logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

NANCY ZAMORA.Iyon ang ibinigay na pangalan ni Caring kay Honey. Iyon daw ang pangalan ng kanyang ina. Pero ang tirahan, hindi nito alam.
"My God! Tiyak po na hindi isa o dalawa ang Nancy Zamora dito sa Pilipinas. Kahit i-search ko pa iyan sa google. At tiyak ding hindi ko magagawa dahil wala akong internet." yamot niyang sabi.
Nilakad pa niya ang kahabaan ng gilid ng kalsada hanggang sa marating niya ang Baclaran. Napatingin siya sa mga taong nagtitinda ng pagkain.
"Nagugutom na pala ako," napahawak pa siya sa tiyan na biglang kumalam iyon.
Hanggang tingin na lamang ang nagawa ni Honey at muli ay ipinagpatuloy ang paglalakad. Nililingon pa niya ang nadaraanang mga pagkain, manaka'y binasa pa ng kanyang dila ang nanunuyong labi. Hindi tuloy niya napansin ang isang tila bakal na makakasalubong niya.
"Aray!"
Sapo ang noong tumama sa dibdib ng lalaki nang unti-unti niyang itinaas ang tingin. Napalunok siya ng laway. Sa tangkad at porma nang taong nakabangga niya'y tiyak na foreigner iyon. Tiyak na mapapalaban siya ng english 'pag nagkataon. Naka-shade ito kaya hindi niya masilayan ang mata. Mamula-mula rin ang pisngi.
Lumod-laway muna ang kanyang ginawa, "I'm s-sorry S-sir," nauutal niyang paumanhin. Hindi rin niya maiwasang manginig ang tuhod. Hindi niya maintindihan kung bakit. Dala lang siguro iyon ng matinding gutom o baka'y niyerbos.
Kaagad na ring nagbaba siya ng paningin nang hindi tumugon ang lalaki. Hindi rin niya alam kung nakatitig ito sa kanya dahil may kadiliman ang suot nitong shade. Isang lalaki pa ang lumapit sa kanila.
"Ineng, okay ka lang ba?"
Nagtaas na siya ng paningin, "Hind--ikaw po 'yong lalaki kanina, 'di po ba?"
Nangiti naman ang lalaki, ma-edad na ito, tingin niya'y nasa tatlomput-lima pataas.
"Oo 'neng, ako nga iyon. Nahanap mo ba ang bag mo?"
Lumungkot muli ang anyo ni Honey, "Hindi pa nga ho eh! Kararating ko pa lang ho rito sa Manila galing probinsya para hanapin ang nawawala kong ina." Suminghot siya.
Nagkatinginan naman ang kausap niyang lalaki at ang nabunggo niya.
"May kakilala ka ba rito, 'neng?"
"Mayroon po, kaso mukhang hindi na rin po ako makakapunta roon. Nasa loob din po kasi ng bag ko ang pera at ang larawan ng ina ko."
Sumenyas ang nabunggo niyang lalaki sa kausap niyang lalaki. Tumalima naman ang huli, lumapit ito sa sumenyas. May ibinulong ito at napatango naman ang kausap niya.
'Ah 'neng, siya ang boss ko. Driver niya ako. Ipinapatanong niya kung ano raw pangalan ng ina mo."
"Nancy Zamora po. Hindi ko pa po siya nakikita. At hindi ko rin alam kung saan siya nakatira. Iyon lang po ang ibinigay na detalye sa akin ng Lola ko."
Muli ay nagkatinginan ang dalawang lalaki at kapagdaka ay napatutok din ang tingin sa kaharap na dalaga. Malakas kasi ang pagkalam mg kanyang tiyan kaya narinig ng dalawa iyon. Muli ay sumenyas ang nabunggo niya at bumulong muli sa lalaking kausap niya.
Pinabibili nito ng pagkain at tiyak niyang para para sa kanya iyon. Isinama siya ng kausap niya sa loob ng kainan. Pagpasok pa lamang ay napayakap na siya sa sarili.
"Ang lamig naman dito!" puna niya.
"Ganiyan talaga rito ineng. Alam mo ba kung ano ang tawag diyan." Itinuro pa nito ang naglalakihang aircon sa magkabilang gilid habang pumipila upang um-order.
"Wow! Aircon 'di po ba iyan? Samantalang sa lugar na kinalakihan ko, sumipol ka lang may hahampas na sa mukha mo na hangin. Dito, hindi na pala kailangan."
Natawa ang lalaki sa kanyang tinuran, "Pero mas masarap mamuhay sa probinsya, hindi ba ineng? Sariwa ang hangin. Sariwa ang tubig, pati mga pagkain. Hindi tulad dito sa Manila, napaka-polluted na. Lumabas ka lang sandali, grabe na ang itim ng ilong mo."
Napahagikgik na lamang ng tawa si Honey. Sumunod na rin siya sa lalaking may dala ng pagkain. Pina-upo siya nito sa mesa at ipinakain sa kanya ang dalang pagkain.
"Salamat po sa pagkain,"
Pinagmamasdan lang naman siya ng lalaki habang kumakain. Sarap na sarap siya at kung hindi nga lang nahihiya siya dahil marami-raming mga tao roon ay nag-kamay na siya.
"Kumain na rin po kayo," yaya pa niya habang pinong nginunguya ang nasa bibig. Iyon kasi ang turo ng kaibigan niya.
"Sige lang, para sa iyo talaga iyan. Natutuwa lang ako sa iyo, ang gana mo kasing kumain."
"Gutom na gutom na po talaga ako eh!"
"Ano nga pala ang pangalan mo?"
"Honey po, Honey Maniago," kanyang tugon sabay lunok sa nginunguya.
"Ako naman si Edring," pakilala ng ginoo. "Puwede mo akong tawaging Itay."
Hindi naman agad tumugon si Honey, nakatitig lamang siya sa lalaking kausap.
"May anak din kasi ako, babae rin."
"Ah! Ipakilala mo po ako minsan,"
"Patay na siya," Nagbaba ng tingin si Edring, lumungkot din ang anyo nito matapos banggitin ang katagang iyon.
Sandali namang natahimik si Honey. Pagkaraan nang ilang sandali ay humingi rin siya ng despensa rito. Minadali na niya ang pagkain at nang makatapos ay sabay silang lumabas. Dumiretso si Edring sa kinahihimpilan ng sasakyan na kung saa'y naroon ang boss nito. Sumunod si Honey.
"Saan ka nga pala pupunta ngayon, Honey?" Napahinto si Edring nang mapatapat na sa unahang pinto ng sasakyan.
Umiling siya, "Hindi ko po alam. Hindi ko rin naman po alam ang lugar ng kaibigan ko."
Napakamot na lamang si Edring.
"Baka po may alam kayo na mapapasukan ko," lakas-loob na saad ni Honey. Kailangan niya nang masisilungan pagsapit ng gabi.
"Sandali lang 'neng." Pumasok ito sa loob ng sasakyan. Matagal-tagal din ito bago lumabas.
At habang nasa loob si Edring, sinasayod naman ni Honey ang sasakyan.
"Tiyak na matutuwa si Lola kapag nakabili ako nang tulad nito. Pero alam ko, may kamahalan ito. Siguro milyon ang halaga nito. Ang ganda kasi!" sambit niya.
Palibhasa't tinted ang salamin ng sasakyan, lumapit pa siya roon upang tingnan ang sarili.
"Ang dungis ko na nga! Tiyak na mapapagalitan ako ng Lola ko kapag nalaman na ganito na ang hitsura ko."
Inayos niya ang sarili sa harap ng salamin. Ipinahid ang palad sa mukha at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Napangiti siya "Kamukha ko na ngayon si Inay," subalit kaagad ding lumungkot ang anyo niya, "Paano ko na ngayon mahahanap si Inay? At saan ko siya hahanapin?" Laglag ang balikat ay unti-unti na siyang lumayo sa sasakyan.
Ilang hakbang na rin ang nagagawa niya nang tawagin siya ni Edring. Agad siyang napalingon.
"Sandali, Honey," muling sambit nito habang lumalapit sa kanya. "Sabi ni Sir, kung kaya mo raw gampanan ang trabahong ibibigay niya?"
Napalunok siya ng laway, "A-ano pong trabaho?" Bahagya siyang kinabahan, naalala niya ang sinabi ng kaibigan at lola niya. May mga babae raw na pinagkakakitaan ng kanilang nagiging amo.
"Personal assistant."
"Personal assistant?"
Tumango si Edring at sinabi nito ang dapat niyang gawin. As usual, sa bahay nito siya titira at sila lang dalawa. Si Edring ay may sariling tinutuloyan.
"Oh my gosh! Pihadong dudugo ang ilong ko nito sa kanya. Hindi pa naman ako bihasa sa english, kung breaktime pa iyan!" sambit ng kanyang isipan.
"Ano, gusto mo ba?"
Napapitlag siya nang maramdaman ang palad ni Edring sa balikat niya.
"Ha? Ahm, sige po," biglaang sagot niya.
Napangiti si Edring at kaagad ding tumalikod kay Honey. Nais pa sana niya itong habulin upang sabihin na nabigla lamang siya subalit may kung anong bagay sa kalooban niya ang hindi nagpo-protesta.
"I-grab ko na ito noh! Baka sa kalye pa ako makatulog mamayang gabi 'pag hindi ko tinanggap." mahina niyang sabi.
Hindi na bumaba pa si Edring sa sasakyan subalit tinawag siya nito.
"Sumakay ka na!"
Dahan-daham siyang napakamot sa ulong hindi naman kumakati at kasabay din ang unti-unting paghakbang ng mga paa.
"P-paano ako sasakay?"
Sumenyas si Edring. Gumawi siya sa kanang bahagi, doon ay naka-abang na ang nakabukas na pinto. Nais sana niyang lingunin ang lalaking kampanteng naka-upo lamang sa hulihan para makapagpasalamat subalit nauunahan siya ng hiya.
Sa isang may kataasang building huminto ang sasakyan. Napatingala pa siya habang sinasayod iyon.
"Wow! Dito ho ba siya nakatira?" pabulong niyang tanong kay Edring.
Tumango lang naman ang huli.
"Ang laki pala ho ng bahay niya!"
Muntik nang mapabunghalit ng tawa si Edring sa narinig. At ramdam din niya ang biglaang paggalaw ng taong nasa likuran nila.
"Malalaman mo mamaya," halos pabulong ding tugon ni Edring.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng may kalakihang pinto at bumaba ang nasa likuran nila.
"Bumaba ka na rin," utos sa kanya ni Edring.
"Susunod ako, ipa-park ko lamang itong sasakyan."
Atubili nang sumunod si Honey sa naglalakad na lalaki. Sa haba ng biyas nito'y dalawang hakbang niya ang isang hakbang nito. Hindi maiikaila sa mukha niya ang takot, lalo na't lalaki iyon at tanging sila lamang dalawa ang pangkaraniwan na magsasama. Ngunit, kapag hindi naman niya tinanggap ang alok, tiyak na magiging isa siyang palaboy.
"Lord, bahala Ka na po sa akin. Gabayan Mo po sana ako," taimtim niyang dasal.
Huminto sila sa tapat ng isang pinto. Nakita niyang bumukas iyon subalit hindi pumasok ang magiging boss niya. At nang dumating si Edring, may kung anong bagay ang pinindot nito at bumukas ang pinto.
Naunang pumasok si Edring, sumunod ang boss nito at siya. Tatlo lamang sila roon. Hindi rin niya alam ang gagawin. Naramdaman na lang niya na para bang umakyat ang tila isang silid na iyon. Ilang segundo rin ang itinagal nila sa loob niyon. Bahagya pa siyang nahilo nang huminto lalo na nang lumabas siya. Su-suray-suray siyang naglakad pero nasa mukha ang matinding paghanga.
"Wow magic! Kanina hindi ganito ang hitsura ng aming kinaroroonan, pumasok lang kami sa kuwarto na iyon ngayo'y iba na. Maraming nang pinto! Baka puwedeng pumasok muli roon at sana sa paglabas ko'y nasa bahay na ako ng aking ina." halos pabulong niyang sabi.
Narinig niyang biglang napa-ubo ang lalaking nasa likuran niya, nasa huli kasi ang magiging boss niya na dinaig pa ang isang guard kung makabuntot. Nilingon niya ito subalit agad ding iniiwas nito ang paningin. Halata niyang nakangiti ang lalaki.

Book Comment (143)

  • avatar
    LenlenRhammelen

    oiejebrhrjr

    9d

      0
  • avatar
    Alvin Redillas

    very nice

    19d

      0
  • avatar
    JM Pacyao

    500

    09/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters