logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

"Anong gagawin mo sa Sorsogon?"
It's been 5 years now.Yes,Five years since I lost my family.Narito ako sa Quezon which where my company was.Tumawag ako kay Pen para sabihing uuwi ako pero mukhang pipigilan pa ako ng isang 'to.
"I never visited that place since that year so.."
"Tapos?"nahihimigan ko ang hindi niya pag-sang ayon.
Umirap ako doon.Minsan talaga hindi ko siya maintindihan.May mga araw na tumatawag siya para sabihing umuwi raw ako dahil gusto niya akong makita.She even told me na dapat kong bisitahin ang mansyon dahil matagal na iyong nakatengga at walang laman.Ngayon naman parang ayaw niya.
I open the door of my Porsche Cayman.I named it Boni dahil iyon ang pangalan ng tauhan na nakausap ko na sobrang galing magpakilala ng sasakyan.I was 18 years old that time.Pagkatapos kong makakuha ng lisensya bumili agad ako nito.
"Come on..hindi mo hawak ang buhay ko."
"Kung hindi pala,e bakit mukha kang nagpapaalam saken?Anak ba kita?"
"Siraulo ka.Hindi ako nagpaalam sayo,Pen sinasabi ko lang.Bahala ka nga!"
I was about to end the call nang mauna na siyang pumutol ng tawag.Problema n'on?
Sumakay ako kay Boni at pinaharurot iyon papunta sa condo ko.Kanina lang galing ako ng Del Mundo Corp.I just spend time checking paperworks and the computer in front of me.Then bumaba ako para kumain and go back again to my office.I got bored so,naisip kong magbook na ng ticket.
That place was so special to me.Nang iniwan ko ang lugar na iyon sinama ko ang lahat ng alaala saakin.Penelope told me to leave all of those behind and seek for comforts without it.Pinilit kong kalimutan ang lugar na iyon habang nagluluksa ako sa pamilya ko.Pero habang ginagawa ko iyon all I think about was to be back.
Bumaba ako ng sasakyan at dumeretso kung saan kukuha ng ticket.Bahagya pa akong natitigilan habang ginagawa ko iyon.Huling punta ko rito ay noong umalis kami ni Pen.Tatlong linggo matapos mailibing ng pamilya ko.Bumabalik saakin lahat  kung paano ako humagulhol habang nasa harap kami nung babae.Kahit gaano ko pala ipilit sa sarili ko na kalimutan ang isang bagay na nanakit saakin,there's always a time for it to be remembered.
After I got the slip ay bumalik agad ako ng sasakyan.Hinilig ko ang sarili sa backrest at napapikit ng mariin.Should I use the chauffeur instead?Para kaseng hindi ko kakayanin.
I liked being in a humid places.Tunog ng dagat at buhos ng ulan.I like seeing the wind blowing the leaves of massive trees.I like all of it.Pero ngayon hindi ko ito gusto.I don't like seeing the streets getting wet by that stupid rain.Ayokong nakikitang nahuhulog ang mga dahon mula sa mga puno dahil sa lakas ng hangin.Ayoko na nababasa ako ng ulan.
I don't know what comes to my mind for me to hate those normal phenomena.Basta ayoko.Naiinis ako.Nagagalit ako.Na kahit sobrang lamig nito kapag tumatama sa katawan ko nag-iinit ang loob ko.
"Wag mong sabihin na hindi ka pa rin maliligo?Come on,tara doon sa labas!Masarap maligo sa ulan!"
Naririnig ko palang ang salitang 'maligo' at 'ulan' automatic saakin na umayaw.Iyon nga ang ginawa ko.Paulit-ulit akong umiling kay Vernon kahit na pilit nya akong hinihila para lumabas ng balkonahe.
"Ano ba?!Ayoko!" I told him pero mukhang mas ikinatuwa nya pa iyong marinig.Mas pinilit nya lang ako kahit na nagsasalubong na ang kilay ko sa inis.
"Vernon ano ba?!Ayoko nga sabi!"I told him again pero tumawa lang siya.
He's stupid.Hindi nya ako tinigilang hilahin palabas.
"Vernon!"
He is already wet on his body and hair.Bumaba ang buhok nya abot sa kanyang kilay kaya iniangat nya iyon gamit ang pagsuklay ng kaliwang kamay.His right hand is still holding my pulse,trying to wet me mula sa ulan na tumutulo sa bubong.Panay naman ang iwas ko at pilit na nakikipaghilahan sakanya.
Gamit ang isang kamay ay tinapunan nya ako ng tubig ulan sa mukha.Napapikit ako at agad na napaawang ang bibig.Dahil doon matagumpay nya akong nadala sa labas.I got wet and there's nothing I can do but to stay still kahit na noong binitawan nya ako para magtatakbo sya doon sa pagitan ng dalawa naming sasakyan.
I heard Penelope's laugh mula sa loob.Pinapanuod ata kami habang may hawak siyang libro at ballpen.
"What?You'll just stand there?"he then chuckled kaya mas lalo akong nainis sakanya.
Nagmamadali akong umikot para pumunta sa likuran ng mansyon.Basang basa na ako ng ulan kaya hindi ako pwedeng dumaan sa main door.Hindi pa man ako nakakaliko ay may humablot na sa braso ko.Alam kong siya iyon.
Inis kong tinampal ang kamay nya at galit na hinarap siya.He was shocked to see me looking at him in that way.Gusto ko siyang tadtarin ng buhay!
"Anong problema?"he asked.
"Gago ka ba?I told you ayokong maligo!" I hissed.
"I just want you to have fun,Niña.Palagi ka nalang nagmumukmok sa loob at ngayon ka lang lumabas ng balkonahe.Masama bang yayain kita?"may pagsilay pa ng ngiti sa labi nya ng sabihin nya iyon.
Ayoko ng makipagsagutan pa sakanya.Mas naiinis lang ako lalo dahil sa mga ngiti nya.Am I a joke to him?Nakakatawa bang sabihin ko na ayokong maligo sa ulan?
Tinalikuran ko siyang muli at deretsong lumiko ng back door.Nakasunod pa rin siya saakin at sabay pa kaming inabutan ng tuwalya ng dalawang maids na sumalubong saamin.Hinayaan ko lang ang tuwalya sa balikat ko at tuloy lang ako ng lakad para pumanhik sa taas.Dahil sa pagtulo ng tubig mula sa katawan ko pababa ng tiles bigla nalang akong nadulas.Akala ko tatama ang pwetan ko sa lapag pero may isang kamay na pumigil doon.
Nanlalaki ang mata ko at dali daling umayos ng tayo.Hinarap ko siya and he's looking at me without any expression in his face.As if it is normal for him to touch woman's butt.
"Wipe yourself first--"
"Tumigil ka!"sigaw ko na lumagom sa tahimik na mansyon. "Manahimik ka pwede ba?Wag mo akong sundan at wag mo na rin akong kakausapin!"
Natulala siya saakin.Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot.Deretso ako para umakyat ng kwarto ko.Pagkapasok ko ay marahas kong binalibag ang pinto sa likod ko.Naligo agad ako sa shower at nagbihis.After that umiiyak akong sinalampak ang sarili sa kama.Hindi ko alam kung anong iniiyakan ko pero hindi ko naman naiisip sila mama.Ewan ko basta buong araw ay nasa loob lang ako ng kwarto and I never think of going down to eat.I just don't want to do anything.
"Uuwi ka talaga?"she asked me again as if she didn't hear my answer kanina.
Tiningnan ko siya. "Oo nga.Bakit ba parang ayaw mo?Or gusto mo lang sumama?"
I raised my brows at her habang nililipat ko ang pahina ng hawak kong folder.Bumalik agad ako ng office after kong magbook ng ticket.Mamaya mag-papack na ako ng gamit para kinabukasan ay makaalis na ako.
"And the company?"
"That's the reason why ayaw kitang sumama.I will leave the management to you habang nasa Sorsogon ako.And I'm not going there just to have vacation.Remember the foundation?"
Tumango siya while sitting comfortably in the sofa sa gilid ng table ko.
"Itutuloy mo pala 'yon?"she asked.
"Hmm..I have decided since Typhoon prone ang Bicol,why not?"
"Magtatagal ka pala doon?How many months?"
"I don't know,Pen.Just tell me if there's something I need to know about the Company."
"Hindi mo ba pwedeng iwan ang kumpanya sa Secretary mo?I mean,mapagkakatiwalaan naman siya diba?"
Kunot noo ako ng binalingan ko siya. "Can't I trust you?"
"You know that you can.."she answered still looking at me.
"Then,do you want me to trust her more than you?"
"Hindi!"mabilis na sagot nya.
Tumawa ako. "Eh ano?"
"This is not about trust issues you bitch!Hindi mo ba alam?"she asked me.
"Alam ang alin?" I put my attention back to the papers at agad pinirmahan iyon.
Kanina pa ito dumating sa mesa ko.Bago pa man ako pumasok nasa loob na si Pen binabasa ang ilan doon.I even told her to sign it for me pero ayaw nya.
"Requejo's are back from the states.."
Noong una ay pawang hindi ko iyon narinig.Pero pagkatapos non ay agad akong napaangat ng tingin sakanya.
"Sino?"gulat na tanong ko.
She smirked. "Gulat ka?Yung humawak ng--"
Binato ko siya ng hawak kong ballpen para hindi nya ituloy ang sinasabi.Bumaling ako sa pinto sa harap.
"Baka may makarinig sayo!"I hissed.
Humalakhak siya. "What?I'm just going to say that--"
Pinanlakihan ko siya ng mata.This bitch!Paano nya nalaman yon?All this time she's there watching us?Bakit hindi nalang siya ang pumigil sa pagkadulas ko?Hinayaan nya pang mahawakan...
Inirapan ko agad siya.
The Requejo's are my mom's family friend.Tasia Requejo is my mama's bestfriend since Elementary.Nang pumunta siya sa mansyon sya ang ang pinakaumiyak.Hindi nya iniwanan ang katawan ni mama doon habang ako hindi ko iyon matiis na tingnan.
When I talked to her she's hurt so much.Kahit hindi umiiyak may tumutulong butil ng luha sa mata nya every second she was in our mansion.Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng magulang pero hindi ko alam ang sakit na naidulot nito sakanya.She was too kind and sweet.
I met their only son,Verius Anton Requejo.Siya itong nakasama kong magpalipas ng gabi sa harap ng fountain bago ang libing kinabukasan.He was a bit hustler yet he gave me hope in living kahit na hinihiling ko na ring mawala noon.
Naging magkaibigan kami.Noong umuwi ang mga magulang niya sa Cebu ay hindi siya sumama.He told them he wants to stay with me until I recovered but after what happened pagkatapos naming mabasa ng ulan,mas pinili nyang umalis na rin.
I didn't talk to him habang naroon pa siya ng mansyon.Ginawa ko siyang hangin sa paningin ko.Even if he was joking in front of the dining,tahimik lang ako.Tanging si Pen lang ang tumatawa sa mga banat nya.Hindi ko alam kung anong nagawa ko but after he left,mas nagmukmok lang ako.Pagkatapos noon ay nawalan na kami ng komunikasyon.
"Hindi ka ba masaya na bumalik siya?After all,he is your bestfriend.."
Tiningnan ko siya ng masama.Itong babaeng 'to wala ng magandang sinabi saakin sa buong taon.Puro pambubwiset nalang ang naririnig ko sakanya.
Nauna akong lumabas ng elevator habang naririnig ko ang mumunting tawa nya sa likuran ko.Pag eto sinapak ko tulog 'to.
Bumaba ako ng basement.Sa narinig ko kanina mas gusto ko nalang umuwi ng maaga at umalis na agad kinabukasan.Ayokong makita siya.Pen told me andito sila sa Maynila kaya ayos na ngang umalis ako para umuwi ng Sorsogon.
"Hindi mo ba talaga gusto?"she asked again habang palapit kami kay Boni.
"Stop it,Pen.Malapit na akong mairita sayo."
"Seryoso na ba yan?"
"Pen!"Hinarap ko siya.Agad naman siyang nagulat at natigil sa paglapit ng marinig akong sumigaw.
"I told you to stop!Aalis ako agad bukas and I want you here taking care of the DMC.Please,stop teasing me with someone I don't really care about."
Umuwi ako ng condo ko.Pagkatapos kong kumain ay nag-ayos na ako ng gamit para kinabukasan.I don't really care if we will meet,thou if it is coincidentally.Ayokong makita siya ng sinasadya.Pero hindi ako natutuwa na narito ulit siya sa Pilipinas.
Even so,I wonder how he was now.Ilang taon na siya ngayon?Ano ng estado nya after studying Civil Law?Sigurado akong natupad nya ang isang yon.
Penny:
Don't really care about,huh?
Umirap ako habang binabasa iyon.Nasa kama ako kanina nang makaramdam ako ng gutom sa kakaisip.Bumaba ako ng kitchen para kumuha ng makakain.While sitting in front of the counter top ay nagtipa ako ng reply.
Me:
I don't,really.Curious lang.
Penny:
Curious daw!Kung sakaling iniisip mo pala 'yan ilang taon na mula ngayon,araw-araw kang curious gan'on?
I really want to hurt this bitch.Pasalamat talaga siya at malayo siya saakin and I have a favor for her,kung hindi baka tumilapon na siya.
Me:
Ngayon ko lang inisip,tanga.Why don't you answer me instead of teasing me unruly?
Penny:
Ang alin?If he ever had a girlfriend?>-<
Napapikit ako sandali bago ako nagtipa ng sagot.
Me:
Not that.Kung ilang taon na siya.
Penny:
Hindi mo ba natanong yan 5years ago?Bestfriend pa naman kayo pero hindi mo alam?
I can imagine her laughing now.

Book Comment (25)

  • avatar
    Zion Seannafair

    I love the story but not the storm lol. very good novel and is highly recommended to read.🤍

    23/04/2022

      0
  • avatar
    Fael Bautista

    good

    12d

      0
  • avatar
    Dhallen

    😍😍❤️❤️

    09/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters