logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3 Betrayal

Lumipas ang ilang araw at bumalik ulit sa normal iyong araw ko. Iyong tipong normal kasi sa akin na walang sagutan na naganap o hindi kaya'y sampal. Araw ngayon ng martes at dadalawin ko sana si Diane sa hospital. Oo nga pala nakalimutan kong sabihin, best friend ko si Diane.
Matagal na kaming magkaibigan ng babaeng iyon. Ngunit, hindi ko sinasabi sa kaniya ang mga problema ko sa buhay. Siguro, iyong mabababaw lang. Pero iyong tungkol sa sitawasyon namin ng mama ko? Hindi ko sinasabi sa kaniya. Ayoko kasi na maka-abala pa. May sakit kasi siya sa puso at ayokong maging ako ay dumagdag sa sakit sa ulo niya.
Mahal na mahal ko iyon kahit na minsan ay masakit iyong magsalita sa akin. Hindi pala minsan, palagi pala.
Sumakay ako ng jeep at huminto sa isang Dunkin donut na stall upang bumili. Favorite food niya kasi iyon, kaya bibilhan ko siya para kahit papaano ay makabawi naman ako. Binayaran ko na ang tindera at umalis na. Nasa kabila lang ang hospital kung saan siya naka-admit.
Even though na kinakabahan ako ay tinatagan ko ang loob ko na walang mangyayari sa kaniya. Matigas ang ulo no'n kaya hindi pa iyon mamamatay. Sure ako, hindi pa iyon madi-deads ng maaga.
Pagkapasok ko ng lobby ay nginitian na ako ng guard. Nginitian ko lang siya pabalik at tinanong sa nurse kung anong room si Diane.
Excited na ako na ibalita sa kaniya na nagkaroon na ako ng trabaho.
After kasi ng gabing iyon sa tulay ay dinala ako ni Renz sa coffee shop ng mama niya. Hindi ko rin alam kung bakit niya ako tinutulungan. Siguro, naaawa siya sa akin. Malabo namang ginawa niya iyon kasi trip niya lang, kilala ko 'yon.
Inalok niya ako ng trabaho. Tinanong ko siya kung bakit, pero ang sagot lang niya ay dahil daw gusto niya lang daw tumulong. For the first time tinulungan niya ako. Eh, magka-away nga kami niyan.
Para kaming aso't pusa.
Araw-araw kasi akong binu-bully niyan sa school. Simula elementary hanggang sa nag high school kami. Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob pero nakakapikon pa rin iyong inaasar niya ako palagi. Trip niya talaga akong bwesitin.
Kaya, laking gulat ko talaga na tinulungan niya ako. Siya pa talaga iyong taong nakasaksi kung gaano ako ka-wasak. Siguro, kung hindi talaga siya dumating aba malay ko na lang. Sa kaniya ko pa talaga nasabi iyong mga saloobin ko. Wala na, kung mahihiya lang ako huli na.
Pero, nagtaka rin ako. Kasi sa araw na iyon ay tahimik na iyong daan at mga kalsada eh. Tapos, nalaman pa niya na bumalik ulit ako. So, it means na sinusundan niya ako.
Sabi ko na nga ba't pasimpleng stalker ko iyong damuho eh!
Akmang kakatok na sana ako sa kwarto ni Diane nang makita ko sila Cindy at Thanise sa loob. Nagtatawanan sila at. . .pinag-uusapan nila ako.
"Girl, hindi ka ba nandidiri diyan sa so-called friend mo? Ew! She's so gross and she just stained your name," saad pa ni Cindy na naka-upo at kumakain ng cake. Nagtawanan naman sila ulit bago nagsalita ang babaeng akala ko tunay kong kaibigan.
"Me? Hindi nandidiri? Geez! Isn't it obvious ba Cin? She's very out of my league and she's a pathetic looser. Napaka-OA pa niyan. God! She's so naive to think that she's really my best friend." Saka ito nag-flip hair.
Masakit naman. Ouch.
Doon na naubos pagtitimpi ko. "Ahh, kaya pala kinaibigan mo ako para makakuha ng malaking grades at mapa-lapit kay Josh, tama ba?"
Mukhang nagulat pa sila sa bigla kong pag-sulpot sa pinto at nilakihan ang pagkabukas nito. Si Diane naman, gulat na gulat habang nanlaki ang mata. Habang iyong mga kaibigan niya ay nasa state of shock pa at may pa takip-takip sa bibig.
Nginitian ko si Diane at binigay ang donut na para sa kaniya. "Heto oh, donut. Para sa'yo 'yan," iyon na lang nasabi ko at tinititigan siya. Hindi naman siya maka-tingin ng deritso sa akin.
Ngumisi ako. "Oh, ba't parang mukha kang matatae diyan? Huwag kang mag-alala hindi ko sasabihin na ako talaga ang sumagot sa test paper mo. Promise hindi." Ngumiti naman ako ng peke at humarap sa mga kaibigan niya. "Hindi ko rin sasabihin na kayo ang nagpasimuno ng sunog sa library."
Nakita ko pa kung gaano sila namutla. Kung puwede ko lang picture-an eh! Epic iyong mga mukha.
Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang palabas. Nawala na iyong ngisi ko at mabigat na iyong loob ko. Akala ko talaga tunay siyang kaibigan. "Ay teka nga pala," pahabol ko pa nang nasa pinto na ako.
Doon na naging seryoso ang mukha ko.
"Lahat ng katarantaduhan mo Diane at sa mga kaibigan mo, ibubulgar ko." Aniya ko at lumabas sa kwartong isinumpa kong balikan ulit.
Marahas kong pinahid ang luha ko at nag-iwan ng katagang paninindigan ko. "Babalik sa inyo ang lahat ng mga pinanggagawa niyo."
Pagkatapos ng rebelasyon sa hospital ay pumunta ako sa may seawall para magpahanhin. Dito ako madalas magpunta. . .na kasama si Diane. Natawa nalang ako ng sarkastiko.
Ako, stupid?
How can she confidently said those words as if she is perfect? In the first place, she was nothing but a piece of shit. Kung may basura man sa aming dalawa ay siya iyon at hindi ako. Kapal ng pagmumukha niyang ipakita sa akin kung gaano ako sa inosente. Akala niya talaga siguro na para akong aso na sunod ng sunod sa kaniya.
Yaman lang at ganda mayroon siya. Ako, mayroon din ako noon at saka may utak ako.
Hindi ako gaya niyang bobo.
Halos anim na taon rin. Tagal na pala ng peke naming pagkakaibigan 'no? Natawa na lang ako sa katangahan ko.
"Hays, bobo ko rin sa part na sunod ako ng sunod sa luho niya. Tapos traydor pala," I laugh with no humor as someone sat beside me. I continued to talk even of I look like I was a crazy fool over there. "Ang bobo ko para e-tolerate lahat ng mga red flags niya."
Hindi lang nagsalita iyong nasa gilid ko kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. Bahala siya diyan! Siya iyong tumabi sa akin.
Niyakap ko ang tuhod ko at akmang sasabihin na naman ng bobo ako nang pinigilan niya ako.
"You are not dumb. You're just trying to save your friendship even though you know that she is a red flag. You're just scared that it might be one day no one is there for you. So, even though it's against your will you still stay by her side."Doon na ako napa-lingon sa kaniya. Bahagya pa akong nagulat.
"Ikaw?" He just smile showing his dimples. "Yes, it's me." He answered like he already knew that typical question.
Natawa na lang ako. Siya pala ulit, iyong lalaki sa tulay na nagbigay sa akin ng panyong may initial na EJF.
Umiwas lang ako ng tingin sa kaniya. Grabe kasi siyang maka-tingin. Ano ba iyan! Parang tanga'to.
"Baka matunaw ako ah," mukha naman siyang nataranta. Mas lalo akong napatawa sa reaksyon niya. Namumula iyong tenga niya pati iyong leeg niya. Sana all kasi mistiso, sobrang puti eh!
"Sa lahat talaga ng pagkakataon ano, lagi ka talagang nagpapakita sa akin kapag may problema ako. Anghel ka ba?"
Sabay pa kaming natawa sa tinuruan ko. Pero, totoo naman eh! Para siyang anghel na kapag kailangan ko ng karamay laging sumusulpot.
He just shook his head and laugh. "Hm, maybe. Baka nga anghel mo ako," then he shot a glance on me. I was just smiling at him. Ewan, hindi ko pa man siya kilala bukod sa EJF ay sobrang gaan na ng loob ko sa kaniya.
Sabay pa kaming nag-iwas ng tingin.
Halos hindi na kami nagkibuan at nakatitig lang sa papalubog na araw. Kung dati ay hinihiling ko na sana tuwing paglubog ng araw na sana ay may bagong simula, ngayon mas gusto kong hindi na lang matapos ang araw na 'to. Kasi alam ko na kinabukasan ay isang bangungot na naman haharapin ko.
Kailan kaya matatapos ang mga paghihirap ko? Punong-puno na ako sa lahat-lahat. Dumagdag pa 'tong katangahan kong akala ko kaibigan ko talaga si Diane.
Bumuntong hininga na lang ako. Hays, buhay.
"Lalim no'n ah," hindi lang ako kumibo. Titig na titig pa rin ako sa palubog na araw. Napangiti na lang ako. What if isang araw mamamatay ako sa sakit, may iiyak kaya?
Malabo. Wala ngang nagmamahal at nagmamalasakit saakin.
Ang akala ko ay aalis na siya dahil namagpag siya at tumayo ngunit, nagkakamali ako. Naglahad siya ng kamay sa akin bago nagsalita.
"Tara, kape tayo. Hindi kita puwedeng aayaing mag-inom, masama iyon eh. Kaya kape na lang," napa-iling ako. Namagpag na rin ako at humarap sa kaniya. Nag-attemp na nga ako ng suicide ng maraming beses. Siraulo 'to!
Umiling-iling ako. "Tara na nga, sira."

Book Comment (40)

  • avatar
    InotMariel

    Live your life to the fullest! Don't think that no one love's you because there's some people out there who concerned about you. commiting suicide is indeed not a solution to everyone's problem.

    13/08/2022

      1
  • avatar
    Gian Ray

    good story

    21/07

      0
  • avatar
    Ciare Ong Lee

    ⭐⭐⭐⭐⭐⭐

    12/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters