nito.
"May sasabihin pa ba kayo? Kung wala na, wag kayong paharang-harang sa daan dahil may mas importante pa kaming gagawin kesa pag aksayahan kayo ng oras." nababagot kong sambit.
Sa dinami-rami ng pagkakataon ngayon pa kayo sumingit, sa panahong pikon lang kanina ang leader namin pero ngayon mahangin na hahaha.
Czyme's POV
Naglalakad ako ngayon pauwi dahil iniwan ako ni kuya. Pumunta kasi ako kanina sa music room para magpahinga matapos ang nangyari sa pagitan namin ng mukong na yon.
"May sasabihin pa ba kayo? Kung wala na, wag kayong paharang-harang sa daan dahil may mas importante pa kaming gagawin kesa pag aksayahan kayo ng oras."
Napatigil ako dahil sa narinig kong pamilyar na boses. Nagtago ako dito sa kotse ng isa sa mga kaibigan ng kuya ko.
Sampung lalaki laban sa apat na lalaki ang nakikita ko ngayon sa labanan, so unfair. Umiiwas naman ang tatlo pero natatamaan pa rin sila dahil sa dami ng mga ito. Inilabas ko ang cellphone ko at saka isinaksak ang headset pero walang tugtog. Naglakad ako sa harap ng mga ito na nagkukunwaring hindi ko sila napapansin at naririnig.
Isinadya kong mahulog ang nakasaksak na isang headset nang makapunta ako sa gitna nila. Napatigil sila sa paglalaban at may pagtatakang tingin. Nagkunwari akong hindi aware sa mga ginagawa nila.
Sinulyapan ko si kuya pero masama ang tingin niya sakin at may nagtatakang tanong pero hindi ko lang ito pinansin.
"Kuya nandito ka lang pala, kanina pa ako naglalakad hindi mo man lang ako hinintay. Anong ginagawa niyo rito?" pagkukunwaring tanong ko.
Mas sumama at may pag-aalala naman ang tingin niya sakin. Di man lang ako sakyan ng lintik na to.
“Oh bakit may galos ka mukong?” kunwaring gulat kong sabi habang nakaturo kay mukong.
“Anong ginagawa niyo? Nag-aaway ba kayo?” sunod-sunod na tanong ko pero hindi sila sumagot.
“Itigil niyo na yan, kung hindi ay tatawag ako ng mga pulis,” parang batang banta ko na inayos pa ang suot kong salamin
“Bakit naman nakialam ka pa dito, nerdy?” tanong nong isang lalaki.
“Dumaan lang ako dito eh, at saka daanan naman ito,” inosenteng sagot ko.
Lalapit pa sana ang isa sakin pero biglang may sirenang tumunog kaya napaatras sila at sumakay sa dalawang itim na kotse.
Sinulyapan ko naman sila kuya na mabilis ding naglakad papunta dito sa gawi ko. Masama ang tingin ni kuya habang naglalakad palapit sa akin at bigla ako nitong hinawakan ng mahigpit sa braso.
“Aray!” daing ko habang hila-hila niya ako palapit sa kotse niya.
“Bakit ka pumunta rito?!" galit na tanong ni kuya na kulang nalang ay gusto niyang sumuntok.
"Kuya daan to pauwi" pilit ang ngiting sagot ko pero mas sumama ang tingin nya sakin.
"Alam mong delikado kanina, nagpatuloy ka pa!" sigaw nya.
Galit na talaga siya.
"Hindi ko kayo napansin, okay? At saka anong malay ko sa inyo, eh dito ang mas madaling daan pag-umuuwi ako," pinaparamdam kong naiinis na rin ako.
Bumuntong-hininga si kuya. Tumingin rin ako sa mga kaibigan niya na halata rin ang pag-aalala sa mga mukha nila.
“Don’t do that again. Swerte tayo dahil sa sirenang yon,” anang mukong kaya napatingin ako sakanya.
Oo nga pala, nasan na yong pinanggalingan ng sirenang ‘yon?
"Umuwi na tayo baka gabihin pa tayo. Sa susunod na araw nalang ang naudlot nating gawain” seryosong sambit ni kuya.
Itutuloy…

Book Comment (279)

  • avatar
    Joiseu

    Great another interesting story, good job author🥰

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Cathlene Gayagoy

    It's my first time reading this story i hope na I will like the end of this story huhuhu ang ganda ngbmga pangalan nila btw. 🫔❤️

    11/04/2022

      0
  • avatar
    John Villariaz Villegas

    I'm so beautiful story❤️🫶

    4d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters