logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Angela’s POV
Bago pa nila ako makita ay mabilis na akong umalis ayokong maka-agaw sa attensyon nilang dalawa habang pinagsasaluhan nila ang kasabikan sa isa’t-isa. Siguro ito yung rason kaya niya ako sinama sa party na ito. Para pagselosin ang babaeng mahal niya.
Nagtagumpay naman siya dahil kahalikan na niya ang babaweng yun. And who knows kung hindi lang yun ang gawin nilang dalawa.
Parang gusto kong sawayin ang aking sarili. Dahil kahit wala naman kaming relasyon feeling ko nasasaktan ako. Hindi kaya dahil sa harap-harapan niyang tinatapakan ang pagkatao ko?
Inayos ko ang aking sarili at pumasok na ng entrance. Nakita ko agad ang mga kaibigan niya at kinawayan pa ko. Para lumapit ako sa kanila. Nahihiya man wala akong magawa dahil wala naman akong ibang kilala dito.
“Angela, akala ko hindi ka na babalik eh.” Nakangiting wika ni Inigo. Ngiti lang ang tinugon ko sa kanya.
“By the way seryoso ba talaga si Rafael? Fiancé ka niya?” Kunot noo na tanong ni Xandro.
“Siya na lang po ang kausapin niyo tungkol sa bagay na iyan.” Nahihiyang paliwanag ko. Ano pa nga ba ang isasagot ko?
Pinaupo nila ako sa harapang mesa. Nahihiya man wala naman akong magawa.
Maya-maya ay may gwapong lalaking nagtungo sa amin.
“Bro! Happy birthday!” Bati nila sa kanya. Ito pala ang tinutukoy nilang Bernard. Mukha siyang modelo sa isang business magazine. Bukod sa napakatangkad napakagwapo din nito. Nakaka-intemidate ang presensiya nito.
“Whoa! At kaninong date naman ang magandang babaeng ito? Pwede ko bang hiramin?”
Lumapit siya sa akin at hinalikan ang kamay ko na parang isang maginoo.
“Hi, I’m Bernard Castro. May I know you?” Magalang na tanong niya sa akin na ikinatawa nila Inigo at Xandro.
“Sorry ka Bernard, hindi mo siya mahihiram dahil fiance na siya ni Rafael.” Wika ni Inigo.
Napatingin sa kanila si Bernard at waring hindi naniniwala.
“I thought kasama niyo si Lalaine? Kumusta na siya? Hindi ko akalain na magbabalik pa siya.” Wika niya. Bago bitawan ang kamay ko.
“He’s with Rafael, baka tinangay na niya si Lalaine.”
“Fernan!” Saway ni Xandro.
Nagbingi-bingihan ako sa narinig. Naalala ko naman ang nangyari kanina. Kaya pilit ko na lang tinutuon ang sarili sa pag-inom ng tubig.
“Bakit? I’m just telling the truth. Baka nga sa mga oras na ito kung ano na ang ginagawa nila.” Dagdag pa ni Fernan. Siya ang sumunod kay Lalaine kanina kaya siguradong alam niya ang mangyayari.
Tumayo ako at akmang aalis nang pigilan ako ni Bernard.
“Don’t mind him. Baka nga papunta na din yun dito. Matagal kasi silang hindi nagkita.” Paliwanag niya sa akin.
“Okay lang ako. Besides pwede naman siyang tumangi sa kasal namin at bumalik sa Ex niya.” Sagot ko na ikinagulat nila.
“You mean hindi mo siya mahal? Okay lang sa’yo na hindi matuloy ang kasal niyo?” Tanong ni Bernard sa akin.
“Mahal? Ano yun? Hindi ko ugaling magmahal ng taong may mahal ding iba.”
Kasinungalingan!
Nagtawanan sila dahil sa sinabi ko.
“Mukhang nagkamali kami sa pagjudge sa’yo ah?” Di makapaniwalang tanong ni Inigo. Nginitian ko lang sila pero ang totoo gusto ko ng umalis. Ayoko lang maramamdaman na pilit nilang sinasaksak sa utak ko ang tungkol kay Rafael at Lalaine.
“Kung ganun pala naman. Can I steal you from him? I want to dance with the most beautiful lady tonight.” Nakangiting wika ni Bernard. Inilihad niya ang kamay niya at hindi ko na tinangihan pa.
Lumawak ang ngiti niya nang tumayo ako. Mabilis niyang pina-ikot ang braso niya sa maliit kong beywang gusto ko man siyang tangihan nahiya naman ako dahil pinagtiyagaan na nila akong kausapin kahit hindi naman nila ako gaanong kilala.
“Hindi ako marunong sumayaw eh.” Nahihiyang sabi ko sa kanya.
“Don’t worry Angela kahit matigas ang katawan mo kayang-kaya ka niyang palambutin.” Hirit ni Xandro.
Hindi ko gaano maintindihan kung ano man yun, pero wala na yun sa akin. Dahil intrumental naman ang tugtog.
Nasa gitna na kami ni Bernard. Ipinatong niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at nasa beywang ko naman ang dalawang braso niya. Hindi ko tuloy maiwasan na mahiya dahil nasa amin ang atensyon ng ibang naroroon kabilang na ang mga kaibigan nila Rafael.
“I can’t believe na hindi ka naapektuhan sa sinasabi nila sa’yo. Knowing Rafael Valdez is one of the riches young bachelors not only here but also around Asia. In short maraming nagkakandarapa mapansin niya lang kaya lang masyado siyang loyal sa first love niya.” Nakangiting wika niya sa akin.
“Pwede bang wag na natin siyang pag-usapan?” Kunot noo na tanong ko. Lumapad ang ngiti niya. Kaya mas na-ilang ako sa kanya. Mas gwapo kasi siya pag nakangiti at sobrang bango din niya.
“Of course! Total mas interesado ako sa’yo. Pwede ba akong manligaw?”
Nginisihan ko siya kaya kumunot ang noo niya.
“What’s funny?”
“Wala Bernard, ganyan ba talaga kayong mayayaman? Akala niyo porke mataas ang kalagayan niyo sa buhay at perfecto din ang physical na anyo niyo ay madali lang sa ninyong mapapaniwala ang lahat ng ulo ng mga babae?” Nakangising tanong ko.
Natawa siya sa sinabi ko. Inililapit niya ang labi niya sa tenga ko. Kaya tumayo ang balahibo ko sa batok.
“So inaamin mong magandang lalaki ako?” Wika niya.
Sasagot na sana ako nang bigla kong makita ang madilim na mukha ni Rafael. Mabilis siyang lumakad papunta sa amin.
“Kanina pa kita hinahanap!” Bulalas niya sabay higit sa braso ko. Napangiwi ako sa mahigpit niyang hawak sa kamay ko. Pero pinigilan yun ni Bernard. Nagsilapitan din sila Inigo at Xandro.
"Bro, baka nakakalimutan mo nasa party tayo at birthday ko pa kung gusto mo siyang kausapin ay wag sa marahas na paraan." Paalala ni Bernard.
Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak sa akin ni Rafael. Huminga siya ng malalim.
"Pasensya ka na. Pwede ko na bang bawiin ang Fiance ko?" May diin na salita niya. Pero malalim pa din ang tingin.
Binitawan niya ang kamay ni Rafael ay humarap sa akin.
"If something happens lumapit ka lang sa akin. I can save you from him." Sambit niya.
"F*ck you!" Sagot ni Rafael sabay higit ulit sa akin.
Habang papalabas kami ng venue ay lalong humihigpit ang hawak niya sa kamay ko. Di tuloy maiwasan ng ibang bisita na punahin kami dahil sa ginawa niya kay Bernard sa gitna ng dance floor.
“Rafael ano ba? Nasasaktan na ako!” Inis na singhal ko sa kanya. Nasa gilid na kami ng venue nang tumigil siya sa malaking hakbang niya. Kumirot na din ang paa ko dahil sa sapatos na suot ko. Bukod sa paltos sa sakong ko pati daliri ko sa paa ay namumula na din. Matalim niya akong tinignan na parang ang laki ng naging kasalanan ko sa kanya.
“Ano bang problema mo? Bakit nagagalit ka na naman!” Singhal ko sa kanya. Pinilit kong hilahin ang kamay ko. At hinarap ko ang matalim na titig niya.
“Tinatanong mo pa? Umalis lang ako sandali nakikipaglandian ka na? At sa mga kaibigan ko pa?” Galit na sigaw niya sa akin.
“Nakipaglandian? Nagsayaw lang kami sa gitna, landian agad ang tawag dun? Wow! Eh ano bang gusto mong gawin ko? Mag-intay sa entrance kung saan mo ko iniwan at antayin kung kailan kayo matatapos mag-sex!” Galit na singhal ko din sa kanya.
Lalong kumunot ang noo niya.
“What the hell Angela? Nag-usap lang kami ni Lalaine!” Katwiran niya na ikinatawa ko.
“Nag-usap? Iba na pala ang ibig sabihin ng nag-uusap ngayon halikan na?” Nang-uuyam kong tanong hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya hinayaan ko na lang na lumabas yun sa aking bibig. Lumambot ang mukha niya hindi ata makapaniwala sa sinabi ko.
“You saw us kissing?” Kunot noo na tanong niya sa akin.
“Yes, hungrily and torridly! Ngayon sino ang malandi sa ating dalawa?” Naniningkit na tanong ko.
“Wag mong bigyan ng malisya yun dahil wala lang yun sa akin.” Mahinahon na sambit niya.
“Wala lang? Pag ex, dapat ex na! Hindi na dapat binabalikan!” Inis na singhal ko sa kanya. I don’t care kong nagiging OA na ako sa paningin niya. Gusto kong ilabas ang galit ko. Ang lakas ng loob niyang kaladkarin ako palabas wala naman akong ginagawang masama? Tapos siya kung makahalik sa ibang babae!
“We don’t have proper break-up Angela! At wala din akong dapat ipaliwanag sayo dahil wala naman tayong relasyon!” Ganting sigaw niya sa akin.
“Huh? Alam mo pala eh! Bakit ka nagagalit na kausap ko yung mga kaibigan mo?”
“Damn it! Hindi mo kilala ang mga kaibigan ko Angela. Hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin sa isang babaemg gusto nila.” Paliwanag niya na ikinatawa ko.
“Alam mo? Hindi kita maintindihan. Bumalik ka na sa kanya kung hindi ka pa maka-move on and leave me alone!”
Kaagad akong naglakad palayo sa kanya ngunit nakaka-sampung hakbang pa lamang ako hinigit na naman niya ang braso ko.
“Ano ba!” Singhal ko sa kanya. Maaring ngang hindi ako kagaya ni Lalaine pero hindi ko ibaba pa ang sarili ko para sa kanya.
Sasagutin na sana niya ako ng bigla siyang tumigil at may nilingon sa likuran ko kaya lumingon din ako sa tinitignan niya. Nakita kong pasuray-suray si Lalaine palabas ng venue. Halos masubsub na ito sa paghakbang sa hagdan.
“Wag kang aalis dito ihahatid ko lang si Lalaine. Wala siyang sasakyan at lasing na siya. Naintindihan mo!”
Hindi na ako nakasagot pa dahil bigla na lamang niya akong iniwan. Kaagad siyang lumapit kay Lalaine at inalalayan ito sa kotse.
Hindi ako makapaniwalang iniwan na lang niya ako basta-basta. Mapait akong ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang gumuguhit sa puso ko dahil sa nakikita ko at inaamin kong nasasaktan ako.
Sumandal ako sa dingding na semento.
Ako wag aalis at iintayin ko siya? Sira ulo! Akala mo ba ikaw lang may karapatang mang-iwan?
Naramdaman ko ang sakit ng mga paa ko at alam kong may paltos na rin ito. Dahan-dahan akong lumabas ng gate ng venue. Wala na rin naman akong mukhang ihaharap sa loob kaya nagpasya akong maglakad sa labas. Maige na lamang at maraming ilaw sa poste bukod sa liwanag ng malaking buwan kaya kahit paano may tanglaw ako sa paglalakad. Malayo ang venue sa ibang establishment dahil paglabas ay puro puno ang kalsada. Siguro naman pagkalabas ko sa pinaka gate may makikita na akong taxi pa-uwi.
Hinubad ko ang stiletto shoes ko dahil hindi ko na talaga kaya. Binitbit ko na lamang.
Malayo-layo na rin ako sa gate ng venue ng biglang pumatak ang mahinang ulan.
“Ngayon mo pa talaga naisip na umulan? Wag mong sabihing dinadamayan mo ako?” Naiiyak na bulong ko. Kasabay noon ang tuluyang paglakas ng ulan. Pero wala akong paki-alam. Makalabas lang ako sa main gate ay okay na. Kaysa bumalik sa loob at antayin ang pagbabalik ni Rafael.
Hindi ko namamalayan na nag-iinit na pala ang aking mata at sumabay ang aking luha sa ulan na lumalandas sa aking mukha.
Wala na akong paki-alam kahit mabura pa ang make-up ko dahil ang gusto ko na lang makauwi at maka-usap si Lola.
Napatigil ako dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng sasakyan. Huminto ito sa tapat ko. Kaagad siyang bumaba at may binuksan na itim na payong.
“Angela? What the hell are you doing? Gusto mo bang magkasakit? Ihahatid na kita!” Wika niya sa malakas na boses dahil malakas na rin ang ulan at basang-basa na ako.
“Wag na Inigo, kaya ko naman umuwi mag-isa.” Pagtanggi ko. Pinapayungan niya ako kaya nababasa na rin siya.
“Let’s go! Hindi kita pwedeng iwan dito. Hindi mo kabisado ang lugar na ito. Maraming pumapasok sa lugar na ito na may hindi magandang gagawin. Ayaw mo naman sigurong pagfiestahan nag bangkay mo bukas ano?” Pagpilit niya sa akin. Hindi na ako sumagot pa dahil nakaramdam na rin ako ng takot sa sinabi niya. Kaagad niya akong inalalayan pasakay sa kotse.
"Ano bang nangyari? Bakit naglalakad ka sa ulan?" Kunot noo na tanong niya sa akin. Inabutan niya ako ng malaking towel na nakalagay sa malaking bag niya sa likod ginagamit daw niya yun pag may swiming lesson siya.
"Iniwan ako ni Rafael, inihatid niya si Lalaine." Walang emosyon na sagot ko. Pinagmasdan ko lang ang malakas na ulan na tumatama sa bintana ng kotse niya.
"Ayoko sanang maki-alam pero siguro naman nararamdaman mong may nararamdaman pa sila sa isa't-isa. I know your an innocent type of girl dahil yun ang mga gusto ni Rafael kaya niya minahal si Lalaine. Pero hindi niya kayang mawala ang babaeng naging dahilan ng pagsira niya sa sarili sa loob ng dalawang taon. Nakita namin kung paano siya parang masisiraan ng bait dahil sa pag-alis ni Lalaine at ngayong bumalik na siya. Sigurado akong mapapalitan ka niya ulit." Seryosong saad niya.
"Sa simula pa lang wala na ako sa puso niya Inigo. At kung bumalik man siya kay Lalaine mas mabuti para matahimik na rin ako." Sagot ko sa kanya.

Book Comment (241)

  • avatar
    Shekina

    sana meron pa kayong maraming story moon jae maganda kasi plz

    07/08

      0
  • avatar
    Ana Melecia Bugarin

    nice

    02/06

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda ng story🥰🥰

    31/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters