logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 02

Zanaira Kayne’s P.O.V
Mabilis kumalat sa buong campus ang pag-aaya ng dalawang lalaki sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit big deal sa kanila iyon.
Masyado pa akong bata para isipin ang mga ibang bagay, at marami pa akong pangarap para sa pamilya ko.
“Uy, si Leon, o!” sigaw ng iilang kaklase ko ng makita si Leon na papalapit sa amin.
Lunch break namin ngayon, kakatapos lang namin kumain ng tanghalian kaya naisipan naming tumambay dito sa soccer field.
Hindi ko alam pero kinabahan ako ng bigla silang nagkasalubong ni Dylan sa daan at ilang segundong nagtitigan bago sila nagpatuloy sa paglalakad sa magkabilang dereksyon. I sighs, akala ko kung ano na ang gagawin nila dahil parehong seryoso ang mukha ng bawa’t isa. What’s really happening in this world?
Natahimik ang lahat ng tuluyan ng makalapit sa akin si Leon. Everyone is watching us and waiting what Leon’s gonna do!
“Hi, Zai! Good morning!” nakangiti niya niyang bati sa akin. Hindi ako agad nakareact at napaawang ang aking labi sa hindi inaasahang pagbati.
“A, for you!” nahihiyang aniya at inabot sa akin ang isang bouquet na roses.
Hindi ako nagsalita at tinanggap ang bulaklak ng hindi nakangiti.
This is not the first time na may mag-abot sa akin ng bulaklak lalo na’t kilala ako sa buong laguna. Kasali ako sa drum and lyre simula last year at next year naman ay sa akin ipapasa ang pagiging mother majorette. Hindi naman ako gan’on kagaling pero n’ong nakaraang intrams ay ako ang nagbigay ng intermission number kaya marami ang humanga. At first nahiya ako pero kalaunan ay nasanay na rin ako dahil kada taon na may pista ay sumasali ako sa banda simula n’ong bata ako. Todo ensayo ako dahil alam kong kahit hindi ako matalino pero may talento ako.
Nilingon ko ang lalaking nasa harapan ko at tipid na ngumiti. “Para saan ito, Leon?” tanong ko kahit alam ko naman ang sagot. Oo, gaya ng sabi ko hindi ako matalino pero hindi rin naman ako tanga.
He laugh nervously, and faked cough. “I’m going to court you, Zanaira!” it’s not a question. He said it with a serious tone.
I look away when I felt me cheeks redden. “L-leon. . .” mahinang tawag ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Masyado pa akong bata para rito, at never pumasok sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend.
“K-kasi, masyado pa tayong bata rito, e--” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita ito.
“Hindi, hindi! A, hindi mo naman ako kailangan sagutin agad, e. Maghihintay ako kahit gaano katagal!” seryosong aniya.
Napailing na lang ako at ngumiti ng tipid. “I’m sorry, Leon! Sorry talaga!” sambit ko bago tumakbo papaalis ng field at nagtungo sa maliit na garden dito sa school.
It’s kinda rude but I don’t have choice, hindi ko rin naman alam ang gagawin ko. Isa pa, hindi ako tumatanggap ng manliligaw kaya hanngang crush lang ako pero nat-turn-off agad kapag kinacrushback ako agad.
“Uh! Ang bilis mong tumakbo, Zai!” reklamo ng kaibigan ko na sumunod pala sa akin.
Hindi ako nagsalita at naupo na lang sa ilalim ng isang puno rito. Nakatulala sa kalangitan habang iniisip ang eskandalong ginawa kanina.
Did I reject him? O, my God! This not the first I rejected someone, pero first time makareject ng tao na marami ang nanonood. Did I offend, Leon? I hope not. Ayoko lang na may isang taong umaasa sa akin.
“Okay ka lang ba, dzai?” Sidney asked. Yumuko ito at hindi alam kung saan titingin.
Tumango ako at pilit na ngumiti. I’m okay, pero nakaramdam ako ng awa para kay Leon. How dare me para iwan lang siya r’on. Pwede ko naman siya kausapin ng pribado pero hindi ko ginawa.
I sighs, how can I think properly kanina if ramdam ko ang mga titig niya? I frustrated look at the sky and let a big sighs again.
“Hoy, nakakailang buntong hininga ka na! Sure ka na talagang okay ka lang?” may bahid na pag-aalala niyang tanong.
Kumunot ang noo ko at umiwas ng tingin ng matamaan ng tingin ang isang lalaking hindi ko alam kung bakit ko iniiwasan. Ano ba ang nangyayare sa akin?
“Oo, okay lang ako. Don’t worry!” panigurado ko sa kaniya at hindi na muling nagsalita.
Ano ang tinitingin niya rito? At ang laki ng ngisi niya. Tinignan ko ang kinaroonan niya at nakita ko siya ulit na nakatingin sa akin ng seryoso. Naramdaman ko na lang ang biglang pagsikip ng dibdib ko at ang bilis ng pagtibok ng puso ko.
I look away, hindi na muli tumingin kay Dylan. Oo, si Dylan iyon at hindi ko alam bakit naiilang ako sa mga tingin niya.
***
Mabilis lumipas ang oras at sabado na! Ngayong araw iyong pag-aaya sa akin ni Leon sa bahay nila at si Dylan na inimbetehan ako sa birthday ng Lola niya.
Saan naman ako pupunta? Kung kanila Leon ako ay parang ang awkward n’on dahil kakareject ko lang sa kaniya n’ong nakaraan tapos kapag kanila Dylan naman ay wala akong mga kaclose r’on kaya hindi ko alam kung saan ako dadalo ngayon. Ang gulo!
Ngumuso naman ako at tinignan ang aking itsura sa full length mirror dito sa kwarto ko. I’m wearing a simple white dress that mama’s bought last time; sa ukay-ukay, and a flat sandal.
I sighs, I decided to call Sidney and asked her to come with me.
“Hello?”
“Sid! Asaan ka?” mabilis kong tanong sa kaniya at halata sa boses ko ang kinakabahan.
“Nasa bahay, bakit?”
Tumango naman ako. “Arat, punta tayo sa birthday ng Lola nila Dylan!” mahina kong sambit pero alam kong narinig niya ang sinabi ko.
Narinig ko ang tili nito kaya nilayo ko sa tainga ko ang aking phone dahil nakakabingi. “OMG! So, it’s mean mas pinili mong tanggapin iyong alok ni Dylan sa birthday ng Lola niya kaysa sa pag-aaya ni Leon sayo na kainan kasama ang mga tropa niya or worst baka and’on ang parents niya e ’di baka umaasa iyong tao!” malakas niyang sigaw sa akin kaya napalayo ko ulit sa aking tainga ang phone ko at inis na binalingan ito.
Hindi ko siya maintindihan!
Ngumuso ako at hindi maiwasang mapangiti sa hindi mapaliwanag. “Relax, Sid! Okay? I already told Leon na hindi ako makakapunta and I texted Dylan na pupunta na tayo kaya halika na!” mahinahong sambit ko bago nagpaalam sa kaniya at hindi na hinintay ang sagot niya.
Inayos ko na ulit ang suot ko bago lumabas ng kwarto at nagpaalam kay Mama na aalis.
“Let’s go?” nakangiting aya ko kay Sid ng makita ko siyang ready na sa labas ng bahay namin.
Gamit ang sasakiyan nila ay pumunta kami sa bahay nila Dylan kung saan gaganapin ang 65th birthday ng Lola ni Dj.
“O.M.G! Talagang pumunta dito si Zanaira!” dinig kong bulungan ng iilang bisita na kakilala namin.
Ngumiti ako ng matamis at nahihiyang naglalakad papalapit sa pamilya ni Dj.
“Hi, Dj! Hi po Tita, Tito!” bati ko sa kaniya at sa kaniyang mga magulang.
“Hija, you’re here!” nakangiting salubong sa akin ni Tita Daisy. Dylan’s mother.
Actually, matagal ko na silang kilala kaya hindi na bago sa akin ang pagpunta rito.
“Of course hindi po ako pwedeng mawala sa birthday ni Lola Rosetta, no!” nakangiti pa ring sagot ko.
“Ay, close pala sila!” rinig kong bulong ng kaibigan kong nasa tabi ko.
Me and Dylan was best friends and we were little kids but time flies fast we became stranger to each other.
“Btw, where is Mamita?” I asked.
I’m referring to Lola Rosetta. N’ong bata kami ay aniya’y Mamita na lang daw ang itawag ko sa kaniya dahil hindi naman daw ako iba sa kanila.
“Pababa na--” hindi natuloy ang sasabihin ni Tito dahil natanaw na namin si Mamita papunta sa banda namin sakay ng wheelchair na hila-hila ng isa sa mga anak niya.
“Tita Roseanne, Tito Ramon!” bati ko sa mga kapatid ni Tito—Tito Emmanuel’s younger sister and older brother.
“O, Zanaira, hija! Ikaw pala iyan! Ang laki mo na, a!” nakangiting salubong sa akin ni Tita Rose at binigyan ako ng mahigpit ng yakap.
“Oo nga po, e. Namiss ko po kayo!” wika ko at bumaling kay Tito Ramon. “At syempre namiss ko rin po ang paborito kong Tito,” natatawa kong sambit at binigyan din ng yakap si Tito Ramon.
Ganito ko lang sila kaclose at matagal na rin n’ong huling punta ko rito.
Kumalas ako ng yakap at pumunta ang aking tingin sa kanilang ina. “Mamita!” masaya kong tawag at binigyan siya ng halik sa dalawang pisngi at sa noo.
“Namiss kita, Mamita! Happy birthday po!”
Ngumiti ito sa akin at kinurot ang dalawa kong pisngi na lagi niyang ginagawa sa akin noong bata ako. “Zanaira, apo! Ang ganda-ganda mo ng dalaga, a!” aniya at ngumiti sa akin.
“Syempre mana po sa inyo,” biro ko.
Tumawa ito at pabiro akong hinampas sa braso. “Hindi ka pa rin nagbabago bolera ka pa ring bata,”
Umiling na lang ako at bumaling sa buong pamilya nila. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya ng mapansing lahat ng bisita ay nasa amin ang atensyon lalo na’t karamihan sa mga bisita ay mga schoolmate rin namin. Panibagong issue na naman ito for sure!
I smiled at tumabi kay Mamita.
Tita Daisy faked cough at saka siya tumingin sa akin at kay Dylan. “Bakit hindi mo ayain si Zaira at ang kaniyang kaibigan na maupo, anak? Para makakain na rin sila,”
Nahiya naman ako dahil sa biglang pagtaas ng kilay ni Tita kay Dylan.
“A, it’s okay, Tita!” wika ko pero hindi ako pinansin ni Tita Daisy at mas lalong tumaas ang kilay niya at pinanlakiha ng mata ang anak.
I heard him tsked at tumingin sa amin. Pilit siyang ngumiti at ginaya kami sa isang pabilog na mesa kung nasaan ang dalawa niyang kaibigan na hindi ko alam kung ano ang pangalan at saka inayang umupo rito. Napilitan, hmp!
“Just stay here, I’m going to talk to my parents and papadalhan ko na lang kayo ng pagkain,” bulong nito sa mismong tainga.
“Babalik din ako,” dugtong niya at umalis din gaya ng sabi niya at pumunta siya sa kaniyang mga magulang at bago pinadalhan kami ng pagkain.
“Ikaw, a. May hindi ka yata sinasabi sa akin, e!” nanunuksong bulong sa akin ng kaibigan.
I rolled my eyes at pabiro siyang hinampas ng mahina sa kaniyang braso. “Maissue kayo masyado, ’te,”
Umiling na lang ako, hindi na siya nagsalita kaya tumahimik na lang ako at hinintay na bumalik sa table namin si Dylan.
But why I am waiting for him? What’s wrong with me?
Tinignan ko ang mga pagkain sa harap ko at bumuntong hininga. Ginala ko ang paningin ko at nahagip ng mata ko si Dylan na nakikipagkwentuhan sa iilang mga schoolmates namin.
“Eat!” malayo man ngunit nabasa ko naman ang ibig sabihin niya.
I sighs at nagsimula ng kumain. Ramdam ko rin ang paninikip ng dibdib ko at pagbilis ng tibok ng puso ko.
This is wrong. . .

Book Comment (5)

  • avatar
    Cristal Anne Osorio Villarma

    I love it 😍💓💓😍💓😍💓💓💓😍😍😍😍💓😍

    17/07

      0
  • avatar
    Ka Zu Mi

    oum I like it

    02/12

      1
  • avatar
    Rena Lyn

    Amazing and so much fun

    05/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters