logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

"Tara na, Rachel." sabi ni Riza na ngayon ay naghihintay na sakin.
"Huh? Saan?" takang tanong ko sakanya.
"Kakain tayo." nakangiting sabi niya.
"M-may pupuntahan pa kasi ako." nahihiya kong sabi.
"Ano? Baka sinasabi mo lang yan ha para makaiwas sa libre ko." naniningkit matang sabi niya.
"Hindi. Ito na nga oh, hinahanda ko na ang mga gamit ko." sabi ko habang pinapakita sakanya ang bag ko.
"Sure?" paninigurado niya.
"Sure." nakangiting sabi ko na may kasama pang thumbs up.
"Alright." sabi niya at umalis na.
Agad kong sinabit ang bag sa balikat ko at umalis na. Aalamin ko pa mamaya kung magkano ang ibabayad ng may ari ng bahay na lilinisan ko mamaya. Pag hindi masyado malaki ang sahod ay mukhang mapipilitan akong maghanap pa ng ibang trabaho.
Sana mabayaran ko ang hospital bill sa loob ng dalawang araw. Sana hindi binibigyan ng sakit ng ulo ni tatay si nanay, sana maayos na ang kalagayan niya, at sana hindi umatake ulit ang puso niya. Hindi ko kakayanin pag mawala siya.
Nang nakarating ako ay agad akong nagpalit ng damit. Wala pa ngayon si Roy dahil mamaya pa ang shift niya, hindi siya nag aaral sa Neurelia University, hindi niya daw kasi kaya ang tuition fee. Agad na rin akong kumilos at sinilbihan ang mga costumers.
Hindi nako kakain ngayong lunch.
Habang pinupunasan ko ang lamesa ay may marahas na humila sa braso ko. Galit kong nilingon kung sino yun.
Mukhang naging trip na ng isang to ang hilahin ako.
"Ano na naman?" iritadong bulong ko kay Ryle.
"I told you to wait for me, right?" madiing bulong niya sakin sabay hawak ng mariin sa braso ko.
Kumunot ang noo ko nang makita ang galit sa mga mata niya. Ang sakit pa ng paghawak niya sa braso ko.
"Bitaw. Masakit." madiing sabi ko na hindi niya pinakinggan.
"I told you to wait, I was so worried-"
"Kaya ko ang sarili ko kaya hindi mo na kailangang mag alala. Atsaka sino ka ba para hilahin ako ng ganun, huh? Tanginamo, bitawan mo ko dahil ang sakit ng hawak mo." madiing sabi ko.
Agad nagbago ang ekspresyon niya nang marinig niya ang sinabi ko. Napatingin siya sa kamay niyang hawak hawak ang braso ko at mabilis niya yun binitawan.
"Don't ever do that again. You made me worry, Rachel." mahinang sabi niya habang nakayuko.
Agad akong naguilty. Malalim akong bumuntong hininga. Bakit ba ganito ang reaksyon niya? Ang OA.
"Pasensya na kung pinag alala kita kahit wala ka naman talagang rason para mag alala sakin." seryosong sabi ko at bumalik na sa pagpupunas ng lamesa.
Mabuti nalang at wala pang masyadong tao dito sa loob ng coffee shop.
"Ano nga pala ang dapat kong gawin para mabayaran ka?" kalmado kong sabi nang hindi siya umalis sa tabi ko.
Gusto kong tapusin to agad agad para wala ng problema. Hindi kakayanin ng pasensya ko ang isang katulad niya. Pasalamat siya at hindi ko siya binatukan nang hilahin niya ko. Talagang nagalit ako dahil sa ginawa niya. Ayaw ko ng ganoon.
At tsaka alam kong lalong magagalit si Lory pag makikita niya na palagi kaming kasama ni Ryle. Ayoko ng gulo. Ayokong maulit uli ang ginawa niya noon sakin dahil gusto ako ng taong gusto niya.
Imbes na sagutin niya ko ay tinalikuran niya ako. Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin.
"Ba't ba siya galit na galit? Dinatnan ba yun?" kunot noong tanong ko.
Habang dala dala ang mga plato na pinagkainan ng mgaa costumers ay nakita ko si Ryle na seryosong naglalakad papunta sakin at sa likod niya ay si Betty na sinasaway siya.
"S-sir, kami na po ang bahala diyan." kinakabahang sabi ni Betty at doon ko lang napansin na may dala siyang pampunas.
Anong trip nito?
Kunot noong tiningnan ko siya. Sasawayin ko na sana siya ng bigla niya akong nilagpasan.
"Rachel." problemadong tawag ni Betty sakin.
"Ako na ang bahala." pilit ngiting sabi ko at binigay sakanya ang mga platong dala dala ko.
Nilapitan ko si Ryle na ngayon ay tinitingnan na ng mga costumers. Kilalang kilala siya sa buong University kaya imposibleng hindi siya makilala ng mga tao.
"Sir, ako na po ang gagawa diyan." pormal kong sabi at sinubukang agawin sakanya ang pampunas pero iniiwas niya ito. "Sir." pormal kong pagtawag sakanya.
Tangina.
"My name is Ryle and you know that." mataray niyang sabi.
"Oo alam ko at alam mo din ba na maaaring mawalan ako ng trabaho dahil sa ginagawa mo?" galit kong bulong na nagpatigil sakanya.
"I'm just helping you." nakangusong sabi niya.
"Which is not allowed in here." madiing bulong ko sakanya.
"Why?" tanong niya. Ang daldal talaga nito! Inirapan ko siya at agad kinuha ang pampunas. Tatalikuran ko na sana siya nang bigla siyang nagsalita. "Why are you so cold now?" seryosong tanong niya na nagpatigil sakin sa paghakbang.
Yinakap ko ang sarili ko at tinaasan siya ng kilay.
"Hindi naman ako malamig." sarkastiko kong sabi at tinalikuran na siya.
Tanginamo, sisipain kita pag nakabayad nako sayo. Gusto mo pakong masesante dito.
Binigay ko kay Betty ang pampunas at palihim na nilingon si Ryle. Laking pasasalamat ko nang makitang umupo na siya.
Isa siyang malaking problema para sakin.
"Late na tayo." kinakabahang sabi ko.
Ngayon lang ako pinakawalan ng boss ko kaya eto, lakad takbo ang ginagawa ko papunta sa school. Nilingon ko si Ryle na ngayon ay parang modelong naglalakad.
Walanghiya talaga to. Hindi niya ba alam na malalate na kami?
"Bilisan mo naman! Malalate na tayo!" iritadong sigaw ko sakanya.
Hindi nag iba ang paglalakad niya kaya wala akong nagawa kundi ang hintayin siya. Nang nakalapit na siya sakin ay agad ko siyang binatukan.
"Ang tagal mo." inis kong singhal sakanya.
"Hindi mo ba alam na malaking kasalanan ang ginawa mo? Isang malaking malaking malaking kasalanan ang batukan ang isang presidente at prinsipe ng Neurelia University." mayabang niyang sabi.
"Pake ko?" walang emosyon sabi ko.
Umirap siya at inayos ang buhok niya.
"Wag kang mag alala. Ako yata ang Presidente. Mabait naman ako kaya hindi kita paparusahan." nakangising sabi niya.
"Pwede ba? Bilisan mo nalang ang paglalakad mo dahil ayaw kong maparusahan-"
"Kakasabi ko lang diba? Total ay wala naman ako ngayon sa University kaya hindi kita paparusahan." nakangiting sabi niya.
Napatigil ako dahil sa sinabi niya.
"T-talaga? Hay salamat." makakahinga na ako ng maluwag ngayon. "Akalain mo yun, may kabutihan din pala sa kaloob looban ng puso mo. Subukan mo kayang hukayin paminsan minsan?" nakangiting tanong ko habang ginugulo ang buhok niyang clean cut.
Nang nakarating na kami ay mabilis akong pumasok. Habang nasa ground kami papunta sa building ko ay hinila niya ko.
"Ano na naman?" tamad kong tanong.
"Name?" nakangising sabi ni Ryle na nagpakunot sa noo ko.
"Ano?" takang tanong ko at napasulyap ako sa notebook na dala niya ngayon.
"Name?" taas kilay niyang sabi.
"Akala ko ba-" lito kong sabi pero agad kong nakuha na sinungaling pala ang isang to.
Umigting ang panga ko dahil sa galit. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Bakit nga ba ako naniwala sa sinabi niya?
He chuckled.
"I told you, I'm serious with my job. Don't be mad because I didn't lie. Sinabi ko na hindi kita paparusahan kasi wala ako sa University kanina." kibit balikat niyang sabi.
Galit akong ngumisi at mabilis na hinila ang kwelyo niya palapit sakin.
"Mahaba naman ang pasensya ko pero hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako pagdating sayo." madiing bulong ko habang tinitingnan siya ng diretso sa mga mata niya.
Padabog kong binitawan ang kwelyo niya at walang emosyon siyang hinarap.
"Alam mo ang pangalan ko. Isulat mo diyan so potanginang notebook mo na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo mo nakuha." galit kong sabi at nilagpasan siya. "Gagong yon." mahinang bulong ko habang naglalakad papunta sa detention room.
"Nice to see you again, Ms. Algabre." nakangiting sabi ni sir Quizon.
"Nice to see you too, sir." sabi ko habang binibigyan siya peke na ngiti.
Isang oras akong nandoon sa hell room pero hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang galit ko. Hinding hindi na talaga ako maniniwala sa gagong yon.
Maingat na tiningnan ko ang room namin kung meron ba si sir Canyo doon at laking pasasalamat ko ng makitang wala siya. Dali dali akong pumasok at nakangiting umupo sa upuan ko.
Ang pag aakala kong ligtas na ako ay biglang nawala nang marinig ko ang boses ni sir Canyo sa likod.
"Ms. Algabre?" agad nawala ang ngiti ko nang marinig ang pagtawag sakin ni sir Canyo.
Dahan dahan akong tumayo at lumingon sakanya.
"Good afternoon" awkward kong bati.
Napabaling ako sa lalaking nasa likod niya nang marinig ko itong tumawa.
"Hello!" nakangising bati niya sakin.
Tinapunan ko lang siya ng malamig na tingin bago ako lumingon kay sir Canyo.
"Saan ka galing Ms. Algabre?" istriktong tanong ni sir sakin.
"Sa impyerno este sa detention, sir." walang emosyong sabi ko.
"Detention? Today is Tuesday, day 12. It's free day. No detention." takang sabi ni sir na nagpalaki sa mga mata ko.
Napaayos ako ng tayo at dahan dahang tumingin kay Ryle na ngayon ay nakangisi sakin.
Nakalimutan ko at hindi man lang sinabi sakin si sir Quizon kanina? Kaya pala ako lang mag isa ang nasa detention room kanina.
Isa ito sa mga patakaran na ginawa ni dean Grodon para sa lahat ng mga estudyante dito sa Neurelia University. Sa isang araw kada buwan ay pwede mong gawin ang gusto mo. Umabsent, magcutting, magpaputok sa room, o kung ano man. Pero tuloy parin ang klase.
Galit kong tiningnan si Ryle na ngayon ay pilit tinatago ang tawa.
"I'm sorry, sir. Meron kasing bastos, bakla, parrot, manggagaya, manyak, sinungaling, in short baklang demonyong nagparusa sakin kanina." madiin kong sabi habang diretsong nakatingin kay Ryle.
Agad nagbago ang itsura niya, hindi makapaniwalang tumingin siya sakin. Inirapan ko siya at bumaling kay sir Canyo na ngayon ay litong nakatingin sakin.
"I'm sorry, sir." sabi ko habang binibigyan siya ng pekeng ngiti.
"O-okay, you c-can now s-sit down." lito paring sabi niya at agad ko iyong sinunod.
Padabog akong umupo.
"Mr. Castañeda, it's a pleasure for us to be visited by the prince of Neurelia University." dinig kong sabi ni sir Canyo na nagpairap sakin.
Iba ang paaralan na ito dahil mas mabagsik ang mga estudyanteng mayayaman kaysa sa mga guro. Isang magandang halimbawa ang baklang nasa likuran ngayon.
"Can I stay here for a while Mr. Canyo?" pormal na tanong ng demonyo na lalong bumusangot sa mukha ko.
Bakit hindi nalang siya umalis para matahimik tong kaluluwa ko kahit ilang minuto lang?
"Ofcourse Mr. Castañeda." buong galak naman na sabi ni sir.
Nagulat ako nang dali daling kinuha ni sir Canyo ang upuan niya at ipinakita ito kay Ryle.
Wag mong sabihin na diyan niya pauupuin si Ryle?
"No, I'm okay here." sabi ni Ryle.
Narinig ko ang paghila niya sa isang upuan.
Meron kasi kaming tatlong extra chairs. Sabi ni sir ay meron daw paparating na bagong students dito at tatlo sila. Mukhang reservation, siguradong mga mayayaman na naman sila.
Napatingin ako sa gilid ko nang makitang doon yin nilagay ni Ryle. Kunot noo ko siyang tiningnan. Seryoso siyang umupo doon at bumuntong hininga. Ikaw pa ngayon ang mukhang problemado?
"Are you sure your-" hindi na natuloy ang sasabihin ni sir nang agad sumingit si Ryle.
"I'm fine." walang emosyong sabi niya.
Umiling ako at dahan dahan kong nilayo ang upuan ko sakanya. Dinikit ko ito sa upuan ni Riza.
"Bakit?" takang tanong ni Riza sakin.
"Ayaw ko sa bakla." bulong ko sakanya.
Hindi makapaniwala siyang tumingin kay Ryle bago sakin. Inirapan ko siya. Gusto niya din pala si Ryle.
Gulat akong tumingin kay Ryle nang tumayo siya at padabog na nilapit ang upuan niya sa tabi ko. Bahagya pakong napatalon dahil sa gulat at dahil sa lakas ng tunog nito.
"Is there a problem Ms. Algabre?" kunot noong tanong ni sir.
Bakit ako?
"Allergic lang po ako-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang marahas na hinilia ni Ryle ang upuan ko at hinarap iyon sakanya.
Gulat akong tumingin sakanya nang nilapit niya ang mukha niya sakin.
"Call me gay again and I swear you'll lost your first kiss." madiing sabi niya habang nakatitig sa labi ko.
Wala sa sarili kong tinakpan ang labi ko dahilan kung bakit lumipat ang tingin niya sa mga mata ko.
He chuckled. "Cute." nakangising sabi niya bago siya tumayo.
Gulat ko siyang sinundan ng tingin, inayos niya ang uniporme niya sabay kindat sakin.
"I have to go." pormal niyang sabi at umalis na.
"What was that?!" malakas na sigaw ng kaklase ko.
"Kayo na ba?!" galit na sigaw ng isa.
Gulat akong lumingon kay Riza na ngayon ay nangingisay na sa kilig. Ano yon?!
"Oh sige, sayo na crush ko." kinikilig niyang sabi na inilingan ko.
Tangina, ang bastos niya talaga.
Hanggang ngayon ay tinatakpan ko parin ang bibig ko at gulat na tumingin sa kawalan.
"Tumahimik kayong lahat!" malakas na sigaw ni sir Canyo at agad natigil ang mga kaklase ko.
Bakit mukhang kasalanan ko? Ako ba ang lumapit? Ako ba ang nagbanta? Binantaan niya ako!
Kunot noo akong tiningnan ni sir Canyo bago siya nagsimulang magklase.
Lutang ako buong oras, walang pumapasok sa utak ko kahit anong pakikinig ang ginawa ko.
Malalim na buntong hininga ang ginawa ko at inalis na sa isipan ang nangyari kanina. Bakit niya ako binantaan? At ang lakas niya. Nagawa niyang iharap ang upuan ko sakanya ng ganun kadali. Bakit ganon siya?
Bahagya kong binatukan ang sarili ko at ilang beses na umiling. 
Uwian na, umalis na si sir Canyo at ang ending ay nakanganga lang ako buong klase. Wala talagang pumapasok sa isip ko.
"Yyyiiieeeeee Rachel and Ryle sitting on a tree K-I-"
"Tumigil ka." madiing sabi ko sakanya.
Wag ngayon Riza.
"Bakit? Ang sweet niyo nga kanina eh." nakangusong sabi niya.
"Wala akong panahon para sa mga ganyan ganyan." nakangiwing sabi ko.
"Wala daw siyang panahon pero nung ang lapit ng mukha nila, hindi man lang niya sinaway." bulong niya na hindi ko masyado narinig.
"May sinasabi ka?"
"Wala." sabi niya.
Napatigil ako nang mapansin ko na may tatlong babaeng nakatayo sa harap ko. Taka ko silang tiningnan.
"I'm sure you did something that's why he's acting like that. Ano nilason mo ba siya, Rachel?" nakangiting tanong ni Lisa.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tangina?
Bumaling ako kay Lissy nang siya naman ang nagsalita.
"All of us know what you can do especially for money since wala ka nun." natatawa niyang sabi.
Galit akong napatawa dahil sa sinabi niya.
"Ang landi mo talaga. Mana ka siguro sa nanay mo."
Naantig ang tenga ko dahil sa sinabi ni Lory. Galit ko siyang nilingon. Tinaasan niya ko ng kilay na lalong nagpagalit sakin. Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako bumuntong hininga.
Ayoko ng gulo.
Mahinang tumawa si Lory.
"That's the typical you. Hindi nako magtataka." bulong niya bago siya umalis kasama ang mga kaibigan niya.
Napatingin ako sa kamay ko na mahigpit na nakakapit sa saya ko. Doon ko napansin na kanina ko pa pala pinipigilan yung sarili ko na lumaban sakanila. Bumuntong hininga ako at binitawan ang saya ko. Inayos ko ito at tumayo na.
"Mga inggitera talaga." iritadong sabi ni Riza kaya napalingon ako sakanya.
Mabuti nalang at hindi siya nagsalita kanina dahil kung hindi ay siguradong idadamay siya ni Lory.
"Hayaan mo na." tipid kong sabi.
"Natatawa nalang ako sakanya minsan. Ang yaman nga niya tsaka nasa kanya na ang lahat pero yung mga lalakeng gusto niya, ikaw yung gusto." natatawang bulong niya na inilingan ko. "Kumusta na kaya si Dwayne?" mahinang bulong niya na nagpatigil sakin.
Yun din ang tanong ko. Matagal na din kaming hindi nagkita. Hindi na bumibisita si Dwayne dito dahil sakin. Minsan ay naguguilty ako dahil pati si Riza ay nadadamay. Malapit din kasi sila sa isat isa noon. Silang dalawa ang palagi kong kasama.
"Tapos na kayo, joker." nakangiting tanong ni Dwayne.
Bumusangot ang mukha ko at mabilis na hinila ang buhok niya.
"Sabing wag mo kong tawaging joker." iritado kong sabi.
"Sorry na, mahal na prinsesa. R-riza, tulong!" baling niya kay Riza.
Nakapameywang na tumingin samin si Riza kaya binitawan ko na ang buhok ni Dwayne.
"Palagi nalang kayo nag aaway." natatawang sabi ni Riza.
Umakbay siya saming dalawa at ginulo ang buhok naming dalawa.
"At dahil diyan ay manlilibre kayo!" masayang sigaw niya.
"250 pesos po lahat sir." nakangiting sabi ng cashier.
Mabilis kong binuksan ang wallet ko at namutla ako nang makitang bente lang ang laman nun.
"Thank you, sir."
Gulat akong napatingin sa cashier dahil sa sinabi niya. Nilalagay na niya ngayon ang mga junk foods na binili namin sa plastic bag. Gulat kong nilingon si Dwayne na ngayon ay nakatingin lang sa mga junk foods.
Malungkot akong ngumiti. Kami ang manlilibre ngayon pero siya lang ang nagbayad. Sobrang nakakahiya at nakakalungkot dahil wala akong magawa, talagang wala akong pera.
Nang matapos si ate sa paglalagay ng mga pinamili namin ay ako na mismo ang kumuha sa apat na plastic at nakangiting nilingon si Dwayne.
"Ako na, tara." nakangiting sabi ko pero napatigil ako nang hilahin ako ni Dwayne.
Sobrang nakakahiya na. This is the least that I can do.
Seryoso niya akong pinaharap sakanya. Pagkatapos ay kinuha niya ang wallet ko at nilagyan iyon ng isang libo.
"Wag na-"
"Sshhhh."
Pagpapatahimik niya sakin. Binalik niya iyon sa bulsa ko at kinuha ang mga plastic galing sa mga kamay ko.
Mabilis kong kinuha ang wallet ko at ang isang libo para sana ibigay yun sakanya pero umalis na siya. Mabilis akong sumunod sakanya at hinawakan ang dulo ng tshirt niya para patigilin siya.
"Alam mong ayaw ko ng ganito diba?" seryoso kong tanong at ilalagay ko na sana ang pera sa bulsa niya ng bigla siyang tumalon.
"Bahala ka." natatawang sabi niya sabay takbo papalayo.
"Dwayne!"
Habang tumatagal ay lalo kaming naging komportable sa isat isa pero hindi ko napansin na nagugustuhan niya na pala ako. Inamin niya sakin yun at nanligaw siya sakin pero agad ko siyang hinindian.
Kaibigan lang ang tingin ko sakanya.
Simula nung araw na yun ay naging awkward kami sa isat isa at pinili kong lumayo sakanya para na din makalimutan niya ang nararamdaman niya para sakin.
First year college na siya. Isa sa mga rason kung bakit hindi kami gaanong nagkikita. Malayo kasi ang business department mula dito at naging busy na din siya.
"Dalawin mo kaya?" tanong ko.
Napatingin ako sakanya nang bigla niyang nabitawan ang pencil case niya kaya nagkalat ang mga laman nito sa sahig. Mabilis siyang yumuko para pulutin ang mga iyon. Yumuko din ako para tulungan siya.
"Ah, nako wag na. Nahihiya na din kasi ako kay Dwayne." mahinang sabi niya.
"Okay ka lang ba?" tanong ko nang matapos naming pulutin ang lahat.
"O-oo, salamat." mahina niyang sabi.
Tumango ako at niligpit na ang sarili kong mga gamit. 
Nauna nakong umalis dahil may gagawin pa daw siya. Ewan ko pero para siyang kinakabahan kanina.
Seryoso akong naglalakad ngayon papalabas nitong University. Hindi ko pinapansin ang mga tinginan ng ilan sakin. Siguradong dahil yun sa nangyari kanina. Habang naglalakad ay bahagya din akong tumitingin sa paligid, nagbabakasakali na hindi ko makita si Ryle. Nakauwi na siguro siya diba? Sana naman ay wala na siya ngayon.
Napangiti ako nang malapit na ako sa gate. Sa wakas at wala nang mang iinis sakin.
"Salamat, lord." mahinang bulong ko.
"Uwi ka na?"
Agad naputol ang kasiyahan ko nang marinig ang boses ng demonyo. Tamad ko siyang tiningnan na ngayon ay nakasandal sa gilid ng gate.
Ano ba ang nagawa kong kasalanan para magkaganito ang buhay ko? Inirapan ko siya at mabilis na naglakad papalayo sakanya.

Book Comment (41)

  • avatar
    PereiraLigia

    maravilhosooooooooooo

    27/04

      0
  • avatar
    Ki Kay

    Bitin hihi

    27/11

      0
  • avatar
    Jaz Mendoza

    Sobrng gndng basahin

    02/09/2023

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters