logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 S2 : PANAGINIP

"Wag mo kong patayin. P-parang-awa mo na." Hagulhol ng babaeng nakaupo na sa maputik na lupa dahil sa takot na patayin siya ng salarin na nasa kaniyang harapan na hindi niya alam kung buhay pa ba ito o patay na dahil sa hitsura nito sa kabuuan.
"Si-sino ka ba? A-ano b-ba ang kailangan mo sakin?" Halos hindi maisatinig ng biktima dahil habang umaatras siya ay patuloy namang lumalapit sa kaniya ang babaeng nakayapak lang.
Warak ang mahabang damit na daster nito na kulay puti na hanggang talampakan. May bahid ng dugo ang damit nito na halatang sariwa pa dahil sa umaalingasaw ang amoy ng dugo na hindi mo matiyak kung dugo ba iyon ng hayop o dugo ng TAO!
"K-kung ano man ang kailangan mo ay tutulungan kita." Lakas loob na sabi ng babaeng patuloy parin na umaatras habang nakaupo. Madumi na masyado ang soot nitong kasootan lalo pa't nasa isang madamo at maputik na lugar ito naroroon. Dumagdag pa ang ulan na hindi man malakas subalit sakto namang mababasa ang iyong buong katawan sa loob lamang ng kense minutos.
"Gusto kong mag higante. Matutulungan mo ba ako?" Mahina at pagal na boses ng babae. Ang mga kamay nito ay may bahid pa rin ng dugo na hindi pa nalilinis ng patak ng ulan.
"A-no...?" Naguguluhang turan ng nag-offer ng tulong.
"Ipaghigante mo ako. Pagbayarin mo ang lahat ng tao sa likod ng lahat ng paghihirap ko. Bigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ng maraming estudyante dahil sa walang kwentang laro. Ipaghigante mo ako. Patayin mo ang lahat ng mastermind sa pagkamatay ng mga estudyanteng dapat inaalagaan at hindi ginagawang hayop na pinaglalaruan." Patuloy na turan ng babaeng nasa harap ng babaeng nakaupo parin sa maputik na lupa.
"Si-sinong sila? At bakit dapat na ako? Anong kinalaman ko naman sayo? Sa inyo na mga pinatay na estudyante na sinasabi mo?" Sunod-sunod na tanong ng nag-offer ng tulong.
"Wala kang koneksyon sa amin pero ngayon na gusto mo akong tulungan ay meron na tayong koneksyon sa isa't isa. Ikaw, ako at ang buong section ng mga taga Room 207 ay magkakaroon na ng ugnayan sayo. Ikaw ang daan para makuha namin ang hustisya." Dagdag pa nito.
"Ha? Anong ako ang daan? Tsaka, anong paraan ang gusto mong iparating?" Sunod-sunod na tanong ng babae dahil sa pagkalito ng mga sinabi ng estranghero na nasa kaniyang harapan.
" Gusto kong magpanggap ka at alamin ang lahat ng nangyari sa amin."
"Pero paano? Wala akong ka ide-ideya sa mga nangyari sa inyo. Ni hindi ko nga kayo kilala. Ni hindi nga kita kilala." Naguguluhan pa ring turan ng tutulong.
"Ilang taon na ang lumipas mula ng mulistiyahin kami. Ilang taon na nang ipasara at inabandona ang paaralan ng South Fictility University (SFU) kaya alam kong may gumawa o sumulat ng kwento sa nangyari sa amin dahil isa iyong malaking balita sa buong school. Ang kailangan mo munang gawin ay pumasok sa paaralan na dati ay kinatitirikan ng University na pinag-aralan ng buong students ng Room 207 at hanapin kung sino ang posibleng sumulat ng kwento namin." Tuloy-tuloy na wika ng babaeng gulanit ang daster na soot.
"Anong magiging kapalit sa lahat ng gagawin ko para sayo?"
"Lahat ng kailangan mo ay ibibigay ko sayo. Mula sa bahay, allowance sa school, and tuitions. Siguro sapat na iyon para mabayaran ko ang gagawin mo." Sagot naman ng pinagtanungan.
"Anong mangyayari kapag nalaman ko na kung sino at nasaan ang kwento niyo na inilimbag o isinulat?"
"Wag mo munang alalahanin ang bagay na yan. Sa ngayon ay kailangan mo munang asikasuhin kung paano ka makakapasok sa paaralan na tinutukoy ko." Anito
"Pumunta ka sa Barangay 3 San El Defonso. Sa ikatlong kanto ng barangay na iyan may makikita kang malaking bahay na kinalumaan na. Iyon ang magiging tirahan mo." Tuloy-tuloy na turan ng babae.
"Sino naman ang hahanapin ko pag dating ko doon?"
"Sabihin mong pinapunta kita." Anito na tumalikod na sa babaeng nakaupo pa rin sa maputik na lupa.
"Hanggang dito na lang muna ang usapan natin. Huwag mong kakalimutan ang address ng bahay. " Anito at unti-unti ng iniwan ang babaeng tutulong sa kaniya at sa buong taga Room 207 ng South Fictility University.
Tumayo at sinundan ng tingin ng babaeng naiwan sa kaniyang kinatatayuan ang babaeng hindi maipinta ang hitsura. Hindi niya alam kung ano ba ang kaniyang pinasok. Pumayag siyang tulungan ang isang babaeng estranghero. Ni hindi man lang niya kakilala o nalaman man lang ang pangalan.
Nang mapasukan ng tubig ulan ang kaniyang mata dahil sa biglaang pag-ihip ng malamig na hangin ay napapikit ang babae. Kinusot niya ang kaniyang mata. Ilang sandali pa ay muli na itong dumilat.
Una niyang sinulyapan ang daang tinahak ng babaeng humingi sa kaniya ng tulong subalit parang isang bula itong naglaho. Napaatras naman bigla ang babae dahil sigurado siyang nakita niya ito subalit unti-unting naglaho sa kaniyang paningin. Sigurado siya sa kaniyang nakita dahil sa hindi pa naman masyadong nakakalayo ang babae.

Book Comment (44)

  • avatar
    Ma Angelica Muoz

    💗💗💗💗

    17/07

      0
  • avatar
    Angela Zamora

    this is really amazing story for me 😍

    11/06

      1
  • avatar
    Crisilda Villamor

    I will read this book everday

    28/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters