logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 03

Zanaira Kayneโ€™s P.O.V
Patapos na akong kumain at marami pa rin ang dumarating na mga bisita.
Bawat pagsubo ko ng pagkain ay ang palihim kong pagsulyap sa pwesto nila Dylan. Hindi ito umalis sa mga iba niyang kaibigan samantalang nandito katabi namin ang dalawa niyang matalik na kaibigan.
"Tagal mo namang kumain," komento ng kaibigan ko. Halatang inaantok na kahit mainit pa ang araw.
Umiling na lang ako at tinapos ang huling subo. "I'm done!" nakangiti kong baling sa kaniya at pinanlakihan niya ako ng mata. "Huh?" nagtatanong na tingin ko sa kaniya.
"Wala ang tagal mong matapos kumain,"
"E, hindi naman, a. Sadyang ang kaunti lang ng pagkain na kinain mo" nakangusong sabi ko.
Ngumisi siya at umirap. Hindi na siya muling nagsalita kaya tumahimik na rin ako, tinuon ko lang ang atensyon ko sa mga bisita. He didn't came back.
Ngumuso ako habang umiiling. "Sino ba naman ako para balikan niya?" mahina kong bulong sa aking sarili.
"Hindi ka lang sino. . ." nagulat naman ako ng biglang may bumulong sa tainga ko at muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko at buti na lang nahawakan ako ng mahigpit ni Dylam sa akin kamay.
"B-ba't ka kasi nanggugulat?" nauutal kong tanong sa kaniya dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
Lumayo ako ng kaunti ngunit mas lalo siyang lumapit sa akin. Rinig ko ring ang mahihinang bulungan ng mga bisita.
"Namumula ka," nakangising aniya at umayos ng tayo.
Umayos na rin ako ng upo at minura siya ng marami sa aking isipan.
"Sid, let's go!" aya ko sa kaibigan ko dahil hindi ko kayang manatili pa rito.
Tumayo na kami at naglakad papalapit kanila Tita Daisy kasama ang mga amiga't amigo nila na hindi ko kilala ang iba.
"Tita, aalis na po kami," nakangiti kong paalam sa kanila.
Kita ko naman ang lungkot sa mukha nito, kaya parang gusto ko na lang bawiin ang sinabi kong aalis na ako. Ang hirap maging mabait, huhu.
"A, ang gan'on ba? Ang bilis niyo naman," aniya at pilit na ngiti ang pinakita niya.
Ramdam ko ang lungkot niya lalo na't ilang taon kaming hindi nagkita kahit na ilang baranngay lang ang layo namin sa isa't isa. Simula n'ong grade one hanngang grade six ako ay lagi akong tambay rito sa bahay nila pero natigil lang iyon n'ong maghighschool ako.
I sighs, bumaling ako sa kaibigan. "Gusto mo na bang umuwi?" mahinang tanong ko sa kaniya.
"Ikaw bahala, wala namang tao sa bahay. Pwede naman dito muna tayo mamaya ka na magkwento sa akin pagkauwi natin. Look at Tita, o. I can see on her eyes that she's sad kasi aalis ka na," aniya.
Para kaming mga timang na nagbubulungan dito at kaming dalawa lang ang nakakarinig.
Tumikhim ako at bumaling kanila Tita. "A, Tita--" magsasalita na sana ako ng biglang sumulpot sa harapan namin si Dylan.
"Aalis na kayo?" kunot noong tanong niya.
Mukha naman akong tanga na napatulala sa kaniya habang pinagmamasdan ang seryosong mukha nito at parehong nakakunot ang noo.
"Tulo laway mo, 'te!" bulong ni Sidney sa akin kaya napabalik ako ng realidad.
Hindi ako nagsalita at tumingin na lang ulit kanila Tita. "A, joke lang po mamaya pa po kami uuwi, medyo boring po r'on sa banda namin kaya pumunta po kami rito," sabi ko at pekeng tumawa sa kanila.
Best actress na yata ako. "'Di ba, beh?" baling ko kay Sid at mahinang siniko sa likod.
"A, opo opo!" pilit ngiting aniya.
Ngumiti naman sa akin si Tita. "Ikaw talaga, hija. O, siya Dylan, samahan mo sila papasok ng bahay manood na lang kayo r'on ng mga palabas o maglaro na lang kayo sa playing room natin," sambit niya at binaling ang tingin kay Dylan na hanngang ngayon ay nakasalubong ang kilay.
"A, hindi na Tita masyadong nakakahiya, 'tsaka baka po nakaabala kami kay Dylan,"
Mas lalong kumunot ang noo ni Dylan kaya tumahimik na lang ako. "Sinong nagsabi nakaabala ka sa akin?" tanong niya pero umiling lang ako.
'Busy ka kasi sa mga kaibigan mo.' Gusto ko sana sabihin iyon pero mas pinili kong itikom ang bibig ko.
I heard him sighs at nagulat naman ako ng hawakan niya ang siko ko. "Samahan ko lang po sila sa loob, Ma!" paalam niya at ginaya kami papasok.
Tanging tango at ngiti lang ang sagot ni Tita at bumalik na sa pakikipag-usap sa mga kasama niya.
Pumasok kami sa loob ng arcade room nila. Hindi ko man maipagkakaila na mayaman sila ngunit hindi ko alam na may arcade room sila.
"Gusto niyong maglaro?" tanong niya pero umiling naman ako.
Tumingin siya sa kasama ko. "How 'bout you?"
"No, thanks,"
Tumango siya sa amin. "Let's go to movie room," aniya. He held my hands gently and hinila papasok sa isang kwarto.
"Wow," bulalas ng kasama ko.
Para kaming nasa loob ng sinehan. Katamtaman ang laki ng movie room at kasya ang dalawang buong pamilya.
"Sit down, I'll pick a good movie for us," aniya at gaya ng sabi niya ay namili na siya ng magandang palabas.
Naupo ako sa pinakalikod samantala si Sidney ay naupo sa unahan.
Hmp, pangit kabonding dapat siya iyong tabi ko.
Pagkatapos mamili ni Dylan ng movie ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Ang daming upuan ba't dito pa sa tabi ko umupo?" bulong ko sa aking sarili at palihim na nagdasal dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan.
"Are you okay?" he asked. My eyes widened when he held my hands at pinagsiklop ito, means we're holding hands right now.
"A, o-oo," nauutal kong sagot at umiwas ng tingin. The movie were already starting. He picked the Pitch Perfect 2 kakapalabas pa lang ng movie at marami akong nakitang magandang feedbacks tungkol dito.
"Hey," kuha niya sa atensyon ko kaya napatingin naman ako sa kaniya.
"You sure you okay?" muling tanong niya.
Pilit akong ngumiti at tumango sa kaniya. Gusto kong bawiin ang kamay ko pero natatakot ako hindi ko alam kung bakit.
Ilang mura ang nasabi ko sa aking isip at pilit na tinotuon ang pansin sa movie pero hindi ko magawa dahil hawak pa rin niya ang kamay ko.
Nagulat naman ako ng bigla niyang isandal ang ulo niya sa balikat ko at bumulong sa akin. "I like you, Kayne! I really do!"
Nanindig lahat ng balikat ko sa aking batok at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya pero agad din akong nag-iwas ng tingin dahil ang lapit namin sa isa't isa.
"Y-you what?" mahinang tanong ko sapat na iyon na kaming dalawa lang ang nakakarinig dahil hindi ko kakayanin na marinig kami ni Sidney kahit na malayo siya sa amin at malakas din ang volume ng movie.
"I said I like you, Kayne!" ulit niya.
Natahimik naman ako. "P-pero hindi pwede, bata pa tayo," nahihiyang sambit ko.
Damn, it's awkward! And his confession is unexpected! What should I do?
"I know, I know. And I'm willing to wait!" seryosong aniya at pilit niya akong pinaharap sa kaniya.
Sobrang lapit namin sa isa't isa at naamoy ko ang kaniyang hininga. Ang bango!
Nahiya ako bigla dahil kakatapos ko lang kumain baka mabaho hininga ko! Pero bakit 'yon ang naiisip ko?
Ngumisi siya sa akin kaya kitang-kita ko ang complete set ng maputi niyang ngipin.
Ang pogi niya rin sa malapitan!
"I'll wait for you until you get ready, Kayne. I'll always do!"

Book Comment (5)

  • avatar
    Cristal Anne Osorio Villarma

    I love it ๐Ÿ˜๐Ÿ’“๐Ÿ’“๐Ÿ˜๐Ÿ’“๐Ÿ˜๐Ÿ’“๐Ÿ’“๐Ÿ’“๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ’“๐Ÿ˜

    17/07

    ย ย 0
  • avatar
    Ka Zu Mi

    oum I like it

    02/12

    ย ย 1
  • avatar
    Rena Lyn

    Amazing and so much fun

    05/08/2023

    ย ย 0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters