logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

"Bakit ngayon ka lang?" takang tanong sakin ni Riza, isa sa mga kaklase ko.
"May nakasalamuha akong parrot. Ang ingay." iritado kong sabi at umupo na sa pwesto ko.
"Late ka nu?" pag uusisa ni Riza.
"Obvious naman, Riza." seryoso kong sabi na nagpatawa sakanya.
Halos lahat ng estudyante rito ay ayaw sa mga mahihirap. Laking pasasalamat ko at nakilala ko si Riza. Ilang taon na din kaming magkaibigan.
Sa aming dalawa ay mas maganda si Riza, para sakin. Ang isa sa mga nagustuhan ko sakanya ay mas gusto niyang makipaglaro at magsaya kaysa sa bumili ng mga damit o bags sa mall. Mas matanda si Riza sakin ng isang taon pero mas matanda ako mag isip kaysa sakanya.
Ang maitim niyang buhok ay hanggang sa ibabaw lang ng balikat niya. Bumagay to sakanya dahil sa maliit niyang mukha. Medyo chinita din siya dahil isang half chinese ang tatay niya.
"Nakita mo ba si Prince Ryle?" kinikilig na tanong niya.
Napailing ako dahil sa tanong niya. Gusto kong sumuka dahil sa pangalan na binansag sakanya. Tanginang, kajejehan yan.
Isa pa, napakadaldal niya. Sigurado ako na ang lahat ng estudyante dito ay gusto siya dahil lang sa mukha niya. Ni hindi man lang nila napansin na bastos yun.
"Yung madaldal na walang awang pinarusahan ako? Yun ba? Oo, na meet ko siya at ang advice ko sayo. Wag ka nang umasa sa taong yun." nakangiting sabi ko sakanya.
"Alam mo, mukha kang demonyo." natatawang sabi niya. "Ayoko nga! Loyal ako sa crush ko, walang makakapaghiwalay samin." nakangusong sabi niya dahilan ng pag irap ko.
"Hindi ka na naman ba maglulunch?" biglang tanong ni Riza habang nililigpit ang mga gamit niya.
"Hindi. Busog pa naman ako." nakangiting sabi ko.
Gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na ako. Pero kailangan kong magtiis dahil kailangan kong mag ipon.
"O sige, una na ako." nakangiting pagpapaalam niya at umalis na.
Ako nalang ang naiwan dito sa room, ang lahat ay nasa cafeteria na at kumakain. Sa labas ako minsan kumakain pag may pera ako, minsan naman ay nadadala ako ng baon. Napakamahal ng mga pagkain sa cafeteria, parang hindi nila ako gustong pakainin.
Malalim akong bumuntong hininga at kinuha ang libro na nasa bag ko. Isa iyong romansa. Pinag ipunan ko ito dahil kakailanganin ko ito para pampalipas gutom katulad ngayon. Ilang beses ko na itong nabasa. Gusto ko mang bumili ng bago ay hindi na kaya ng pera ko, lalo na't kailangan ko pang magbayad sa ospital.
Habang nagbabasa ay may biglang marahas na pumasok sa room namin.
"Hindi ko talaga kaya, halika na." hinihingal na sabi ni Riza sakin na pinagtaka ko.
"Anong nangyari sayo?" natatawang tanong ko dahil talagang pinagpapawisan siya.
"Alam kong hindi ka na naman kakain. Alam kong gutom ka." seryosong sabi niya at tuluyan niya na akong hinila palabas.
"Uuyyy Riza! Ano ka ba! Okay lang ako! Ang tibay kaya ng sikmura ko." nakangiting sabi ko para kumbinsihin siya pero hindi niya ako pinapansin, nagpatuloy siya sa paghila sakin.
Nang dumating kami sa cafeteria ay marahas niya akong pinaupo sa isa sa mga upuan doon.
"Huy. Ano ka ba? Wag na." madiing bulong ko sakanya dahil maraming tao dito, pero inirapan niya lang ako at tinalikuran.
Para akong maiiyak ng iwan niya ko para kumuha ng pagkain. Nahihiya kong tiningnan ang buong paligid. Bakit parang nafefeel ko na tinitingnan nila ako kahit hindi naman talaga? Bahagya kong inayos ang buhok ko at umupo ng maayos. Ilang buwan na din akong hindi nakakakain dito.
Napatingin ako sa katabi kong lamesa. Nagpapakitaan sila ng mga gamit na nakuha nila sa mga boyfriend nila. Napangiti ako nang makita ang isang babae na napanguso. Napatingin ako sa harap niya at may isang bracelet doon na kulay ginto. Mukha yun lang ang binigay ng jowa niya.
Napailing ako, napakaganda na nun pero mukhang hindi pa sapat para sakanya. Mukhang mamahalin ang bracelet na yun kaya mukhang pinag ipunan at pinaghirapan yun ng jowa niya.
Mapait akong ngumiti at tumalikod na sakanila. Kung ako ang bibigyan ng ganoon ay siguradong tatalon ako sa saya. Ang problema sa mga tao ngayon ay mas tinitingnan nila ang mamahaling presyo ng mga regalo kaysa sa ganda at paghihirap na dinanas ng nagbigay.
Pinapangako ko na pag may kaya na ako ay hindi ako magiging katulad nila. Wala naman talaga akong ibang gusto kundi ang bigyan ng magandang buhay ang mga magulang ko. Mga magulang ko lang ang palagi kong iniisip at sisiguraduhin ko na mabibigyan ko sila ng buhay na karapatdapat nila.
Nakuha ng atensyon ko si Riza na ngayon ay paparating sakin habang dala dala ang isang tray na puno puno ng iba't ibang pagkain. Dahan dahan niya itong inilapag sa lamesa. Napatingin ako sa panibagong tray na puno na naman ng pagkain at inumin, nilapag iyon ng isang lalaki.
"Thanks Dave." nakangiting sabi ni Riza at kumindat ang lalaki sakanya bago ito umalis.
"Ang dami naman niyan. Gutom na gutom ka ba?" gulat kong tanong habang tinitingnan ang mga pagkain.
"Hindi ako ang gutom, ikaw." mataray niyang sabi at umupo na sa harap ko.
"Sobrang sobra to Riza." nahihiya kong sabi na inilingan niya.
"Kumain ka na." nakangiting sabi niya.
Nagsimula na siyang kumain. Ilang segundo kong tinitigan ang mga pagkain hanggang sa hindi ko nakayanan, nagsimula na rin akong kumain.
"Hi girls." sabi ng isang lalaki at walang pasabi itong umupo sa tabi ko.
Hindi ko iyon pinansin dahil wala akong oras sa mga ganyan. Bahala na si Riza sakanya.
"Rachel"
"Hoy"
"Psst"
Pagtawag sakin ni Riza, hindi ko na muna siya pinansin dahil umiinom pako ng iced tea. Habang umiinom ay tinaasan ko siya ng kilay, nagtatanong kung bakit niya ako tinatawag.
"Ni libre ka niya?" tanong ng lalaking nasa tabi ko kaya nilingon ko siya.
Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko nang makita si Ryle. Bakit siya nandito?
Ilang beses akong umubo bago siya hinarap uli. "Hobby mo ba talaga yan? Ang magpakita ng basta basta?" iritado kong sabi.
Kinuha ko ang tissue at pinunasan ang bibig ko.
He chuckled. "Sabi mo hindi ka kakain?" tanong niya.
"Nagbago isip ko." tipid kong sabi at bumalik na sa pagkain. "Tapos ka na bang kumain?" tanong ko na nagpangisi sa kanya.
"Concern ka na sakin? Oo kumain na ako." nakangiting sabi niya na agad kong inirapan.
"Pwes umalis ka na dito. Assuming ka." iritadong sabi ko.
"Ayoko nga." sabi niya while crossing his arms at lalo siyang dumikit sakin.
"Ano ba?" iritadong sabi ko bago ako lumayo sakanya.
"Ano ba?" panggagaya niya sakin at umusog na naman siya papalapit sakin.
Aba't tarantado to ha!
"Umalis ka na nga!" iritadong sigaw ko sakanya at bahagya ko siyang tinulak.
"Umalis ka na nga!" sigaw niya rin at pabirong tinulak ako.
Malalim akong bumuntong hininga. Unti tuni nakong nauubusan ng pasensya.
"Ano ba?! Nakadrugs ka ba?!" galit kong singhal sakanya.
Ang kulit!
"Hey! Ang judgmental mo." nakangusong sabi niya na nagpangiwi sakin.
Bakla talaga.
"Wag kang ngumuso, nakakadiri." nakangiwing sabi ko.
"Wag kang ngumuso, nakakadiri." pagsunod niya.
Kinuha ko ang tinidor at tinutok ko ito sakanya. "Tumigil ka." madiing sabi ko.
Kinuha niya ang tinidor ni Riza at tinutok din sakin. "Tumigil ka." nakangising sabi niya.
"Aba! Hindi ka talaga titigil?" iritadong sabi ko habang tumatayo at malakas na hinampas ang lamesa.
Tumayo rin siya at hinampas ang lamesa. "Aba! Hindi ka talaga titigil?" galit galitan niyang sabi.
"Manggagaya." naniningkit mata kong sabi sakanya.
"Manggagaya." nakangising sabi niya.
Kinindatan niya ako at tinalikuran.
"Bakla." mahinang sambit ko.
Ganon ba ang presidente ng paaralan na ito?! Bastos, parrot, bakla, at manggagaya?
Umiling ako at muling umupo.
"Hindi mo man lang sinabi na close na pala kayo." natatawang sabi ni Riza.
Umiling ako at binalik ang tinidor ni Riza sa plato niya.
"Nakakainis." naiiling kong sabi.
"Akala ko ba ay mahaba ang pasensya mo, Rachel? Anong nangyari?" panunukso ni Riza.
Malalim akong bumuntong hininga. Hindi ko din alam. Hindi ako mabilis magalit. Baka sadyang nakakairita lang yung lalakeng yun.
"Balita ko ay galit daw yun sa mga taong pinaparusahan niya. Nagtaka nga ako kung bakit siya umupo sa table natin eh, pareho naman tayong may bad record sa notebook niya." bulong niya.
"Baka para inisin ako." kibit balikat kong sabi.
"Bibili ako ng glass mamaya para may malagyan to." biglang sabi ni Riza kay taka ko siyang tiningnan.
Kunot noo ko siyang tinitingnan na ngayon ay yakap yakap ang tinidor na hinawakan ni Ryle kanina. Bumuntong hininga ako at umiling. Wala na siyang pag asa.
Dahil sa gutom ay naubos ko ang lahat ng pagkain sa isang tray.
"Ubusin mo na yan." sabi ko habang pinupunasan ang bibig.
May dalawa pa kasing tray.
"Busog na ako." nakangusong sabi niya.
"Eh paano yan?"
"Iwan nalang natin yan, tara!"
"Iiwan mo yan?!" gulat kong sabi.
Ang sayang naman.
"Wala na namang kakain niyan." tamad niyang sabi.
"Meron pa." sabi ko at tinalikuran siya.
Pumunta ako sa counter para kumuha ng plastik. Nang bumalik ako ay agad ko iyong inilagay sa loob ng plastik. "Para matikman ng nanay at tatay ko ang mga ganitong pagkain." nakangiting sabi ko.
"Bakit hindi ka na lang sa public school mag aral? No offense, ha. Pag doon ka mag aaral, makakakain ka ng maayos." malungkot na sabi niya.
"Ewan ko nga ba sa tatay ko." natatawang sabi ko.
Bakit nga ba niya ko pinaaral dito. Ang pagkakaalam ko ay malaking halaga ang kakailanganin para makapasok sa paaralang ito. Hindi sapat ang sweldo ng mga part time jobs ni tatay para makabayad. May iba pa ba siyang trabaho? O meron siyang ibang pinagkukuhanan ng pera?
Naging mahaba ang discussion ni sir Canyo dahilan kung bakit ako tumatakbo ngayon.
"Sorry"
"Padaan please"
"Pasensya na"
"Nagmamadali lang."
Sabi ko habang tumatakbo, ang daming tao.
Nakita ko pa si Ryle na may sasabihin sana sakin pero hindi na natuloy dahil nilagpasan ko siya. Wala ako sa mood ngayon para makipaglokohan.
Dali dali akong pumasok sa back door ng coffee shop na malapit dito sa school.
"Late ka na naman." tamad na sabi ni Roy, ka trabaho ko dito.
3pm kasi ang uwian namin at saktong 3pm din ang shift ko dito.
"Pasensya na." nakangiting sabi ko.
Pumunta ako sa locker room, kinuha ko ang uniform ko dito sa coffee shop at pumunta na sa cr para magbihis. Ito ang ginagawa ko kada uwi ko galing sa university, nagtratrabaho ako para matustusan ang mga kailangan ko.
Hindi ko na kasi gusto mahirapan pa si tatay lalo na't may sakit siya. Grade 7 palang ako ay nagtratrabaho na ako dito habang si Roy naman ay siguro grade 6 pa ay nandito na kumakayod, college na siya ngayon.
Hindi alam nila nanay at tatay na nagtratrabaho ako ng ganito dahil alam kong kukunin lang ni nanay ang pera ko at hindi ako papayagan ni tatay magtrabaho.
Ang pangalan ng coffee shop na ito ay Tulips Coffee Shop ito daw kasi ang paboritong bulaklak ng asawa ng boss ko na matagal nang pumanaw. Sa unang araw kasi ng pagtuturo kung paano gawin ang mga gawain dito sa coffee shop ay kinekwento ni boss ang love story nila kaya lahat ng trabahante dito ay alam ang napakagandang storya nila.
Ang coffee shop na ito ay mukhang garden, ang mga walls ay well painted, maraming mga tulips na nakapinta doon at ang nasa gitna ay isang babae at lalakeng nakatanaw sa lumulubog na araw at sigurado akong si boss iyon at ang asawa niya.
Nang matapos ako sa pagbihis ay agad kong kinuha ang tray na may dalawang cappuccino, waitress ako pero minsan ay ako ang cashier.
"Table?" tanong ko kay Roy.
"5" tipid niyang sabi at agad ko itong sinunod.
"Here's your order." nakangiting sabi ko habang nilalapag ang dalawang cappuccino at as usual, hindi nila ako pinapansin.
Para sa mga mayaman kasi ang coffee shop nato, malapit lang kasi ito sa Neurelia University kaya lahat ng mga mayayaman na estudyante doon ay pumupunta dito. Halos lahat ng costumer dito ay puro maattitude, minsan na nga ako pinagalitan dahil wala daw kaming salamin dito, hindi daw siya makaretouch. Grabe.
"Nandiyan na sila" bulong sakin ni Roy kaya agad akong lumingon sa pinto. Nalaglag ang magkabilang balikat ko nang makita ang tatlong lalakeng kinatatakutan ko. "Ikaw na ang mag-asikaso tutal late ka naman." mataray na sabi ni Roy.
Kilalang kilala silang tatlo dahil sa yaman at mukha nila. Kahit ako ay nagwagwapohan sakanila.
"Ang daya mo." iritadong bulong ko sakanya at inirapan niya lang ako.
Dumiretso ako sa pinaka dulong upuan na sinadyang lagyan ng "Reserved" para sa kanila.
Kinakabahang pumunta ako sakanila dala dala ang menu. Ilang beses ko naman na silang pinagsilbihan pero hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil isang mali ko lang ay talagang masisibak ako, hindi lang sa trabaho pero sa university na rin.
"Menu sir." pilit ngiting sabi ko at binigyan sila ng menu.
"Hot brown coffee, please." nakangiting sabi ni Tyros at agad akong tumango at inilista iyon sa maliit kong notebook.
Si Tyros ang pinakagusto ko sakanila. Kung siya ang prinsipe ng University ay siguradong matatanggap ko iyon. Napakabait niya sa lahat at mahilig din siyang tumulong sa mga mahihirap.
"Cheesecake." walang emosyong sabi ni Nathan.
Dito talaga ako sobrang kinakabahan. Kada punta niya dito ay hindi talaga siya nagpapakita ng emosyon. Minsan, nakita ko silang nagtatawanan sa isa't isa pero nang dumating ako ay agad niya iyong binura.
"Brown coffee din." nakangiting sabi ni Zach.
Sa kanilang tatlo ay si Zach ang pinakamakulit at maingay. Kilala din siya dahil naging jowa niya si Natashia, sikat sa university at pinsan din siya ni Nathan. Pareho silang mabait ni Tyros, si Nathan lang talaga ang pinaglihi sa bagyo.
"Alright sir."
Agad kong sinabi kay Michael ang order nila, siya ang gumagawa at naghahanda ng mga order habang si Betty ang cashier ngayon, bukas ay ako na naman ang cashier at siya na ang waitress.
"Ito." pinapawisang sabi ni Michael habang nilalapag ang tatlong order sa tray.
Ganito talaga kami pag pumasok yang tatlong yan dito.
"Sige salamat." pilit ngiting sabi ko at lumakad na papunta sa grand table ng tatlo.
"Your orders." pilit ngiting sabi ko at maingat na nilapag ito.
"Thanks."
"Thank you."
Nakangiting sabi nila Tyros at Zach habang si Nathan ay agad nang kinain ang cheesecake.
"Welcome." tipid kong sabi at tinalikuran na sila.
Nang nasa counter nako ay agad akong bumuntong hininga.
"Kalma" mahinang bulong ko sa sarili at bumalik na sa trabaho.
3pm ang labas namin sa klase at tatlong oras akong magtratrabaho dito. 7pm na ako makakauwi sa amin. Nang natapos na ako ay agad akong pumunta sa office ng boss namin.
"Come in." boses ng boss namin kaya agad kong binuksan ang pinto at nakita ko doon si boss Carl na maayos na nakaupo sa swivel chair niya.
"Rachel? Uuwi ka na diba?" tanong niya pagkatapos tingnan ang relo.
Mabait naman ang boss namin pero hindi lang talaga niya maiwasang pagalitan kami pag may problema.
"Opo sana." magalang kong sabi.
"Anong kailangan mo?"
"Hihingi po sana ako ng pabor." pilit ngiting sabi ko.
"Go ahead." nakangiting sabi niya.
"Pwede ko po bang kunin ang sahod ko para sa susunod na dalawang buwan?"
"Saan mo naman gagamitin to?" takang tanong niya.
Ngayon lang ako humingi ng pabor sakanya. Sana ay mapagbigyan niya ko.
"Inatake po kasi sa puso ang tatay ko kahapon, kailangan ko pong magbayad sa ospital." nakayukong sabi ko.
Ilang beses akong nagdasal sa isip ko na sana pagbigyan ako.
"O sige pero okay lang ba kung magtrabaho ka dito pag lunch din?"
Lunch?
"O sige po." wala na akong pakealam kung ako ang maghirap basta mabayaran ko lang ang pang ospital at mga gamot ni tatay.
"Maliit lang kasi ang nagtratrabaho dito paglunch pero wag kang mag alala, tataasan ko ang sweldo mo." nakangiting sabi niya.
"Salamat po." masayang sabi ko.
"Walang anuman, malakas ka sakin." nakangiting sabi niya sabay lahad sa kamay niya.
Agad ko itong tinanggap.
Naglalakad ako ngayon papunta sa barangay namin para kumuha ng tricycle para mas mabilis akong makapunta sa ospital, binigyan kasi ako ng kaunting pera ni boss Carl kanina.
"Rachel! Sali ka!" sigaw ng tambay doon na naglalasing.
"Wag na po! Baka pagalitan ako ng nanay ko!" pilit ngiting sabi ko at binilisan ang paglalakad.
"Sige na!" nagulat ako nang may marahas na hinila ang kamay ko.
"Ano ba?!" galit kong sigaw sabay bawi sa kamay ko.
"Bakit hindi mo ako kayang sagutin? Ha?!" sigaw niya.
Nanliligaw siya sakin kahit ilang beses ko na siyang hinindian.
"Hindi kita sasagutin kahit kailan!" malakas na sigaw ko at tumakbo papalayo.
Nang lumingon ako sa likod ay nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang hinahabol ako.
"Rachel! Bumalik ka dito!" malakas na sigaw niya sakin.
"Lubayan mo nga ako!" sigaw ko pabalik sakanya pero napahinto ako nang bahagya niyang hinila ang braso ko at malakas niya kong tinulak sa pader.
"Ano bang inaarte arte mo ha?!" galit niyang sigaw habang nanlalaki ang mapulapula niyang mga mata.
"Bitawan mo ako." madiing sabi ko.
Tumaas ang balahibo ko nang pilit niya akong hinahalikan.
"Ano ba?!" malakas na sigaw ko habang hinahampas siya.
Pilit kong iniiwasan ang mga halik niya kaya dumadapo ito sa leeg ko.
"Tulong!" malakas na sigaw ko at nagulat ako nang may humila sakanya papalayo sabay suntok sakanya ng malakas at dahil lasing siya ay agad siyang nawalan ng malay.
Tiningnan ko kung sino iyon at lalo akong nagulat nang makita si Ryle.

Book Comment (41)

  • avatar
    PereiraLigia

    maravilhosooooooooooo

    27/04

      0
  • avatar
    Ki Kay

    Bitin hihi

    27/11

      0
  • avatar
    Jaz Mendoza

    Sobrng gndng basahin

    02/09/2023

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters