logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

UTOPIA: School Of Enchantment

UTOPIA: School Of Enchantment

ellaloredo


Chapter 1: UTOPIA ACADEMY

PROLOGUE
~Sa isang paaralan kung saan niya makikita ang kanyang tunay na pagkatao.
Sa isang paaralan kung saan niya makikita ang magpapatibok ng kanyang puso.
Sa isang paaralan kung saan minsa'y nagpagulo ng kanyang munting mundo.....
###
Habang dala-dala ko ang aking mga libro't mabigat na bag sa aking likuran, lumabas ako ng paaralan at pinagmasdan ang paaralan kong pinanggalingan.
"Hayy, paalam na" palagi akong nagtataka at nacoconfuse kung bakit ba ako itratransfer ni Mama Neneng sa ibang paaralan? Wala na naman akong problema sa paaralang to. Marami nanaman akong mga kaibigan? At isa pa, nasa top ako. Honor student kaya ako sa paaralang to!
Palagi ko siyang tinatanong tungkol dito pero marami daw siyang inaasikaso kaya ipapaliwanag niya nalang daw pagdating namin doon.
Pero, kahit ano pa man. Mahal na mahal ko yan si mama Neneng, siya ang nag-aruga sa'kin mula pagkabata, mga 4 years old yata ako nun? Ikinuwento niya naman sa'kin ang nangyaring trahedya sa Mama't Papa ko. Isang malaking aksidente daw ang nangyari sa'min pero tanging ako lamang ang nabuhay. Kinupkop niya ako at tinuring bilang isang tunay na anak, minahal, at inalagaan niya ako. Kaya higit sa lahat. Mahal na mahal ko siya. Ang naging aking Ina, si Mama Neneng.
Bumuntong hininga muna ako at tuluyan nang umalis kaso napahinto ako sa kasalukuyan. Bigla nanamang sumasakit ang ulo't pati ang mga katawan ko! Napagtanto ko na higit dalawang linggo't tatlong araw ko na itong paulit-ulit na nararamdaman.
Bakit ba ako nagkakaganito? Kahit Doktor ay hindi alam kung ano ang aking sakit? Ako na ngalang yung naghanap nang paraang makapagpunta sa Doktor, sinisikreto ko lang dahil hindi naman ako pinapayagan ni Ma Neng.
Kasi bakit ba? Bakit hindi niya ako pinapayagang pumunta sa doktor? Ayaw niya ba akong gumaling? Nakakapagtaka lang...
Medyong napaupo ako sa sakit at hinintay muna itong bumalik sa normal kong pakiramdam, at nung naramdaman ko nang naglaho na ang sakit, derederetso na akong umalis at umuwi na nang tuluyan sa bahay.
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong naman agad ako ng matatamis na ngiti ni Mama Neng at bahagyang hinalikan pa sa noo.
"Hali ka muna at kumain kana anak, nagprepare ako ng paborito mong pagkain oh, maayos na ba ang pakiramdan mo? Sumasakit pa rin ba minsan ang ulo o yang katawan mo?" pagtatanong niyang sunod-sunod.
Napalunok ako. Iniisip ko to palagi ehh tss, na kung bakit ba lubos ang pag-aalala niya sa akin pero ayaw akong ipacheck-up sa doktor? Naguguluhan ako!
"Uyy, kamusta na nga ang pakiramdan mo?" naalimpungatan ako sa tanong niya muli.
"Ahh, huwag na po kayong mag-alala, I'm already fine." sagot ko lang. Geez. Because I don't get it? Kung sasabihin ko sa kanya ang totoo, would she bring me to the doctor to have some check up? I don't think so...
Pumunta na ako sa mesa at nagsimula nalamang kumain. My eyes widened at the taste of my favorite food! "Delicious!" I exclaimed. She smiled.
"Alam na alam ko naman na paborito mo ang siomai eh kaya ipinaghanda ko nang mabuti dahil feeling ko, mamimiss mo yan sa mahabang panahon" pagsasalita niya na hindi ko pa masyadong gets. Napakurap ako.
Pardon?
Mahabang Panahon...Bakit naman?
Napangiwi ako.
"Ma Neng, Dapat nga ipagluluto niyo na ako niyan araw-araw. Makapagsalita ka naman ng mahabang panahon? What was that all about?" at sinubuan ko nalang siya ng siomai.
Tumawa siya kaya napatawa na rin ako. Pero gayoon paman. May gumugulo pa rin sa isipan ko. Pilit ko nalamang to binabalewala.
"Nak, aalis na tayo bukas na bukas ha, niligpit ko na yung mga gamit mo at isa pa, maaga pa tayong aalis kaya maaga ka na ring matulog okey? May naupahan na akong sasakyan dahil malayo pa ang lalakbayin natin." sumulpot ako bigla.
"Wait, saan po ba tayo pupunta? Sa bagong paaralan ko na bang papasukan?" tanong ko, and the curiosity is building upon me. Ngumiti lang siya.
"Sa lugar kung saan ka talaga nararapat" she pinched my cheeks gently bago ako lagpasan, but what is this feeling? May konting kabog sa puso akong nararamdaman out of from what she is saying.
"Ano? Sa lugar na-" she cut me out.
"Sige nga magtoothbrush kana at magbihis! Maaga pa tayo bukas." Dali-dali ko na lamang siya sinunod.
Napakunot ang noo ko sa kakaisip. Saan nga ba talaga kami pupunta bukas? Hayst.
Pagkatapos kong maghalf-bath at magsipilyo nagbihis na ako at ibinagsak ang katawan ko sa kama, hindi ko na lamang muna iyon inisip. Pinatay ko na yung ilaw na malapit sa hinihigaan ko, at sa di namalayang unti-unti na din pala akong natutulog.
###
VALERY'S POV
"Val" a slow whisper repeatedly playing over my sleep.
May tumatawag sa'kin kaya nilingon ko kung sino ito! Nagulat ako sa isang babae na nakasuot ng itim na mask at may dalawang ispada sa kanyang likuran.
Patay ang ilaw sa kwarto ko kaya di ko siya masyadong mamumukhaan, maaaninag ko lamang siya dahil sa nakabukas ang isang ilaw sa di kalayuan kung saan siya nakatayo. Yung isang mataas na lamp.
"Sa wakas ay natagpuan narin kita.... Bata..." sabi niya at tumalikod sa'kin!
Parang isang kabog na naman sa damdamain ang aking nararamdaman. Puno ng kaba dahil di ko minsan naiintindihan kung ano ba ang mga nangyayari---Napabalikwas ako sa isang sigaw!
"Val! Valery! Nakung batang toh mag-aalasais na ng umaga maligo kana! Dali! Sabi ko na nga ba eh nagpuyat kananaman siguro nang pagagamit ng cellphone mo noh?" pagsesermon ni mama Neng sa'kin, kaya dali-dali nalamang akong pumunta sa banyo. Psh!
Di pa rin nawawala sa'king isipan ang mga nangyari pero isang panaginip lang pala yon? Bruh, what a nightmare. Mabuti nga't panaginip lang yun hay nako, papatayin yata ako ng mga napapanaginipan ko eh.
P-panaginip lang nga ba iyon?
"So creepy" saad ko habang naliligo kaya mas binilisan ko like super flash!
Pagkatapos kong iligpit ang sarili ko, dali-dali na naman akong pumunta kay Ma Neneng, ma Neng for short, at nagtanong-tanong kung saan na ba ang mga gamit ko, kinuha niya nanaman agad ito.
"Ma, ang dami naman po yata? At ano toh ba't may mga damit? Dun mo na ba ako patitirahin? Grabe di ko toh alam ah?" tanong kong may pag-aalala, nakasimangot.
"Nak—Oo dun kana titira habang hindi pa tapos ang pag-aaral mo, at--sa lugar na iyon ang sinasabi ko na kung saan ka talaga nararapat, don't worry nak, all of your needs are already ready and organized. I've already asked for assistance, to ensure you that everything is ready and prepared. At tutal nasa tama kanang edad upang ibalik--" napaputol si Ma Neng sa kanyang pagpapaliwanag at lumapit sa akin.
"Sige na alis na tayo, wag ka na munang magtanong-tanong malayo pa ang pupuntahan natin, time is running fastly so let's go" lubos nanaman ang aking pagtataka pero pinili kong huwag nalamang muna magtanong. And as always I'm getting really curious about finding some answers for my own questions. I sighed, what is it really?
And geez I was right! Sa bagong paaralan nga kami pupunta! Dami pang sinasabi si Ma Neng na hindi ko naiintindihan.
Sumakay na kami sa sasakyan at tuluyan nang lumakbay. Mga higit apat na oras na siguro ang nakalipas at naiinip na ako sa sobrang tagal. Tama nga si Ma Neng ang layo!
Nararamdaman kong nagugutom na ako kaya kumuha muna ako sa isa pang malaking bag na puno ng mga pagkain na dinala niya. Di panaman kami kanina nakapag breakfast kaya tanging burger and juice nalang muna ang kakainin ko, atleast mabubusog naman ako diba.
Kinunan ko rin si Mama Neng ng burger't juice dahil mukhang pagod narin siya sa pagmamaneho.
"Oh ma, kumain ka muna mag-stop nalang muna tayo dun, mukhang pagod kana ma eh." tinuro ko ang malawak na parkingan sa di kalayuan.
Nagtataka lang ako dahil walang katao-tao, wala rin namang mga sasakyan na nakapark? Nakita ko lang naman ang sign na pwede kang magpark kaya nagpark muna kami doon. Sige puro park nalang sinasabi ko.
"Ma Neng bakit walang katao-tao dito?" habang sa aking pagtatanong sumilip ako muli sa bintana ng sasakyan at nakitang puno ng malalaking puno't kakahuyan ang dinadaanan pala namin!
Teka...Kakaiba yung mga puno! Parang may mga disenyo sila at may mga nakaukit. Nakakamangha. Yung iba naman ay may pa spiral pa na pwede kang umakyat doon hanggang sa dulo, what?! Ang ganda.
"Woah, those are cool" pag-appreciate ko nang biglang umandar na muli ang sasakyan at umalis nanaman kami. I crossed my arms leaning on my sit.
"Tss Val, marami kapang makikitang mas magaganda pa diyan" saad niya sa'kin.
"Ang ganda nga ma pero parang kinakabahan pa ako haha, walang katao-tao tass puro mga puno't kakahuyang malalaki ang makikita ko? Dibale Ma, malapit na po ba tayo?" pagtatanong ko.
"Ahh, oo anak konting tiis nalang" sagot niya, pero lumipas ang dalawang oras ay wala parin kami sa destinasyong pupuntahan namin!
Naiinip na talaga ako pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko at tiniis nalamang ito.
Hanggang sa di kalayuan...Natanaw ko ang napakaliwanag na hindi ko mawari, I got focused my attention there dahil pabukas itong pabukas at sa ikinagulat kong pumasok kami rito!
Nung nakapasok na kami ay bigla itong nagsara at ang lugar na pinanggalingan namin ay napalitan nang napakaganda at napakamalawak na Orchard. A-ano yun?
Natulala lang ako at di makapagsalita sa aking mga nakikita. Dumadaan na kami ngayon sa napakamahabang daanan at patungo nito ay may natanaw na akong napakalaking paaralan. Agaw pansin ang taas ng paaralang ito at sa napakataas din na gate ay may nakasulat na 'UTOPIA ACADEMY' sa bandang gitna nito.
Bumukas ang gate pagkababa namin ng sasakyan at sumirado naman ito ng mag-isa pagkatapos naming pumasok. Medyo nabigla lang ako, grabe hightech? Napanganga ako sa lugar nato dahil napakamalawak at punong-puno ng magagandang halaman sa mga kagilirian. It's so colorful yet so clean, kahit isang piraso siguro ng basura ay wala akong makikita.
The groundfields are also very wide! Di ko maiwasang mapamangha sa ganda ng paaralang ito, it's so Astonishing and Magnificent at the same time, all I could say is, "Wow.." napangiti sa'kin si Mama Neng.
Ilang sandali ay sinalubong kami ng isang napakagandang babae at siguro teacher siya dito dahil sa suot niya na very formal, and siguro nasa mid 20's na siya or maybe road to 30 palamang, halata sa itsura niyang napakabata pa.
Ngumiti siya patungo sa amin at inalalayan kami papunta sa loob ng paaralan. Pinapunta niya kami sa isang office which is the Principal's Office at umupo siya sa single yet designed wooden chair at ngumiti muli sa amin habang nakapatong ang dalawa niyang kamay sa malaking desk.
So, hindi lang pala siya teacher? School principal pa pala talaga siya! Ang bata naman para maging principal, meron ba noon? Tss, siyempre meron nga dito diba? Hay naku Valery.
"Good afternoon, I'm Grace Wood your Principal here in this school, welcome to Utopia Academy. Call me Miss Grace and just introduce yourself please" pagsasabi niya sa'kin habang sa nakangiti kaya ngumiti narin ako sa kanya pabalik.
Ang ganda niya sobra! Parang si Taylor swift siyang Filipina version, p-pero bakit ganoon? kakaiba ang kanyang buhok kumikislap-kislap na kulay abo. Naalimpungatan ako sa kurot ni Ma Neng.
"Umm--I'm Valery Cahill, 16 years old and I lived in Caticlan West City" nakatulala siya sa'kin at tumingin kay Mama Neng, di ko alam pero agad naman si Mama Neng umiling.
"Oh--So your Valery Cahill, it's nice of you being here um--Valery, can I talk to your guardian for a while um--alone? Just explore the school for a little while, okey?" saad niya sa'kin kaya agad akong tumango.
"Ah sure po, no problem!" saad ko at umalis na muna, di ko naman alam kung ano yung pag-uusapan nila eh. Ang dami ko talagang walang nalalaman and I'm so curious about it. I'm so curious about simple things! Not to mention na ang weird ng place na'to. It's so Beautiful yet so weird. That's my description about this place.
Lumakad-lakad ako at nag explore muna para di naman ako mabored, pumunta muna ako sa nakita kong Garden at uupo sa soft and greeny grasses nang biglang--
"Get out of the way! NOW!" sabi nito pero huli na at natumba kaming dalawa!
"Aray! Ano bayan ba't ang clumsy mo?" lumingon ako sa kanya at isang lalaki pala ang may gawa nito. Ka-age ko yata tss. Pero nang tumayo na kami, doon ko narealize na ang tangkad niya pala, black at may halong brownish ang kanyang mga buhok, gwapo siya at has a great body built na parang akala mo kung sinong modelo. Tss, pero pake ko ba? Ang sakit kaya ng impact nung pagkatumba naming dalawa!
"Heyy! I told you to get out of the way but your small little mind didn't immediately get it, now look what had happened! I bumped into you!" pagsusungit niya kaya inirapan ko siya. Huh ano daw pakiulit Makapagsalita naman toh! Oyy Honor student kaya ako!
Ang gwapo nga sana kaso ang sama naman ng ugali. Matapang ko siyang hinarap at medyong humakbang papunta sa kanya.
"Wow, Huh? So ako pa ngayon ang may kasalanan ganun? Kasalanan ko bang bigla-bigla kanalang sumulpot dito? At ano ba kase yung ginawa mo ha?" inis na tanong ko sa kanya. Ano ka ngayon ha? Give it now bro! You won't last long by my deathly gaze towards you.
Nananatili ang tapang sa aking mga mukha habang nakakuyom pa ang kamao at nakatingala pero pilit na inaabot at pantayan ang tangkad niya.
Shoot, ang tangkad niya hindi ko siya mapantayan!
Tumitig siya sa akin for about 5 seconds at ngumisi na parang na amuse ba sa mga narinig niya at sa mga kinikilos ko. Sa ngayon, siya nanaman ang humahakbang papalapit sa'kin na animo ikinaatras ko!
"I'm practicing for my skills on how to fly princess, and when I land, I always land here in the garden to protect myself just incase, if I might lose control" pagsasalita niya habang papalapit nang papalapit sakin.
What the heck flying? Haha!Nagprapraktis lumipad He's crazy! May saltik ba sa ulo to? I hope this is just another dream! No, this is not a dream but a nightmare!
Humahakbang lang siyang humahakbang papalapit sa'kin, at ako naman ay umaatras lang nang umaatras hanggang sa sumandal na ako sa malaking pader, shocks!
"A-ano ba?!" I hissed at aalis na sana ako nang biglang humarang ang kanyang kamay sa pader para hindi ako maka-alis. Tumangka nanaman akong umalis sa kabilang direksiyon pero humarang din yung isa pa niyang kamay sa akin!
Shocks! Dalawa na niyang mga kamay ang humaharang sa'kin at di na ako tuluyang maka-alis! Shocks! Damn it! I'm trapped.
Tumingin ako sa mga mata niya na para bang kakainin ko siya sa galit pero nabigla ako sa sobra palang lapit ng mga pagmumukha namin na ultimong hininga niya ay nararamdaman ko! Amoy itong fresh mint and fresh apples hayyst! He smirked and looked at me seriously.
There I saw his eyes were golden brown and his lashes were long and it's thick-black, his eyebrows are very well formed. And I could totally say that he's gorgeous tss however, I'll never fall for that, sungit eh. At ang hilig mang-asar! Kumukulo yung dugo ko sa bawat ngisi niya.
"What the heck are you doing? pakawalan mo nga ako!" I said to him slightly shouting. Pinakawalan naman niya ako at tumawa.
"Oooh, so you're not scared of me, impressive" nanlaki ang mga mata ko nang sininghot niya bigla ang ulo ko saka napatingin sa akin. A-ano lang ba ang nangyari? Sininghot niya ang ulo ko? Bakit? Bakit niya sininghot ang ulo ko?! Ang ulo ko--
"A newbie, I see." ngumiti siyang nakakaasar at biglang iginalaw ang kanyang mga kamay sa kanyang harapan. Parang naestatwa naman ako sa nakita.
K--kuryente! Sa dalawa kong mga mata ay may nakikita akong kuryente na nagfoform sa mga kamay ng lalaking ito! lumalaki itong lumalaki hangga't sa may nakita itong pusa sa aking kagiliran na medyo malayo naman sa'kin, isa itong maitim na pusa, at sa di inaasahan, bigla itong nabalutan ng electricity at naging abo! Sobrang nabigla ako at di makapaniwala sa aking mga nakikita.
What the heck was that? Kawawang pusa!
Dugdugdugdug!
"Kaya kitang mawala sa mundong ito sa ano mang oras. That's my spark." he flipped his hair because it's messing around his face. "And hey...You already knew what my spark is, so how about I? That's unfair, I wanted to know what your spark can do either, lalo ng---tss mukha ka pang matapang" he smirked at me again. Grinning like a jerk.
"What's your spark?" ulit niya at sobrang kaba naman ang aking nararamdaman.
I don't even know what's the meaning of that freaking spark! Pero, there's something telling me that it's all about Magic. You can say that I'm acting really crazy right now but no. I finally understand. And I see--He's quite dangerous, tsk! Kailangan ko paring maging matapang.
"I'm Not, Scared...Of...You" medyong may pag-aalinlangan pang sagot ko pero hindi ko ito pinahalata, sumeryoso ang kanyang mukha at itinaas ang isang kilay. He crossed his arms at tiningnan ako amusingly.
"You are really something--" magsasalita pa sana siya pero naputol nang biglang may tumawag sakin, liningon ko agad kung sino ito.

Book Comment (14)

  • avatar
    Ma Ye

    I like reading utopia and it's amazing, its so very beautiful reading.

    19d

      0
  • avatar
    AlfilerNikko

    haha

    03/08

      0
  • avatar
    Yocela Gamboa

    love it 😍

    28/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters