logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 04

Kabanata 04
Humugot ako ng malalim na hininga bago ako naglakas ng loob na lumapit kay Vijay.
Nakatulala lang kasi s'ya dito sa labas ng funeral hall habang hawak-hawak n'ya ang picture ni Tita Vivienne.
Tahimik akong naupo sa tabi n'ya. "Hindi nakakabawas sa pagkalalaki ang pag-iyak."
Hindi ko pa kasi s'ya nakitang umiyak mula no'ng tuluyan kaming iwanan ni Tita Vivienne. Kinikimkim n'ya lahat ng sakit.
"Mas mahihirapan ka kung hindi mo 'yan ilalabas." Patuloy ko pa.
Nagulat ako ng bigla n'ya na lang akong yakapin. Pero nang naramdam ko ang paggalaw ng balikat n'ya at pagkabasa ng balikat ko ay nagkusa ang kamay ko na hawakan ang likod n'ya at marahang hinaplos iyon.
Hindi ko na rin napigilan ang pagkawala ng luha ko dahil kay Vijay. Sobrang matunog ang pag-iyak n'ya. Parang naipon lahat ng luha n'ya at ngayon n'ya lang nailabas lahat.
Ilang minuto din kaming nananatiling magka-yakap habang umiiyak. We're both in pain. Sobrang mahal na mahal kasi talaga namin si Tita Vivienne. Napakabait n'ya at mapagmahal. S'ya iyong tipo ng isang ina na gugustuhin mong magkaro'n.
Kahit isang taon lang kaming nagkasama ni Tita ay naiparamdam n'ya sa akin ang pagmamahal ng isang ina na hindi ko nakuha noon. At sa loob ng isang taon na 'yon ay marami kaming nabuo na pangarap dahil talagang itinuring nila akong kapamilya pero lahat ng 'yon ay maagang pinutol ng tadhana.
Siguro hanggang doon na lang talaga si Tita.
Sa paglipas ng araw ay napansin ko ang malaking pagbabago sa bahay. Nakakabinging katahimikan ang laging bumabalot dito. Punong-puno ito ng kalungkutan mula ng mawala si Tita Vivienne.
Laging nakasubsob si Tito Vicente sa trabaho habang si Vijay naman ay laging lumalabas kasama ang mga kaibigan nito. Madalas akong maiwan nang mag-isa sa bahay kasama ang aming kasambahay.
Pakiramdam ko tuloy ay wala ako sa bahay kahit nasa bahay naman ako. Damang-dama ko ang pag-iisa sa gitna ng napakalaking bahay namin.
Bumalik na naman tuloy sa alaala ko kung paanong lagi akong mag-isa noon. Pero hindi tulad dati mas mabilis akong umiyak ngayon dahil pinalambot ni Tita Vivienne ang puso ko. Madalas akong umiyak sa kwarto ko dahil wala akong ibang makausap kung hindi ang kasambahay namin.
Sa paglipas ng araw ay parang nasanay na lang din ako ng mag-isa. Minsan out of boredom ay nakikitulong na lang ako sa ibang gawaing bahay dahil nakakasawa naman na lagi lang akong nanonood ng TV o kaya naman minsan nagpi-paint.
"Linnett, nasaan si Manang?" Masaya kong nilingon si Vijay dahil isang himala na umuwi s'ya ng maaga.
Pero agad na nawala ang ngiti ko ng makita ko ang babaeng nakahawak sa braso n'ya. Ito ang unang pagkakataon na nagdala s'ya ng babae sa bahay kaya hindi ko alam kung anong irereact ko.
"Naglalaba pa si Manang, bakit?"
Sasagot na sana si Vijay pero agad na nagsalita ang kasama n'yang babae. "Well, nauuhaw kasi ako, can you make some juice for me nalang?" Maarteng sabi nito, akala n'ya siguro ay isa ako sa katulong dito dahil naghuhugas ako ng plato ng maabutan nila ako.
"By the way, Venice, si Linnett nga pala." Pagpapakilala sa akin ni Vijay.
"Jay, I don't need to know her name, she's just a katulong, you know?" Maarteng sabi nito habang hinahaplos ang braso ni Vijay.
"Dalhan mo na lang kami ng juice at makakain sa garden." Nasabi na lang ni Vijay, hindi man lang itinama ang sinabi ng kasama n'ya.
Well, ano nga ba ako dito? Sino nga ba ako para sa kanila? Hindi naman nila ako kamag-anak. Isa lang akong palaboy na binihisan nila.
Tahimik ko na lang na ginawa ang sinabi nila. Napatigil ako sa paglalakad palapit sa kanila ng makita ko silang naglalandian at nagtatawanan. Ganito lang pala ang kailangan nito para makalimot sa pagkawala ni Tita. Kulang lang pala 'to sa landi at haplos ng babae.
"Hey, Lilibeth! Don't just stand there, bring that here!" Maarteng sabi no'ng babaeng mukhang nasubsob sa pintura dahil sa kapal ng make up.
"It's Linnett not Lilibeth." Pagtatama ni Vijay sa pangalan ko.
"I don't care, katulong lang naman s'ya."
Sa pangalawang pagkakataon ay wala man lang sinabi si Vijay para itama ang sinabi ng babaeng kasama n'ya.
Siguro nga ay katulong din ang tingin n'ya sa akin. Napakarami talagang nagbago simula ng mawala si Tita Vivienne even Vijay's attitude.
Nang mga sumunod na araw ay lagi pa ring dinadala ni Vijay dito sa bahay ang maarteng Venice na iyon. Pero sa mga araw na iyon ay hindi man lang itinama ni Vijay ang Venice na 'yon. Gusto na ngang umalma ng mga kasambahay namin dahil ako ang paboritong utusan ng babaeng 'yon kapag nandito s'ya sa bahay pero pinipigilan ko sila.
Hinahayaan ko na lang s'ya dahil si Vijay nga wala namang ginagawa para itama 'yon, ako pa kaya? Wala naman akong karapatan.
Dumating na ang araw ng pasukan namin sa senior high school. Nag-enroll kami ni Vijay sa parehas na school ayon sa kagustuhan ni Tito Vicente. Kinakabahan nga ako dahil mamahalin ang eskwelahan paniguradong 'yong maarteng si Venice ay doon din papasok.
Pasalamat ko na lang din dahil magkaiba kami ng kinuhang strand ni Vijay. ABM kasi s'ya samantalang ako ay STEM. Kahit papaano ay malalayo ako sa kaniya dahil paniguradong nakabuntot palagi sa kaniya si Venice.
"Bakit nakasakay ka rin sa kotse ni Vijay?" Iyon agad ang ibinungad sa akin ni Venice pagkakababa ko ng kotse. Inaabangan pala kasi nito si Vijay sa parking lot ng school.
"Hindi pa ba enough na pinag-aral ka rin ng amo mo sa kaparehas n'yang school? Kailangan mo pa ba talagang dumikit kay Jay? You're just a katulong, so, know your place."
Umagang kaysarap ng bungad sa akin. Napakalakas pa naman ng boses ng babaeng ito kaya halos lahat ng malapit sa kinatatayuan namin ay narinig ang sinabi n'ya.
Nakagat ko na lang ang labi ko dahil sa pagkapahiya. Ganito pa lang ang buhay at ugali ng mga mayayaman. Sana pala naging palaboy na lang ako habang-buhay.
"I'm sorry Ma'am Venice, hayaan n'yo po sa susunod hindi na po ako sasabay kay Sir Vijay."
Kitang-kita ang pagbabago ng expression ng mukha ni Vijay dahil sa itinawag ko sa kaniya.
"Let's go Venice." Nasabi na lang ni Vijay habang nakatingin sa akin.
"Huwag kang magmadali, sinasabihan ko lang ang katulong n'yo dahil baka sa susunod landiin ka no'n, masyado ka pa namang mabait."
Parang sinaksak ang puso ko dahil sa huling sinabi ng Venice na iyon.
Hindi pa pala tapos lahat ng sakit. May mas masakit pa pala akong pwedeng maranasan sa buhay ko.
Talaga bang ipinanganak ako para lang masaktan?
"Umagang-umagang kay simangot ka." Nagulat ako sa babaeng bigla na lang lumapit sa akin.
Hindi katulad ng ibang estudyante ang ngiti n'ya. Masaya iyon at kitang-kita na totoo. S'ya lamang din ang simple ang ayos at walang makapal na make up. Napaka-amo at inosente ng kaniyang mukha.
"Ikaw lang kasi ang nakita kong malungkot sa unang araw ng pasukan, masyadong maraming dahilan para ngumiti ngayong araw. Una, allowance, pangalawa, maraming pogi na nakakalat."
Okay, hindi s'ya inosente, wild s'ya.
"By the way, I'm Macey. You're long lost bestfriend." Pakilala n'ya kaya napangiti na rin ako.
"Linnett Latayan."
"Huwag kang masyadong magtipid, sige ka, hindi ka makakarami ng mabibingwit n'yan." Nakangising aniya pa.
Atleast mahal pa rin ako ng langit dahil pinadalahan n'ya akong ng magiging kaibigan sa napaka-toxic na eskwelahan na 'to.
"Don't worry I'll teach how to properly use that pretty face of yours." Kinindatan n'ya pa ako.
Napakadaldal n'ya. Parang lahat ay inipon n'ya sa buong bakasyon at sa akin n'ya ibinubuhos ngayon ang kadaldalan n'ya.
I enjoyed my first day dahil kay Macey at sa napakadaldal n'yang dila. Parang sa loob ng maghapon na magkasama kami ay nakwento n'ya na lahat ang tungkol sa kaniya.
Pero lamang nga lang sa kwento n'ya ang mga naging kalandian n'ya daw. Nagugulat na lang ako sa mga pinagsasa-sabi n'ya dahil sobrang bata n'ya para sa mga bagay na gano'n. Sabi n'ya naman sa akin nahuhuli na ako sa panahon. Hindi na daw 80s ngayon, kailangan na daw talagang matutunang lumandi. Natatawa na lang talaga ako sa kaniya.
"Linnett, let's go " Pagtawag sa akin ni Vijay dahil papasok na kami.
"Magta-taxi na lang ako."
Ayaw ko kasing salubungin na naman ako ng lecture ng Venice na 'yon. Gusto kong simulan ang araw ko ng may peace.
"Okay if that's what you want." Pagsang-ayon n'ya agad.
Wala man lang s'yang ibang sinabi. Well, I expected na pagbabawalan n'ya ako dahil hindi kami pinapayagang mag-taxi ni Tito Vicente. Nagbago na talaga s'ya.
Pagpasok ko ng school ay sinalubong ako ng mga bulong-bulungan. Second day of school pa lang, ganito na agad ang nararanasan ko. I'm sure my one whole year here would be hell.
"I heard na she's just a katulong."
"Yeah, naawa lang sa kaniya ang mga Verlice kaya s'ya nakapasok dito."
"Ang kapal ng mukha n'ya para pumasok dito."
Marami pa akong bulungan na narinig habang naglalakad ako papunta sa classroom namin.
"Don't mind them, kulang lang sa landi ang mga 'yon kaya gano'n sila magsalita." Nginitian ko ng tipid si Macey.
Sinubukan kong mag-focus at balewalain ang mga bulungan pero talagang may mga gagong gustong isampal sa mukha ko na hindi ako nabibilang sa lugar na 'to.
"Pwede mo bang itapon 'to para sa akin?" Inihagis sa akin no'ng isa kong classmate ang mga tisyung ginamit n'ya habang iyong iba naman ay nagtawanan.
"Good thing may katulong din tayo dito sa school." Hinagisan din ako no'ng isang estudyante ng cup na pinag-inuman ng juice kaya iyong natirang laman ay tumapon sa uniform ko.
"Oopps, sorry I'm not sorry." Maarteng sabi no'ng naghagis sa akin bago s'ya tumawa.
Kung mapait at masakit ang pinagdadaanan ko noon, this one, I don't know the exact word to describe this.
Pangalawang araw pa lang 'to, parang hindi ko kakayanin ang mga susunod pa.
Hindi ba  pwedeng ibuhos na lang lahat ng sakit at paghihirap ng isang bagsakan? Kaysa inu-unti-unti ako ng ganito.
Nagmadali akong umuwi right after na matapos ang klase namin. Halos hindi ko na nga nakausap ng maayos si Macey dahil sa mga ginawa sa akin ngayong araw. Ayaw ko rin kasing ma-involve s'ya sa gulo ko kaya sinasaway ko s'ya kapag gustong-gusto na n'yang gumanti.
Nagulat ako ng ang sumalubong sa akin pag-uwi ko ay si Tito Vicente.
"Anong nangyari sa iyo, hija?" Punong pag-aalala ang boses n'ya ng makita ang itsura ko.
"Nandito na po pala kayo, I thought na sa business trip kayo."
"I'm asking you, hija? What happened?" Seryoso na ang mukha ni Tito.
"Wala po, nagkatuwaan lang."
"Nagkatuwaan? Bakit meron din bang mantsa ng juice at sauce ng spaghetti ang damit ng classmate mo para masabi nating nagkatuwaan kayo?"
Napayuko na lang ako dahil sa tinuran ni Tito. Ayaw ko namang magsumbong dahil pakiramdam ko ay wala akong karapatan.
Nang hindi na ako magsalita ay napahinga nalang ng malalim si Tito. "Sige na, Linnett, pumunta ka na sa kwarto mo at maglinis."
Pagkatapos kong maglinis at magbihis ng pangbahay ay nagmadali akong bumaba. Pero agad akong napahinto ng marinig kong nag-uusap si Tito Vicente at Vijay.
"I heard na na-bully si Linnett because your schoolmates thought that she's our maid. Narinig ko din sa mga kasambahay natin na 'yong girlfriend mo ay laging inuutos-utusan si Linnett and yet wala kang ginawa? Anong nangyayari sa'yo Vijay?" Seryoso ang boses ni Tito.
"Alam mong mahal na mahal ko si Linnett, para ko na s'yang anak kaya dapat pino-protektahan mo s'ya." Patuloy pa ni Tito.
"I'm sorry, dad."
"Para hindi na mangyari ang mga ganito, I made a decision. I want to legally adopt her para dalhin n'ya na rin ang pangalan natin."
Natutop ko ang bibig ko dahil sa gulat sa sinabi ni Tito. He really cared for me.
"No, dad..."
Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi ni Vijay. Siguro hindi n'ya talaga gusto ang presensiya ko dito sa bahay nila. Baka siguro napipilitan lang s'yang pakisamahan ako dahil sa magulang n'ya.
Sobrang thankful pa naman ako sa kaniya dahil s'ya lang ang humawak sa kamay ko para dalhin sa tahanan n'ya. He's one of the reason why I felt home and I know deep within my heart that from the very first day that I met him, I already felt something different for him.
"Please dad, don't adopt her." He's begging his dad.
Sobrang daming kong pinagdaanan ngayong araw. Marami akong reason para umiyak.
Pero ang simpleng salita lang pala ni Vijay ang makakapag-paiyak sa akin.
Itutuloy. . .
--
Kathleenix 💙

Book Comment (213)

  • avatar
    Aldie Palmiano

    good

    8h

      0
  • avatar
    Geraldine Asonalleba

    nice and funny

    9h

      0
  • avatar
    Norayah D. Hadji Abdulhalim

    5.0

    12d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters