Lotus Alexandria Gabriel "Alex!" I saw Chabelita waving her hand at me. Natawa pa ako sa itsura niya dahil may hawak itong fried chicken at panay ang subo nito. Ang dami pa nga sa harapan niya. Kahit kailan talaga ay sobrang takaw niya. Hindi naman na rin bago sa akin. Mas bago pa nga sa akin 'pag hindi siya kumakain o nang-aagaw ng pagkain. Basta 'pag si Chabelita na, asahan nating pagkain ang laging laman ng isip niya. "Kaya pala dito ka sa Cafeteria dumeretso dahil gutom na gutom na naman 'yang mga alaga mo." Natatawang sagot ko sa kaniya habang umuupo sa harapan niya. Umirap naman ito sa akin. Alam niyo 'yong ang takaw niya pero pikunin siya pag pinapansin 'yon? "Hindi pa kasi ako nag b-breakfast e. Ikaw? Kumain ka na ba? Maaga pa naman e." I check my watch to see the time. Tama naman siya, maaga pa. Mag se-seven pa lang ng umaga. Masyado kasi kaming masipag pag dating sa pag aaral kaya kahit ganitong oras ay narito na kami sa eskwelahan. Char, ganito talaga ang halos mga estudyante rito. Maaga papasok at dito na kakain ng umagahan o maaga papasok para dito matulog hanggang sa oras na ng klase. O kaya naman maaga papasok kasi nasa gym sila nagpapapawis at nagpapawala ng antok. Gaya na lang ngayon na may mga mangilang estudyante na kumakain ng umagahan nila dito. "Hindi pa. Sandali lang at mag o-order lang ako." Tumayo na ako at hindi na siya hinintay sumagot at pumunta sa counter. Buti na lang at wala naman ng pila. Minsan nakakatamad din ang pumila pag sobrang haba e. Tipong gutom ka na nga pero naghihintay ka pa ng matagal. "Hi, ate Marites! Dalawang chicken sandwich nga at isang black coffee." Minsan talaga ay nahihiwagaan ako sa Cafeteria ng school na 'to e. Hindi lang naman iisa ang Cafeteria dito kaso bakit kaya may tinda silang fried chicken lagi at hindi nauubusan? I mean, hindi naman sa nagrereklamo kasi favorite ni Chabelita iyon kaya sigurado akong magiging tambayan niya dito— I mean, matagal na niyang tambayan ang Cafeteria. Hindi na nga dapat ako nagtataka dahil kompleto naman na ang lahat dito. Lahat naman ino-offer if they know that students need it. But to Chabe? Kahit anong pagkain ang nakahain sa harapan niya ay paborito niya. Mabilis ko naman nakuha ang nabili at naupo ulit sa harap ni Chabelita. Chabelita Lacuesta my best friend. Pero hindi lang naman siya ang kaibigan namin, mas close lang talaga kaming dalawa pero may circle of friends kaming kinabibilangan. "Kape na naman?" She frowns. Hindi ko siya pinansin at kumain na din. Matakaw din ako pero kakaiba ang katakawan nitong isa. Mahilig kasi ako sa kape pero lagi na lang nakukuwestyon lalo na't minsan nagpapalpitate ako. "Alam mo naman na." Hindi ko naman kasi maiwasan ang hindi magkape, kada oras ay parang gusto kong makainom nito dahil hinahanap-hanap ng panlasa ko. "Bawas-bawasan mo na ang pagkakape baka diyan ka humimlay e." Natawa ako ng mahina. "Grabe naman sa humimlay, Chab. Mauna ka kaya?" Isang ismid ang naging sagot niya na ikinailing ko na lang. Hanggang sa nalingon ko na lang si Leo na kakapasok lang ng Cafeteria. Mukha pa siyang model sa lakad niya. "Yow mga prend!" His Leo Hernandez, kaibigan din namin. "Aga-aga puro pagkain a. Tumataba ka ata Chabe." Sinamaan naman ng isa si Leo dahil sa sinabi niya. Bigla ba namang bumanat. Ayaw pa man din no'ng isa na sinasabihan siyang tumataba. Ang takaw pero ang conscious sa katawan. "Bwisit ka, ang aga-aga nang aasar ka. Malamang breakfast! Duh!" Monotone na sagot ni Chabe dito. Tinatawanan lang naman siya ni Leo. "Breakfast ko ang mang asar e." "Akala mo naman nabubusog." Here we are again. Hindi na talaga sila natigil. Talaga nga namang sasagot at maiinis ito. Leo ba naman mapang-asar at Chabe naman na laging naaasar. "Oo nabubusog ako pero guys, may bago daw tayong prof sa Marketing Management kasi nag resign na daw 'yong nasa schedule natin!" Tsismis na naman. Lagi na lang tsismis sa kinaumagahan. Tsismis sa klase, sa lunch, at maski na sa uwian. Hindi ba sila nauubusan ng tsismis? O tsismis is life talaga sila? "Ang aga-aga tsismoso ka na naman Leo." Banat ni Chabe dito. Si Leo naman ang laging may tsismis daig pa ang babae. "Pero seryoso! Narinig ko kanina sa ibang students na chicks daw iyong bagong prof natin!" Nailing na lang ako dito. Napaka tsismoso at ingay pa. Hindi nga namin alam kung saan ito pinaglihi at naging ganito ba naman ang kinalabasan. Pero mahal naman naming 'yang si Leo. We trust him in everything. "Tigilan mo nga iyan Leo. Ang pangit pakinggan na tinatawag ang isang guro na 'chicks'. Tsaka nasaan na ba sila Carli at Carlo?" Tanong ko sa kaniya. Mag se-seven-thirty na kasi kaso wala pa ang kambal. Si Carli at Carlo ay kambal sa grupo namin. "Sus! Baka mamaya nandiyan na din sila. Tinatawagan ko nga kanina kaso di sumasagot e." Nakakatamad naman kasi talagang humawak ng selpon at sumagot ng tawag. Kaya naiintindihan ko sila. Naiintindihan ko kasi ugali ko rin naman minsan. "Baka on the way na sila, let's just wait for them." Kibit balikat kong wika. "Baka nga on the water pa lang e." Biglang sabat ni Leo. "Ugali mo nga 'yan Leo e." Nagsimula na naman ang dalawa na mag away at magsagutan pero hindi ko na lang sila pinansin at inabala ang sariling kumain. Fourth-year college na kami this first sem and year. Dahil pare-pareho naman kaming Business Ad major in Marketing Management ang kinuhang course kaya halos magkaklase kami. Gaya ngayong unang klase namin ay magkakaklase kami sa International Trade and Marketing. At dahil sa Business Ad kami ay dito kami sa Building ng College of Business and Management or the Aurum Building. Every Building has the color code gaya nga nitong sa amin na Gold which is an Aurum is a Latin word, Argenti Building or the College of Arts and Sciences at marami pang iba. Isa sa mga magagandang eskwelahan ang University naming ito. Ang Black Lily University o BLU. Maraming gustong makapasok dahil na rin sa ganda ng eskwelahan at maski sistema nito. Itong BLU ay hindi lang mga kolehiyo ang nag aaral. Dahil sa right-wing itong building ng mga kolehiyo ang meron, sa left-wing ang mga building ng high school, and sa likod naman ay ang building ng mga elementary. Hindi rin siya hassle it is because every building may kaniya-kaniya silang gate where everyone can enter of course. Ayaw kasi ng may-ari na iisang gate lang ang papasukan. And hindi rin allowed ang mga High school students na pumasok dito sa building namin. Full package na nga ata. At sobrang lawak ng University na 'to. Swerte na lahat ng mga makakapag aral dito na kahit gaano ka pa katagal na mag aral dito ay hindi nakakasawa. Marami pa ngang scholar dito which is nakakabilib dahil nakakaya nila ang sobrang hirap na exam at magawa ang lahat ng requirements just to pass. Hindi rin naman sila magsisisi dahil bukod sa ganda ng eskwelahan ay magagaling ang mga propesor. Meron nga lang ibang pasaway na estudyante pero alam naming may tinatago din silang talento at katalinuhan. Tamad lang talaga sila mag aral at kulang sa tiwala. Hindi nagtagal ng makaramdam ako ng mga titig sa likuran ko pero hindi ko na pinansin. Kung sino sila ay bahala sila. "Nagtext na ba sila?" Muli kong naalala sila Carli. "Heto pa lang sandali." Nagtipa-tipa si Leo sa cellphone niya. "Tara na sila na nga 'yong nagtext. Sa room na daw natin sila kitain kasi hindi na sila pupunta dito." Mabilis kong inubos ang kape ko at inayos ang dalang gamit bago na kami tumayo at umalis ng Cafeteria. "Tinamad na naman atang nagpunta ang dalawa sa Cafeteria." "O baka may nangyari lang." Sagot ko sa winika ni Chabelita. Sabay-sabay kaming nagpunta at pumasok ng classroom. Kami na lang ata ang kulang sa klase dahil ang mga upuan na lang namin ang walang nakaupo. Carli and Carlo Monteclaro are already there sitting comfortably. Umupo na rin kami sa usual na upuan namin sa bandang likod at ako naman sa pinakadulo tabi ng bintana. This is my usual seat dahil ayoko sa gitna, sa harap, o kung saan. Basta sa likod lang ako at dulo. 7:55 am na at mamaya ay dadating na ang propesor namin. I just wish na sana ay mabait ang propesor namin sa Marketing Management dahil nakakaumay na ang puro terror at boring na klase sa kanila. Kahit kaming mga estudyante ay malakas magreklamo talaga. Alam ko naman na kahit boring ang klase kung gusto mo matuto ay walang boring-boring. Basta malakas kami magreklamo kahit nag aaral naman kaming mabuti. Reklamo muna bago comply. Mindset ba. "Iyong bagong prof ang una nating klase!" Bulong ni Leo kay Chabelita. Binatukan naman niya ito para tumahimik. Dsrv. At kung paano niya nalaman ay hindi ko na alam 'yon. Basta sa pagiging tsismosa niya ay kung saan-saan na siya nakakasagap ng mga importante at hindi importanteng tsismis. Kakarating lang namin ay may mga sinasabi na siya. "Huwag ka na palang tumigil sa pagiging tsismoso, Leo. Nakakatulong din naman pala e." Patango-tangong turan ni Chabe na ikinasingkit ng mata ni Leo. "Pagkatapos mo akong batukan ay 'yan ang sasabihin mo? Ibang klase ka talaga Chabe, ano?" Muli akong napailing ng mag umpisa na naman ang maingay nilang sagutan. "Ang tagal niyo ata ngayon, Carli?" Tanong ko sa kanila at hindi na ulit pinansin ang dalawa. Umirap ito at sinamaan ng tingin si Carlo. Nagkaproblema nga ata silang dalawa bago makapunta dito. "Ito kasing tukmol na 'to! Muntik makasagasa ng aso sa daan!" Naiinis na batok ni Carli sa kambal niya. Nagkakasakitan na naman ang dalawa na madalas mangyari. "Easy ka naman diyan kapatid. Bigla nga lang dumaan 'di ba? Mukha bang kasalanan ko 'yon?" Tumawa pa ito na parang nag aasar. Kahit kailan talaga ay hindi na sila nagbago. "Ay, malamang!" Alam namin na mahilig sa hayop itong si Carli at kabaliktaran naman kay Carlo na takot na takot sa mga hayop. Sa ibon lang ata hindi. At kung bakit siya takot ay syempre may dahilan din naman 'yon. Napakamot ako sa kilay at medyo natigilan dahil biglang tumahimik ang paligid. Maski kasi si Leo at Chabe ay natigil dahil lang sa pagpasok ng isang matangkad na babae. Bakit naman ata ang tangkad? Siguro nasa 5'9 ito? Tipong ang tangkad na niya pero nakaheels pa siya, e di mas nagpatangkad iyon sa kaniya. Ako nga 5'3 lang e, e 'di ang sakit sa leeg na nakatingala sa kaniya hindi ba? Sure kasi na pag wala siyang heels ay baka hanggang leeg lang ako nito or balikat. For sure baka naligaw lang na kapre ito. Mukha siyang model kaya anong ginagawa ng magandang nilalang sa loob ng klase namin? Bumagay ang suot nito sa kaniya at mas nagpatangkad pa ata ang 5 inches na stilleto nito. Sana nag flats nalang siya. Sakit kaya sa leeg na nakatingala sa kaniya dahil sa tangkad niya. Ako ngang maliit e nasa likuran pa e. So? Gano'n din naman no'ng nakaraan e. Oo maliit talaga ako, tanggap ko naman na. Pero grabehan naman ata 'yong tangkad niya? I mean, marami naman akong kilalang matatangkad pero hindi gaya niyang mga nasa 5'9. Ang OA no'ng height. Kawawa akong maliit. Magrereklamo pa sana ako sa loob-loob ko tungkol sa katangkaran niya pero naramdaman ko na ang kakaibang pagpintig ng puso ko. My heart is beating weirdly. Mabilis ito na parang nagpapalpitate ako. Her eyes, her brown orbs makes me stunned when I stared at them. Her curly hair is free. Mahaba ito na parang hanggang bewang ata. How come a woman like her is in front of this class with her all glory? I'm glad na nasa likod ako para hindi halata ang pagtitig ko rito. Dahil kung hindi ay nakakahiya ang itsura ko pero wait— did I just fucking check her out? Owemji, of course not! it's not checking her out, it just— it just, ano. Tinitignan ko lang. Oo, tama. Tinitignan ko lang talaga. "Hoy, tanga, natulala ka na diyan." Bulong ng katabi ko na si Chabelita. Nagulat ako sa naging bulong niya kaya napaayos ako ng upo at nilingon siya bago tumingin ulit sa harapan. "Huwag mo akong gulatin." Bulong ko rin dito habang nakatingin sa harapan. "Mukha ka kasing maglalaway na e." Napalingon ako ulit dito at sinamaan ng tingin. Natatawa lang siya at nagkibit balikat. Nang aasar na naman. Nag iwas ako dito ng tingin at hinayaan ang sariling malunod sa presenya ng babaeng nasa harapan namin. Napakaintimidate ang itsura niya at napakaseryoso ng mukha pero 'yong mga mata niya, parang bored na bored at wala ng ibang emosyon na mababasa pa dito. Mukha talaga siyang bored at walang ganang nakatayo sa harapan. Wait— Professor ba namin siya? Siya ba ang bagong Professor o baka substitute lang? "Good morning." I mentally gasped at her voice. Parang paulit-ulit pa itong nagsalita sa tainga ko. I hastily shook my head with silly thinking of mine. Kung ano-ano na ang pinag iisip ko at baka mamaya bigla na akong magmukhang baliw nito. "I'm Miss Liandro. Call me Miss Liandro or Professor Liandro." Professor Liandro. Sa tingin ko ay hindi lang ako ang nababahala sa presensya niya. Maski ang iba kong mga kaklase ay ganoon din. They look stunned at gandang ganda sa babaeng nasa harapan. Konti na lang ay mag laway sila pero yuck, kadiri 'yon. Tahimik ang lahat, nagpapakiramdaman at naghihintay sa susunod na sasabihin niya. Walang halos nagtatangka na magsalita dahil mukhang gulat pa ang lahat. Hindi lahat ng Professor ay ganito. Minsan lang at bilang sa kamay ang mga batang bagong Professor at isa na siya doon. Mukha ring bagong terror. "As you can see I am a new Professor and can everyone fix yourselves first, all look stiff. And also get some index cards. Write your name and that's for your attendance for today. Pass it in front when you're done." Bagong Professor nga. Hindi lang siya substitute o ano. Nagmadali naman akong naghanap ng index card sa bag ko. Halos hindi ako magkandaugaga kaya sandali akong tumigil sa paggalaw at bumuntong hininga bago komportableng nakakuha ng isa at nagsulat ng pangalan habang nanginginig pa nga. Komportable pero nanginginig. Ano ba naman 'yan. Inabot ko kay Chabe ang index card ko pagkatapos kong magsulat. Siya na lang ang magpapasa dahil tinatamad akong tumayo. Mali pala. Ayokong tumayo dahil pakiramdam ko ay bibigay ang nanglalambot kong mga tuhod sa hindi ko malamang dahilan. "May I know who's the president in this class?" Everyone looks stiff right now gaya na rin ng sabi niya. Bakit hindi di ba? "Can anyone of you answer my question or just sit there?" May isang estudyante ang nagtaas ng kamay niya. "Yes?" "A-Ah, hindi po makakapasok si Miss Trinidad kasi may sakit po—" "And that Miss Trinidad is the president of this class?" Masungit na sabat niya sa kaklase ko. Ayos sana kung medyo approaching 'yong tanong e. Kaso mukhang lalapa sa pagiging bored ng boses at mata. At kahit gano'n ay nakakaintimidate pa rin. "Y-Yes, Miss." Kabado ang kaklase ko, halata naman 'yon sa kaniya. "Okay. Who's the VP then?" "A-Ako po Miss." Ang babae kong kaklase na nagsabing absent ang President sa klase naman ay siya ring VP nito. "Okay, I'll talk to you after class." May mangilan akong kaklase na parang nagrereklamo, at naghihinayang. Palibhasa ay parang may gusto na sila dito sa propesor namin. We all know that Miss Liandro intimidating aura makes us. Her eyes make everyone look away. Pero bigla ding babalik ang mga tingin sa kaniya. Wala ngang nagtatangkang magtanong man lang e. Basta mukha na silang lutang at mukhang nasa langit kahit mukhang kabado. Nakakapagtaka lang talaga e kasi mukha siyang runaway model sa itsura niya at hindi bagay ang ganda niya sa harapan ng klaseng ito. Alam niyo 'yong ganda na hindi nakakaumay titigan? Iyong ganda na medyo may pagka-mysterious. Iyong ganda na hindi mo aakalin at mapapatanong ka na lang sa sarili mo na— 'Meron pa lang ganiyang klaseng ganda?' I mentally shook my head again and mentally cursed when she suddenly look where I am sitting and laid her eyes on me. What the fuck. My heart is pounding! Kung kanina ay mabilis ngayon naman ay mas mabilis. Medyo naintriga ako sa mga tingin niya kaya malakas ang loob ko na salubungin ito ng may pagtataka pero kita ko ang pagkakakunot ng noo niya na parang nakilala niya ako kaya ako na lang din ang nag iwas ng tingin. "You." Natigilan ako. Tipong parang namanhid ang buong katawan ko. Bamalik ang tingin ko sa kaniya at nakitang sa akin pa rin siya nakatingin. "A-Ako po?" Tinuro ko pa ang sarili ko na parang tanga dito. Napapamura na lang ako sa loob-loob ko dahil bakit naman kasi ako mauutal? Kailan pa ako nautal? At mas lalo akong kinabahan sa pagtaas ng kilay niya at ang mahinang pagtawa ni Chabe sa tabi ko kaya pasimple kong inapakan ang paa niya para tumahimik. "Yes. May I know if that's your proper seat?" Tumango ako. Usual seat ko naman na talaga ito dito sa loob. "Sure? 'Coz I can see that you can't see the front properly because this guy in front of your chair is bigger than you." Bigla akong nakaramdam ng init ng ulo at napasimangot dahil dito. Para kasing pinapangalandakan pa niyang maliit ako kaya dapat nasa harapan ako. Wala namang ibang prof ang sumisita sa akin noong nakaraan tapos siya papansinin pa niya. Nakakainis pa ng nilingon ako ng kakaklase kong nakaupo sa harapan ko. Oo, nga mas matangkad siya sa akin. "Nakikita ko naman po—" "Be comfortable then." Natigil ako sa pagsasalita sa pagputol niya sa akin. I'm about to say something pa sana pero pinigilan ko na lang ang sarili ko at tumahimik. Grabe. I obviously can read someone's eyes sometimes. I am observant and my eyes never lie. But her bore eyes make me confuse kasi hindi ko siya mabasa. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gusto niyang iparating. At talaga nga naman na sa dami namin dito sa loob ng kwarto ay ako pa ang napansin niya. Kapansin-pansin pa rin ba ako kahit na maliit na at nasa likod? Masyado naman siyang nababahala e ako nga wala lang sa akin. Komportable pa ako dito sa likod na katabi sila Chabe. Nagsimula ng magsalita sa harap ang bagong propesor namin at maraming mga rules ang nasabi niya. This woman is a terror, I can say that with her firm voice and burning eyes. Wala na. I am doomed. I know I am doomed.
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 70 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (75)
aureaaaaa
The story is so nice
02/05/2025
0
pangilinandang
hi author another story naman po sa mga circle of friends ni alex
The story is so nice
02/05/2025
0hi author another story naman po sa mga circle of friends ni alex
23/02/2025
0nice story
15/10/2024
0View All