logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 2 - ECSTATIC

Naging masaya ang dumaang araw, ngunit mainitin pa rin ang ulo ng aking boss. Si Jayla ay laging pumupunta sa akin at nakikipagkuwentuhan kahit nasa loob siya ng opisina ni Aga. Pero hindi iyon pinansin ni Aga dahil kahit siya ay nakikipagkuwentuhan kay Jayla.
"Sis! Sama ka samin later?" Sabi ni Aga.
Tinignan nila akong dalawa at naghihintay ng sagot.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.
"Nothing change, sa bar ulit." Nang sabihin nila iyon ay wala akong nagawa kundi tumango.
Hindi ako alcoholic, kaya kapag isinasama nila ako ay lagi akong naiinis sa kanilang dalawa dahil kapag uuwi na, ang dalawa ay mag-aaway pa at magsasabunutan sa gilid ng kalsada. Ako naman itong nahihiya para sa kanilang dalawa.
Nang matapos ang mahabang kuwentuhan nila ay lumabas na kaming tatlo hindi para pumunta sa bar kundi para gumala. Minsan ay nahihirapan ako dito sa dalawang ito dahil sobra kung gumastos.
Naging tagabitbit ako ng mga ipinagbili nila, nasa likuran ako na bigat na bigat na dahil sa mga dalahin. Nakakainis talaga tong dalawang 'to. Sila ay nasa unahan at tumatawa pa, sobrang saya. Minsan ay magtuturo pa ang dalawa at nagbabalak na pumasok sa mga boutique.
Sa bandang huli ay sila rin naman ang nagdala ng kani-kanilang mga binili. Nakasimangot pa ang dalawa at halata ang pagkairita, ako naman ngayon ang nasa unahan at masayang kumakain ng ice cream. Humarap ako sa kanila, patalikod akong naglakad at ipinakita sa kanila kung gaano kasarap ang binili kong icecream.
"Tigilan mo kami, Azalea!" Sigaw nilang dalawa. Tumatawa ako habang patalon talon pang naglalakad.
Mag-iisang buwan na rin simula ng hindi namin pagkikita ni Jayla, hindi ko alam kung saan lupalop ito naroon. Alam ko namang nasa mabuti itong kalagayan kaya hindi na ako nag-alala, pero nakakapanibago lang dahil noon ay lagi niya akong ginugulo.
Sabi sa akin ni Aga ay huwag ko na daw isipin iyon. Alam kong alam ni Aga kung nasaan ang kaibigan kaya ng tanungin ko siya ay ang isinagot niya ay may kalandian raw kaya gano'n. I texted Jayla to inform me if she's okay but I didn't received any response from her.
Pag-uwi ko galing café ay dumeretso na ako sa bahay, saktong makaupo ko lang sa sofa ay nakarinig ako ng katok sa labas.
Mabilis akong tumayo at pinagbuksan ang kumatok, tumaas ang kilay ko ng makita si Jayla na nakangiti sa tapat ng pinto.
"Sorry." Saad niya. Ngumuso siya at ipinakita ang kasama.
"Sino siya?" Tanong ko sa kanya, mas lalo lamang humaba ang nguso niya.
"Az.You're so mean." Tinaas ko ang kanang kilay ko at humarap sa kanya.
"Aba'y siyempre, hindi ko siya kilala kaya tinatanong ko kung sino siya at ikaw naman, ni isang reply wala akong natanggap. Kaibigan ba kita?" Nameywang akong hinarap siya.
"Az." Malungkot na sambit niya.
Ang lalakeng naroon sa tabi niya ay tahimik lamang na nanonood ngunit nang tignan ko ito ay nabaling ang atensyon niya sa akin at umayos ng tayo, sumaludo pa.
"Good evening, ma'am." Mas lalong tumaas ang kilay ko sa narinig ko mula sa kanya. Did he just call me ma'am?
"Azalea naman eh." Pagmamaktol ni Jayla.
"Sino ka?" Tanong ko.
"I'm Casper Paredes." Pagpapakilala nito.
I opened the door widely, pinapasok ko sila at tinignan ko ang reaksyon ni Casper. Halata sa pananamit niya na nanggaling siya sa marangyang pamilya, kaya hindi ako magtataka kung umalis siya rito at hindi magustuhan ang bahay ko, hindi pa naman ito kalakihan.
"Btw, this is Azalea Monroe, my friend." Hindi ko pinansin si Jayla pinansin ng ipakilala niya ako sa kanya.
Pina-upo ko sila sa mahabang sofa habang ako ay sa isahang sofa lamang at katapat silang dalawa.
"So...?" I started the conversation.
"Az, kasi ano..."
"Boyfriend mo?" Umiling ito at lumayo kay Casper.
Si Casper ay tahimik pa rin sa kanyang tabi, ano kaya ang iniisip nito? Naglapag ako ng maiinom sa lamesa, nabaling doon ang atensyon ni Casper kaya nagtaka ako ng kumuha siya at uminom. Akala ko ay maarte ito, ang judgemental ko naman ata sa parteng iyon.
"Kaibigan ko si Casper, Az." Hindi ako naniniwalang kaibigan niya lang ito.
"Kaibigan lang talaga?" Tumawa siya ng mahina.
"Kalandian hehe..."
"F*ck buddy ganon?" Deretsahan kong sabi. Lumaki ang mga mata niya at si Casper ay napatigil sa pag-iinom. May nasabi ba akong mali? Wala naman ah.
"Sorry." Nagpiece-sign ako ng mapagtanto ang nasabi. Ipinagtaka ko ang pananahimik nilang dalawa.
Iniwan ko na lamang sila at pumasok sa kusina para maghanda ng pananghalian, nang bumalik ako ay naabutan ko silang masayang nagkukuwentuhan o sa madaling salita ay naglalandian. Kanina ay hindi naman sila ganito.
"Ehem." Pukaw ko sa atensyon nila, napatigil ang dalawa sabay ang pag-angat ng tingin sa akin.
Para hindi maging awkward ay masigla akong naglakad palapit sa kanila.
"Dinner is ready." Sigaw ko.
Pabalik na sana ako sa kusina para kunin ang pagkain at maghain na ng pigilan ako ni Casper, siya na lamang daw.
Nang maiwan kaming dalawa ni Jayla, ay siniko ko siya at binigyan ng makahulugang tingin.
"Inlababo ka na?" Saad ko ngunit tumawa lamang siya.
Pagkatapos mananghalian ay umuwi na ang dalawa, ihahatid na raw ni Casper ang kaibigan ko. Pumayag ako dahil kita kong mabuting tao si Casper kahit na masama ang unang trato ko sa kanya.
Kinaumagahan ay nag-usap ulit kami ni Jayla tungkol kay Casper. Hindi mawala wala sa usapan ang tungkol sa kanya, bukang bibig niya. Kahit si Aga ay naiinis kay Jayla dahil puro na lang daw tungkol kay Casper ang nasa bibig ni Jayla.
"Sister, ipapaalala ko lang isang buwan pa lang kayong magkakilala ganyan ka na umasta." Saad ni Aga.
"Wala naman sa tagal yan noh, inggit ka lang kasi may mani ka." Nagsabunutan na naman ang dalawa. Umiling-iling ako.
"Nakahanap ka na ng sugar daddy?" Sabi ko at sabay na natawa.
Mas matanda kasi sa kanya si Casper ng limang taon, Jayla is already twenty-six same age as mine while Casper is thirty-one. Mas matanda si Aga sa amin ng limang taon, minsan nga ay inaasar namin siya at tinatawag na kuya o kaya nama'y tito.
"Ikaw Azalea, kailan ka maghahanap ng sugar daddy mo?" Tanong ni Jayla.
Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko si Nolas. Ganito ko na ba talaga kagustong magkaroon ng sariling pamilya, kahit hindi ko man ito kilala ng lubusan.
Sa sumunod na Linggo ay ako lang ang mag-isa sa café. Kailangan raw umalis ni Jayla, pupuntahan ang mga magulang niyang nasa ibang bansa.
As what I've expected Nolas are here with his friends. Dati kasi ay sobrang dalang lang akong pumunta rito sa café kaya siguro hindi ko sila napapansin.
Lumapit ako sa kanila.
Nang makalapit ay nagsalita agad iyong kalbo, isinulat ko sa isang papel lahat ng in-order nila. Hiningi ko rin ang kanilang mga pangalan, Kylo, Vion,  at Lorenzo. Hindi ko na tinanong si Nolas dahil alam ko naman na.
Huminga ako ng malalim bago nagsimulang mag-asikaso, matatagalan talaga ako nito dahil lumalapit pa ako sa ibang lamesa para kunin ang kanilang order. Hindi ko naman pwedeng papuntahin dito si Khyla dahil alam kong busy ito, pati na rin ang iba. Dapat pala ay hindi muna ako nagbukas ngayon.
Alas sais na ng gabi, maaga akong magsasara ngayon. Wala na ring nagsisidatingang costumer, na-upo muna ako sa gilid ng counter at nag-iisip-isip. Ang boring ng buhay ko, kahit nandyan ang mga kaibigan ko ay may parte pa rin sa akin na naghahanap ng kung ano.
Nakatulog pala ako, nagising na lamang nang makita ko ang pumasok sa loob ng café. Even after seeing her, I stayed calm.
"Hello, I want to order." She said.
"What is it ma'am?" I asked her, also giving her a smile.
"Ano pa ba, yung cheap niyong kape." Saad niya.
Her smirked vanished. Mahina akong tumawa at agad na pinagbigyan siya.
"Kung wala ka ng ibang sasabihin, makakaalis ka na." Saad ko.
"Ganyan ka ba umasta sa costumer mo, kaya siguro walang kahit sinong may gusto rito sa café kasi ang sama ng ugali mo." Aniya. Ngumiti lamang ako at lumapit sa may counter.
Kinuha ko ang kape, hindi na ito mainit dahil kanina ko pa ito ginawa nakalimutan ko lang dahil nakaidlip ako. Lumapit ako sa kanya bago binuhos iyon sa kanyang mukha.
Hindi ko kayang magtimpi sa isang tulad niya.
"Cheap coffee diba?" Wala namang nakakita sa ginawa ko sa kanya, kami lang dalawa ang nakakaalam.
Kita ko ang iritado niyang mukha, padabog pa itong lumabas, ngumisi ako at inilapag sa counter ang cup. Tumalikod na ako at magsisimula pa lamang maglakad ng makarinig ako ng pagbukas ng pinto, papalapit ito sa akin. Balak ko pa naman sanang pumasok sa restroom.
"Nakita ko 'yon." Kilala ko ang boses na iyon. Si Nolas. Napapikit ako ng mariin bago humarap sa kanya ng walang ekspresyon.
"Okay?" Nilagpasan ko siya at kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa, kailangan kong tawagan ang kaibigan ko.
Ano ba ang pwedeng idahilan ko, gano'n na ba talaga ako kasama. Nakakainis naman kasi si Tallie hindi ko kayang maging mabait sa isang katulad niya.
"Aren't you scared?" Aniya.
"Bakit naman?" Ikinakunot ng noo ko ang tanong niya.
Sumilay lamang ang nakakalokang ngisi nito sa kanyang labi, walang pasabing hinatak ang upuan at nakapandekwatrong naupo.
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil kusa na akong naglakad sa counter at binigyan siya ng mainit na kape, nakalagay pa ang pangalan niya.
Naupo rin ako sa harap niya at tinignan siya sa mukha, may kamukha siya hindi ko lang masabi kung sino iyon. Kita kong kumunot ang noo niya at binigyan ako ng malalim na tingin, halos mahulog ako sa kinauupuan dahil sa ginawa niya. Ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko, ako na ang unang umiwas ng tingin, hindi ko kayang tumagal sa ganoong sitwasyon.
Nakita ko pa ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi na halos matawa na.
"Magsasara ka na?" Aniya.
"Oo, kapag umalis ka na." Saad ko.
"Kapag nanatili ako rito ngayong gabi hanggang bukas, hindi ka magsasara so that means you will stay here with me?" Halos lumuwa ang mata dahil sa narinig. Bakit kaya may mga ganitong tao kung mag-isip?
"Ayos ka lang pre?" Wika ko.
Natawa siya dahil sa sinabi ko, at halos matunaw naman ako dahil sa maganda niyang ngiti at nakakataas balahibo niyang tawa. Hindi iyong sa horror na tawa kundi yun bang mahuhulog ka dahil don. Ah basta.
Lumabas na kaming dalawa sa café, nasara ko na rin ito ng maayos.
"Uuwi ka na?" Tanong niya kaya tumango ako.
"Wala naman na akong ibang pupuntahan." Sabi ko.
Naglakad siya palapit sa naka-park na motor, sinuot niya ang helmet at lumapit sa akin ng may dalang isa pang helmet.
"Wanna ride?" Aniya. Ang pagsabi niyang iyon ay parang nang-aakit o baka ako lang talaga.
"Ha?"
Ilang minuto bago magproseso sa utak ko ang sinabi niya. Mayroon kasing ibang iniisip ang utak ko, napakagreen ko naman masyado. Naitikom ko ang bibig ko ng maisip iyon, buti na lamang at hindi niya nababasa ang aking isipan. Sheyt.
"A-ah s-sige." Halos masapo ko ang aking noo dahil sa sagot ko. Sasakyan ko siya? I mean ihahatid niya ako? Bakit ako pumayag!?
Ngumiti siya at binigay sa akin ang helmet, awkward akong ngumiti hindi malaman kung ano ang susunod na gagawin.
"Yakapin mo ako ng mabuti." Aniya.
"H-ha?" Dahil ata sa kapeng ininom ko ngayong araw nagiging lutang na ako.
"Yakapin mo ako ng mabuti." Tumango na lamang ako kahit walang maintindihan.
Sumakay na siya. Hinawakan ko ang kaniyang balikat para tulungan ako makasakay. Nagdadalawang-isip pa ako kung saan ako hahawak pero nang kuhanin niya ang dalawa kong kamay at ipinalibot sa kanyang beywang ay naitikom ko ang aking bibig at hindi na iyon binigyan ng pansin. Ibinigay ko muna sa kanya ang address kung saan ako tumutuloy bago siya nagsimulang magmaneho.
Halos maluha ako dahil sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Buti na lang at nakayakap ako sa kanya ng mahigpit kaya nang dahil don ay naibsan ang takot na naramdaman ko. Nang makarating at huminto siya sa tapat ng apartment ay hindi muna ako bumaba, nahilo ata ako.
Bumaba na ako sa motor at nagpasalamat ngunit bago pa man ako makapasok ay mayroon siyang binanggit. Ngunit hindi ko iyon maintindihan pagkatapos niya kasing sabihin ang mga yon ay nagpaharurot na ng motor, sisigaw pa sana ako ngunit hindi ko na itinuloy alam kong hindi niya ako maririnig. Nakalimutan kong ibigay sa kanya, ang helmet, napakatanga ko naman dahil nasa ulo ko lang ito ay nakalimutan ko pang ibigay sa kanya. Hindi niya man lang ako sinabihan.

Book Comment (38)

  • avatar
    Andrea David

    nice story!

    15d

      0
  • avatar
    PajaritoJoey

    this apps

    19d

      0
  • avatar
    Jeffrey Tabor

    ang ganda ng kwento

    21d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters