logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Antonia 3

MAAGANG naglako ng mga kakanin si Estrella kasama si Antonia papunta sa kabilang baryo, ang Masigla. Ngayon ang unang beses na pupunta sila roon upang magtinda at sana'y maging mabenta ang kanilang mga kakanin.
Malayo ang Baryo Masigla mula sa Baryo Marikit, kung lalakarin ay aabutin ng halos dalawang oras bago makarating doon. Pagod man sa paglalakad ay pinilit ni Antonia na makarating doon dahil ito ang unang beses na siya'y makakalabas sa kanilang baryo. Ilang oras rin ang nilakad nila bago makarating sa Baryo Masigla. Kapwa pagod ang mag-ina sa paglalakad.
Upang mapawi ang pagod ay kinantahan ni Antonia si Estrella ng kung anu-anong kanta na naririnig niya mula sa mga kapitbahay. Tuwang-tuwa naman si Estrella sa mala-anghel na tinig ng anak. Maske ang mga taong napapadaan sa kanila ay napapalingon kay Antonia. Para siyang lumilipat sa tuwing nagbibitaw ng mga tono mula sa kanyang mapulang mga labi.
"Ang galing naman ng anak ko!" puri ni Estrella dito na may kasama pang palakpak. "Kung alam ko lang na sa simula't sapul ay magaling kang kumanta, sana isinali na lang kita sa mga contest doon sa baryo natin."
Tatawa-tawa ang dalaga. "Kayo naman po e hindi naman boses ang puhunan ko dito. Kung tutuusin nga e mas malaki pa ang kinikita natin sa pagbebenta ng mga kakanin kaysa sa pagsali sa mga contest na 'yan," usal nito at nang makaramdam ng pangagawit ay niyaya niyang umupo si Estrella sa ilalim ng acacia tree.
"Kung sabagay, tama ka. Kaya sana magpatuloy ang swerteng ito para makapag-aral ka na. Hindi kasi kita matiis na nasa bahay lang habang gumagawa ng mga kakanin, 'di gaya ng kaibigan mong si Anne na araw-araw e pumapasok sa eskwela." Mariin nitong hinawakan ang kamay ni Antonia, she looked straightly to her eyes. "Antonia anak, ikaw ang swerte sa amin ng Tatay Tonyo mo dahil napakabait mong bata."
Muntik nang mapaluha si Antonia sa sinabi ng ina. Ayaw niya sa lahat ay ang moment na nagdadramahan sila ng kanyang ina. Pero 'di niya naman matiis ang mga ito.
"Hindi po, 'nay. Ako po ang maswerte sa inyo kasi kahit hindi niyo ako kadugo, tinuring niyo 'kong parang tunay na anak. Mahal na mahal ko po kayo," aniya saka naman niyakap ng mahigpit si Estrella.
"Mahal na mahal na mahal ka rin namin ng tatay mo, Antonia. At hindi ka namin pababayaan."
***
LUMIPAS na ang kalahating araw at nagdaan na ang ilang oras pero ni isa ay wala silang nabentang kakanin. Labis ang pagka-dismaya ni Estrella dahil ito ang unang beses na nilalangaw ang kanilang paninda. Sinubukan na rin ni Antonia na kumanta upang makahatak ng customer pero walang lumalapit sa kanila. Ilang oras na lang at kakagat na ang dilim, kaya nagdesisyon na silang umuwi.
"Grabe 'nay, ngayon lang nangyari sa'tin 'to! Siguro waang hilig sa kakanin 'yung mga tao doon? Imposible naman kasi, sa dami-dami ng mga taong dumaraan doon sa pinwestuhan natin ay wala man lang bumili? 'Di yata kilala doon ang mga gano'ng klase ng pagkain e," naiinis na sabi ni Antonia sa ina. Papadyak pa ito kung lumakad kaya maririnig mo ang mga footsteps nito kahit nasa malayo ka pa.
"Gano'n talaga, anak 'pag negosyo. Minsan, malakas ang benta, minsan naman, lalangawin ang paninda mo. Parang pag-ibig, hindi lahat ng lalaki, magkakagusto sa'yo. Pili lang."
"Ngek! Ano ba 'yan!" bulalas nito. "Saan mo ba nakuha ang salitang 'yan, 'Nay? 'Di bagay sa inyo!" pagbibiro pa niya.
Natawa ang ginang sa inasal ng dalaga. "Wala lang, doon sa mga kapitbahay nating mahilig magbasa ng pocketbook kaya ayan, ang daming alam sa pag-ibig."
"Pocketbook?" tanong ng dalaga, tila nagtataka kung ano iyon. "Librong kasya sa bulsa? Mayroon bang gano'n?"
"Mayro'n. Pocket Bible. Hindi siya literal na kasya sa bulsa, pero mas maliit ito kumpara sa ibang libro. Teka, bakit hindi mo alam?"
"'Nay, may amnesia ako. Malay ko ba? Ha ha ha!" Dinaan na lang ni Antonia sa pagtawa ang kanilang pinag-usapan, gano'n rin si Estrella, at sa ganoong paraan ay saglit nilang nakalimutan ang nangyari kanina.
"Ikaw talagang bata ka, umuwi na nga lang tayo," anito at nagpatuloy na sila sa paglalakad pauwi sa kanilang baryo.
***
KATATAPOS lang kumain nina Estrella, Tonyo, at Antonia nang nagdesisyong lumabas ng bahay ang dalaga. Ugali niyang magliwaliw sa labas dahil sariwa ang hangin dito. Bihira lang humamog ng maaga at kung minsa'y alas nuwebe na humahamog. Mag-isang naglalakad si Antonia papunta sa kalapit na dagat roon.
Ang liwanag naman ngayong gabi, siguro nadagdagan na naman ang mga ilaw dito, bulong niya sa sarili. Nga naman, palaging madilim ang lugar ng Marikit kahit pa naayos na ang krisis sa kuryente tuwing gabi. Mukhang unti-unti nang naaayos ang problema sa baryo. Nakaraang buwan lang ay barangay elections kaya napalitan na ang Mayor ng marikit. Balita ng mga tao rito, tunay na may busilak na kalooban ang bagong mayor na handang tumulong ng walang kapalit, our example is Antonia.
Napahinto sa paglalakad si Antonia nang makarating siya sa isla. Umupo ito sa buhangin habang lumalanghap ng malamig na hangin. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, at isa-isang iniisip ang mga bagay na gusto niyang mangyari sa hinaharap. Naroon na ang pangako niya sa kanyang ina na magtatayo ng mala-palasyong tahanan, at ang pinapangarap niyang kakaning negosyo na patok na patok sa mga mamimili. Ang panghuli, ay halos maibulong niya ng wala sa sarili.
Sana makilala ko na ang sinasabi nilang prince charming ko.
Para kay Antonia, wala pa sa plano niya ang umibig pero sa tuwing nakikita niya ang mga babae sa baryo na masaya kapiling ang mga mahal nila ay hindi niya maiwasang mapaisip ng ganoon. Sa ngayon ay hindi pa ito ang tamang panahon upang matupad ang kanyang hiling, pero darating ang panahon na siya'y iibig, liligaya at masasak---
"Tulong! Tulungan n'yo ako!" Isang sigaw ng batang lalaki ang narinig ni Antonia kaya naman napamulat ito ng mata. "Tuloooong!"
Sino 'yon? tanong niya sa sarili, tumayo siya sa buhanging kinauupuan at sinundan niya kung saan nanggagaling ang tinig na iyon. Sa 'di kalayuan, nakita niya ang batang lalaki na nakahiga sa buhangin at may sugat sa paa. Agad itong lumapit sa lalaki at tinulungan.
"Tulong..." Halos manghina na ang lalaki sa kahihingi ng tulong. "Tulungan mo 'ko please. I need you," sabi pa nito na siyang kinagulat ni Antonia.
Hindi agad naka-respond ang dalaga sa narinig niya. Kailangan siya ng lalaki. Ngunit bakit parang iba ang ibig sabihin sa kanya no'n? Ibig sabihin kaya no'n ay kailangan siya ng binata dahil nadisgrasya ito o higit pa roon?
"K-kailangan m-mo ako?" utal-utal na tanong ng dalaga rito.
Napasinghap ang binata. "Obviously. Tignan mo naman oh, may sugat ako. Hihingi ba ako ng tulong kung hindi kita kailangan?"
Napapitlag si Antonia nang sigawan siya ng binata. Naku, ang sungit naman ng isang 'to, bulong niya pa rito. Hindi niya inaasahang maririnig siya nito.
"Wala akong oras para makipag-bulungan sa'yo. P'wede ba, tulungan mo na lang ako! Mauubusan na 'ko ng dugo!" asik nito at doon lang natauhan si Antonia.
Bigat na bigat man ang dalaga, pinilit niyang makauwi sa kanilang tahanan kasama ang estrangherong lalaking 'to. Pagkarating niya doon, naabutan niyang tulog na ang mag-asawa. Ingat itong pumasok sa loob upang hindi marinig ng mag-asawa ang pagdating nito.
"Bakit ba ang bagal mong kumilos, bilisan mo!"
"Shhh!" Itinapat ni Antonia ang kanyang hintuturo sa mapulang labi nito. "Huwag kang maingay! Tulong na sina Inay at Itay!" sermon niya dito.
Hindi na lamang umimik ang binata. Iniupo siya ni Antonia sa banig na kanyang inilatag at doon ay kumuha siya ng mga dahon ng bayabas at pinakuluan.
Halos mamilipit na sa sakit ang binata kaya naman mabilisang kinuha ni Antonia ang katas ng pinakuluang bayabas sa pagkataranta nito. Dali-dali niyang tinungo ang kinaroroonan ng lalaki, at laking gulat niya na lang nang makasalubong niya si Estrella na tila nagising sa ingay ng lalaking 'to.
"'N-nay?"
"Bakit may dala kang dahon ng bayabas? At sino 'yong naririnig kong sumisigaw?" Mahinahon ngunit may pag-aalalang tanong ni Estrella. Hindi na nagawa 'pang magsinungaling ni Antonia dahil tutal, buking na rin siya. Hindi rin naman mukhang galit si Estrella.
"N-nay, may nakilala po akong lalaki sa isla, may sugat siya sa paa. Pero hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. Kailangang-kailangan niya kasi ng tulong dahil ang daming dugong nawala sa kanya, kaya tinulungan ko siya," aniya habang pinagmamasdan ang lalaki sa sahig.
Imbes na magalit ay napangiti ang ina. "Napakabait mo talaga, Antonia." Niyakap niya ng mahigpit ang anak. "Isa kang dakila, napakamatulungin mo. Hindi mo siya kaano-ano ngunit handa kang isalba ang buhay niya. Hangang-hanga ako sa'yo."
"Kayo rin naman po. Niligtas niyo ang buhay ko, kaya bakit ko naman ipagkakait 'yon sa iba, 'di ba?"
"Aaaaah!" Narinig ng dalawa ang malakas na pag-sigaw ng lalaki kaya halos takbuhin na nila ang kinaroroonan nito at siyang ginamot ang lalaki.
"Huwag kang mataranta, akong bahala sa'yo. Magiging maayos rin ang lahat," saad ni Antonia kaya agad kumalma ang binata. Relax nitong ibinend ang paa at pinahiran ni Antonia ng katas ng bayabas ang parte na may sugat.
***
ALAS ONSE na ng hatinggabi ngunit hindi pa rin natutulog si Antonia. Masaya niyang binabantayan ang lalaki sa kanyang harapan, ang kuno'y prince charming niya.
Pawis na pawis ang binata dahil sa alingsangan. Kumuha ng bimpo o kung ano mang pamunas upang ipunas sa noo nito. Nakangiti niyang pinagmasdan ang makisig nitong mukha.
"Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam, para akong nasa langit. Ito na siguro ang sinasabi nilang pag-ibig," halos maluha-luha niyang sabi. "At ngayon, nahanap ko na ang sinasabi nilang Prince Charming, ikaw 'yon." Hindi na nagdalawang isip ang dalaga. Dahil sa pamumula ng mga pisngi nito ay hindi na niya nagawa pang kontrolin ang sarili. Isang halik ang ginawad niya sa labi ng lalaki. At pagkatapos no'n ay iniwan niya ito pabalik sa kanyang silid.
Nakangiti siyang humiga sa kama habang pikit-matang ini-imagine ang bawat parte ng mukha ng lalaking 'yon. Halos tumili na siya pero pinigilan niya lang, baka magising e.
Kinabukasan, maagang umalis si Antonia dala ang mga panindang kakanin para ilako nang mapansing wala na ang lalaking kagabi ay pinagpantasyahan niya.
Nasaan na ba 'yon? tanong niya sa sarili at agad siyang lumabas ng bahay upang hanapin ang lalaki. Inikot na niya ang buong kabahayan pero bigo niya itong mahanap. Tinungo niya naman ang bahay ni Anne at nagtanong kung nakita nito ang lalaki pero wala itong napansin. Nang makapag-isip-isip, isang bumbilya ang biglang lumitaw sa kanyang isipan, malamang ay naroon ang binata.
Dere-derechong naglakad ang dalaga papuntang dalampasigan. At hindi siya nagkamali, naroon ang binata. Lumpit siya rito at umupo sa tabi ng binata.
"Ang aga pa ah, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya sa binata. Pinasadahan lang siya ng tingin nito.
"Naghihintay ng sundo. You, what brings you here?"
"Ah... wala lang. Nag-alala lang kasi ako sa'yo kasi wala ka doon sa bahay. Akala ko'y umalis ka na nang walang paalam e," aniya.
Hindi mapigilang matawa ng binata. "Don't worry. Kung sakaling mahanap ako ng parents ko, hindi ko makakalimutang magpaalam at magpasalamat sa inyo." Hinawakan ng binata ang kamay ni Antonia, na siyang kinagulat nito. "Thank you for everything, and for saving my life... A-ano na ngang pangalan mo?"
"Antonia, Antonia Maricon," sagot niya. She looked at his blue eyes, softly. "At ano naman ang pangalan ng nag-iisa kong Prince Charming?"
"Bob na lang, okay na ako," natatawang tugon nito. Kapwa nagkatinginan ang dalawa at unti-unting naglalapit ang kanilang mga mukha. Halos dalawang sentimetro na lang ang pagitan nila sa isa't-isa at labi na lang ang magkadikit ay tiyak na mawawala na sa sarili ang dalawa. Ngunit bago mangyari iyon ay nabulabog sila ni Anne. Ang epal girl niyang kaibigan.
"Antonia! Antonia! Tara na, samahan na kitang magtinda, wala namang magawa sa bahay e," tawag ni Anne sa kaibigan. Napalingon ang dalaga rito at tumayo.
"Sige, baka dumugo na ang ilong ko sa kae-english sa isang 'to," Lumapit siyang muli kay Bob at biglang hinalikan ang pisngi ng binata. Kilig-tawa ang isa sa likod nito. "Salamat at nakilala kita, Bob. Hanggang sa muli, sana'y magkita tayo ulit."
Isang nakakakilig at nakakataas-kilay na ngiti ang isinukli ng binata. "Ikaw rin. Sana magkita pa tayo, my princess."
"Aaaaaaah!" Halos mabaliw na sigaw ni Anne sa nakakakilig na pagpapalitan ng mga salita ng dalawa. "Taralets, Princess Antonia. Kailangan na nating makabenta para makapag-patayo na kayo ng bahay ng Prince Charming mo!"
"Pfft..." Mahinang batok ang natamo ni Anne mula kay Antonia. "Sira ka talaga, tara na." Sa huling pagkakataon, nilingon niya si Bob at nginitian ng abot-tenga. "Maraming salamat, Bob."
"I owe you, my princess."

Book Comment (67)

  • avatar
    Aviby Prudenciado

    nice story

    1d

      0
  • avatar
    Susana Aboloc

    nakapagtapos ako

    12d

      0
  • avatar
    Rafael Silva

    olha essa estória é muito legal eu gostei muito de mais ela é muito boa pra ler

    05/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters