logo
logo-text

Download this book within the app

Cake

Czyme's POV
Maaga akong gumising para mag jogging at makausap muna ang parents ko dahil madalas talaga kaming mag-usap tuwing madaling araw.
"Oh, baby how was your knee?" tanong ni mommy.
Nasabi ko na kagabi sakanya ang nangyari sa akin. As usual, nag-alala na naman sila. Pero hindi ko sinabi na kasama ko si kuya nong time na nangyari yon dahil talagang masesermunan na naman yon, at saka isa pa ay kasalanan ko rin naman
dahil sa katangahan ko. As usual, nag-alala na naman sila.
"Ayos naman na po mom, kumusta na kayo ni dad d’yan?" tanong ko pabalik.
"Baby sabihin mo sakin pag may masakit sayo ha?" I just nodded at her.
"Mom, sige na may gagawin pa ako"paalam ko tsaka ni-end ang video call.
Putek kasi! Pero mas okay na ‘yon, kaya lang nakakahiya pa rin dahil pinagtawanan pa ako ng mga kaibigan ng kuya ko.
Napasimangot nalang ako sa aking mga naisip.
Mabilis na nagbihis ako para makalabas na rin at makapag jogging. Gagamitin ko nalang ang kotse ko mamaya, ayoko munang makisabay sa kuya ko since alam ko naman na ang mga lugar sa campus.
Habang tumatakbo ako ng mabagal ay may napapansin at nararamdaman akong kakaiba kaya tumigil ako sa pagtakbo. At may biglang tumakip sa dalawa kong mata.
"Hi pan~~" naputol niya ang sinasabi niya dahil paikot kong ipinunta ang kamay niya sa likuran niya kaya napasigaw siya.
"Aray!!" sigaw niya habang namimilipit ito sa sakit.
"Ah sorry, ikaw pala," nahihiyang paumanhin ko nang makilala ko kung sino ang mukong na ‘to.
Nang mag fa-five na ng umaga ay umuwi na ako. Hindi na ako nagpaalam sa mukong na ‘yon habang hawak-hawak pa rin ang kamay niyang nasaktan ko.
Pagkarating ko sa bahay nakita ko si manang na katatapos lang magluto kaya lumapit ako sakanya.
"Good morning hija. Napaaga ka ata?" masayang pagsalubong sakin ni manang.
Binati ko rin naman siya pabalik at saka umupo sa sa upuan ng dining area. Nagserved siya ng makakain ko kaya kumain na rin agad ako.
"Manang hindi pa po ba gising si kuya?" tanong ko sakanya.
"Hindi pa, tatawagin ko nalang siya" sagot naman niya.
"Hindi na po, matatapos na rin naman po ako rito ako nalang po ang gigising sakanya" pagpigil ko habang nakangiti sakanya.
Nang matapos kong kumain ay umakyat na ako saka kumatok ng dalawang beses sa pinto ni kuya. Pumasok pa rin ako sa kwarto niya kahit hindi siya sumasagot.
"Kuya gising na, tatanghaliin ka niyan" panggigising ko sakanya.
"Hindi na pala ako sasabay sayo ha" pagpapaalam ko.
Akmang lalabas na ako nang tawagin niya pa ako.
"Pangit, may quiz tayo ngayon. Paano yan mazezero ka," seryoso niyang sabi habang nakangisi.
"Okay" tanging sagot ko nalang at saka tuluyang lumabas.
Eh ano naman ngayon kung mazero ako?
Pagkarating ko sa loob ng campus ay dumiretso na akong naglakad sa hall papunta sa classroom namin.
"Kyaaaahh!!"
"Nandyan na sila!!"
Sigaw ng mga babaeng nadadaanan ko. Nagtaka ako nang may mga ibang babaeng may dalang cake. May isang babaeng lumapit sa apat. Si kuya, yong dalawang kilala ko pero hindi ko matandaan ang mga pangalan nila at si mukong, yong lalaking nasaktan ko kaninang madaling araw. Nang makalapit si ate na mukhang mabait ay iniabot niya ang dalang cake kay mukong.
"Zyro, oh" sabi nong babae na kaharap ang mukong, na Zyro pala ang pangalan.
Nice name but it is nicer if i call you mukong hahaha.
Nakangisi lang si mukong sakanya habang si ate ay halatang kinakabahan dahil sa panginginig ng kanyang kamay.
Mauzyro's POV
Tinitigan ko ang hawak niya at saka ko siya nginisian na naging dahilan ng panginginig ng kanyang kamay. Ang ngisi ko ay napalitan ng ngiti dahil sa naisip ko.
Tinabing ko ang cake papunta sa mukha niya pero…
What the heck!
Ang ngiti ko kanina ay napalitan ng pamimilog ng aking bibig dahil sa gulat. Naging tahimik ang paligid. Maraming nagulat at hindi makapaniwala dahil sa bilis niya.
"Wag mong sayangin ang pagkain, mukong" mahinahong sambit nito.
Pero sinong mukong ang tinatawag niya ako ba?
Hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya.
"Whom are you talking about?" taka kong tanong at ngumisi naman siya.
"Ahh...so nagde-deny ka pa, huh?" nakangisi nitong sambit, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Who's mukong here?" nagtatakang tanong nong babaeng nasa gilid ni Czyme.
Hindi niya man lang ito pinansin o sinagot. Nakatingin lang siya sakin habang nakangisi.
"Magsorry ka sakanya" mahinahon niya pa ring sambit.
Nagsitawanan naman ang mga tao sa paligid.
"Hahahaha!"
"Why would I, wala naman akong ginawang mali sakanya. At saka sino ka ba para utusan ako?" natatawa kong sabi.
You don't know me.
"Czyme Ember" nakangiti nitong sabi, ako naman ay napanganga nalang sa sagot niya.
Nakakabwesit ang nerd na ‘to.
"Uulitin ko. Magsorry ka sakanya" seryoso nang sambit nito.
Tumawa ulit ang paligid pero natigilan sila nang sulyapan sila ni Czyme, the nerdy bansot.
Ang liit-liit mong tao, akala mo masisindak mo ako? Hindi mo ko masisindak.
"Okay…Sorry,.. Sorryhin mo mukha mo!!" natatawa kong sabi sakanya.
Mapapahiya ka ngayon dahil sa pakikialam mo.
Hinawakan ako ni Yshmael.
"Stop it dre, tara na" natatawang sabi nito.
Tiningnan ko rin si Zymor dahil masama na ang tingin nito sa kapatid niya.
Lumingon ako sa kinaroroonan ng bansot. Masama na ang tingin nito sa akin. Sobrang sama ng tingin niya sakin.
"Miss halika na magpalit ka muna nang uniform mo. Wag kang magbibigay ng biyaya sa mga taong hindi naman tinatanggap ito
and worse sinasayang lang," inalalayan niya ang babaeng nagbigay sakin ng cake na naitapon ko lang sa mukha ng bansot na
ito.
Napangiti nalang ako nang umalis sila sa harap ko. Wala kang laban sakin.
Czyme's POV
Nang magring ang bell ay inayos ko na ang sarili ko. Hinugasan ko din ang salamin kong nalagyan ng cake matapos kong
iharang ang sarili ko sa balak ng mukong na yon na itapon ang cake sa babae. Buti nalang at nagdadala ako ng extra T-shirt, at yong babae naman ay di ko alam sakanya kung may uniform pa ba sya, nagpaalam kasi agad siya sakin nang makaalis kami.
"Good morning class, bring out your paper, and you know na may quiz tayo ngayon. Ms. Czyme excuse ka kahapon kaya hindi ka na muna magkwe-quiz ngayon"
Bungad agad ni ma'am nang maibaba niya lahat ng gamit niya sa table.
"Okay lang po ma'am kahit ngayon nalang" nahihiyang sabi ko.
"Are you sure? Hindi mo pa alam ang topic kahapon," paniniguro nya.
"Yes ma'am" sagot ko nalang.
After 15 minutes pinasa na naming lahat kay ma'am ang sagutang papel namin.
"Okay class bukas niyo malalaman ang scores niyo. Ngayon may groupings tayo, bring out a 1/8 paper then write your name
and pass it in the front" nanguha ako ng one-fourth paper sa bag ko at saka ko ito hinati at isinulat doon ang pangalan ko.
Pinasa ulit namin kay ma'am lahat ng 1/8 paper.
Binanggit lahat ni ma'am ang magkakagroup. Nawalan naman ako nang gana kung sino ang mga kasama ko. Yong apat na magkakaibigan, yong mga kaibigan ng kuya ko! Bwisit!
"Ang group na yan ay para sa gagawin niyong activity which is
All fourth-year high school students are leaving for a two-week para maging isang interviewer," yan nalang ang naintindihan ko sa sinabi ni ma'am.
"Okay class, dismiss" aniya at saka kinuha a ng mga gamit niya bago lumabas.
Inayos at kinuha ko na rin ang mga gamit ko bago ako tumayo. Nginitian ko nalang ng pilit si kuya saka ako lumabas at hindi na siya hinintay pa tutal kasama niya naman ang mga kaibigan niya.
Itutuloy…

Book Comment (279)

  • avatar
    Joiseu

    Great another interesting story, good job author🥰

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Cathlene Gayagoy

    It's my first time reading this story i hope na I will like the end of this story huhuhu ang ganda ngbmga pangalan nila btw. 🫔❤️

    11/04/2022

      0
  • avatar
    John Villariaz Villegas

    I'm so beautiful story❤️🫶

    5d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters