logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

That Mysterious Nerd

That Mysterious Nerd

Aizingxx


Jerk meets Nerdy-Bansot

Czyme’s POV
Ding! Ding! Ding!
Nagising ako dahil sa ingay na nagmula sa alarm clock ko. Nag-inat muna ako ako habang nakahiga bago tuluyang bumangon. Gaya ng lagi kong ginagawa ay inayos ko muna ang higaan ko bago ako dumiretso sa banyo para gawin ang morning routine ko.
Pagkatapos kong naligo at nakapagbihis ay kinuha ko na rin ang bago ko at isinuot rin ang salamin ko bago ako bumaba. Saktong pagbaba ko ay palabas na rin si kuya at bihis na bihis na rin siya, samantalang ako ay hindi pa kumakain.
“Kuya!” tawag ko sakanya at lumingon naman siya.
“Sasabay ako sayo, hintayin mo ako kakain lang ako,” sabi ko at mabilis na tumakbo papunta sa mesa.
“Wag ka nang kumain, doon ka nalang sa canteen kumain. Halika na dahil male-late na tayo!” may inis sakanyang pagkakasabi.
“Saglit lang kuya, konti lang naman kakainin ko. Kuya!!” tawag pansin ko sakanya nang tuloy-tuloy pa rin siyang lumabas ng bahay kaya wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya.
“Kuya, ito na oh, Nandyan na,” pagmamaktol ko.
Kahit na gutom na ako ay sumakay nalang ako sa sasakyan niya dahil wala naman akong magagawa. Bagong lipat lang ako sa school nila kaya wala din akong ideya sa lugar doon.
Pagkarating namin sa loob ng campus at nakapagparked na rin si kuya ay inayos ko muna ang suot kong uniform.
“Kuya samahan mo muna ako, hindi ko alam kung saan ang canteen dito,” sabi ko pagkabukas ko sa pintuan ng kotse niya.
“Magtanong ka nalang diyang, pangit, baka mamaya malate pa ako dahil sayo,” sabi niya at tuluyang bumaba kaya bumaba na rin ako.
“Kuya, wala naman akong kilala dito maliban sayo. Sige naman na kuya, saglit lang naman. Nagugutom na rin ako,” parang batang pagmamakaawa ko sakanya, na humawak pa sa braso niya.
“A. YO. KO. Alis d’yan!” iritableng aniya habang pinagtatabuyan ako.
Nakita ko naman ‘yong ID niya sa may bulsa ng polo niya kaya mabilis kong inabot ito at kinuha.
Sa pagkakaalam ko kasi ay required ang ID lalo na’t unang araw din ng pasukan.
“Bahala ka, hindi ko ‘to ibibigay sayo hangga’t hindi mo ako sinasamahan,” pagbabanta ko at saka tumakbo.
Nagslow motion bigla ang paligid ko kasabay non ang pagnganga ko habang hinihintay ang pagbagsak ko sa semento dahil sa peste’ng bato na hindi ko napansin at napatid ako don dahilan ng pagkadapa ko. Maski ang salamin ko ay nalaglag pero buti nalang ay hindi ito nasira.
From my left side, I heard a loud laugh. Tumingin ako sa pinanggalingan ng malalakas na tawang ‘yon. Tatlong lalaking mukhang mayayaman na nasa tabi ni kuya, na nakatingin rin sakin habang pinipigilang matawa.
Yumuko ako at napapikit ng mariin. Naiinis at napapahiya akong tumayo, at sa pagtayo ko ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa tuhod ko habang pinapagpag ang nadumihang uniform ko. Sinilip ko din ang tuhod ko at doon ko nakita ang pinanggagalingan ng kirot, dahil sa sugat natamo ko sa pagkakadapa at talagang dumudugo pa.
Tumayo ako ng tuwid at sinamaan sila ng tingin at saka naglakad palapit sa salamin ko para pulutin ito at muling isinuot. Mabuti nalang din talaga dahil sila-sila lang ang nakakita at walang maraming tao ang nakakita, dahil talagang wala akong mukhang maihaharap sa kanila sa klase.
Unang araw pa lang ay hindi na maganda ang nangyari, paano pa kaya bukas, o sa susunod na araw.
Napabusangot nalang ako sa naisip ko.
Mauzyro’s POV
Muli akong natawa pagkaalis ng nerd na yon. Hindi ko talaga mapigilang matawa dahil sa itsura niya pagkabagsak niya hahahaha.
“Tara na,” yaya ni Yshmael sa’min at nauna nang naglakad.
“Dre, Kawawa naman nong ala~~ aray!!” daing ko matapos akong batukan ni Zymor.
“Hindi ko ‘yon alalay, dre,” naiinis niyang sabi.
“Kapatid ko ‘yon, hindi nga lang halata.” Diretsong aniya kaya napatingin ako sakanya.
“Hayaan niyo na ‘yon, tara na,” dagdag pa ni Zhawn sa amin kaya sumunod na rin kami kay Yshmael na medyo nakalayo na sa amin.
“Omoooo, wala pa ring pinagbago!”
“Ang gwapo!”
“Napakaganda naman ng umaga ko, idagdag mo pa ang ma ito!”
Iilan lang ang mga iyan sa naririnig naming sigawan ng mga babae habang naglalakad sa hall.
“Dre, kaklase pala natin ‘yong kapatid mo,” sabi ni Zhawn at may itinuro sa nakadikit na papel sa pintuan pagkatigil namin sa harap ng room.
REQUEZ, CZYME EMBER
Magkapatid nga sila.
Napangisi ako pagkatapos mabasa ang pangalan niya. Pagkatapos tingnan ay dumiretso na aming pumasok sa loob ng classroom namin.
"Good morning J4!"
“Magandang umaga para sa mga magagandang lalaki!”
“Mas maganda pa kayo sa umaga!”
Kinikilig na bati sa amin ng mga kaklase namin. Dumiretso kaming naupo sa likuran, na lagi naming pwesto mula pa noon.
Pagkaupo namin ay napansin kong hindi mapakali si Zymor sa upuan niya na parang may hinahanap.
“Dre, bakit hindi ka mapakali? Sino bang hinahanap mo?” tanong ko.
“Si~~ah, ayan na pala siya.” Ani Zymor habang may tinitignan kaya nilingon ko naman iyon.
Tumawa ang karamihan sa mga kaklase ko at ako naman ay ipit na ipit ang tawa ko matapos kong makita ang kapatid niya.
Paika-ikang naglalakad si Czyme, the nerd. Nagdiretso lang siya sa paglalakad hanggang nakaabot siya dito sa likod.
“Miss requez,” tawag pansin sakanya ni ma’am na saktong kararating lang din.
“Y-yes ma’am?” utal na sagot niya pagkatigil niya at humarap kay ma’am.
“What happened? Are you okay?” tanong ni ma’am sakanya matapos mapansin ang paglalakad niya.
“I’m okay, ma’am,” agad namang sagot ni Czyme, the nerd sakanya.
“"Do you want to go to the clinic first, Miss?” tanong ni ma'am habang lumalapit s’ya sakanya.
“I’m okay ma~~ aray!” medyo napasigaw siya matapos itaas ni ma’am ang palda niya.
Hindi naman masyadong mataas, iyong sakto lang na makita ang kaniyang tuhod. Nabigla ako nang makita ang sugat sa tuhod
niya, na magang-maga na. Maputi siya kaya naman halatang-halata ang namumulang paligid ng sugat niya sa tuhod.
“Mas mabuti pang pumunta ka muna sa infirmary. Excuse ka muna sa klase ko Miss Requez. Ipalinis mo muna yan baka mas lalong mamamaga yan at mainfection pag hindi mabigyan ng panlunas,” paliwanag ni ma’am at tumango lang naman siya.
“Mister Requez, samahan mo mu~~” natigilan si ma’am nang tumanggi si Czyme.
“Kaya ko na po ma’am, salamat nalang po,” napapahiyang giit niya at saka pilit na ngumiti bago siya lumabas.
Napaka arte naman ng taong ito. Tanggihan ba naman ang sarili niyang kapatid. Nerd na nga, bansot pa.
“Bakit hindi mo nalang sinamahan, dre?” bulong ni Yshmael kay Zymor.
“Narinig mo naman na ayaw niya,” giit ni Zymor.
“Hayaan niyo nalang, kaya naman na niya ang sarili niya.” Tuloy ni Zymor.
***
After magdismiss ni ma’am ay dumiretso na kami sa canteen para bumili ng snacks. Wala naman kaming masyadong ginawa kung hindi ang magpakilala lang dahil first day of school palang naman. Pero bukas na bukas ay may quiz na agad kami bago
magsimula ang klase.
Itutuloy…

Book Comment (279)

  • avatar
    Joiseu

    Great another interesting story, good job author🥰

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Cathlene Gayagoy

    It's my first time reading this story i hope na I will like the end of this story huhuhu ang ganda ngbmga pangalan nila btw. 🫔❤️

    11/04/2022

      0
  • avatar
    John Villariaz Villegas

    I'm so beautiful story❤️🫶

    5d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters