logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 1 - NOLAS

After one and half a year, Jayla and I decided to opened a branch of café in Cavite. Matagal na rin naman naming balak iyon, at napagdesisyunang doon iyon ipatayo. Pupunta lamang kaming dalawa ni Jayla if we have free time.
"Azalea, it's already three o'clock. Hindi ka pa ba gagalaw riyan." Napasinghap ako.
Nag-aayos ako ng mga papeles dahil hindi siya marunong mag-ayos nito o talagang tinatamad lang siya, kung makapagsalita eh akala mo hindi ako gumagalaw.
"Boss, nakikita mo naman 'atang may ginagawa ako, hindi ba?" Balik kong sagot sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya ngumiti ako ng matamis sa kanya.
"Kung hindi lang talaga–" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.
"Hay naku boss, kung hindi ata ng dahil sa akin–" he cut me too.
"Stop. Just go and buy me some coffee at ang gusto ko ay galing sa Cavite." Napataas ang dalawa kong kilay.
"Boss, ang layo. Diyan na lang sa may harap ako bibili."
"Ayaw ko, mas gusto ko sa café niyo. Sige na." Wika. He pouted.
Binigyan niya ako ng pamasahe papunta roon at para na rin sa kape. Nasanay na rin naman akong pabalik balik sa Cavite para lamang bilhan siya ng kape. Minsan talaga ay nahahalata kong parehong pareho ang ugali nila ni Jayla.
Sobrang maarte sa katawan at sobrang ingay. Kapag naabutan ko siya sa loob ng opisina niya ay sesermonan niya ako, at kapag ako ang nauunang pumasok ay magsesermon pa rin siya. Wala akong mapagpipilian kaya minsan ay napagsasabihan ko siyang itigil ang pagiging bungangera niya.
Para na rin naman kaming magkaibigang dalawa kung mag-usap. Kapag nasa labas ay hindi ko siya tinatawag ng 'boss', I called him as Khali which is his first name, Khali Valdez Tan. Minsan ay sasama siya sa amin ni Jayla kapag gagala, nasa bokabularyo na namin ang salitang gala.
Hindi ko alam kung sasakay ba ako ng van o sasakay ng tricycle. Kung ano na lamang ang unang huminto sa harap ko. Huminto sa harap ko ang tricycle at tinanong ni manong driver kung saan ba ang punta ko, ibinigay ko sa kanya ang address.
"Ay ang layo ma'am, mga ilang oras po ang aabutin natin para makarating sa Cavite." Aniya.
"Kaya nga po, ang arte kasi ng boss ko. Pero kaya naman po?" Tanong ko. tumango siya kaya pumasok na ako sa loob.
Kinuha ko ang cellphone sa bag at tinawagan si Khali, sinagot naman nito.
"Oh?" Wika niya sa kabilang linya.
"Boss, sabi ko naman sa'yong malayo ang Cavite. Nagpupumilit ka pa rin, sa susunod talaga ay hindi na kita susundin para bumili lang ng gusto mo." Saad ko.
"Sinabi ko naman sayong gumawa ka ng isa pang branch rito para mas malapit." Tumaas ang kilay ko dahil sa pagsigaw niya.
"Khali, akala mo ay madali lang iyon!" Sigaw ko sa kanya.
"Ano!" Rinig kong sigaw niya ulit, halata sa kanyang boses ang galit.
Nagkaroon kami ng plano ni Jayla na magkaroon ng second branch ng café dahil nag-suggest si Aga, we agreed to him na lagyan dito.
"Boss–" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang dahil sa biglaang paghinto ng tricycle ay sumubsob ako sa harap.
"Pasensya na ma'am, muntik na tayo dun." Anya. Napakunot ang noo ko, hindi panaman ako tumingin sa dinadaanan namin kaya hindi ko alam kung  bakit siya napahinto.
"Ano bang nangyari kuya?" Tanong ko sa kanya. Napakamot siya ng ulo.
"Naghahabulan, lagi talagang may naghahabulan ditong mga motor. Hindi na sila nadala noong isang Linggo, may na aksidente sa kanila at ngayon ay patuloy pa rin sila sa pinanggagawa nila, paano na lang kung may madamay sila ano." Tumango ako. He tsked.
Nagdrive na ulit siya kaya ako nama'y sumandal at paunti unting pinikit ang mata dahil nakaramdam ng antok.
Nagising ako ng malapit na kami, mabuti na lamang at tumunog ang dala kong cellphone kung hindi ay hindi pa ako magigising.
"Dito na po kuya." Sabi ko kay manong kuya. 
Bumaba ako at binayaran siya. Nagpasalamat si manong kuya bago umalis. Nagtuloy na ako at pumasok sa loob.
Binati nila ako at ganoon rin ang ginawa ko sa kanila, naupo ako sa isang mesa habang naghihintay. Yumuko ako at ipinatong ang ulo sa lamesa, pipikit na sana ako nang may makarinig akong ingay galing sa labas.
Ibinaling ko roon ang aking atensyon at nakitang puro kalalakihan ang pumasok, mga kaidaran ko lamang, ngunit may isang nakaagaw sa akin ng pansin. Ang nasa unahan nila na naliligo na sa pawis, sumulyap siya sa banda ko kaya napaiwas ako ng tingin. Malagkit.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagpapahinga.
Ngunit hindi ko pa man naipipikit ang aking mga mata ay isang baritong na boses ang narinig ko malapit sa akin, napaikot ako ng mata bago tignan ito.
"Ano pong kailangan niyo." Tanong ko sa kanila. Nagtawanan ang mga kasama niya na nakaupo sa kaniyang likuran.
"Gusto niyang malaman pangalan mo, miss!" Sigaw ng isa niyang kasama.
"Hihingin niya rin ang number mo!" Sigaw rin noong isang kalbo. Kahit naka-bonnet ay halatang kalbo.
"Don't mind them." He said.
Naupo siya sa harap ko kaya mas lalong tumaas ang kilay ko, basta basta na lamang itong uupo at makikipag usap sa akin, feeling close lang teh?
"I'm Nolas–" hindi niya natuloy ang sasabihin ng sumigaw si Khyla, handa na pala ang kape para sa boss ko.
Tumayo ako at lumapit sa counter, hinayaan ko ang lalaki doon. Pinasabayan ko rin ng slice ng cake. Habang kumukuha ay napagpasyahang tanungin siya tungkol sa mga kalalakihan na naririto.
"Khyla, palagi ba iyang mga yan naririto?" Tumingin siya sa akin at tumango.
"Ay opo, hindi mo ata nahahalata ma'am na kapag pumupunta kayo rito ay kasunod mo silang pumunta" Tumango ako bago binalingan ng tingin ang mga magkakaibigang iyon.
"Salamat." Wika ko.
Lumapit ako sa lamesa kung saan ako naupo kanina at kinuha ang bag ko, napaangat siya ng tingin ng makita ang ginawa ko.
Yumuko ako.
"Sorry but I need to go." Pamamaalam ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at basta basta na lamang umalis, rinig ko pa ang tawanan sa loob habang naglalakad ako palabas.
Nakabalik na ako sa opisina at pareho kaming naiinis ni Aga, naiinis siya sa akin at mas lalong naiinis ako sa kanya.
Sabado ng umaga, ay sabay kami ni Jayla na pumunta sa café. Saturday and sunday ang day off nila kaya kami muna ang mag babantay, kung minsan ay may pumapasok pa rin sila kahit sabado. Wala rin naman kaming gagawin ni Jayla kapag ganitong araw.
Habang naglilinis ng counter ay ang pagdating ng mga customer, si Jayla ay busy sa pag-aasikaso at ako naman ang nagtitimpla.
"Azalea, someone wants to talk to you." Aniya nang makalapit siya sa akin at ibinigay ang order.
"Sino raw?" Nagkibit balikat siya at tinuro ang nakaupo sa kanang bahagi.
"Isabay mo ng ibigay ang mga 'to, tulungan na kita." Jayla. Tumango ako at binigyan ng tingin ang nakaupo kung saan itinuro niya.
Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang itsura, dala dala ang in-order ay lumapit ako sa kanya. Nag-iisa lamang ito.
"Good morning, sir?" I greeted him
"Azalea." Wika niya sa pangalan ko.
Kumunot ang aking noo ng marinig ang itinawag niya sa akin, bakit kaya alam niya ang pangalan ko. Naalala ko sa kanya si tito Jax, parehong pareho sila ng katawan at pananalita. Pamilyar rin ang kanyang itsura, hindi ko mawari kung nakita ko na ba siya noon.
"Kilala niyo po ako?" Tanong ko dahil nalilito pa ako.
Ngumiti ito at binigyan ako ng senyales na maupo sa harap niya.
"I'm Amilios Castañeda." Nakipagkamayan siya. Tinanggap ko ito at nagpakilala.
"Azalea po..." Wika ko.
Ngumiti siya ng matamis sa akin. Pamilyar talaga siya ngunit hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
Nakatulala pa rin ako hanggang ngayon, sobrang gulat ang naramdaman ko. Hindi ko mawari kung magiging masaya ba ako o magagalit sa kanya.
"Az, alis muna ako." Jayla said.
Tumango ako habang nakatitig sa kawalan.  Alam kong kanina niya pa napapansin ang pagiging tuliro ko.
Nang umalis siya ay doon lamang ako kumilos dahil nagsidatingan ang mga customer.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa ginagawa. Si Jayla ay bumalik nang hapunan, ma'y dala-dalang pagkain at ulam.
"Kain na!" Masayang aniya.
Naglapag siya sa mesa ng kanin at ang ulam na kinuha niya ata sa kanilang bahay. Naupo na kaming dalawa at nagsimulang kumain.
Dumating kasi si Khyla kaya siya muna ang nag-asikaso sa mga costumer, nakapaghapunan na rin siya kaya siya na daw ang bahala. Khyla is a good person, she's working student. Parehas lamang kami ni Khyla noong studyante pa lamang ako.
"Az, anong nangyari kanina? Bakit parang nakalutang ka?" Ibig niyang sabihin ay ang pagtitig ko sa kawalan at walang pakealam sa paligid kanina.
"He said he's my biological father." Kahit siya ay nagulat ng sabihin ko iyon, nabulunan pa siya kaya binigyan ko ng tubig.
"Infairness, gwapo." Sabi niya. Pinalo ko ang balikat niya at tinignan ng masama.
Pagkatapos mananghalian ay bumalik na kami ni Jayla sa pagseserve. Nang mag-alas otso na ng gabi ay napagdesisyunan naming umuwi, nauna nga lang umuwi si Khyla dahil marami pa itong aasikasuhin sa kanila. Si Jayla ang sumunod habang ako ay nanatili pa rin sa loob.
I turned off all the lights, kinuha ko ang bag at naglakad na palabas. Bago ko pa man ito kandaduhan ay may maramdaman ako sa aking likuran kaya bigla akong humarap rito.
Nagulat ako ng makita ko ang lalakeng nagpakilala sa akin noon. Nolan? Nolan ba ang pangalan niya.
Tinanong ko siya kung bakit pa siya naririto at ang sagot niya ay balak niya sanang uminom kahit isang tasa ng kape. Halata ang pagkabigo sa kanyang mga mata, napagdesisyunan kong buksan ito at papasukin siya.
Lumapit ako sa kanya habang dala dala ang mainit na kape.
"Here." Wika ko at naupo sa harap niya.
"Pasensya na." Aniya. Tumango ako.
"Okay lang, lagi ka bang pumupunta rito?" Tanong ko.
"Yeah" Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
"I'm Azalea by the way." Pagpapakilala ko sa kanya.
"Ikaw si...? Nolan?" Wika ko.
"Nolas." Aniya.
Umuwi na rin ako pagkatapos no'n, nang makauwi ay agad ako pumasok sa kuwarto at pabagsak akong nahiga sa kama at napatitig sa kisame. Nolas. Kahit ang pangalan niya ay pamilyar.

Book Comment (38)

  • avatar
    Andrea David

    nice story!

    15d

      0
  • avatar
    PajaritoJoey

    this apps

    19d

      0
  • avatar
    Jeffrey Tabor

    ang ganda ng kwento

    21d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters