logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

Nanghihina akong umupo at natulala sa kawalan. Ilang beses na itong nangyari sakin, sa mga tambay at sa mga lalaki ng nanay ko. Laking pasasalamat ko na lang at hindi nila ako tuluyang nagalaw.
"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Ryle habang hinahawakan ang magkabilang balikat ko.
Wala sa sarili akong tumango at tiningnan siya.
"Salamat." mahinang sambit ko at agad tumulo ang luha sa mga mata ko.
Pinaalis niya ang mga ito gamit ang kamay niya kaya bahagya kong nilayo ang mukha ko dahil sa gulat. Kitang kita sa mga mata niya ang galit at pag aalala.
"Kailangan ko nang umalis." mahinang sabi ko nang maalala na kailangan ko pang pumunta sa ospital.
"Ihahatid na kita, malayo pa ba dito ang sainyo?" tanong niya sabay tingin sa paligid.
"Okay lang ako, sasakay nalang ako ng tricycle. Malapit lang iyon." pilit ngiting sabi ko at tinalikuran siya.
Nang malayo layo nako sakanya ay napatigil ako nang bigla siyang sumigaw.
"Do you expect me to let you walk alone after knowing that someone might hurt you along the way?!" sigaw niya na nagpahinto sakin.
Hinarap ko siya. "Magiging okay lang ako." nakangiting sabi ko.
Hindi ko kailangan ng tulong.
Muli ko siyang tinalikuran at naglakad muli. Ang totoo ay malayo pa ang linyahan ng mga tricycle dito kaya kailangan ko pang maglakad ng ilang oras o higit pa.
Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng tunog ng motor sa likod ko kaya agad akong tumabi at naglakad sa gilid. Bahagya akong napatalon ng marinig ang malakas na busina sa likod kaya agad ko iyong nilingon.
Doon ko nakita ang isang itim at mamahaling motor, kumunot ang noo ko nang makita ang suot ng driver nito, ito ang suot ni Ryle kanina diba? Napatingin ako sa driver nang inalis niya ang helmet nito.
"Umangkas ka na, makakatipid ka pa." seryosong sabi niya.
"Kuya, okay nga lang ako." tamad kong sabi.
Nakakainis na naman siya.
"Don't call me kuya." walang emosyong sabi niya.
"Bakit? Mas matanda ka sakin diba?" takang tanong ko sakanya.
"Can't you just shut up and let your pride down for a while?" galit niyang sabi.
Oh, galit agad?
"Bakit galit ka?" kunot noong tanong ko sakanya at malalim siyang bumuntong hininga.
"Sumakay ka na." maawtoridad na sabi niya.
"Promise kuya, magiging okay lang ako." natatawang sabi ko habang nakataas ang kanang kamay na parang nagsusumpa.
Inirapan niya lang ako, bumaba siya sa motor at lumapit sakin. Kunot ko siyang sinundan ng tingin. Hinila niya ako papunta sa motor niya, ngayon ay nakaharap na ako sa motor at nagulat ako nang binuhat niya ako at pinasakay doon. Tumingin ako sakanya gamit ang nanlalaking mga mata.
"Bakit mo yun ginawa?" gulat kong tanong.
"You're so noisy" mataray niyang sabi sabay sakay sa motor. "Here." sabi niya sabay lahad sa kaniyang helmet.
Bumuntong hininga ako. Tigas ng ulo. Kung hindi niya lang ako niligtas kanina ay kanina ko pa siya binatukan.
"Pano ka?" tanong ko sakanya.
"I'm okay, you are more important." sabi niya kaya agad ko nalang kinuha iyon at sinuot.
Bahala siya.
"Hold on tight" istriktong sabi niya kaya kumapit ako sa balikat niya. Narinig ko siyang bumuntong hininga sabay hawak sa kamay ko at dinala niya ito sa beywang niya. "Better." nakangiting sabi niya.
Ilang minuto kaming nagkatitigan. Tanginamo, kanina ka pa. Malakas ko siyang binatukan.
"Ouch!" daing niya.
"Manyak ka." madiing sabi ko at doon ako kumapit sa balikat niya.
"It's for your safety!" iritadong sabi niya.
"Safety, safety ka diyan!" inis kong sabi sakanya.
Hindi sana kita babatukan kaso sagad na sa buto ang pasensya ko.
"Bakit sa ospital?!" takang tanong niya nang sinabi ko sakanya na doon dumiretso.
"May bibisitahin ako!" sigaw ko pabalik sakanya, hindi kasi namin marinig ang isa't isa dahil sa malakas na hangin.
"Sino?!" sigaw niya pabalik.
"Yung kaluluwa ko!" natatawang sabi ko.
"Not funny!" sigaw niya na nagpatawa sakin.
Ilang oras kaming nasa byahe hanggang sa narating na namin ang ospital. Agad akong bumaba at ibinigay sakanya ang helmet.
"Salamat." nakangiting sabi ko, tatalikuran ko na sana siya nang mabilis siyang bumaba sa motor at hinila ako pabalik.
"That's it?" taas kilay niyang tanong.
"Yup, nag thank you na naman ako diba?" tanong ko at nang makita kong nakataas parin ang kilay niya ay nakuha ko na ang ibig niyang sabihin. "May kapalit to, tama?" tamad kong sabi.
"Akalain mo yun! Matalino ka pala." masayang sabi niya.
"Dali sabihin mo na, nagmamadali ako." iritadong sabi ko.
Ilang beses ko siyang tinanggihan, siya nga itong nagpumilit na tulungan ako pero nagpapasalamat ako sakanya dahil dumating siya. Kung hindi, siguro ay narape na ako.
"I will tell you tomorrow." nakangiting sabi niya sabay gulo sa buhok ko.
"Ano ba!" inis kong sabi at lumayo sakanya.
Tumawa lang siya at kinindatan ako. "Bye." nakangising sabi niya sabay sakay sa motor at sinuot niya ang helmet niya, pagkatapos ay humarurot na siya palayo.
Mukhang kailangan kong maghanda bukas, sigurado akong iinisin niya ako buong araw.
Nagmamadali akong pumunta sa room ni tatay. Pagbukas ko ng pinto ay agad kong nakita ang pag aaway nila nanay at tatay.
"Hindi ka pa nga pwedeng umuwi, Luis!" iritadong sigaw ni nanay kay tatay na ngayon ay pinipilit ang sarili na umupo.
Nagmadali akong dumalo sakanya at tinulungan siyang umupo.
"Kumusta ang araw mo, nak?" nakangiting sabi niya.
"Okay lang po, tay." pilit ngiting sabi ko habang nilalagyan ng unan ang likod niya.
"Umuwi na tayo, nak." nakangiting sabi niya na agad kong inilingan.
"Hindi ako madadala ngayon sa pangiti ngiti mo, tay. Hindi tayo uuwi, dito ka lang pag iyon ang sinabi ng doctor." istrikto kong sabi sakanya sabay lapag ng bag ko sa upuan.
"Maayos na ang kalagayan ko ngayon, nak. Tingnan mo!" sabi niya sabay pakita sa kaniyang muscles na puro buto.
"Hindi yan muscles. Buto yan, tay." tamad kong sabi na nagpanguso sakanya. Kinuha ko ang plastik ng pagkain sa bag ko. "Ito po pala, tay. Pagkain, masarap yan!" masayang sabi ko sabay bigay sakanya.
Nakangiti ko silang tiningnan ni nanay na ngayon ay tinitingnan ang mga pagkain.
"Naku! Mukhang masarap!" natatakam na sabi ni tatay.
"Lalabas lang muna ako, tay. Mabilis lang ito." nakangiting sabi ko at lumabas na sa kwarto.
Nang makalabas ako ay nagsimula na akong maglakad pero napahinto ako nang merong marahas na humila sa braso ko.
"Bakit ang tagal mong umuwi?" madiing sabi ni nanay.
"Mag ginawa lang po ako, nay." nakayukong sabi ko.
"Ginagawa? Ano? Naglalandi?" galit na sabi niya sabay sampal sakin. "Nasa ospital na nga ang tatay mo. Inatake na't lahat nagawa mo pang maglandi, ha?" madiing sabi niya habang hinahawakan ng madiin ang mukha ko.
Marami nang tao ang nakatingin sa amin pero hindi sapat na dahilan ang yun para tumigil si nanay.
"Mabuti pa at maghanap ka ng pera pambayad dito" sabi niya sabay diin sa mukha ko dahilan ng mariin kong pagpikit. Marahas niya akong binitawan at tinuro ako. "Maghanap ka ng pera." madiing sabi niya at pumasok na sa kwarto.
Nakayukong bumuntong hininga ako at pumunta na sa cashier para makabayad ng bill.
"Gusto ko po sanang makita ang bill ng room 102." pilit ngiting sabi ko at agad niya rin itong binigay sakin.
"12,000?!" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Kasama na po kasi ang gamot diyan, miss." nakangiting sabi ng nurse.
"Ilang araw pa po ang kailangan para makauwi siya?" magalang na tanong ko.
"3 days nalang po."
"Pwede po bang ito nalang muna ang ibigay ko?" tanong ko sabay lahad ng 9,000 sakanya.
"Okay lang pero siguraduhin niyo nalang po na makakabayad kayo ng kompleto bago matapos ang tatlong araw."
"Sige po, salamat." nakangiting sabi ko.
Binigyan niya ako ng listahan ng mga gamot na kailangan ni tatay.
"Ang rami nito." mahinang sambit ko habang naglalakad patungo sa room.
Nang makapasok ako ay umupo ako habang tinitignan ang listahan.
"Ano yan, nak?" tanong ni tatay.
"Wala lang po." nakangiting sabi ko sakanya sabay tago ng papel sa bulsa ko.
Sa huli ay napilitan akong umuwi dahil iyon ang utos ni tatay at kailangan ko pang maghanap ng ibang trabaho para makabayad sa hospital bill.
Naglakad ako patungo sa bahay namin dahil isang daan nalang ang natitirang pera na mayroon ako, pamasahe ko nalang ito bukas. Habang naglalakad ako ay tahimik na ang buong paligid, 10 pm na kasi kaya halos lahat ay tulog na.
Nakarating ako sa bahay ng ligtas. Agad kong kinuha ang dyaryo na nakatambak sa ilalim ng lamesa, nilagay ko iyon sa lamesa at nagsimula nang maghanap ng trabaho.
"Ang laki ng eyebags mo." natatawang sabi ni Riza nang pumasok ako sa room.
"Mabuti naman, pinapalago ko yan." nakangiting sabi ko.
"Rachel, galit na galit na naman si Lory sayo." pagchichika ni Riza sakin na nagpakunot ng noo ko.
"At bakit naman?" taka kong tanong.
May ginawa na naman ba akong masama sakanya?
"Syempre dahil mas pinili ni Ryle ang kausapin ka kaysa sakanya. Pinagkakalat niya pa na nilalandi mo daw si Ryle."
Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. Padabog kong nilagay ang bag ko sa upuan at pagod na nilingon siya.
"Nakita niya ba? May pruweba ba siya?" tanong ko.
Napasabunot ako sa buhok ko at umupo. So ako na naman ang usap usapan? Mangyayari na naman yung dati?
"Hayaan mo nalang sila. Baka madamay ka pa." mahina kong sabi.
Ano bang napapala ni Lory dito? Sigurado ako na hindi lang ako ang naging at magiging biktima ni Lory. Iba talaga ang magagawa ng isang tao pag may kapangyarihan ito. Nawawalan sila ng puso.
Napahawak ako sa noo ko at malalim na bumuntong hininga. Gusto ko lang namang pumasok dito sa University ng tahimik.
Habang naghihintay kay sir Canyo ay pinili kong basahin ang nag iisa kong libro kaysa isipin ang mga walang kwentang bagay.
Nakarinig ako ng sigawan ng mga babae sa likod, hindi ko iyon pinansin dahil baka langgam lang yun. Pati langgam ay kinatatakutan nila.
"Rachel" pagtawag sakin ni Riza.
Hindi ko siya nilingon dahil nasa part nako ng kwento kung saan makikita na niya ang babaeng matagal nang hinahanap ng lalake na ang pangunahing tauhan sa kwentong binabasa ko.
"Rachel" madiing pagtawag sakin ni Riza.
"Teka lang muna. Mamaya na. Nasa favorite part nako." sabi ko sakanya habang hindi inaalis ang mata sa libro.
"Too busy?" agad akong napahinto sa pagbabasa nang malaman kung kaninong boses iyon.
Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at laking gulat ko nang makitang napakalapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Ano ba?! Ang aga aga nambwibwisit ka agad!" iritadong sigaw ko habang tinutulak ang mukha niya papalayo.
Tangina, nakakadiri.
"Ang epic ng mukha mo." natatawang sabi niya.
"Walanghiya ka." galit kong sabi.
"Alam ko na ang gagawin mo para mabayaran ang prinsipeng nagligtas sayo kahapon." mayabang niyang sabi.
Napailing ako. Narinig niya naman ang pagtanggi ko kahapon sa tulong niya diba? Kung magsalita siya ay parang humingi ako mismo ng tulong sakanya.
"Ano?" tamad kong tanong.
Akala ko pa naman ay nakalimutan na niya yun o kaya ay nagbibiro lang siya.
"Mr. Castañeda?" napabaling ako kay sir Canyo na nasa pintuan na ngayon.
Hindi man lang siya nilingon ni Ryle. Nasakin parin ang paningin niya.
"Long time no see, sir." sabi ni Ryle habang nakatingin parin sakin.
Walang respeto. Umirap ako at marahas na binuklat ang libro sa harap ng mukha ko para hindi niya makita ang mukha ko. Napairap uli ako nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Napabisita ka?" nakangiting tanong ni sir.
Binaba ko na ang libro at nilagay sa bag ko. Baka ma confiscate pa to ni sir Canyo. Laking pasasalamat ko nang makitang nakaharap na si Ryle kay sir.
"Just visiting someone in your class." kibit balikat na sabi niya.
Visiting? Akala ko ba ay naniningil ka?
"Really? very unusual. In my class?" takang tanong ni sir.
"Well, I can say that she's very unusual as well." nakangising sabi niya at nilingon ako, tinaasan ko siya ng kilay na lalong nagpalaki ng ngisi niya.
Baliw.
Lumapit siya kay sir Canyo at inakbayan ito. Kinindatan pa ko ni Ryle bago sila lumabas. Mukhang mag uusap pa sila.
"Very unusual." panunukso ni Riza habang ginagaya ang boses ni Ryle.
"May nakain lang iyong di kaaya aya." mataray na sagot ko sakanya at inirapan niya lang ako.
"Manhid." bulong niya na hindi ko gaanong narinig.
"Ano?"
"Wala, sige ipagpatuloy mo na ang pagbabasa mo. Diba nasa favorite part ka na?" sarcastic niyang tanong at tumango ako.
Binalik ko ang pagbabasa ko sa libro, mukhang matagal pa naman silang matatapos sa pag uusap. "Hindi mo man lang napansin na favorite ka din niya." natatawang bulong niya pero sobrang hina nito.
"May sinasabi ka ba? Hindi ko kasi narinig." tanong ko sakanya.
Baka kasi importante ang sinasabi niya.
"Wala, ganyan ka naman talaga. Nagbibingibingihan, nagbubulagbulagan." sarcastic niyang sabi na nagpakunot ng noo ko.
"Ano bang sinasabi mo?" takang tanong ko at inirapan niya lang ako.
Kumunot ang noo ko. Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako umiling at nagpatuloy sa pagbabasa.
Hindi na pumasok si sir Canyo nang matapos silang mag usap ni Ryle. Hanggang sa nagbreak time ay hindi parin siya pumapasok. Baka tinorture na yon ni Ryle.
Mahinang akong natawa dahil sa naisip.
"Punta tayo sa cafeteria?" pag aaya sakin ni Riza na agad kong tinanggihan.
"Hindi ako pwede." malungkot kong sabi.
"Bakit? Ililibre naman kita."
"Wag na. Baka masanay ako diyan." pagbibiro ko.
"Okay lang." pagpupumilit niya.
"Wag na. Promise, okay lang ako." nakangiting sabi ko habang nakataas ang kanang kamay.
"Sige na nga." nakangusong sabi niya at umalis na.
Nang nakaalis na siya ay dali dali kong kinuha ang newspaper sa bag ko at tiningnan muli kung anong oras magsisimula ang paglilinis ko.
"8pm?" mahinang bulong ko habang tinititigan iyon.
Sakto lang ang oras. Sa 12pm ay magtratrabaho ako sa coffee shop, 3pm ay magtratrabaho na naman ako muli sa coffee shop tapos 8pm ako magsisimula sa paglilinis.
"Sakto lang." masayang sabi ko.
"Nandito ka lang pala." agad nawala ang kasiyahan ko nang marinig ang boses ng prinsipe.
"Oo nandito ako dahil kung wala ako dito hindi mo ako makakausap ngayon." tamad kong sabi habang nilalagay ang newspaper sa bag.
"Ang sungit mo." sabi niya habang kumukuha ng upuan at nilagay niya iyon sa harap ko.
Binaliktad niya ang upuan at umupo na doon.
Presidente ba talaga ang isang to? Bakit ganito to umasta?!
"Binoto ka ba talaga ng mga estudyante para maging presidente?" walang emosyong tanong ko sakanya.
"Oo" confident niyang sabi. "Binoto mo rin ba ako?" nakangiting tanong niya.
"Hindi." sabi ko habang binibigyan siya ng sarcastic na ngiti. "Hindi mo siguro sineseryoso ang trabaho mo." sabi ko na nagpawala ng ngisi niya.
"Sineseryoso ko yun." nakangusong sabi niya.
"Bakit ka nandito? At bakit mo iniinis ang isang estudyante?" mataray kong tanong sakanya.
"First of all, hindi ka naman mukhang estudyante" nakangising sabi niya na magpagalit sakin. "And I also have cheat days, you know?"
"Kayong mga lalaki, ang hilig niyo talagang mag cheat." naniningkit mata kong sabi.
"I don't cheat-"
"Kakasabi mo lang kanina." taas kilay kong sabi.
"I don't cheat when I'm on a relationship." seryosong sabi niya na nagpatigil sakin. "I'll be serious on us." pagpapatuloy niya.
"Okay." kibit balikat kong sabi.
Wala naman talaga akong pake.
"Lunch. Sabay tayong kakain." maawtoridad niyang sabi na nagpatigil sakin.
"Hindi ako pwede." kalmadong sabi ko.
"Why? You need to pay me. Yan pa nga lang ang hinihingi ko hindi mo na maibigay?" kalmadong sabi niya pero may bahid na galit ang boses niya.
Ang ikli ng pasensya, hindi niya man lang ako pinatapos.
"Promise. Hindi talaga ako pwede."
"Then, give me a reason." madiing sabi niya.
"Magtratrabaho ako." sabi ko at agad kong nakita ang gulat sa mga mata niya pero agad niya itong tinago.
"What work?" kunot noong tanong niya.
"I need to keep this as a secret." sabi ko na lalong nagpakunot sa noo niya.
"Is that a clean work?" kinakabahang tanong niya.
"No, it's not clean. I need to make my hands dirty in order to earn money." seryosong sabi ko dahilan ng paglabas ng takot sa mukha niya.
Ano bang nakakatakot sa sinabi ko?
"Y-you need to stop that." madiing sabi niya habang tinitingnan ang paligid.
"I can't, I need money." kunot noong sabi ko.
Ba't parang nababaliw siya?
"Well, I can give you money just stop doing illegal work." galit na bulong niya habang tinitingnan parin ang paligid.
Napanganga ako dahil sa sinabi niya.
"Gago ka ba?" tanong ko.
Hindi ko mapigilang tanungin yun dahil para talaga siyang gago. Oo mahirap lang ako pero hindi ako gumagawa ng mga illegal na bagay. Mamamatay muna ako bago ko yun gawin.
"Keep your voice down." madiing sabi niya habang tinuturo ako.
Nanlaki ang mga mata ko at marahas na hinila ang hintuturo niya.
"Shit!" malakas niyang sigaw.
Agad ko naman iyong binitawan at tiningnan siya.
"Ang nanay ko lang ang pwedeng tumuro sakin, naiintindihan mo ba?" seryosong tanong ko.
Tumango siya habang hinihipan ang hintuturo niya. Wala namang sugat kaya hindi yan hahapdi. Ba't niya hinihipan? Bobo.
"Ang dumi ng isip mo." sabi ko habang umiiling.
"Huh?" takang tanong niya.
"Hindi ako gumagawa ng kung ano ano na illegal. Baliw." pagkaklaro ko sakanya.
"P-pero sabi mo kailangan mong madumihan ang mga kamay mo para makakuha ng pera." nakangusong sabi niya.
Umiling ako. Ang bilis magconclude ng kung ano ano.
"Waitress ako." tipid kong sabi.
"Why are you working, anyway?" tanong niya.
"Kasi kailangan."
"Takot ka bang maubusan ng laway? Kalma, ako lang to oh. Si natoy na mahal na mahal ka. Wag ka namang matipid sa laway mo." nakangusong sabi niya.
Kunot noo akong napatitig sakanya.
"My daily check ups ka ba? O kaya gamot? Isipin mo baka hindi mo nainom ngayon." walang emosyong sabi ko na lalong nagpanguso sakanya.
Umiling ako. Ngayon lang ako nakakita ng lalake na ngumunguso. Mukha siyang bakla.
"You're scholar?" tanong niya.
"Hindi."
"What?" litong tanong niya.
Malalim akong bumuntong hininga. Daming tanong hindi naman mabilis makaintindi.
"Ang tatay ko kasi ang nagbabayad ng tuition ko at ako na ang bahala sa ibang babayarin. Pero pag college na ako ay siguradong dun. Scholar na ako."
Hindi ko na papahirapan pa si tatay magbayad. Paglaki ko ay ako na ang bahala sa sarili ko. Matataas din naman ang mga grades ko kaya ayos lang. Isa sa mga pangarap ko pag college ay ang makasali sa Dean's list.
"I can pay for your expenses, if you want?" tanong niya na agad kong inilingan.
"Ayoko, ayoko ng mga ganyan. Kaya ko na ang sarili ko atsaka mahal yang mga kapalit mo." mataray kong sabi sakanya.
"C'mon, let's have a deal." nakangising sabi niya.
Nako po. Heto na naman ang malademonyo niyang ngisi.
"Ayoko." madiing sabi ko.
"It's just-"
Napahinto siya nang marinig ang bell, senyales na tapos na ang break time.
"Alis na." nakangiting sabi ko na may kasama pang kaway.
Noon ay ayaw na ayaw ko sa tunog na iyan pero ngayon laking pasasalamat ko na tumunog yun.
Mawawala na ang ingay.
"Tsk." nakangising singhal niya na may kasamang iling.
Tumayo siya at ibinalik ang upuan sa kung saan niya kinuha yun.
"Wait for me." nakangiting sabi niya, kinindatan niya ako at tinalikuran na.
Tangina? Ano siya gold?

Book Comment (41)

  • avatar
    PereiraLigia

    maravilhosooooooooooo

    27/04

      0
  • avatar
    Ki Kay

    Bitin hihi

    27/11

      0
  • avatar
    Jaz Mendoza

    Sobrng gndng basahin

    02/09/2023

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters