logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 3

TINITIGAN pa muna siya nito bago nginisihan. Siya anv may-ari ng eskuwelahan. Alam nito kung ano ang nangyayari sa loob ng campus.

“Mister, may pasok na ako at may exams pa ako.” Paliwanag ni Kyla. Hindi siya puwedeng sumama sa lalaking ito dahil lang sa gusto siya nitong isama. At mas lalong hindi rin siya puwedeng sumama rito dahil paniguradong ube ang aabutin nito kay Mariane.

“Go on, magdahilan ka na, iyong kapani-paniwala na.” Sa baritono nitong boses na wika niya sa dalaga. Hindi nakapagsalita si Kyla sa pagkabigla, “Ano? Wala kang dahilan? Naputulan ka na ba ng dila?” tanong niya.

“Why all of the sudden your doing this to me? Ni ha ni ho sa pagkatao ko hindi mo pa naman alam ah. At para malaman mo, hindi ako nagdadahilan lang.” Medyo may inis na rin sa boses ni Kyla.

“Taking you out of the school campus wasn't my plan actually.” Kapagdaka'y wika ng binata. Nakatitig pa rin ito sa kanya.

Gusot ang noo nitong napalingon sa binata. “Iyon naman pala eh, babalik na ako sa campus at wala akong plano para magkaro'n ng singko sa mga subjects ko. Iskolar lang ako, tiyak na kapag nagka-singko ako, hindi na ako makakapag-aral sa university na ito.”

Pinagkrus ng dalaga ang kanyang mga braso. “Taking me out was never your plan, right? Now, I need to go back.”

Tinitigan pa muna siya ng binata. “True, but I find you irritating everytime your not fighting back for your right.”

Napayuko ang dalaga. “Hindi ako nakikipagbasag-ulo, Mr. Del Prado.” Naisatinig nito sa mahinang boses niya. “Ang gusto ko lang ay makapagtapos, gamit ang sarili kong kakayanan.” Dagdag pa nito.

Napabuntong hininga naman si Javy. “I'm not asking you to do the ‘basag-ulo’ thing. Miss, dito sa campus, estudyante ang batas,” wika pa niya. “You can never win, unless you fight for it. Anyways, hop in!” isang utos na naman mula sa kanya.

“No!” nagmatigas si Kyla.

“Hop in!” ulit ni Javy.

“I'm not a Kangaroo to hop in, Mr. Del Prado.”

Nagusot ang guwapong mukha nito. “Hop in, I said huwag mo nang painitin pa ang ulo ko.”

“What if I don't?” matigas na wika parin ng dalaga sa binata.

“Huwag mo nang sagarin ang natitirang pasensiya ko miss, kung ayaw mo na magtitili sa maaari kong gawin. Huwag mo na akong palabasin pa ng sasakyan ko, Miss.” May pagbabanta na sa boses na sabi ng binata.

“Huh! Excuse me sir, kahit sino ka pa, kahit ikaw pa ang nagmamay-ari ng school na ito, kahit ikaw pa ang kapangyarihan sa pinapasukan kong unibersidad. You can’t force me. You, can't do anything for me to follow your own rules and orders.” Matigas niyang sagot dito saka tumalikod at nagsimula nang maglakad papalayo sa binata.

Wala nang nagawa pa si Javy kundi ang lumabas ng kanyang kotse upang habulin ang papalayong dalaga. Nang maabutan niya ito ay walang sali-salitang ipinangko niya ito sa kanyang likuran.

Nagtititili naman si Kyla gawa ng kanyang pagkabigla. “Put me down! Ano ba!” sigaw niya sa binata.

“I've told you didn't I? Binalaan na kita. Mas pinili mo ang tumili kesa sundin ang gusto ko.” Sabi naman nito sa seryoso pa rin nitong mukha. Binuksan niya ang pintuan ng kotse sa harap, at padarag na ibinaba ang dalaga sa upuan, dahilan upang mapatili itong muli.

Mabilis itong umikot patungo sa driver seat. Natigilan pa ito ng mapansin nito ang dalagang nagsasalitang mag-isa. O mas magandang sabihin na kinakusap nito ang kanyang sarili.

Pabulong-bulong sa harapan ng kotse ang dalaga. Kahit sambakol na ang mukha nito'y naaaliw naman itong pinapanood ng binata. “Nauso na ba talaga ang mga halimaw sa school? Guwapo nga naman sana halimaw lang. Makakaganti rin ak— ay!” bigla itong napatili ng sa kanyang paglingon ay mukha ng binata ang bumungad sa kanya.

“May sinasabi ka?” nginisihan siya nito.

“Ano ba! Papatayin mo ba ako sa nerbyos?” atungal niya sabay napahawak sa kanyang dibdib. Ngunit, sadyang hindi yata ito marunong magalit. Dahil maging ang boses nito ay mahinahon pa rin.

“Galit ka na ba sa lagay na 'yan?” naisatinig ng binata. Kasalukuyan nitong binubuhay ang makina ng sasakyan. Hindi naman nakasagot ang dalaga. “Hindi ka mabubuhay sa mundo kung hindi ka matututong lumaban.” Sumeryoso ang mukha ni Javy.

“Kaya tuturuan mo akong mag-cutting classes?” nakataas ang ngusong tanong ni Kyla.

Ngumisi ito. Sabay ng paghagalpak nito ng tawa. “Hindi kita tuturuang mag-cutting.”

“Kung ganu'n, ano'ng tawag mo sa ginagawa mo ngayon sa'kin?”

“Kidnapping.” Nilingon siya nito saka muling nginisihan.

Bigla ay nakaramdam ng saya ang dalaga. Madalas niyang makitang nagsusungit ang isang Javy Del Prado. Madalas niya ring isipin na hindi ito marunong ngumiti, pero sa kanyang nakikita ngayon, kabaliktaran sa kanyang naiisip.

“Salamat sa ginawa mo kanina.” Naisatinig ng dalaga.

Nilingon muna siya nito, bago muling itinuon ang sarili sa susian ng sasakyan. “Mariane is Mariane. Nasanay siyang ganyan at lahat ay kanyang kinakalaban.” Kunot ang noo nitong sabi. “Sinaktan ka ba niya?”

“Hindi, binalaan lang. Huwag daw akong lalapit sa'yo, eh, ang kaso ngayon ikaw mismo ang naglapit ng sarili mo sa'kin.” Sagot niya sabay natawa. “Ibaba mo nalang kaya ako rito, papasok pa ako sa mga subjects ko.”

“Sorry, but no sorry! Sasamahan mo akong manahimik sa araw na ito.” Pagkawika nito'y pinaandar na nito ang kotse niya.

“Hey! Saan mo ako dadalhin?”

“Kini-kidnapped ka nga diba?” sagot ng binata. Kung gaano ito kabilis mang-asar, ganu'n naman ito kabilis magsungit. Tuloy nagsungit na rin si Kyla.

“Ano ba talaga ang pakay mo sa akin, ha?” naiinis niyang tanong.

Nilingon siya nito sandali bago nagtuon ng paningin sa daan. “My name's Javy Del Prado, you are?” maikling pakilala niya na hindi man lang nagawang sulyapan ang dalaga.

“I don't need your name, okay? I'm not asking it either. All I want is to—”

“Shut up!” putol nito sa sasabihin pa sana ng dalaga. Napanganga tuloy ito sa gawa ng namumuong inis niya. “Para kang si Mariane, talak ka ng talak,” patuloy pa niya.

Naririmarim at naririndi sa ingay ng dalaga, iyon ang nagpapaasar sa kanya.

Natahimik naman si Kyla ng huli, at itinuon na lang ang pansin sa bintana habang namamangha sa ganda ng tanawing kanyang nakikita. Alam niya, na napapalayo na sila ng binata at ilang oras na rin silang bumabyahe na dalawa.

Sinulyapan naman siya ni Javy, saka muli ay itinuon na lamang ang pansin sa daan.

Makalipas ang tatlong oras ay nakaramdam naman ng antok at pagod si Kyla, dahilan upang ito ay makatulog. Dahan-dahang dumausdos ang kanyang ulo at napahilig sa balikat ng binata, na noon ay hinayaan lang naman ng huli.

Ewan ba niya. Una pa lang niyang nakita ang dalaga'y may kung anong sundot na siyang nararamdaman dito. At sa tuwing nakikitang pinagtitripan ito ni Mariane ay nagpupuyos naman ang kanyang kalooban. Isang dahilan kung bakit niya inilayo ang dalaga sa paaralan.

Hindi nagtagal at nakarating sila sa isang resort na nabili ng binata. Bukod sa kanya ay wala nang iba pang nakakaalam ng resort na pasekreto niyang binili at hindi ipinaalam sa kanyang mga magulang.

Pagkarating na pagkarating pa lang ay agad na siyang sinalubong ng mga employee niya at pinagbuksan ng sasakyan. Gabi na rin ng sila ay makarating kung kaya't tulog na tulog pa rin ang dalaga.

“Good evening sir Javy, hindi kami nakapaghanda. Wala ka kasing sinabi na darating kayo.” Salubong ng matanda at siya namang paglapad ng kanyang pagkakangiti, lalo nang makita nito ang tulog na tulog na dalaga sa loob ng kotse nitong amo niyang binata.

“Sige na Mang Kanor, ako na bahala sa kanya. Ihanda niyo nalang ang matutulugan ng ma'am ninyo.” Utos niya.

“Kay gandang binibini at kay simple lang rin ng kasuotan. Ito ang gandang natural si Javy. Lalong nagpaganda sa kanya ang pagiging simple niya. Ano po ang pangalan niya, Sir Javy?” hindi naiwasang itanong ng matanda.

“Ho? Ah-ehh kuan kasi Mang Kanor,” napapakamot niyang sagot na pilit inaapuhap ang maaaring isagot. Paano’y ayaw naman sabihin ng dalaga sa kanya ang pangalan niya. Kidnapper nga siya diba? Siya namang pagkakita nito sa identification card ng dalaga. Napangiti siya na humarap sa matanda.

‘Kung sinisuwerte ka nga naman,’ usal ng isip niya.

“Her name is Kyla, Kyla Rodrigues.” Sagot niya na may malapad na ngiti sabay humarap sa dalaga at napabuga ng hangin.

Kinarga niya ito at ipinasok na sa itaas upang makatulog na ng maayos.

Nang mailapag niya ito sa kama, ay napatitig ang binata sa maamo nitong mukha. Hanggang sa dumako sa mapupulang labi niya.

“Kay sarap halikan,” napapilig siya ng ulo sa kanyang naiisip kung kaya't minabuti niya na lamang na lumabas at mag-swimming upang makaiwas.

‘Ano ba'ng pinaggagagawa mo, Javy.’

Pagkausap nito sa sarili.

Book Comment (66)

  • avatar
    Del ValleMaxwell Laurent

    Maganda ang kwento

    16/08

      0
  • avatar
    GuzmanKessiah

    Mukhang maganda ito ang babasahin ko rin

    08/08

      0
  • avatar
    Al-raffie HC Lacsaman

    krkekf

    21/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters