logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

BUMULAGA sa paningin ni Honey ang magara at kaaya-ayang silid. Hindi man iyon kalakihan tulad ng bahay na pinapasukan ng kaibigan niya pero sulit naman ang mata niya sa ganda ng desinyo niyon. Nabusog ang kanyang mata sa kakatingin sa mga desinyo at mga kasangkapan ng silid na iyon.Sumunod na rin siya kay Edring patungo sa sala na kung saan ay naka-upo na sa sofa ang magiging boss niya.
Bago umalis si Edring, itinuro muna nito ang magiging silid niya. Napanganga rin siya sa silid niya. Naroon na ang banyo, may kabinet, may malambot na higaan, hindi tulad ng higaan niya sa kanila. Binilinan din siya nito sa mga bagay doon. Itinuro nito kung anu-anong bagay ang naroon, pangkaraniwan ay sa kusina. Nang wala na si Edring ay saka pa lamang naalala ni Honey ang kanyang mga gamit.
"Oh my, wala nga pala akong gamit!" saad niya sa sarili.
Unti-unti niyang binuksan ang pinto. Sinilip muna niya ang labas ng silid, nakaharap iyon sa kusina at nang makatiyak na wala roon ang bosa niya'y saka pa lamang siya lumabas.
"Palakang bakla!" Napasinghap at napahawak siya sa tapat ng dibdib nang magkabunggoan sila ng boss niya. "Pambihira! Bakit ba palagi kaming nagkakabunggoan? Hindi ba niya ako nakikita?" mahina niyang sambit sa sarili.
Nakayuko lamang siya kaya hindi nakita ang naging reaksyon ng kanyang boss. At dahil nakayuko siya, kitang-kita niya ang pang-ibabang katawan nito. Ang mamula-mula nitong paa. Ang balahibuhin nitong binti at hita. Umakyat pa ng kaunti ang tingin niya.
Napalunok ng laway si Honey, "Oh my--" nakagat niya ang pang-ibabang labi habang nakatitig sa umbok na harapan ng kaharap. Boxer lang kasi ang suot niyon at wala pang suot na damit.Napapitlag siya nang biglang may ini-abot ito sa kanya.
"F-for me S-sir?" kanyang tanong na hindi man lang ina-angat ang mukha habang kinukuha ang ibinibigay nito.
Pagka-abot ay tumalikod na ang boss niya, siya naman ay hinabol na lamang ng tingin iyon. Malapad ang maputing likod nito na bumagay sa maumbok ding puwetan nito.
"Macho," muli siyang napakagat-labi.
Saka pa lamang siya pumasok nang mawala na sa paningin ang boss niya. Tiningnan niya ang nilalaman ng paper bag.
"Ah! Mga damit pala!" sambit niya habang inilaladlad sa harapan ang mga damit.
Shorts at mga t-shirt, may ilang piraso rin ng bra at panty at may towel pang kasama.
"Branded ang mga ito ah!" bulalas niya nang masumpungan ang etikita ng damit. "Kahit panty at bra oh! Teka, mukhang malaki yata ang sukat ng bra na ito." Ibinuka pa niya iyon at saka ay isinukat sa dibdib "Malaki nga! Siguro kung sinu-sino na ang dinala ng lalaking iyon dito, kaya may stock siya ng mga ito. Ay oh, malaki sa akin ang bra!" Halata sa mukha niya ng pagka-inis na hindi malaman kung bakit.
Matapos ang ilang minuto na pagmamaktol, pumasok din siya banyo bitbit ang towel.
"Wow! Ganito pala ang banyo ng mayayaman! May shower at ang ganda pa ng bowl. Mukhang mayaman din."
Nilapitan niya iyon. Sinubukan niyang palabasin ang tubig. Alam naman niya kung paano gumamit nang ganoong bowl. Ipi-nush niya ang silver na tila button at lumabas na ang tubig.
"Tiyak na matutuwa si Weng-weng kapag nalaman ito!" sambit niya.
Sumunod naman niyang sinuri ang tapat ng pinagliliguan. Pinihit niya ang tila seradora at---.
"Ay naku po!"
Pumuslit sa ulohan niya ang malamig na tubig na nagmumula sa nakasabit na tila isang tubo.
"Wow! Ang ganda! Ang sarap ng tubig," Nagpaikot-ikot siya roon hanggang sa sakupin na ng tubig ang buo niyang kasuotan. Tila isa siyang bata na nagtatampisaw sa saliw ng ulan. Pinagsawa niya ang katawan sa tapat ng shower, nasa isang oras din siya roon.
Lumabas siyang tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa katawan. Sanay naman kasi siya na ganoon ang hitsura kapag naliligo.
"Presko, sarap sa pakiramdam!"
Hihiga na sana siya nang maalala ang ibinigay na trabaho sa kanya.
"Ano ba ang dapat kong gawin? Dapat ko ba siyang pagsilbihan? Ipagluto?" tanong niya sa sarili. Napapitik siya at mabilos na napatayo, "Tama! Ipagluluto ko siya."
Lumabas na siya ng silid. Sinilip niya mula sa kantuhan ng kusina ang sala. Naroon nga ang boss niya. Nakatalikod iyon sa kanya.
"Mukhang busy si Sir ah! Siguro'y nasa harap iyon ng computer." mahina niyang saad.
Huminga siya ng malalim at nag-practise nang sasabihin, in english.
"Whoah! This is it pansit! Kaya mo 'yan, Honey! English lang 'yan at hindi dapat katakutan." muling sambit niya sa sarili.
Halata ang panginginig ng tuhod ni Honey habang unti-unting nilalapitan ang naka-upong lalaki. At nang nasa likuran na siya nito'y huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"E-excuse m-me S-sir," pauna niyang salita. "ahm, w-what c-can I d-do f-for you Sir?" nagkakandautal-utal niyang tanong.
Hindi man lang lumingon o nagtaas ng paningin ang boss niya, maliban sa pagsenyas nito'y wala na siyang ibang narinig pa. Kumakamot sa ulong bumalik siya sa loob ng silid.
Nang sinarado na niya ang pinto, saka pa lamang niya naalala ang sinabi. Napatapik siya ng noo.
"Ay shunga! Bakit ganoon ang sinabi ko? Mali. What can I do for you ang tinanong ko." Muli niyang tinampal ang sariling noo. "Patay! Nakakahiya!"
Tumakbo siya sa higaan at halos ginawa iyong swimming pool. Sumadsad ang dibdib niya sa malambot na higaan. Kinuha ang unan at itinahob iyon sa ulo.
"Ahh! Nakakahiya! Mali ang nasabi ko," Hindi na siya lumabas pa ng silid hanggang sa makatulogan na niya ang pagmamaktol sa sarili.
Nagising na lamang siya sa mahihinang katok. Iinot-inot siyang bumangon at dala ng labis na pagkahiya, nakayuko niyang binuksan ang pinto. Subalit, sa takot na magkamali muli, hindi na siya nagsalita pa. Inabot ng boss niya ang pagkain nang hindi man lang nagsalita at wala ring sabi-sabing tinalikuran siya. Nag-angat siya ng mukha at nakangangang hinabol niya ng tingin ang papalayong lalaki.
"Ni ha, ni ho wala man lang sinabi. Siguro pipi iyon!"
Tinungo na niya ang mesa sa kusina at ipinatong doon ang bitbit na pagkain. Hinanap niya ang kinalalagyan ng pinggan subalit wala siya makita.
"Wow naman! Kusinang walang kagamit-gamit. Sosyal ha!"
Maya-maya pa ay nakarinig siya ng yabag, kaagad nang nagyuko siya ng ulo. Ang boss niya. Kumuha iyon ng tubig. Nais sana niyang magtanong subalit nauunahan na siya ng hiya. Baka kasi magkamali na naman siya ng sasabihin.
Hindi pa umaalis ang boss niya. Tila ba'y sinasadya na magtagal doon. Kaya't napilitan na siyang magtanong. Ngunit bago siya magsalita, kinabisado muna niya sa utak ang sasabihin.
"Excuse me Sir, where's the plate?" Huminga siya ng malalim, "Tama ang sinabi mo Honey," bulong ng isipan niya.
Hindi tumugon ang boss niya subalit binuksan nito ang isang kabinet at humantad sa kanya ang mga plato at kutsara. Nasa kabila naman ang mga baso.
"Wow sosyal! Nasa kabinet pala ang lalagyan." mahina niyang saad nang umalis na ang bosa niya.
Kumuha na siya ng plato at kaagad na nilantakan ang pagkain. Nang huhugasan na niya ang kanyang kinaina'y napa-isip siya.
"Gripo lang! Walang planggana. Saan ko ito huhugasan?" Napakamot siya. Naalala niya ang ginawa ng kanyang kaibigan sa paghuhugas ng pinggan. ''Ah oo nga pala! Hindi nga pala gumagamit ng planggana ang mayayaman sa paghuhugas ng pinggan. Itinapat lang nila ang pinggan sa gripo."
Ganoon nga ang ginawa niya. At nang matapos na hugasan ay pinunasan niya ang pinggan bago ibinalik iyon sa lalagyan.
"Kahirap pala 'pag ngayon ka lang tumuntong sa Manila. Nagiging isa kang abno."
Tinungo na niya ang silid subalit napahinto rin kaagad siya. Sa halip na silid ang tahakin, dinala siya ng mga paa patungo sa sala. Huminto sa kantuhan ng dingding. At sinilip ang kanyang boss.
"Ah! May kausap pala naman sa phone, kaya pala maingay."
Pinapakinggan niya ang sinasabi ng bosa niya. English ang salita.
"Ano kayang lahi itong boss ko?"
Lumaki ang mata niya hindi dahil sa nakikitang hubad na katawan ng lalaki, nakatalikod man iyon subalit nakaguhit pa rin sa malapad nitong likod ang pagka-macho. Lumaki ang mata niya dahil sa nasaging bagay sa ibabaw ng kabinet na lumikha ng malakas na ingay. Nasa kantuhan kasi iyon ng dingding.
Mabilis niyang iniiwas ang mata nang lumingon ang boss niya. Abot-abot din ang kaba niya. 'Yon bang pakiwari niya'y lalabas na ang kanyang puso dahil sa subrang lakas ng tibok niyon. Narinig na niya ang yabag ng boss niya. At pikit-mata siyang nanalangin. Baka kasi pagalitan siya nito at palayasin pa. Hindi na niya nagawa pang imulat ang mata nang huminto sa tapat niya ang yabag. Hindi iyon nagsalita.
"I'm sorry, Sir," despensa agad niya na magkadaop pa ang dalawang palad.

Book Comment (143)

  • avatar
    LenlenRhammelen

    oiejebrhrjr

    9d

      0
  • avatar
    Alvin Redillas

    very nice

    19d

      0
  • avatar
    JM Pacyao

    500

    09/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters