logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

NANG sumunod na araw, maagang lumabas si Edward, siyempre, kabuntot na naman siya nito. Pumunta ang dalawa sa isang meeting at sa isang hotel iyon ginanap. Isang half-Chinese, half-pinoy ang kausap ng binata. May ilan din itong alalay, subalit sa kabilang mesa pumwesto ang mga ito. Pinong-pino ang galaw ni Honey. Ingat na ingat na huwag makagawa ng anumang kapalpakan. Inililista niya ang mga pinapag-usapan ng dalawang panig. Pagkatapos na mag-usap ay dumating ang in-order ni Edward na pagkain. Tahimik pa rin ang dalaga lalo na't panay ang tingin sa kanya ng kaharap na lalaki.
"Okay ka lang ba? Hindi mo ba nagustohan ang pagkain?" pabulong nitong tanong sa kanya.
Tumango lang siya na nakangiti. Kanina pa kasi siya kinakabahan. Hindi naman niya alam kung bakit. Pero iisa lang ang natitiyak niya, natitiyak niya na aabutin na naman siya ng palpak. Sabi pa naman ng boss niya, ang kausap daw nito ay isang bigating tao.
"S-sir excuse po, punta lang ako sa cr."
Tumango lang si Edward bilang pagsang-ayon. Hinabol siya ng tingin ng dalawang naiwan na paminsan-minsa'y nililingon niya ito. Pagkapasok sa cr ay tumingin siya sa harap ng salamin, mabuti na lamang at walang ibang tao roon.
"Who is she?"
"My assistant, Sir," nangingiting tugon ni Edward.
"She's pretty huh!"
Lumapad ang ngiti ni Edward.
"Pero mukhang bata pa. Saan mo ba nakuha iyan? Ihanap mo nga ako nang tulad niyan para naman mawala ang stress ko sa trabaho."
Tuloyan nang natawa si Edward. May nababalitaan kasi ito tungkol sa kausap, mahilig daw ito sa mga bata pero hindi na sinabi pa iyon ng binata.
At habang nasa loob ng comfort room si Honey, kinakausap niya ang sarili sa isip lamang. Pinapakalma niya ang sarili, "Relax ka lang Honey!" sabi ng isipan niya. "Ganyan talaga ang trabaho mo, bigatin ang boss mo eh! Pasasaan ba't masasanay ka rin," aniya na nakaharap sa salamin.
Magtatagal pa sana siya roon subalit nagakatanggap siya ng text message mula sa kanyang boss. Nagtatanong kung tapos na raw ba siya. Kiming naglakad siya pabalik sa mesa at nasulyapan niya na wala na roon ang kausap ni Edward.
"Tapos na po ba, Sir?"
Tumango ito, "May pupuntahan pa raw si Mr. Cheng, kaya nauna na siyang umalis."
"Ganoon ho ba?"
"Umupo ka na't tapusin ang iyong pagkain."
Sinunod naman iyon ng dalaga.
"Alam mo, sabi n'ya sa akin type ka n'ya."
Napamulagat siya, "Ako ho?""
"Iyon ang sabi n'ya, mahilig kasi iyon sa mga batang tulad mo. Sabi pa n'ya, papayag daw siya sa inaalok ko sa kanya kung sa kanya ka na raw magta-trabaho. Galanti iyon. 'Pag gusto mo, sabihin mo lang para maipaalam ko agad sa kanya. Para hindi na ako mahirapan pa."
Napipilan si Honey. Biglang dumagundong ang dibdib niya. Ito na ba ang kinatatakutan niya? Ang ibenta siya ng amo niya? Mabilis niyang nilagok ang natitirang laman ng baso niya.
"Sabihin mo Sir na nagbibiro ka lang!"
Natawa si Edward. Kitang-kita sa mukha niya ang matiding takot na nararamdaman. Naluluha na rin siya ngunit pinipinigilan lang niya ang sarili.
"Sir?"
"Of course not! Biro lang 'yong sinabi ko sa iyo. Hinding-hindi ko magagawa iyon sa isang tulad mo. Ikaw ang the best kong assistant eh!"
Hindi siya sumagot pero hindi pa rin naiibsan ang takot sa kanyang dibdib. Hanggang sa kanilang pag-uwi, laman pa rin ng isipan niya ang sinabi ni Edward. Paano nga kung isang araw ibigay siya nito sa taong iyon? Kung trabaho lang naman ang habol ng taong iyon, papayag siya. Pero parang hindi eh! May laman ang sinabi ng boss niya.
Hanggang sa pag-akyat ng elevator ay tahimik pa rin siya. Natutuliro na ang isipan niya sa kakaisip. At napansin naman iyon ni Edward.
"Is there something wrong, Honey?"
Napasulyap siya bigla sa katabi at mabilis na umiling.
"Iniisip mo pa rin ba 'yong sinabi ko sa iyo kanina?"
Napatitig siyang muli rito ngunit hindi nagsalita. Nanahimik na lamang siya. Manaka'y napabuntong-hininga siya.
"I'm sorry sa nasabi ko kanina. It doesn't mean na gagawin ko 'yon sa iyo."
Pilit siyang napangiti, "H-hindi ho iyon ang iniisip ko," nabigkas na lamang bigla ng bibig niya.
Si Edward naman ang napatitig sa kanya. Binabasa kung nagsasabi ba siya ng totoo. Kaya't nag-isip agad siya nang masasabi.
"S-si Inay ho," iyon ang naisip niya. "Ilang araw na kasi ako rito pero wala pa rin akong nagagawa. Kung bakit naman kasi nawala pa ang aking gamit."
"At sa palagay mo ba'y makikita mo ang iyong ina sa loob lamang ng isang araw? Kahit pa yata isang taon kang maghahanap dito kung hindi mo pa siya kilala, hindi mo siya makikita."
Hindi agad siya nakapagsalita. May punto naman ito. Paano nga ba niya mahahanap ang isang tao na hindi pa man lang niya nakikita? Nadagdagan pa tuloy ang gumugulo sa isipan niya.
Paroo't-parito siya sa loob ng silid, kagat-kagat ang isang daliri. Hindi mapalagay sa mga iniisip.
"Hayst! Mababaliw na ako, Lord! Hindi ako mapalagay at hindi matahimik ang aking isipan," pahiyaw niyang sabi.
Naudlot ang gagawin ni Edward. Kakatok sana ito sa pinto ng silid ni Honey at narinig nito ang sinabing iyon ng dalaga. Mahina man pero naunawaan nito. Hindi man nito alam kung bakit pero ramdam nito na isa ito sa dahilan.
UNTI-UNTING napansin ni Edward ang pag-iwas sa kaniya ni Honey. Hindi na rin palangiti o palatawa ang dalaga. At isa iyon sa ikinanlulumo ng binata. Unti-unti rin siyang nawalan ng gana sa trabaho. Bumabalik na naman siya sa dati.
"Sir, are you okay?"
Napatitig si Edward sa secretary. Kanina pa pala ito sa kanyang harapan.
"Ahm, oo naman. May iniisip lang ako."
"Babae ba? Or should I say, mga babae!'
Umarko ang kilay ng binata at biglang uminit ang ulo. "Wala ako sa mood na makipagbiruan Ben. Now, what are you want?" singhal niya kasabay ang pagbuklat sa polder.
Napasimangot na lang si Ben. Kaagad din nitong ini-abot ang hawak. Lumabas na rin ito agad. Nakasalubong nito si Honey na may bitbit na baso ng kape.
"Honey, bakit ang sungit ng boss mo ngayon? May red tide ba siya?"
"Bakit?"
"Aba'y biruin mo bang sinigiwan ako,"
"Bakit?" muli niyang tanong dito.
"Ewan ko sa boss mong masungit!" Pagkasalita ay tumalikod na rin ito.
Naiwan namang nag-iisip si Honey. 'Pagdaka ay pumasok na rin siya. Inilapag niya ang dala sa ibabaw ng mesa nito nang walang anumang sinalita. Namayani na naman ang katahimikan hanggang sa matapos ang kanilang trabaho.
Sinalubong agad sila ni Edring nang makitang papalabas na ng building. May ibinulong ito kay Honey na nagpabaling ng tingin niya sa binata.
"Hindi ko ho alam kung bakit iyan nagkakaganiyan. Hayaan mo na lang ho, lilipas din ang sumpong n'ya." mahinang tugon niya rito.
Nabanggit na kasi ni Ben kay Edring ang pagiging bugnutin na naman ni Edward. Naunang sumakay ng sasakyan ang binata. At tulad nang nakagawian, sa una sumakay si Honey. Tanging sila lamang ang nag-uusap ni Edring hanggang sa marating nila ang condo, na lalong nagpakulo ng dugo ng binata. Pasalya nitong isinara ang pinto ng sasakyan.
"Hay naku! Mukhang alam ko na kung bakit siya nagkakaganiyan."
"Bakit ho?"
"Kausapin mo na kasi. Pangitiin mo tulad nang dati."
Maang na napatitig si Honey sa nagsalita. "What? Mukhang kasalanan ko pa kung bakit sandamakmak na galit ang sinalo ni Sir ngayon!" Sa isipan lamang niya lumabas iyon.
Nakasimangot siyang sumunod sa binata.
Kinabukasan, dahil araw ng Linggo, wala siyang pasok. Nagpaalam siya sa binata na lalabas subalit katakot-takot na tanong ang itinugon nito sa kanya.
"Saan ka pupunta?"
"Magsisimba lang ho sana Sir,"
"Sino naman ang makakasama mo? At saan ka magsisimba?"
Nakadama na siya ng inis dito, napahinga tuloy siya ng malalim. "Sir, 'di ba ho, day of ko ngayon? Bakit itatanong mo pa kung saan ako pupunta? Sinong kasama at kung saan ako magsisimba?" inis niyang tanong.
Hindi naman nakapagsalita si Edward. Napilitan na rin itong payagan ang dalaga.
Sakay ng pampasaherong dyip si Honey at hindi nagtagal ay nakarating siya sa simbahan. Wala na siyang makitang bakanteng upoan kaya't pinili na lamang niya ang tumayo sa hulihan. May isang tao ang nagpumilit na sumiksik sa likuran niya ngunit hindi naman niya tiningnan kung sino iyon.
Pagkatapos magsimba, nagtungo naman siya sa mall upang magtingin-tingin ng damit. Kinsenas-katapusan ang sahod niya kahit papaano ay may pera na siyang hawak.
"Oy, maganda ito ah!" puna niya sa isang damit n naraanan niya.
Pumasok at nagtanong siya sa saleslady na naroon.
"Mahal pala, sayang!" mahinang sambit niya matapos sabihin ng saleslady ang presyo.
Muli na siyang naglakad, nagtingin-tingin muli sa mga narararaang mga damit. Hindi pa siya nakalalayo nang tawagin siya ng isang saleslady.
"Ma'am, heto po."
"Ano 'to?" Binuklat niya ang paper bag at tumambad sa mata niya ang nagustuhang damit kanina lamang. "Bakit ibinibigay mo sa akin ito?"
"May nagpapabigay po sa inyo, Ma'am."
"At sino naman daw?"
"Hindi ko ho puwedeng sabihin, sige po babalik na ako sa aking trabaho," paalam ng saleslady.
Naiwang puno ng katanungan ang isipan ni Honey. Binitbit na rin niya ang damit. Nagtungo naman siya sa kainan. Um-order na siya ng pagkain. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang kanyang in-order ngunit sa kasamaang palad, natapon sa damit niya ang inilalapag ng waiter na inumin sana niya. Basang-basa ang suot niya. Humingi naman ng paumanhin ang waiter at nangakong bibigyan pa siya ng inuming tulad ng order niya pero ito na ang magbabayad. Napilitan siyang isuot ang bitbit na damit. Nagtungo siya sa cr upang doon ay magpalit.
"Tsk. Hindi lang pala ako ang minamalas. May kasamahan pa pala ako."
Isang dress ang damit kaya't hanggang sa pantalon ay hinubad din niya. Inilagay niya ang mga hinubad sa pinaglagyan ng dress. Humarap siya sa salamin upang ayusin ang sarili.
"Buti na lang sakto ito sa akin."
Hindi na rin siya nagtagal, lumabas siyang bitbit ang paper bag. Muli ay humingi sa kanya ng paumanhin ang waiter nang marating niya ang mesa. Hindi iyon umalis hangga't hindi siya dumarating.
Sa isang sulok ay may matang nakamasid kay Honey. Puno ng paghanga ang anyo nito matapos makita ang hitsura ng dalaga. Hindi man nito maamin sa sarili pero totoong humahanga na ito sa dalaga.

Book Comment (143)

  • avatar
    LenlenRhammelen

    oiejebrhrjr

    9d

      0
  • avatar
    Alvin Redillas

    very nice

    19d

      0
  • avatar
    JM Pacyao

    500

    09/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters