logo
logo-text

Download this book within the app

1

Matindi ang pagkakahawak ko sa sigarilyo habang pilit na pinapakalma ang aking sarili sa nakita ko kanina. To be honest, I didn't even expect this to happen. I was in shock and didn't know what to do.
Ilalagay ko pa lang sana sa bibig ko ang hawak kong sigarilyo nang may umagaw na nito at tinapon sa kung saan. Kumunot ang noo ko pero siya, seryosong tingin lang ang ipinupukol sa akin.
"Kailan ka pa natutong manigarilyo? At anong nangyari sa kamay mo? Ayos ka lang ba?" seryoso ngunit may pag-aalala niyang tanong. Napaatras ako nang lumapit siya at dito ko pa lang siya pinagmasdan ng buo.
He look so fine na para bang walang nangyari sa kanya noon. Pa unti-unti, ramdam ko ang pangingilid ng aking luha kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Bwisit.
"Mara, mag-usap tayo." Mas umatras pa ako nang hahawakan niya sana ako kaya huminto ito sa muling paglapit niya sa akin.
Marami akong tanong para sa kanya, pero walang lumalabas sa bibig ko dahil hanggang ngayon... gulat pa rin ako sa biglaan niyang paglitaw.
He sighed. "Sorry kung nagulat kita ng ganito, sasabihin ko naman sa'yo pero noon kasi hindi ako sigurado kung makaka-survive ako kaya sinabi ko--"
"Patay ka na," pagtutuloy kong sabi.
His eyes are sincere and I can see how sorry those eyes are habang nakatitig sa akin. But, those are nothing dahil sa bigla na lang niyang pagbalik na akala mo'y hinukay sa ilalim ng lupa.
I thought he was dead, but he's here in front of me, healthy and talking.
"I'm really sorry Mara, gusto ko sanang sabihin sa'yo pero--" I cut him off.
I smirked and looked at him in disgust. "Sorry? Ganito ba ang nagagawa nang muntik ng mamatay? Hindi ko alam na may zombie pala sa totoong buhay."
Kumibot ang gilid ng kanyang labi at kahit na pakiramdam ko babagsak na ang luha sa aking mata, lumapit ako sa kanya at tinignan siya mismo sa mata niyang aaminin ko... na miss kong tignan.
Pero hindi ito ang dapat kong iniisip dahil may mas laki siyang kasalanang ginawa at ginagawa ngayon.
"Your forgiveness is not enough Fabius. Kaya sa susunod 'wag ka ng magpakita sa harapan ko at higit sa lahat... huwag mong papakialaman ang buhay ko naintindihan mo? And this?" Pinakita ko sa kanya ang kamay kong nasugatan dahil sa ballpen. "This is nothing compared to what you are doing right now."
Tinitigan ko pa siya sa mata niya ng ilang segundo bago maglakad palayo sa kanya. At sa aking pag-alis, nag-uunahang luha ang lumabas sa mata ko na hindi ko na mapigilan pa.
He will show up and beg for forgiveness after everything he has done?
Na 'yung akala mong patay na bigla-bigla na lang sumulpot sa harapan mo nang wala man lang pasabi?
Sinong tanga ang matutuwa sa pagsulpot ng taong ilang taon mong iniyakan dahil sa pag-aakalang nabaon na siya sa lupa?
Huminto ako saglit, pinunasan ang luhang ayaw na atang tumigil saka pilit na huminga nang maayos.
Tumingala ako sa langit na malapit ng dumilim, naiinis ako sa totoo lang dahil halo-halo pa rin ang mga emosiyong aking nararamdaman. Kaso sa lahat ng ito, wala akong magawa kundi ang mapaiyak na lang dahil hindi ko naman alam ang dapat gawin.
I'm still shocked at ito lang ang alam kong gawin, crying is my only escape so that I don't hurt myself again.
"I hate my life."
▪▪▪
Tinapon ko ang sigarilyo sa lupa saka ito tinapakan, napaubo pa ako pero nagtuloy tuloy na ako sa pag-alis sa smoking area dito sa mall.
Sinama kasi ako ni Ryla para bumili ng mga gagamitin nito sa birthday party niya at ng kambal niya na gaganapin sa susunod pang linggo sa kanyang condo. Eh, masyadong siyang advance at excited kaya hinayaan ko na lang kahit na sinama niya lang ako rito para katulong sa pagbuhat ng mga bibilhin niya.
Daig niya pa ang pagiging boss ko. 
"Grabe 'yang pabango mo noh? Ang bango grabe," sarkastiko niyang sabi habang pilit na tinatakpan ang ilong nito.
Arte talaga.
Inirapan ko lang siya bago kumuha ng mint candy sa bulsa ko. Ayokong mag-perfume para lang maalis ang amoy sigarilyo sa akin mas lalo kayang babaho 'yun. Hayaan ko ang mga taong makaamoy.
"Bilhan mo ako ng damit para mawala ang amoy."
"Psh, may pera ka bakit hindi ikaw ang bumili? Tara na nga lang, ang sakit na ng paa ko kakalibot pero ikaw nanigarilyo lang. Tignan mo kaya 'yang bibig mo umiitim na. Nako Mara, baka mamaya yang paninigarilyo mo ang ikamatay mo ha." I just laughed at her. Kinuha ko rin ang ilang hawak niyang paper bag.
"Hindi ako takot sa kamatayan kaya kahit ikamatay ko ito hindi pa rin ako titigil. Ang hirap kayang tumigil sa bagay na matagal ko nang ginagawa," sagot ko habang naglalakad kami ng sabay.
Rinig ko ang pag-tsk nito pero wala na siyang sinabi pa. Hanggang sa pagsakay namin ng kotse niya wala itong imik.
"Itigil mo na ang bisyo mo sa sigarilyo Mara, gusto mo bang matulad sa boyfriend mong kinuwento mo sa aking namatay dahil d'yan?" Nawala ang ngiti ko sa aking labi sa sinabi niya.
All my secrets... Ryla know because I told her when I was at my worst. But hearing about that guy, I hate it dahil nga buhay ang gago.
I rolled my eyes. "Huwag mong banggitin ang tungkol d'yan, naiinis lang ako," seryoso kong sabi saka inayos ang suot kong seatbelt.
Mukhang nakaramdam naman siya at nagmaneho na lang paalis sa parking lot. Sa buong biyahe, nakatingin lang ako sa labas kahit na wala naman ako masyadong iniisip.
Alam niyo 'yung blanko ang utak mo kaya pati mukha mo blanko na rin dahil sawa ka na sa kakaisip ng kung ano-ano? Ito 'yun eh, itong ito.
"Hoy siomai!" sigaw ni Ryla pagbaba ko ng kotse niya. Tinaasan ko pa ito ng isang kilay pero may binato siya sa akin na muntik ko nang hindi masalo. 
"Tumigil ka na sa paninigarilyo mo, maawa ka sa itsura mo mukha ka kayang kalansay. Kita na lang tayo sa school bukas." Pinanood ko siyang umalis, tinitigan ko pa ang isang pack ng jammin na binato niya.
Gusto niya akong tumigil sa paninigarilyo pero gusto niya ata akong magka-diabetes.
Iiling akong pumasok sa bahay na ako lang naman ang nakatira. Sabihin na lang nating mag-isa ako sa buhay kahit na may mga kamag-anak akong sumusuporta sa pag-aaral ko. Hindi nga lang maganda ang mga sinasabi nila dahil sa mga grades kong kalawit pero kahit ganun, nagbibigay pa rin sila ng pera para makapasok ako sa college.
"May iniwan akong pera sa kwarto mo. Gamitin mo yung pambili ng mga kailangan mo sa bahay hindi pambili ng sigarilyo. Ibigay mo sa akin ang resibo sa susunod na punta ko d'yan," basa ko sa sticky note na paniguradong si Tita Sabel ang nag-iwan.
Mabait 'yun kahit na binubulyawan ako dahil sa bisyo ko. Minsan nga kinukurot ako nun kapag hindi ako nakikinig sa kanya.
Yayamanin kasi siyang tita at siya lang talaga ang may pakialam sa akin bukod sa Lola kong nasa ibang bansa. Pariwara ang buhay ko hindi lang halata kasi mabait akong studyante kahit na puro tres ang nakikita ko lagi sa portal. 
Ang mahalaga pasado at nakakaraos.
Kumuha ako ng coke sa ref at uupo na sana sa sofa nang makarinig ako ng ilang katok sa pintuan kaya bagot akong naglakad doon para tignan ang bwisita.
As I open the door, another person I hate has appeared out of nowhere after years.
She smiled. "Long time no talk."
"Long time no talk," I said sarcastically.
Uso ba ngayong taon ang paglitaw ng mga taong hindi naman welcome sa buhay ko? Like bruh... ano bang meron na pati ang mga kinalimutan kong tao ay sumusulpot na lang sa aking harapan?
"Hindi mo ba ako papapasukin man lang?" Babalakin sana niyang pumasok ng harangan ko ito.
Ang kapal ng mukha.
"Sabihin mo na lang ang kailangan mo, hindi na kailangang pumasok ka pa sa loob. Hindi ako nagpapapasok ng ahas," masungit kong sabi na nagpaawang kaunti ng bibig nito. Humalukipkip pa siya saka ako tinitigan sa mata.
Attitude ang bessy niyo.
"Patawarin mo si Fabius," utos niya na akala mo naman nanay ko. Gumilid kaunti ang ulo ko at natatawa itong tinignan.
Sinara ko ang pinto para hindi siya makapasok. "Patawad? Sino ka ba para sabihan ako ng dapat kong gawin? At isa pa... kung 'yan ang pinunta mo rito umalis ka na, nagsasayang ka lang ng gas."
Sa pagtalikod ko, siya namang paghila niya ng aking buhok kaya matik na napahawak ako sa sarili kong buhok.
"Potek naman! Yah! Bitawan mo nga ang buhok kong anaconda ka!" inis kong sigaw habang pilit na inaalis ang kamay niyang makasalanan.
Ang sakit kaya ng sabunot niya, bwisit talaga, eh noh?!
"Anaconda? Pumunta ako rito ng maayos tapos babastusin mo ako?!"
"Gaga ka ba?! Saang parte ang binastos kita?! Bitawan mo sabi ang buhok ko! Hahampasin kita kapag nakaharap kita!"
"Tama na 'yan! Althea! Bitawan mo siya!" Rinig kong sabi ng kung sino na pamilyar ang boses.
May nagpahiwalay sa amin at nang tignan ko kung sino 'yun, dumating ang mga mukhang ngayon lang nagpakita ulit kasama ang lalaking gumapang mula sa hukay.
Tinulak ko ang humawak sa'kin.  Masamang tingin ang binigay ko kay anaconda na hinahawakan pa rin ng mga kulugo.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Fabius. I rolled my eyes.
Mukha bang ayos ako sa ginawa ng kabit niyan?!
"Sa susunod na lumitaw kayo sa bahay ko, hindi ako magdadalawang isip na ipakain kayo sa aso ng kapitbahay," sabi ko saka tinignan ang anaconda. "At ikaw, may utang ka sa'kin hintayin mo at kakalbuhin kita."
Ang galing! Galing ng mga pinaggagawa nila sa buhay ko. Nyeta!
"Umalis na kayo... sagabal sa daan 'yang mga sasakyan niyo." Pagpupunto ko sa mga kotse nilang naka-park sa harap ng bahay.
Hindi kasi uso sa kanila ang makisakay sa kotse ng isa at talagang dala pa nila ang kotse nilang lahat, sila na mayaman.
"Mara, mag-usap tayo." Humarang siya sa daan ko kaya inis akong napapikit.
"Manhid ka ba? O tanga lang?" nang-iinsulto kong tanong. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat saka tumigil nang magtama ang tingin namin ng gago.
"Sinungaling kayo... pero higit sa lahat, iniwan niyo ako nung kailangan ko ng kaibigan. Tapos ngayon lilitaw kayo na parang wala lang sa inyo ang nangyari? Gago rin kayo noh? Ni hindi pa nga nagsi-sink in sa utak ko ang paglitaw niyo tapos ito ang ibubungad niyo sa akin?" Isa-isa ko silang tinignan na nagpaiwas ng tingin nila. Except kay ahas na inirapan lang ako.
"Kaya kung may natitira pa kayong hiya sa sarili, umalis na kayo bago ako magpatawag ng tanod para lang kaladkarin kayo paalis," naluluha kong dagdag na sabi.
Ginamit ko lahat ng lakas ko para itulak si Fabius na nagawa ko naman. Mabilis din akong pumasok sa bahay kung saan hina akong napasandal sa pintuan.
"After years, I've been crying again and it hurts a lot."

Book Comment (25)

  • avatar
    Prince Kenneth Crisostomo

    8ii

    17/08

      0
  • avatar
    LunaJr

    wow

    11/08

      0
  • avatar
    JA Y AR

    good for me

    05/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters