logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

AT THE RESTAURANT

Pinark ko ang kotse nang makarating sa The Heirloom restaurant kung saan kami magkikita ng mga kapatid ko. Pumasok ako at hinanap ang table na nireserve ko para sa amin. May nag-assist sa akin papunta sa table at nakita ko ang pagkaway sa akin ng dalawang babae.
    "Robin, here." Sigaw ng isa na maikli ang buhok.
Lumapit ako sa kanila at dinambahan ako ng yakap.
    "Oh my ghad! We miss you so much, Robin."
Napangiti ako habang nakatingin sa kanila. I miss them so much. Ilang linggo ko rin silang hindi nakikita.
    "How are you guys?" I asked them.
    "I'm so happy, I mean we, because you invited us to lunch with you. Namiss kita Robin. Balik ka na sa SU."
Natawa ako sa mukha ni Vivi kasi para siyang nagmamakaawa. Even Nami, natawa rin. They're my best friend since birth. Sila yung kinuwento ko na naiwan ko sa SU.
    "But, where--"
Naputol ang dapat na itatanong ni Nami nang magring ang phone ko. I'm smiling when I saw the caller ID.
    "Hey baby! Where are you?"
    "Ate, on our way na po. Tagal po kasing nagshopping ni ate Ruth, tapos po si Kuya John he played at the arcade and we waited for him after he finished playing basketball."
Natawa ako sa kapatid kong bunso dahil nagsusumbong na naman po siya na baka ay mapagalitan ko.
     "It's okay baby, I can wait naman so you don't need to hurry. Just take care, together with your ate and kuya. Hihintayin ko kayo rito."
     "Okay po ate Robin. We'll be there in 5 minutes. I love you ate."
I smiled sweetly and replied. "I love you more."
I hang up the phone.
     "So where are they? Namimiss ko na rin kasi yung mga yun." Vivi asked me.
     "On their way na raw. They will arrive in 5 minutes so we'll wait."
     "You know what Robin, marami tayong pagkukwentuhan. We need to catch up things especially about Vivi. May lovelife na siya." Kinikilig pa si Nami habang sinasabi niya ang salitang 'lovelife'.
     "Really?" Pang-aasar ko kay Vivi na ngayon ay pulang-pula ang pisngi.
     "Make it kwento to Robin, Vi." Pagpipilit ni Nami kay Vivi.
     "Shhhh. Can you at least zip your mouth sometimes if it's needed. Binuking mo ako kay Robin kahit it's not true baka maniwala pa yan." Pagtatanggol niya sa sarili.
Halatang defensive ang kaibigan ko masyado. Hindi raw totoo pero pulang-pula ang pisngi nito. Napailing nalang ako sa pagiging defensive nito. Nagbabangayan pa ang dalawa kaya natawa ako habang tinitingnan sila na nagtatalo.
     "Nami kasi, stop spreading a fake news."
I was about to stop them from their nonsense fight but someone did it for me. And everyone is shocked because of what happened in the other table.
     "What the hell? Paano ka nakapasok dito? You ugly-dirty and smelly creatures." Diring-diring sabi ng babae sa isang bata na madungis at mukhang nakakaawa.
     "Ma'am, gusto ko lamang po humingi ng pagkain dahil nagugutom na po ako at ang mga kapatid ko kahit iyong tira niyo nalang po." Pagmamakaawa nito sa babae at hinawakan ang kamay.
Bigla akong napatayo nang itulak niya ito at natumba.
     "What kind of restaurant is this? Paano nakapasok ang madungis at mabahong bata na ito rito? Where's the security?" Nagsisigaw ito na parang nanakawan ng pera.
I hate this kind of person, mapagmataas masyado dahil lang sa mapera sila.
May lumapit na security guard at waitress sa kanila. Tinulungang makatayo ng waitress iyong bata bago hinarap ang babae.
     "What are you doin'? Why are you helping that creature? Just drag it outside because he's smelly. I can't take the smell anymore. Mawawalan ako ng apetite sa kakainin ko."
I'm pissed. I want to punch that lady's face at palayasin sa restaurant na ito.
     "I'm sorry Ma'am but we are not allowed to throw out any person inside this restaurant."
     "What?! Are you fucking serious? And who the hell told you that?" She's angry and I can feel it.
     "That is the rule here, Ma'am. I'm sorry for the inconvenience. I'll---"
Nagulat ako sa ginawa ng babae sa waitress. She just slapped the waitress.
    "I want to talk the manager or the boss. I want you, fired." Duro niya sa waitress at kita ko paiyak na ito. "And you," Baling niya sa bata na nakatago sa likuran ng waitress. "Umalis ka rito bago pa kita ipahuli sa DSWD." Singhal nito sa bata.
Hindi na ako makatiis sa nangyari kaya lumapit na ako. Hindi naman ako pinigilan ng dalawa kong kaibigan, gusto pa nga sumama e, pero pinigilan ko.
    "Excuse me." Singit ko.
Bumaling ang tingin nila sa akin. Iyong waitress ay halatang gulat na gulat sa nakita pati na rin ang guard.
    "And who are you? Are you the manager?" Salubong ang kilay na tanong nito.
    "No."
   "Hindi naman pala eh, so why--"
I cut her off.
I hate her face. I hate her attitude. I hate everything about her. I'm not judgmental but I don't really like her guts.
    "Shut up Miss. I don't care if I'm not the manager here pero hindi ko gusto ang ginagawa mo. You're hurting the waitress physically, especially the child." Magsasalita sana ito but I didn't let her. "You have no rights to hurt anybody inside my territory."
Gigil na gigil akong palayasin ang babaeng 'to, akala mo kung sino. She's beautiful but her attitude is opposite from what we see in the outside.
Napatawa ito. "You're territory? This restaurant is yours? Talaga lang huh?"
Hindi ko na siya pinansin pa dahil napansin ko ang batang mukhang nanghihina na. Nilapitan ko ito at pinantayan.
    "Okay ka lang ba?" I sweetly asked him.
    "Ate, please po. Gutom na po ang dalawa ko pong kapatid. Kahit tirang pagkain lang po ay okay na po kami dun." Nakangiti ito sa akin and I can't help not to smiled back.
Tumayo ako at hinawakan ang kamay nito.
    "Mang Alex, please assist this lady outside. I don't want to see her face ever again inside my restaurant." Seryoso ko siyang tiningnan.
Namumula ang mukha niya sa galit.
     "Are you nuts? Do you know who I am?" Turo niya sa sarili niya and I just shrugged. "I am the daughter of Albert Chu, the owner of Chu Corporation. And I will destroy this fucking restaurant. You'll see, you will regret for treating me like this."
    "You're threatening me, aren't you?" Natawa ako. "Sa tingin mo matatakot ako sayo just because you are the daughter of Mr. Chu." Lumapit ako sa kanya at tumingkayad dahil mas matangkad ito sa akin. And I think, I knew her. "You don't know who you were dealing with. Hindi mo ako kilala and you don't know the things that I'm capable of, Miss Chu. You better leave this place before I'll destroy you, your family and your company that you proud of in just a snap. Don't try me."
Lumayo na ako sa kanya at nakita ko ang pamumutla nito. She don't know about me so she better back off before I reached my limit.
Dali-dali itong lumabas at halos magkanda-kanda-dapa itong nagtatakbo palabas. Nilingon ko ang waitress na nasaktan kanina.
    "Joan, I'm sorry for the trouble." Paghingi ko ng paumanhin.
    "No need Miss, I should be the one who'll say sorry for the trouble that I've caused. Hindi ko po nagawa ng maayos ang trabaho ko. I'm really sorry Miss." Yumuko pa ito.
    "Okay lang. It's not your fault. Lagyan mo nalang ng cold compress ang pisngi mo." I smiled.
    "Yes Miss. Thank you." Ngumiti lang ako bilang tugon.
Tumingin ako sa mga taong nandirito sa loob ng restaurant na ngayon ay nakaupo na sa kanilang upuan but I was surprised when I laid my eyes on the person that looking at me right now.
Damn.. What is she doin' here?
Of course, this is a restaurant afterall. Pero bakit dito pa sa restaurant na 'to. Hindi ko inaasahan na nandito siya sa loob ng restaurant na pagmamay-ari ko. Wala pa naman akong nakikita na taga-HU na pumupunta dito even this restaurant is famous, lalo na kung siya.
Bakit parang kinakabahan ako na ewan? Is this because of the lady looking at me intently right now.
That professor!
Umiwas ako ng tingin dito.
    "Ahm.. I'm sorry for the inconvenience that happened a while ago. Please, continue your lunch and I will give you all a desert for free in exchange of the scene that you've just witnessed. Excuse us."
Lumingon ako sa dalawa kong kaibigan na nakatingin sa akin ngayon. I smiled at them and giving my I'll-be-right-back-look and they understand me.
Tumalikod na ako at pumunta sa second floor where my office located nang hindi binalingan ang tingin sa table ng professor ko.
Hawak-hawak ko pa rin ang bata at isinama ko papuntang office baka ano na naman ang gawin ng mga tao sa kanya. There's a lot of judgmental people in this world.
Pagpasok ko sa office na hindi naman kalakihan at tama lang para sa akin kapag dumadalaw ako rito at tuwing chinicheck ang restaurant.
Pinaupo ko ang bata sa sofa.
     "Hi! Ako nga pala si ate Nics. Ikaw? Anong pangalan mo?"
Nagdadalawang-isip pa ito kung sasagot o hindi. Natawa naman ako dahil ang cute ng reaction niya nang tumunog ang tiyan nito.
     "Sorry po, gutom na po kasi ako." Nahihiya niyang sabi.
     "No need to be shy. Here, I got a food for you."
Binigay ko sa kanya ang pagkain na nakalagay sa mesa ko na kakainin ko dapat mamaya. Kinuha niya ito na may pag-alinlangan.
     "Salamat po ate N-Nics. "
     "See, you're gwapo naman pala if you're smiling like that. Do it often para gwapo ka palagi."
     "Pasensya na po kayo pero hindi ko po masyadong naintindihan ang sinasabi niyo po."
     "Sabi ko, ngumiti ka lang palagi para makita nila kung gaano ka kagwapo." Puri ko sa kanya.
Hindi naman siya mabaho eh pero madungis nga lang.
     "Gusto mo ba dalhan natin ang mga kapatid mo? For sure, gutom na sila ngayon."
Lumaki ang ngiti sa labi niya dahil sa narinig niya.
     "Talaga po? Pwede ko pong dalhan sila ng pagkain?"
     "Oo naman, pwedeng-pwede."
Napayakap ito sa akin, nagulat naman ako sa nangyari pero niyakap ko siya pabalik. Masaya ito habang pababa kami ng hagdan.
Doon ko lang naalala na may lunch date pala kami ng mga kapatid at kaibigan ko nang mabungaran ko sila sa baba and it seems they've waited me to come down from my office.
     "Ate Nico." "Ate Robin." "Ate Jane."
They said in unison. Lumapit sila sa akin at kumiss sa pisngi ko isa-isa.
     "Kanina pa kayo dumating?" I asked them.
Natagalan kasi kami sa taas ni Rico. Rico is his name while her two sisters are Rica and Riva. Cute eh, rhyme and it starts with letter R.
     "Kani-kanina lang po. Ate Nami and Ate Vivi told us about what happened here." May halong pag-aalala sa boses ni Gwyneth.
     "Ate Robin, you alright? Are you hurt?" My babe asking me. Napangiti naman ako.
     "Of course not baby, you know ate and I can handle myself."
Upo ko para pantayan siya at hinalikan sa pisngi bago kinurot ng mahina.
     "Ate, you want me to handle that lady for you."
Tumayo ako at pinitik ang noo ni Lourd dahil sa sinabi niya.
     "Anong handle-handle? Gusto mo ikaw ang ihandle ko?" I raised my eyebrow at Lourd.
     "Joke lang naman ate Nico. I'm just worried about you, what if balikan ka nun na may kasamang resbak?"
     "I can handle myself Lourd. Don't do such a thing na ikakapahamak mo. Understand?"
    "Yes ate."
    "Good. And oh by the way, I want you all to meet someone."
Umusog ako ng kaunti para makita nila si Rico na nagtatago sa may likuran ko. Mukhang nahihiya sa mga kapatid ko.
     "Who's that boy ate?" Lourd.
     "He's so madungis po ate but he's not smelly ah." Gwyneth.
     "Hi I'm Lovely. What's your name? We can be friends."
Napangiti ako habang tinitingnan sila na nag-uusap. Mabilis nila itong nakasundo dahil mabait na bata si Rico kaya nga magaan din ang loob ko sa kanya.
     "I'm so glad that you're fine."
Binalingan ko ng tingin si Vivi at Nami na nasa tabi ko na pala.
     "Thank you. Malakas lang loob ko dahil nandun kayo nakabantay sa akin. You know me, I can't do such a thing like that because I'm afraid to show my emotions to others." Seryoso kong sabi.
     "No, it's not. We know that you can handle yourself in every situation that you might face because you are strong. Strong enough para maitaguyod mo ang mga kapatid mo, lalo na ang kumpanya na iniwan ng mga magulang mo sa iyo."
Napatingin ako kay Nami. I was surprised when she said those words to me. Hindi naman talaga ako malakas at matapang. But when my parents died, I felt like I need to be strong and independent for my siblings so we can survive and go forward to our life.
Mahirap para sa amin, lalo na sa mga kapatid ko ang nangyari because of the tragedy that happened to us. We lost our parents in the very young age. Sobrang hirap mag-adjust but we need to.
My two best friend tried not to make it obvious but sometimes I can see them watching me carefully. They treat me like a fragile glass that might break any moment.
And I was really thankful for having them in my life.
Wala akong iniisip na iba kundi ang mga kapatid ko at mga naiwan nila Papa at Mama na business. Lovelife? Hindi ko pa naman kailangan yan pero kung tumibok itong puso ko, then I let myself to fall in love and let my heart to go with the flow.

Book Comment (23)

  • avatar
    EncaMhoctar

    very nice planning to have and get more big opportunities

    18d

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    ang ganda po graveh napaka iyakin ko haha

    27/07

      0
  • avatar
    Mike Gulam

    it's nice story

    31/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters