logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 05

Kabanata 05
Pagpasok ko sa school ang sumalubong agad sa akin ay ang mapanukat na tingin ni Macey.
"Anong nangyayari sa'yo mare? Bakit mugto 'yang mata?" Tanong n'ya agad kahit hindi pa man ako nakakaupo sa upuan ko.
"Good morning din naman sa'yo mare."
Natawa s'ya dahil sa isinagot ko sa kaniya. "Anong ibig sabihin kapag malayo ang isinagot sa tanong? Hashtag ESP."
"False."
Nanlaki ang mata n'ya sa isinagot ko atsaka n'ya ako nginisihan. "Ay taray mare, nakakasabay ka na sa uso." Aniya dahil nasabayan ko s'ya sa umuuso ngayon sa social media na hashtag-hashtag ng mga subjects.
"Pero why nga namugto ang mata mo? Nanood kang kdrama? Nagbasa ng libro? O baka naman... iniyakan mo magdamag 'yong mga nangyari kahapon?"
Napatitig na lang ako sa kaniya. Magbibiro sa una tapos tatapusin sa real talk. "Alam mo naman 'di ba ang totoong katayuan ko sa bahay ng mga Verlice?" Tumango-tango s'ya.
Nai-kwento ko na kasi sa kaniya kung paano ako napunta sa mga Verlice. At alam n'ya din na hindi talaga ako katulong kaya gusto n'yang sungalngalin iyong mga pesteng mayayaman naming schoolmates na akala mo eh pag-aari nila ang mundo.
"Narinig ko kasing nag-uusap kahapon si Tito Vicente at Vijay, Tito wants to adopt me legally pero hindi pumayag si Vijay."
Nanlaki ang mata tapos ay napatakip pa s'ya sa bibig dahil sa sinabi ko. Okay, ang OA n'ya talaga. "So, namaga 'yang mata mo dahil hindi ka nakatulog kagabi dahil sa kilig?" Malanding aniya na parang nag-iimagine pa.
"Bakit naman ako kikiligin, huh Macey? Baka ang gusto mong sabihin eh napuyat ako dahil sa kaiiyak sa inis kay Vijay!"
Naalala ko naman tuloy kung paano s'ya nagmakaawa sa daddy n'ya na huwag akong ampunin legally. "Siguro nagpapanggap lang 'yon na gusto n'ya akong nasa bahay nila."
She snapped at me. "I disagree mare, baka may gusto sa'yo 'yon kaya ayaw ka niyang ipa-adopt sa daddy n'ya."
"Ang mas tama mong sabihin ay walang gusto sa akin 'yon, ang bilis n'ya ngang tumanggi sa ideya ng daddy n'ya at nagmakaawa pa s'ya na huwag ituloy ng daddy n'ya ang plano nito."
"Ay gaga, ang boba mo 'te, literal. Malamang kapag in-adopt ka nila magiging magka-apelyido na kayo at magka-pamilya legally which means hindi ka na n'ya pwedeng magustuhan."
Saglit ko s'yang natitigan dahil sa sinabi n'ya. Iba rin mag-isip ang isang 'to. Paano kaya hinulma ang utak nito?
Nakangisi s'ya sa akin na para bang nasisiguro n'yang tama s'ya sa theory n'ya. "Anong tawag sa nagco-conclude agad kahit wala pang ebidensya? Hashtag science."
"True." Mabilis n'yang sagot.
"Assumera, gaga. Napakalaki mong assuming Macey Dodd."
"Don't mention may full name, masakit sa tainga." Maarteng sabi n'ya at tinakpan pa talaga ang tainga n'ya. Ang pangit daw kasi pakinggan ng surname n'ya kaya ayaw na ayaw n'yang naririnig 'yon.
Inirapan ko na lang s'ya. "Arte mo, ang yaman-yaman nga ng apelyido mo eh."
"Gusto mo ampunin kita?
"No thanks, kaya pa akong pakainin ni Tito Vicente."
"O baka ang gusto mong sabihin ay gusto mo pang kainin si Vijay." Nahampas ko s'ya sa braso dahil sa sinabi n'ya.
"Iyang bibig mo, pasmado."
Nagkwentuhan pa kami ni Macey habang hindi pa dumadating ang first subject teacher namin. Puno kami ng tawanan at asaran. Pero hindi rin talaga maiwasan ni Macey ang pagiging pasmado ng kaniyang dila, masyadong bastos minsan. Madalas pala.
Habang pauwi ako sa bahay ay hindi ko maiwasang hindi isipin iyong sinabi ni Macey. May parte sa utak ko na gustong maniwala doon pero may part din na hindi dahil kay Venice. He obviously like Venice because if not, he will not bring that girl home.
Pagpasok ko sa bahay ay nagulat ako sa maingay na nagtatawanan sa living room namin. Unang nakakuha sa atensyon ko ay ang masayang si Vijay na nakikipagbiruan habang nakahawak sa hita ni Venice na nakalantad. Hita lang pala ang makakapagpasaya sa mokong na 'yan.
Iyan ba ang may gusto sa akin?
D'yan palang sa eksena na 'yan ekis na ang theory ni Macey.
Nalingon lang ako ni Vijay ng sumipol ang isa n'yang kaibigan. Bukod kasi sa kanila ni Venice ay may kasama pa silang dalawang lalaki na sa tingin ko ay kaibigan ni Vijay.
"Who's this beautiful girl, huh, Jay?" Tanong ng isang lalaki na tinitingnan ako habang naglalakad papasok.
"She's one of their maid." Iyong maarteng si Venice ang sumagot.
"Sobrang ganda n'ya naman para sa isang katulong." Malakas na sabi naman no'ng isang lalaki.
"She's not our maid, she's my adopted daughter." Nagulat ako ng lumabas si Tito Vicente galing sa dining room namin.
Lumapit ito sa akin at bumeso. "Hi, hija, how was your day? Wala na bang nang-bully sa 'yo?" Sabi ni Tito while emphasizing the word bully.
Umiling-iling na lang ako kay Tito dahil parang sinasadya n'yang iparinig ang sinasabi n'ya sa mga bisita ni Vijay.
"Sige pumunta kana sa kwarto mo at magpalit ng damit and then let's have some merienda, I baked cookies for you."
Nginitian ko muna si Tito bago ako umakyat sa kwarto ko.
I chose to wear a maong shorts and a white plain crop top shirt. Then, inulugay ko ang hanggang bewang kong buhok. Nang satisfied na ako sa itsura ko ay bumababa na ako sa dining room namin.
Nasa dining room na rin ang bisita ni Vijay ng bumaba ako.
Muli na naman akong sinipulan no'ng isang kasama ni Vijay kaya kitang-kita ko ang pagkawala ng ngiti sa mukha ni Vijay. Samantalang si Venice naman ay kulang na lang palubugin ako dahil sa sama ng tingin nito sa akin.
"Tito, pwede po bang ligawan ang anak n'yo?" Walang intro-intro na tanong no'ng isang lalaking brown ang buhok.
"Woaah, Nhiel lang sakalam!" Malakas na pang-aasar no'ng isa pang lalaki.
"Ask her, kung trip n'ya ng tulad mo." Sagot ni Tito bago tiningnan mula ulo hanggang paa iyong Nhiel kaya napayuko ito.
"She's too young for such thing." Malamig na sabat naman ni Vijay na ikinagulat ko.
"I agree with my son, ligawan n'yo si Linnett kapag may college diploma na kayo and lagpas na ang savings n'yo sa savings ko." Walang emosyon si Tito Vicente.
Mas nagulat ako ng tumayo si Vijay at lapitan ako. "Please, excuse us."
Bigla akong hinila ni Vijay paakyat sa kwarto ko. "What do you think you're doing, huh?" Pagalit na aniya.
Nagtaka ako sa sinabi n'ya dahil wala naman akong natatandaang ginawa ko, ni hindi nga ako nakapagsalita kanina.
"Wala naman akong ginagawa ah?" Inosenteng sagot ko.
"Really? Ano sa tingin mo 'yang suot? Gusto mo bang pinaglalawayan ka ng mga lalaki, huh?"
"What?"
Parang hindi ma-process ng utak ko ang sinabi n'ya. Nagagalit lang s'ya dahil sa suot ko? What about his girl? Mas maiksi pa sa suot ko ang suot no'ng Venice na 'yon pero wala naman s'yang reaksyon, hinihimas-himas n'ya pa nga! Tapos pagdating sa akin bawal! He's being unfair!
"Huwag mo akong ma-what-what, Linnett. They are lusting over you or gusto mo 'yong gano'n? O baka nga sinadya mong magsuot ng ganiyan para makalandi ka sa mga tropa ko?"
Parang nagpuyos ako sa galit dahil sa sinabi n'ya. "Ganiyan ba ang tingin mo sa akin?" Mabilis na kumawala ang luha sa mata ko.
Hindi ko lang talaga matanggap na kaya akong sabihan ng gano'n ni Vijay. Makalandi? Anong tingin n'ya sa akin pakawalang babae?
Hindi n'ya ba alam na nagsuot lang ako ng ganito because I'm trying to impress him. Kasi nakikita ko kung gaano n'ya kagusto ang babaeng sexy manamit!
Biglang lumambot ang expression ng mukha n'ya ng makita n'ya akong umiiyak. "Look, Linnett, I'm sorry."
"Please get out of my room."
"Linnett..."
"OUT!"
Walang nagawa si Vijay kung hindi lumabas. Mabilis kong ini-lock ang pinto ng kwarto ko pagkalabaa n'ya.
Bakit ba mabilis tayong masaktan kahit sa mga salita lang ng mga taong gusto natin? Or should I say taong mahal natin?
Sobrang bilis kong umiyak pagdating kay Vijay. Sobrang bilis kong masaktan pagdating sa kaniya. At sa araw-araw ng buhay ko para lagi akong sinasaksak sa sakit simula ng dumating sa'min 'yong Venice na 'yon.
Siguro nga mali talaga ang theory ni Macey. Dahil kung gusto talaga ako ni Vijay hindi na s'ya hahanap pa ng ibang babae.
Nasa bahay lang naman ako at lagi n'yang kasama. But he still chose to be with another girl.
Pinili kong manatili sa loob ng kwarto at hindi na lumabas. Dahil sa pag-ooverthink ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
Nagising na lang ako ng may narinig akong nagtatalo sa labas ng kwarto ko.
"Vijay, nangako tayo sa mommy mo na hindi natin sasaktan o paiiyakin si Linnett but what did you do?"
"Dad, hindi ko naman sinasadyang masabi 'yon!"
"Sinasabi ko sa'yo kapag hindi mo napalabas at napakain ng dinner si Linnett, hindi ka rin kakain at kukunin ko ang mga credit cards mo."
"Dad, I am your son..."
"And Linnett is also my daughter."
Narinig ko ang mga hakbang na palayo. Siguro ay umalis na si Tito.
Tatayo na sana ako ng marinig kong binubuksan ang pinto ng kwarto ko kaya nagmadali akong bumalik sa pagkakahiga.
Naramdam ko ang paglapit ni Vijay sa kama ko. Pero mas nagulat ako ng humiga s'ya sa tabi ko tapos ay niyakap ako. It's like he's giving me a back hug dahil nakatalikod ako mula sa pwesto n'ya.
"I know you're awake." Aniya bago ako hinapit palapit sa kaniya. This guy is killing me!
"What do you think you're doing?" Kinakabahang tanong ko.
"Nakikipagbati sa'yo." Aniya bago ako hinalikan sa batok na nagdulot sa akin ng ibang pakiramdam.
"I'm sorry dahil sa nasabi ko kanina." Ramdam na ramdam ko ang mainit n'yang hininga sa tainga ko.
"Is that the proper way to say sorry?" Tanong ko sa kaniya kahit na pakiramdam ko ay nag-iinit na ang pisngi ko dahil sa pwesto namin, idagdag mo pa ang deep and husky voice n'ya.
"It's Vijay's way to say sorry."
"Tss. Ginagawa mo lang 'to dahil ayaw mong ma-grounded."
Muling nag-init ang mukha ko ng halikan n'ya ang likod ng tainga ko. "So, you heard us, huh?"
Muli n'ya akong hinalikan pero sa may leeg ko naman. "I'm sincere Linnett, patawarin mo ako sa sinabi ko kanina. I just want to protect you pero sumobra yata ako."
Paulit-ulit n'ya akong hinalikan sa may batok ko kaya napapikit na lang ako ng mariin.
"Vijay... stop. Don't this..." Nahihirapang sabi ko.
"Why?" Patuloy pa rin s'ya ginagawa n'ya kaya kumalas ako sa pagkakayakap n'ya.
"It's not right, you have your Venice."
Mariin s'yang napapikit bago tuluyang bumangon sa kama ko.
"Get up. Mag-dinner na tayo."
Nauna s'yang lumabas at naiwan akong natulala. Hindi ko ma-process ang nangyari.
What did we just do?
Itutuloy. . .
--
Kathleenix 💙

Book Comment (213)

  • avatar
    Aldie Palmiano

    good

    6h

      0
  • avatar
    Geraldine Asonalleba

    nice and funny

    8h

      0
  • avatar
    Norayah D. Hadji Abdulhalim

    5.0

    12d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters