logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Angela’s POV
Nang umalis si Rafael ay isa-isa kong pinulot ang mga damit ko. Nagbihis ako ng panibagong pares ng t-shirt at pantalon. Kailangan kong maka-alis dito sa lalong madaling panahon. Natatakot ako kay Rafael. Nalilito ako sa pinapakita niya sa akin. Pero siguro dala na rin ng galit niya kaya nagawa niya yun.
Pinuntahan ko si Lola sa kwarto. Nagbabaka-sakali na maka-usap ko siya at kumbinsihin na bumalik na lamang ako sa ampunan. Atleast duon tangap ako, may nag-mamahal sa akin. Gusto ko rin kausapin si Mathew ng personal. Alam ko galit pa rin siya sa akin. Gusto kong magpaliwanag ng maayos. Dahil mahalaga pa rin sa akin ang pagkakaibigan naming dalawa.
Buo na ang loob kong kumbinsihin si Lola, kaya lang pagpasok ko ng kwarto ay mahimbing itong natutulog. Sabi ng nurse kakainom lang daw niya ng gamot. Wala akong choice kundi bumalik sa kwarto.
Inaantok ako kaya lang natatakot ako na baka pumasok ulit si Rafael. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayaw niya akong ilipat ng kwarto gayong alam kong namumuhi siya sa akin.
Tapos pinagtangkaan pa niya ako. Ang katotohanang nakita na niya ang lahat sa akin ay lalong nagpadagdag ng pagka-ilang ko sa kanya.
Naupo ako sa gilid ng kama ng magbukas ang pinto.
“Senyorita Angela, pinapabigay po ni senyorito Rafael.” Inabot sa akin ni Manang Ladia. Isa sa apat na kasambahay nila.
Kaagad kong kinuha ang malaking paper bag. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa akin. Ayaw ko mang tignan kung ano ang laman noon ay nakita ok ang note sa gilid ng paper bag kaya kinuha ko iyon at ipinatong ko sa kama ang paper bag.
gilid ng paper bag kaya kinuha ko iyon at ipinatong ko sa kama ang paper bag.
“Wear it tonight, I’ll pick you up at 8.”
Kinuha ko ang laman ng paper bag. Isang kulay itim na mermaid off shoulder dress na may makinang na parang diamante sa dulo ng laylayan may mahabang hiwa pa sa kanan at nagpaganda sa desenyo nito. May isang pares din kulay itim na stiletto na sa tingin ko ay may limang inches ang haba. Bukod dun may nakita din akong isang kahon. Binuksan ko at napanganga ako sa mamahaling diamante necklace at earrings Pinakatitigan ko pa kung totoo nga yun. Pero imposibleng hindi dahil hindi naman siguro siya bibili ng pekeng alahas.
Binaba ko ang hawak ko at tinitigan. Anong intention niya sa pagsama sa akin? Paano kung hindi ako sumunod sa gusto niya? Hindi kaya magalit na naman siya sa akin?”
Napabuntong hininga ako. Matapos ng mangyari kanina gusto niya akong isama sa party na hindi ko alam kung para saan.
Never pa akong nagsuot ng ganitong damit at hindi pa rin ako nakakapunta sa kung anong party. Sigurado akong hindi yun basta-basta dahil sa napakagandang damit ang gusto niyang isuot ko.
Parang gusto ko na lang tuloy tumakas at wag ng magpa-alam kay Lola. Anong gagawin ko? Masyadong maiksi ang pasensya niya. Paano kung magalit na naman siya?
Isa’t kalahating oras bago mag alas-otso ay nagdadalawang isip pa din ako. Nakasuot ako ng roba at kagat-Kagat ang dulo ng kuko ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung magagawa ko ba to. Palakad-lakad ako sa kwarto, nang biglang bumukas ang pinto.
“Senyorita si Che-che po siya ang mag-aayos sa inyo. Pinadala po siya ni Sir.” Nakangiting wika ni Manang. Sabay bungad sa akin ng magandang babae.
Mag-aayos? Meaning kailangan niya pa akong make-upan?
“Hi Miss. Angela. Napakaganda mo pala! Kahit walang make-up ay kabog na kabog na ang beauty mo!” Wika niya sa akin. Saka ko palang nalaman na bakla pala siya pero ang ganda niya talaga saka mas malaki pa dibdib at balakang niya sa akin.
“H-hello.” Napilitan kong ngiti sa kanya. Bago siya pasadahan ng tingin.
“Ay naku ma’am Angela! Wag mo akong tignan ng ganyan peke lahat ng nakikita niyo.” Nakatawang sabi niya sa akin.
Tipid akong ngumiti.
“Umpisahan na po natin. Pagagandahin ko pa kayo lalo para maglaway na si sir Rafael.” Dagdag pa niya na ikinapula ng mukha ko.
Kahit pagandahin pa niya ako at bihisan hindi parin mawawala ang katotohanan na galing ako sa ampunan.
“Am Che-che pwede Angela na lang itawag mo sa akin? Saka hindi ko pa sigurado na aattend ako sa party.” Nakayukong wika ko sa kanya.
“Ay ma’am hindi po pwede, magagalit po si sir. Rafael. Sesesantihin daw niya ako kapag hindi ko nagawa ang utos niya. Sayang naman ang trabaho ko pangbili ko ng gamot ni mudra.”
Bigla akong naawa sa kanya. Kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa harap ng vanity mirror. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nag-umpisa na rin siyang ilatag ang lahat ng make-up niya.
Unang beses kong malalagyan ng kolorete ang aking mukha kaya hindi ko rin alam ang magiging kalalabasan.
“Don’t worry ma’am Angela, I will make sure na ikaw lang ang pinakamaganda sa party tonight.”
Gandang-ganda talaga siya sa akin. Hindi kasi mapawi ang ngiti niya. Hindi ko alam kung ano-ano ang nilagay niya sa aking mukha pero lalo kong nakikita na mas gumaganda ako sa ginagawa niya.
Binigyan niya ng kulay ang matamlay kong mga mata. Pati na rin ang natural na mapula kong labi ay nilagyan niya ng simpleng nude color na lipstick. Bumagay din sa double eyelid ko ang mahabang pilik ko. Inayos din niya ang magulo kong kilay. Mabuti na lamang at inahit niya lang yun dahil hindi ako sanay magbunot.
Muntik na akong antukin ng kinulot niya ang buhok ko at itinaas na parang messy bun. May lawit pa na ilang hibla.
“Wow! Gorgeous!”
Pumalakpak pa siya na parang nakatapos ng isang magandang masterpieces.
Hindi ko maiwasan ang ngumiti halos isang oras din ang ginugol niya sa make-up. At nangalay ako ng sobra pero nang makita ko ang finished product ay sobrang natuwa ako. Hindi ko alam na may igaganda pa pala ang simpleng gaya ko.
“Salamat Che-che.” Sambit ko.
“Naku! Mas maganda ka pa kay Lalaine!” Napatakip siya sa kanyang bibig.
“Ay este! Kung kasing ganda niyo lang din naman ang mamake-upan ko ay gaganahan talaga ako.” Wika niya.
Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang pagbangit niya sa pangalan na yun. Narinig ko na rin yun kay Rafael. Kung sino man ang babaeng yun sigurado akong maganda talaga siya dahil hangang ngayon siya parin ang mahal ni Rafael. At ako isang babaeng pinulot lang sa ampunan upang pilitin na ipakasal sa kanya.
Limang minuto bago mag alas-otso ay tapos na rin akong magbihis. Kaya lang nailang ako nang makita ng suot ko sa harapan ng salamin. Sobrang haba kasi ng cut sa kanang binti ko kaya pag sinusubukan kong lumakad ay lumalabas ang legs ko. Hindi naman ako sobrang puti pero wala akong kahit isa mang peklat nakakaputi din ang kulay ng damit. Hindi ako makapaniwala sa naging itsura ko. Dahil sa suot ko hindi na ako makikilala kahit pa siguro sila sister Sandy at Mother Evette. Medyo kiya din ang ibabaw ng dibdib ko kaya tinataas ko din baka tuluyang bumaba ayoko namang makita ang cleavage ko dahil hindi naman kalakihan ang dibdib ko. Mababa din ang cut sa likod kaya kalahati ng likod ko ang exposed sa damit.
“Wow!” Sabay-sabay na napanganga ang mga kasambahay namin kaya lalong namula ang pisngi ko nakaramdam ako ng hiya. Dahil hindi ako sanay na nakakakuha ng attensyon sa ibang tao.
“Ang ganda niyo po!” Wika ni Manang Melba.
“Oo nga!” Sang-ayon naman ng iba.
“Syempre! Ako ang fairy god mother niya eh!” Pagmamalaki ni Cheche. Mabuti na lamang at tinulungan niya akong mag-ayos pati sa damit dahil hindi ko talaga alam paano dadalhin ang sarili ko.
Pababa na ako ng hagdan ng bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Rafael. Gusto ko pa sanang umakyat ulit kaya lang pinigilan na ko ni Cheche.
Huli na dahil nakita na niya ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Napakagwapo din kasi niya, bagay na bagay ang suot niyang itim na coat. Para tuloy siyang prince na ikakasal sa suot niya.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Kakaibang kinang ang naramdaman ko nang magtama ang aming paningin.
“Beautiful.” Sambit niya. Ako kaya ang tinutukoy niya? Ayokong mag-assume dahil sa nangyari sa amin kanina.
“Thank you Che.” Paalam niya kay Che.
Nagulat ako ng ilahad niya ang kanyang kamay. Hindi ko akalain na may pagka-gentleman din pala siya o ngayong gabi lang. Kung alalayan niya ako ay para akong babasaging krystal.
Naramdaman ko na lang ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Sa tuwing nakikita ko siya at naglalapit kaming dalawa nag-iiba ng ritmo ang puso ko hindi ko tuloy alam kong sa takot ba excitement o kung unti-unti na niyang nakukuha ang puso ko pero imposible yun. Dahil bukod sa hindi niya ako gusto dahil galing akong ampunan may Lalaine pa siyang hindi pa niya nakakalimutan.
Paglabas namin ng bahay ay inalalayan din niya ako sa pagsakay sa kotse. Saka siya tumabi sa akin sa likuran. Pumasok naman yung driver at inumpisahan na niyang buksan ang makina.
“S-saan tayo?” Kinakabahang tanong ko.
“Malalaman mo din mamaya. Thank you dahil pumayag kang sumama.” Sambit niya. Mas mahinahon ang boses niya ngayon kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
“Baka kasi magalit ka ulit sa akin.” Tipid na sagot ko bago ako lumingon sa labas ng bintana. Nagbabadya ang ulan dahil sa lamig ng panahon at makulimlim din kanina.
“I’m sorry for what happen, kahit naman sinong lalaki magagalit kung ikukumpara mo sila sa karibal mo diba?” Wika niya na ikinagulat ko. Karibal? Kailan pa niya naging karibal si Mathew?
Naguguluhan na naman ako sa kanya. Para tuloy gusto kong pagsisihan ang pagsama ko.
Ilang minuto din ang lumipas nang lumiko sa isang malaking venue ang driver. Ipinarada niya ang kotse katabi ang iba pang mamahaling kotse. Lalo akong kinabahan nang makita ko ang ibang guest. Napaka galante din ng mga suot nila at ang gaganda.
Inalalayan niya akong makababa. Nahirapan akong dalhin ang stiletto shoes ko dahil hindi naman ako sanay sa ganitong klaseng sapatos. Iniligay niya ang kamay ko sa braso niya at dahan-dahan kaming lumakad patungo sa entrance.
Ngunit pag-akyat namin sa baitang ng hagdan ay sumabit ang gown ko sa takong ko kaya na-out of balance ako. Mabilis niya akong naikabig na kinagulat ko dahil yakap na niya ako. Kumabog lalo ang tibok ng puso ko nang magtama ang tingin naming dalawa. Naamoy ko rin ang mabango niyang hininga at nararamdam ko ang matigas niyang katawan dahil sa higpit ng yakap niya sa beywang ko.
“Careful.” Bulong niya sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
“Oy! Rafael ang ganda naman ng kasama mo ngayon. Ipakilala mo naman kami.”
Sabay kaming lumingon ni Rafael sa nagsalita. Siguro kakilala sila ni Rafael or di kaya ay kaibigan. Nakita ko din na may maganda pa silang kasama na nakatingin lang kay Rafael.
Nakita ko na lang ang matalim na tingin ni Rafael sa kanya. Pero agad ding bumaling sa akin.
“I’d like you to meet my fiancé, Angela.” Pakilala niya sa akin na ikinagulat ko.
“Fiancé? Are you serious Rafael?” Kunot noo na tanong ng lalaki.
“Angela, meet my friends. Inigo, Xandro, Fernan and Lalaine.” Pakilala niya sa mga kaibigan niya. Sabay silang lumingon sa babaeng ipinakilala niyang Lalaine. At kung hindi ako nagkakamali siya ang babaeng hangang ngayon ay mahal pa rin ni Rafael.
“I’m sorry guys, maiwan ko muna kayo.” Paalam ni Lalaine at mabilis itong lumayo sa amin. Sinundan din agad siya ni Fernan.
Bumaling ulit sa akin ang mga kaibigan niya. Ngunit ang mga mata niya ay nakasunod sa likuran ni Lalaine. Napakaganda nga talaga niya. Hindi ako naniniwala kay cheche na mas maganda ako dahil kitang-kita ko kung gaano siya ka perpektong babae. Hindi na ako magtataka kung bakit mahal pa rin niya ito dahil pakiramdam ko ganun din ang babae sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya habang tinitignan niya kami ni Rafael.
Akala ko hangang tanaw lang ang gagawin ni Rafael. Ngunit nagulat na lamang ako nang bigla niyang bitawan ang kamay ko at tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Lalaine. Gustong mag-unahan ng mga luha ko pero pinigilan ko ang aking sarili.
Bakit ako iiyak? Hindi naman totoo ang lahat. Wala naman kaming relasyon.
“Are you okay? Babalik din yun baka mag-uusap lang sila matagal kasi silang hindi nagkita.” Nakangiting wika ni Inigo.
“Oo nga Angela, pumasok na tayo sa loob mag-uumpisa na ang birthday ni Bernard.”
Inalalayan nila akong maglakad pero lutang parin ako sa mga nangyayari kung pwede lang umuwi na lang gagawin ko kaya lang kailangan ko munang magsabi sa kay Rafael.
“Mauna na kayo, may kukunin lang ako sa kotse naiwan ko kasi yung purse ko.” Nakangiting wika ko sa kanila. Tumango lang sila sa akin at ngumiti.
Nagtungo ako sa parking lot dahil naiwan ko talaga ang purse ko. Nakalimutan ko kasing bitbitin kanina dahil sa tindi ng kaba ko.
Pagkarating ko sa pinaradahan namin ay agad din akong pinagbuksan ng driver. Isasarado ko na sana ang pinto nang makita ko sa di kalayuan si Rafael. Habang nakasandal si Lalain sa kotse at para akong mauupos na kandila nang makita ko kung paano niya hinalikan si Lalaine.

Book Comment (241)

  • avatar
    Shekina

    sana meron pa kayong maraming story moon jae maganda kasi plz

    07/08

      0
  • avatar
    Ana Melecia Bugarin

    nice

    02/06

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda ng story🥰🥰

    31/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters