logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 3

Thymine
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at pilit na inaaninag ang paligid. Hindi ko maalala kung ano ang eksaktong nangyari at kung nasaan ako ngayon. Sino ba ang gumawa nito sa akin?
Masakit ang ulo ko at para bang tumama ito sa matigas na bagay. Pakiramdam ko ay may malaki akong bukol sa ulo. Ang sakit! Sinasabi ko na nga ba, kinarma ako sa ginawa kong pagtatago kay Yoola.
Sa una'y nanlalabo pa ang paningin ko subalit hindi kalaunan ay lumilinaw na ang paligid at nagagawa kong matanaw ang ang kabuuan ng lugar. Hindi ako pamilyar at isinusumpa ko na hindi pa ako nakakarating dito sa buong buhay ko.
Dahan-dahan kong iniayos ang aking pagkakaupo at bahagyang minasahe ang ulo. Kinakapa ko ito at mabuti na lang ay wala akong natamong matinding sugat. Mabuti na lang. Hindi ako makakapayag na mangyari 'yon.
"Ano ba kasing nangyari? Bakit ako narito?" naiinis na tanong ko.
Madilim ang paligid at sa tingin ko ay para akong nasa abandonadong bahay. Puno ng mga sapot ang bawat sulok ng kuwartong kinalalagyan ko. Basag din ang salamin ng bintana at para bang hinalughog ang kuwarto dahil sa kalat nito.
"Thymine, ano ba naman itong pinasok mo? Bakit ba kasi naisipan mo pang takasan si Yoola? 'Yan tuloy, napadpad ka rito," naiinis kong sabi at bahagyang sumuntok sa hangin.
Napagpasyahan kong tumayo at maglibot-libot sa paligid nang sa gayon ay matiyak kong walang panganib. Hindi naman siguro ako mapapahamak. Sa ngayon.
"Ano ba naman, Thymine! Hanggang dito ba naman kung ano-ano pa rin ang nasa isip mo?" mahinang bulong ko.
Wala na rin naman akong mapapala kung mananatili lang akong nakaupo sa mukhang sinaunang kama na 'to. Anong malay ko na baka mamaya bumagsak pa ako dahil sa marurupok na kahoy.
"Sandali nga, anong oras na ba? Baka hinahanap na ako sa bahay."
Bigla kong naalala na pauwi na ako kanina sa bahay. Pasado ala-singko ng hapon kanina pero hindi ko alam kung ilang oras na ba ang nakalipas. Mabuti na lang talaga at iniwan ko sa paaralan ang mga gamit ko dahil mas lalo akong mahihirapan kung dala ko pa 'yon dito.
"Sino naman kaya ang magkakaroon ng interes na dalhin ako rito? Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong naagrabyadong tao. Bihira nga lang akong may makaaway," nagtatakang tanong ko.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko rito at hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Ang buong paligid ay napapaligiran ng nakakatakot na pakiramdam at may mga gagamba pa sa aparador. Sana talaga ay walang daga rito, baka mamatay na ako sa takot.
"Thymine, kaya mo 'to. Kailangan mong tatagan ang iyong loob para makalabas. Hindi ka p'wedeng manahimik na lang at walang gagawin," determinado kong sambit at buong lakas na pumunta sa nakasarang pintuan.
Nagdadalawang-isip pa ako kung bubuksan ba ang pinto pero sa huli ay napagdesisyunan ko rin na buksan. Kahit na kinakabahan ako ay kailangan kong tatagan ang loob. Wala naman sigurong nakakatakot na bagay dito.
"Kaya mo 'yan!" pagkukumbinsi ko sa sarili.
Agad na lumangitngit ang pintuang gawang sa kahoy na tila ba ay malapit na itong makalas. Unti-unting bumukas ang pintuan at tumambad sa akin ang madilim na pasilyo na naging dahilan kung bakit mas lalo bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa nakikita.
Hindi ko alam kung tutuloy ba ako sa paglabas pero kailangan kong maging matapang. Kailangan kong makalabas sa lugar na ito dahil hindi ko sigurado kung anong mangyayari sa akin kapag nagtagal pa ako.
Nakakaisang hakbang pa lang ako nang may bigla akong may matanaw sa hindi kalayuan. Malaking tao ito at malalaking yabag ang ginagawa papunta sa direksyon ko.
"Tang ina," kinakabahang bulalas ko.
Kaagad akong sinalakay ng matinding kaba at tila ba bigla akong naestatwa. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Ano bang nangyayari sa akin?
Malapit na siya, papalapit na siya sa kinatatayuan ko. Anong gagawin ko? Hindi niya ako p'wedeng makita, kailangan kong makapagtago pero hindi nakikisama ang mga paa ko. Ano ba, Thymine!
Isa....
Dalawa....
Tatlo.....
Tang ina! May hawak siyang malaking itak at kumikinang pa ito sa tuwing tumatama sa liwanag ng buwan.
Walang tigil sa malakas na pagtibok ang puso ko, hindi ako makahinga nang maayos. Nakasuot ng itim na sumbrero ang lalaking ito at may tumutulong dugo sa kanyang hawak na itak.
Unti-unti ko siyang nasisilayan at gustong-gusto ko nang tumakbo papalayo. Natatakot na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa pigura niya pa lang ay alam kong mapapahamak ako sa kamay niya.
Mas lalong lumalakas ang mga yabag, mas lalo siyang lumalapit sa akin. Gusto kong umiyak at tawagin si Mama para iligtas ako. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa pintuan, natatakot na ako sa nakikita ko ngayon.
Tuluyan na siyang tumambad sa harapan ko at halos himatayin na ako. Hindi ko kayang tignan ang kaniyang itsura. Pakiramdam ko, nanigas ako sa kinatatayuan ngayon.
Ngumisi siya nang nakakaloko at tinuloy ang paglalakad papunta sa aking kinatatayuan at hindi pa rin ako makagalaw. Tang ina! Thymine, takbo na!
"L-Lumayo ka!" kinakabahang sigaw ko.
Ngunit bago pa man niya ako tuluyang malapitan ay may biglang humila sa akin at agad niya akong hinatak habang tumatakbo. Hindi ko alam kung sino siya at kung bakit niya ako iniligtas.
Para akong nawala sa sarili, lumulutang ang isipan ko habang hinahatak ako ng isang hindi kilalang tao. Nakasunod pa rin sa amin ang lalaking may itak at nakakapagtakang hindi ito tumatakbo bagkus ay nakangisi lang sìya habang hawak pa rin ang kanyang itak.
"Kumapit ka lang. Hindi ka mamatay ngayong gabi, ipinapangako ko iyan," mahinang bulong niya sa akin.
May binuksan ang babaeng humahatak sa akin at bigla niya akong itinulak papasok sa loob. Sumunod siya sa kuwarto at mabilis na isinara agad ang pintuan. Hinarangan niya rin ito ng isang bangko upang makasigurado.
Bahagya muna siyang nagpakawala ng bumuntong-hininga bago lumapit sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan sa ginawang pagliligtas sa akin.
"Kamusta ka? Alam kong naninibago ka pa sa kalakaran dito ngunit alam kong masasanay ka rin. Hayaan mo, tutulungan kita," sambit niya bago ako alukin na umupo sa kama.
Tulala pa rin ako at hindi ko pa rin lubusang natatanggap ang mga nangyayari. Hindi ito maproseso ng isip ko. Masyadong mabilis ang lahat, mahirap tanggapin.
"Kailangan muna nating magtago ngayon at hintayin muna natin siyang makaalis bago tayo lumabas. Hindi pa ligtas ngayon. Magpahinga ka muna dahil alam kong naguguluhan ka sa nangyayari," muling sabi niya sa akin at sa pagkakataong ito ay ngumiti siya.
Wala pa rin akong naiintindihan sa mga nangyayari. Nagtataka rin ako kung paano niya nagagawang ngumiti sa sitwasyon namin ngayon.
Marami pa siyang sinasabi ngunit para akong nabibingi at walang pumapasok sa utak ko. Ang tanging alam ko lang ay hanggang ngayon ay mabilis pa ring tumitibok ang puso ko.
Bigla na lang niya akong niyakap at hindi ko ito inaasahan.
"Magiging maayos din ang lahat. Ako si Rhian. Tutulungan kitang makalabas, hindi kita pababayaan sa lugar na 'to."

Book Comment (473)

  • avatar
    gnomes

    Interesting title, mapapa isip ka kung ano ang Macabre at bakit yun ang title nitong novel and exciting ang introduction. Definitely a highly recommended and a must read novel, especially if you're a fan of mystery novels.

    16/07/2022

      18
  • avatar
    PolicarbonatoJames

    Goosebumps! Grabe, sobrang highly recommended ang story na ito!

    16/05/2022

      2
  • avatar
    Marcela

    Very catchy ng description. Nakaka-curious kung bakit macabre ang pamagat. Kudos to you author ❤️❤️❤️

    22/04/2022

      26
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters