logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter Two

Alexandria
Lunchtime na naman.
Wala ako sa hulog na naglalakad papuntang cafeteria habang nasa likod ako ng mga kaibigan kong ang ingay-ingay. Hindi na talaga nahiya ang mga ito sa mga bunganga nilang dinaig pa ang mikropono. Kahit kasi pagtinginan sila sa kaingayan nila ay wala silang pakialam. Palibhasa ay gusto sila ng mga estudyante.
Ang malala pa nga ay pinag uusapan nila ang nangyari sa klase kanina lalo na ang pagtawag sa akin dahil sa p'westo ko sa likod.
Hindi rin nag fa-function ng maayos ang utak ko kaya hindi ko sila masaway. Para itong nasa alapaap na palutang-lutang na lang.
At kung bakit ako ganito ngayon ay hindi ko naiintindihan. Dahil ang rason dapat ay ang nangyari nga kanina pero may iba pang tumatakbo sa isipan ko.
"Panay rinig ko ang mga usapan tungkol kay Miss Liandro." Biglang pagbabago ni Chabelita sa topic nila. "Siya ang topic for today's video."
Kahit kailan talaga ang mga ito.
"Oo din. Sa tangkad at ganda ba naman ni Ma'am. Hindi mo aakalin na magtuturo siya dito. Marami din naman ang magagandang professor pero iba si Miss Liandro." Hanggang sa oras ba naman ng tanghalian ay siya pa rin ang usap-usapan. Maski ang mga ito ay nakikisabay pa. "Walang-wala ang kaliitan ni Alex sa height ng bago nating Propesor." Bumalik na naman sa akin ang usapan at ayaw talagang tigilan.
"Tigilan mo ako Carlo." Pinaningkitan ko ito ng tingin. Masyado na nila akong inaasar.
"Gusto mo bang lumipat ng upuan?" Umiling ako. Hindi naman na kailangan. "Baka kuwestyunin na naman ang pag p'westo mo do'n."
"Wala naman kasing mali kung doon ako naka upo, hindi ba?" Inis na tanong ko pa.
"Wala nga pero kasi totoo rin naman ang sinabi ni Miss Liandro, Alex. Lagi ka kasing nagtatago sa likuran." Napaismid ako. Hindi naman ako nagtatago.
"Talagang sumang-ayon ka pa." Nailing naman ang apat sa akin. Deretso kami hanggang sa marating ang Cafeteria na halos mapuno na. Sure akong mga estudyante lang din ito na tamad bumaba.
Si Miss Liandro naman din talaga ang usapan ng ilang mga estudyanteng nadadaanan at nakakasalubong namin.
"Doon na lang tayo sa pinakasulok umupo." Suggestion ni Carli ng makapasok kami sa loob ng Cafeteria kaya sumunod lang din ako sa kanila at tahimik na umupo sa tabi. Hindi naman ito ang usual na ang tahimik ko pero anong gagawin ko kung wala man lang akong energy na kahit konti lang.
Maingay din ang paligid na talaga nga namang nangyayari lalo na dito sa Cafeteria at panay ang bulungan ng mga estudyanteng nakakakita sa aming magkakaibigan. Hindi ko naman maitatanggi na sikat ang mga kasama ko at matunog talaga ang mga pangalan nila.
Paano ba naman silang hindi sisikat e si Carli nga ay kasama sa isang Cheer dance while Carlo is a captain pa ng football. Ang galing nga ng name ng kambal e. Carli and Carlo Monteclaro. Medyo Rhyming. Si Leo naman ay isa ring Captain ng Basketball. Si Chabelita? She's playing Volleyball.
Marami talaga silang talent, ilang beses na ring nailalaban at dahil sa talentong iyon ay ang lakas ng pangalan nila sa mga estudyante. May nga fans na nga rin sila e.
Iba-iba talaga ang hilig namin pero lagi kaming nagkakasundo. High school kami no'ng nagkakilala at naging magkakasama kaya sanay na kami sa isa't isa.
Lagi ko ba naman silang kasama.
Ako? Isa akong dancer dito sa University pero hindi lagi, I mean minsan lang kapag hindi ako tinatamad. Actually, lagi akong tamad sa pagsayaw kaya parang hindi na rin ako dancer niyan. Ako ang tumatayong leader nila pero dahil sa lagi naman akong umaayaw, hinayaan ko na sila at pinagkatiwala ko na sa iba ang pagiging leader. Dahil na rin sa hindi ko na mahaharap ang responsibilidad ko sa kanila at may dahilan pa akong iba.
Isa pa akong vocalist sa isang banda dito rin sa University. Masyado na akong maraming responsibilidad kaya halos bitawan ko na ang lahat. Pero dahil sa mga 'yan ay naging matunog din ang pangalan ko. I also love painting and making poems which is matagal ko na ring tinigil.
Ganoon talaga na tipong kahit gaano mo pa kagusto ang isang bagay ay minsan mapapansin mo na lang na hindi ka na interesado sa paggawa, na hindi ka na gumagawa, at tamad ka ng gumawa. Habang tumatagal nagbabago na ang mga gusto nating gawin at nag iiba na rin ang kinahihiligan.
Hindi maiiwasan na abalahin ang mga kasama ko at minsan pang nadadamay ako dahil sa mga fans nila Carlo na nakakarindi na misnan. Ayoko din kasi ng sobrang ingay minsan. Nakakadistract sila sa pag iisip.
After all, hindi lang sa pagiging sporty ng mga kaibigan ko kaya sila sikat. Matalino at masisipag din naman sila at bonus na ang mga itsura. Nakadagdag 'yon kaya mas naging sikat sila.
"Girl, you okay?" Carli asked me. Napansin na pala niya ang pagiging lutang ko. "Mukha kang lutang bhe." Napairap ako sa kaniya. Heto na naman tayo sa panay tawag niya ng 'bhe'.
"Itigil mo nga 'yang kakatawag mo ng bhe sa akin, Carli. Saan mo ba napulot 'yan?" Para kasing nakakainis matawag ng ganiyan. Hindi rin ako sanay.
"Napulot ko lang sa Facebook. Ang cute nga e." Natatawa pa niyang sagot na ikinailing ko. Kahit naman ilang beses ko siya sabihan na itigil ay hindi niya ititigil.
Kaya bahala na rin siya. Kakasocial media nila 'yan kaya kung ano-ano ang napupulot at talaga nga namang naadapt pa nila.
Hinihintay na lang namin si Carlo at Leo na nag order ng lunch namin. Sila na ang nag offer na bumili at bahala na sa kakainin namin. Libre na rin naman nila kaya payag na ako.
"Pero okay ka nga lang bhe?"
"Yup, I'm okay Carli." Tumango ako sa kaniya. Si Chabe naman ay naging busy sa cellphone niya kaya luminga linga muna ako na parang may hinahanap pero parang ganoon na nga.
"Kahit sa BLU page nandoon na ang picture ni Miss Liandro. Tignan niyo." Bumalik ang tingin ko kila Chabelita. Nakaharap na ang cellphone niya sa p'westo namin ni Carli kaya hindi sinasadyang makita ko rin ito. "Kahit anong anggulo maganda pa rin siya tignan."
Litrato nga ni Miss Liandro na papasok ng elevator.
Ang hilig talaga ng mga estudyante na kumuha ng mga litrato ng walang pasabi.
Naiiling na lang akong nag iwas ng tingin sa cellphone ni Chabe na dumadada na naman.
Dahil nga sa lunch na, punuan na naman dito sa Cafeteria. Meron din naman sa first floor at sa ibang floor pa pero ang iba ay tamad ng bumaba kaya nakikisiksik na lang ang iba.
Natigilan ako ng saktong paglingon ko ay nakita ko ang babaeng topic nila Chabe at ang babaeng parang gusto kong makita sa mga oras na 'to. Nasa teachers table ang ilang propesor at nandoon din ang hinahanap ko. Weird nga na hinahanap ko siya. Kaharap nito ang laptop niya at mukhang busy sa pagtatype habang kumakain ng pulang mansanas.
Tahimik din ito habang nagkukuwentuhan at kumakain ang mga kasama niya. Bago lang din naman siya kaya sure akong wala pa siyang kakilala o kaclose na professor dito. Baka inaya lang siya ng isa sa mga kasama niya ngayon.
Her presence means something and that's weird for me. She intimidated me pero mayroon talagang iba sa kaniya. Naiintriga na talaga ako.
Sa huli ay nailing na lang ako dahil sa mga iniisip. Nababaliw na ata ako.
Mabilis na akong napaiwas ng tingin sa kaniya dahil baka mamaya bigla na lang itong mag angat ng tingin. Mahuli pa ako e di nakakahiya sa part ko 'di ba?
Kasi baka sabihin niya na ang weird ko. Baka mag isip pa siya ng kung ano e. Di naman kasi ako gaya ng ibang estudyante na halata ang harap-harapang pagtitig at paghanga sa kaniya.
Literal ba naman na nakatanga silang nakatitig dito. Mabuti at hindi ako katulad nilang tulalang titig na titig.
"Hoy, Lotus Alexandria!" Napahawak ako sa dibdib ko at nagpigil ng sariling huwag magmura dahil sa gulat na ginawang pag sigaw ni Chabelita. Napangiwi pa ako dahil biglang napatingin ang mga estudyante sa table namin.
Ang lakas ba naman ng naging sigaw niya.
"Gosh, Chab. Hindi mo kailangang sumigaw." Reklamo ko dito.
"Ay nagulat ka?"
"Ay hindi ba halata? Batukan kita diyan e." Nag peace sign lang naman ito sa akin at humingi ng sorry.
Ang kulit talaga.
"Ang lakas talaga ng boses mo, Chabelita!" Sigaw din ni Leo dito na kakarating lang at binatukan pa si Chabe na ikinasama ng tingin ng isa. "Rinig hanggang counter!" Pagsasabihan niya pero maski naman siya ay sumisigaw na parang babae.
Saglit ding nagpaalam si Carlo sa amin at mag C-CR lang muna daw siya.
Kinuha naman namin isa-isa ang order nila at sinimulang kainin dahil kung magkukwentuhan lang kami dito ay hindi kami matatapos.
"Tumigil nga kayong dalawa." Sita ni Carli sa kanila na naiinis na ata. "Ang ingay niyo na naman. Pinagtitinginan na naman tuloy tayo. Kumain na kayo."
"E si Alex kasi e." Bakit parang kasalanan ko pa? Nakakaiyak talaga ang mga 'to. "Kanina ko pa tinatawag pero nakatulala lang. Kung saan-saan na napadpad ang isip." Nagtaka naman ako. Ilang beses na pala akong natawag pero hindi ko man lang napansin.
Kaya pala ako ang nasisisi. "Chabe, hindi mo nga kasi kailangan na sumigaw pa, ano ka ba?" Sita ko din dito at inulit ang sinabi ko kanina.
"Tao." Hindi ako makapaniwalang napaismid bigla sa naging sagot niya. Ngumisi ito ng malaki pagkatapos niya akong sagutin ng papilosopo.
Ang babaeng ito talaga minsan ang sarap agawan ng pagkain para umiyak e.
"Ano kasing problema mo, Alex? Para kang tanga e." Bwisit talaga itong si Leo. Isa pa talaga siya. Ang pangit ba naman ng sinabi. Talagang dinugtong pa ang itsura kong mukhang tanga sa pagiging lutang. "May problema ka?"
"Wala! Tumahimik ka nga rin kahit minsan Leo! Ang sakit mo sa tainga e." Iritang sagot ko dito na ikinatawa lang ni Chabe at Carli.
"Kanina ka pa kasi tulala, bhe." Ani ni Carli bago sumusubo ng kanin. Natahimik ako. Alam ko naman 'yon e.
Hindi ko naman ikakaila.
"Wala naman. I'm fine nga." Oo na. Lutang ako dahil sa propesor namin.
Bumabagabag kasi sa akin iyong presensya no'ng kapre na nasa table. Tsaka iyong tibok ng puso ko masyadong mabilis na kanina ko pa pinapakalma pero kada isip sa kaniya ay mas lalo lang itong nagwawala.
"Sure ka ba?" Tumango ako. Ayaw kasi nilang maniwala e. "Sure na sure?" Tuluyan na akong napabuntong hininga sa pangungulit ni Carli.
"Oo nga kasi. Ayos lang talaga ako. Kumain na lang kayo." Tumango-tango na lang ito while she's humming and start to eat again.
Iniiwasan ko na ngang mapalingon ulit sa professor namin kasi baka tuluyan na akong mabaliw. Para naman kasi akong tanga nito. Kung bakit naman kasi ganito ang iniisip at nararamdaman ko.
Tsaka dapat nga ay hindi ko ito nararamdaman. Para akong kabado at hindi mapakali. Nagiging blangko pati ang isip ko. Hindi naman dapat ganito.
"Ang ganda talaga ni Ma'am Liandro 'no? Kita niyo ba na kahit na masungit siya e ang ganda pa rin niya? Masarap siguro siyang i-date 'no?" Napatingin ako kay Leo na nangangarap ang tingin sa babaeng nakaharap pa rin sa laptop niya.
Binatukan ko ito para matauhan sa kagaguhang tumatakbo sa isipan niya.
"Aray naman, Alex." Reklamo pa niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong problema mo? Sadista."
"Huwag mo ngang tignan ng ganiyan. Para kang tanga e." Sita ko sa kaniya. Kung ano-ano ba naman ang pinagsasabi niya.
"Mas tanga ka." Tinaasan ko ito ulit ng kilay.
"Talaga ba, Leo?"
"Oo kaya!"
"Weh?" Tanong ko dito. Natatawa na ako sa kaniya dahil parang naiinis na talaga siya.
"Oo nga!" Tumataas na naman ang boses nito. Puro siya oo pero mukhang wala namang masasabi sa akin kung bakit ako naging tanga.
"Bakit muna ako tanga?" Binitawan niya ang hawak na kutsara at tumitig sa akin. Tinigil ko na din ang pagkain kahit di ko man lang nakalahati. Hindi ako gutom at wala akong gana.
"Ahh, kasi ano. Ano— Ahh—"
Mabilis kong pinulot ang tissue na marumi sa tabi niya at walang pagdadalawang isip na sinubo sa kaniya.
Napabunghalit ng tawa sila Carli at Chabelita.
Lalo na ako dahil sa epic nitong itsura. Hindi ito makapaniwala at nanglalaki ang mga mata nito.
"Yuck! Kadiri ka Alex!" Nangdidiri itong tumayo at tinanggal ang tissue sa bunganga at tinapon. Diring-diri talaga ito na parang nasusuka. "Kadiri Alex! Bakit 'yong tissue pang marumi?!" Parang tanga nitong reklamo.
Nakakatawa talaga ang itsura nito.
"Bakit naman ganiyan reaksyon mo, pre? Bading ka ba?" Tanong ni Carlo na kakadating lang. May pang aasar sa tono nito.
Pawis na pawis pa nga ito na parang hindi galing ng CR.
Pero huwag kayo, we always make fun of Leo for being gay because he blabbering too much at mas maingay pa sa amin. Binibiro lang but hindi kami against sa mga LGBTQ+. We actually support them and we are proud of them and love them.
"Gago! Hindi naman ako bakla. Gusto mo halikan pa kita e." Matapang na sagot ni Leo kay Carlo na kinatawa ko ng malakas. Hindi alintana ang tingin ng karamihan dahil sa biglaan kong pagtawa.
Natahimik din ang apat at tumitig lang sa akin. Natatawa ulit akong napatingin sa nakanganga nilang mga bibig. Kung pwede lang sanang lagyan din ng mga tissue ang bunganga nila ay ginawa ko na. Kaso mas gusto kong tumawa sa mga epic nilang reaksyon at lalo na sa sinabi ni Leo na hindi ata aware sa sinabi niya.
Nakakawalanghiya dahil para silang mga ewan. Natawa na naman ako ng malakas dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga mapigilan. Kahit na subukan kong tumigil ay nauuwi pa rin ako sa pagtawa.
Pinunasan ko pa ang konting luha na kumawala sa mata ko dahil sa sobrang pagtawa. Masyado naman akong natutuwa sa simpleng sagot ni Leo.
"You should guys see your face! Fuck! That's priceless!" Muli akong tumawa dahil dito. Pinalo na ako ni Chabelita sa braso para patigilin kaya napatingin ako dito ng nagpipigil ng tawa.
"Gosh Alexandria! Ang lakas ng tawa mo. Ngayon ka lang tumawa ng ganiyan kalakas." Namamanghang paliwanag ni Chabe sa akin.
Ngayon lang? Nababaliw na ata siya. Lagi naman akong tumatawa pag kasama sila e. Wala namang bago doon e.
Ang weird niya.
"Tangina kasi ni Leo e." Pinigilan ko na ang sarili ko na tumawa ng malakas pero napatawa na naman ako muli pero ngayon ay parang bata na. Hindi ba nauubos ang tawa? "Oh Gosh, I didn't expect him to say that!" Wala na, hindi ko na talaga mapigilan ang sarili. Ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa. "Shems— sandali ang tiyan ko. Ang sakit na." Humugot ako ng malalim na hininga at pilit pinakalma ang sarili ko. "Si Leo kasi e. Sabi ba naman niya hindi siya bakla pero gusto niyang patunayan kay Carlo. Tangina sumagot ba naman ng gano'n. Ano Leo, hahalikan mo ba si Carlo, ha? Para patunayan na hindi nga?" Tumawa na naman ako pero hindi na gano'n kalakas gaya kanina. "Huwag kang mag alala, pre. Tanggap ka naman namin e. We support you!" Pang iinis ko pa dito.
Namula na ang mukha ni Leo dahil sa narealize ata niya 'yong sinabi niya kay Carlo kanina. Ayan kasi e, hindi nag iingat sa sinasabi kaya nahuhuli sa sariling mga bibig.
Tumayo na ako dahil mukhang masasapak na ako ni Leo sa sobrang pagpula ng mukha niya.
Pagkatayo ko ay tumakbo ako palayo sa kanila habang natatawa.
"LOTUS ALEXANDRIA GABRIEL! BUMALIK KA DITONG PANDAK KA!"
Narinig kong sigaw ni Leo. Tanginang Leo talaga ito, pinangalandakan pang maliit ako e matangkad lang naman sila.
Natatawa akong tumakbo papunta sa room namin. Susunod na rin naman ang mga 'yon dahil kaklase ko na naman sila sa isa naming subject pero sa 3rd floor pa 'yon kaya tumakbo ako at dumaan sa hagdan.
Nakakasawa na nga ang pagmumukha nila e. Kaklase ko pa sila sa dalawang subject namin.
Bago ko pa mapasok ang room namin ay may hindi ako sinasadya mabangga— "Hala, Sorry—"
Maingat itong humawak sa braso ko para mabalanse ko ang pagtayo ko. Nakilala ko naman agad kung sino ito.
"Mia, hala sorry!"
She's Mia, the Vice President of the Students Council of BLU.
"Miss Gabriel, are you okay? Bawal ang tumakbo sa hallway." I laugh wholeheartedly when I remembered the freaking rules. "But you're Alexandria naman. So, it's okay. Take care sa pagtakbo minsan, Miss Gabriel." Natatawa itong aalis na dapat pero muli siyang humarap sa akin at nag facepalm. "I forgot that I'm here because of you. Here, pinapaabot."
Tinitigan ko ang inabot nito sa aking mga papel at tsaka napabuntong hininga. Wala akong nagawa kung hindi ang abutin na lang ito at hinayaan siyang tapikin ang balikat ko bago umalis ng tuluyan.
Naghahabol ako ng hininga ng makapasok na ako sa loob ng klase na ikinatingin ng iba kong mga kaklase.
"Water, Alex?" Alok ng isa kong kaklase na si Hans na tumigil pa sa ginagawa niya.
"Hindi na. Thank you, Hans." Pagtanggi ko sa kaniya. Nagkibit balikat naman ito at tinuloy na ang ginagawa niyang pag nood sa cellphone niya.
Kaya naupo na lang ako sa pwesto at tinago ang mga binigay ni Mia sa akin.
Maya't maya din ay dumating na rin si Carli habang nakangiti.
"Hey, bud!"
"Nasaan na sila?" May ngiti kong tanong sa kaniya.
"Nariyan na rin but hey ang priceless ni Leo kanina." Sinabayan ako nito sa pagtawa at nailing. "I didn't realize what he says at first pero narealized ko din 'yon no'ng sinabi mo na. But that's not what I want to say talaga." Nagtaka naman ako dito. I thought this is all about Leo. "It's so nice seeing you laugh again, bud. I mean, a laugh that is so genuine, Alex." She smiled at me.
Natigil na ako sa pagtawa at medyo ngumiti ako sa kaniya ng marealized ang pinaparating niya.
Do'n din pumasok ang tatlong nakasunod sa kaniya.
Hindi maipinta ang mukha ni Leo habang tinatawanan siya ng dalawa. Inaasar pa rin pala siya hanggang ngayon.
Lumapit ako kay Leo at tinapik siya sa likod.
"Libre mo ako ng kape minsan, Leo." Ngumiti na rin ito ng kaunti sa akin.
"Sure, Alex. No problem." Nakipag apir ako sa kaniya bago kami naupo sa mga pwesto namin.
Tahimik kong sinandal ang ulo ko sa wall na tabi lang ng kinauupuan ko and smile at myself. I am thinking about Carli said a while ago.
It's been a while since I laugh like that.
Tinitigan ko silang nagkukwentuhan. I am happy that I have them.
Pero kasi, hindi lang sila ang mga kaibigan na meron ako. A lot of people are connected to me that I can't replace nor forget.
I sighed heavily and try to distract myself by thinking about what happened with Leo earlier.
And at least I got distracted because of my friends not because of the person who was eating an apple and silently tapping on her laptop.
But then I facepalm.
Bakit ko ba kasi iniisip 'yon?
Nawala uli ang ngiti ko at napapikit ng mariin.
Why would I need to think of that person and let myself na maging lutang na lang dahil sa kaniya?
Gosh, this is so insane and not me!

Book Comment (75)

  • avatar
    aureaaaaa

    The story is so nice

    02/05/2025

      0
  • avatar
    pangilinandang

    hi author another story naman po sa mga circle of friends ni alex

    23/02/2025

      0
  • avatar
    Maekay

    nice story

    15/10/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters