logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

Chapter 1
"Ayusin mo naman, 'nak! Kanina ka pa hindi nakikinig!"
Napalingon ako kay Mama ng marinig ang kaniyang sermon. Nakikinig naman talaga ako sa kaniya, hindi lang ako sumasagot. Kasalukuyan kaming nag-aayos ng mga furniture sa bago naming bahay.
Kakalipat pa lang namin kaninang madaling araw at lutang ko pa ring prinoproseso ang mga nagbago.
Hindi naman literal na bagong bahay dahil kay Tito Dave talaga ito, 'yong kapatid ni Mama, pero dahil nasa ibang bansa na siya kasama ang kaniyang asawa na si Tita Kenjie, ang dalawa kong pinsang lalaki na mas matanda pa sa 'kin, at ang pamangkin ko na anak ng pinakamatanda kong pinsan.
Matagal nang walang nakatira dito pero buti na lang hindi ito nagmukhang haunted house dahil sa sobrang dilim at alikabok.
Sana nga lang magiging masaya na ako dito sa bago naming titirhan.
Siguro matatapos kami ngayong araw mag-ayos dahil pumunta dito ang iba naming kapit-bahay para tumulong.
Yung mga kamag-anak namin ay nasa ibang bansa, kaya minsan lang kami magkakasamang buo.
"Ma, pa'no pala kung malate kayo sa trabaho dahil sa layo ng hospital mula dito?" I asked worriedly.
Okay na sa akin yung ibang paaralan na yung papasukan ko, pero kung pati bahay ay may problema pa din. Kung magco-commute ay aabot ng dalawang oras ang biyahe nila.
Buti na lang at may kotse kami kaya aabot ng isa at kalahating oras bago makarating sa hospital na trinatrabahuan nila Mama pero may posibilidad pa rin na lagi na silang late.
Napasulyap siya sa akin. "Baka ibahin namin yung schedule o mas mapapaaga ang paggising namin kaysa sa nakasanayan." Saad ni Mama pinagpatuloy ang paglinis ng sahig.
Nag-aalala ako sa kanilang kalusugan dahil sa hindi sapat na oras ng pagtulog kung gano'n ang mangyari.
Dati, kada kalahating oras bago mag 6 am ay gigising na sila. Pero ngayon siguro bago mag 5 am dapat gising na sila. Kada 10 pm naman sila nakakuwi. Pwede naman kasing ako na lang mag-isang tumira dito, kasi kaya ko naman yun.
Pero sabi ni Papa mas maganda kung magkakasama pa rin kami. Hindi na nga kami magkasama habang nagtatrabaho sila, pati pa naman daw pagkain at pagtulog.
Masyado talaga nila akong pinapahalaga.
"Maghanda na tayo ng hapunan," pinatay muna ni Mama yung electric fan bago dumiretso sa kusina. Pinulot ko naman yung pampunas ko ng pawis bago sumunod sa kaniya.
Bago ako tuluyang makapasok sa kusina ay naramdaman kong may humihigit sa bimpo na hawak ko.
"Bad, Forest! Bad!"
Nakipag-tug of war pa ako sa alaga kong aso bago ko tuluyang makuha yung bimpo! Napagod na nga ako sa paglinis pati ba naman sa pakikipag-agawan! Nagsquat ako para makapantay ang tumatahol na si Forest, mas bumilis ang paggalaw ng kanyang buntot.
"Forest, behave ka muna," pagkakausap ko sa kaniya kahit alam ko namang hindi niya maiintindihan.
Tuluyan na nga siyang tumigil sa pagtahol. Kapag kasama at 'pag kausap ko siya ay feeling ko may nakababatang kapatid ako, kahit wala naman. Siya 'yong palagi kong kasama kapag wala sa bahay yung mga magulang ko simula last year.
Ilang minuto rin kaming nagluto bago makapaghapunan. Pagkatapos, pinakain ko si Forest ng dog food, at habang hinihintay siyang matapos ay naghugas muna ako ng kinainan na palagi kong ginagawa. Kailangang makapagpahinga agad sila Mama dahil maaga pa silang pupunta sa trabaho bukas.
Nang napansin kong ubos na yung pagkain ni Forest ay napangiti ako, nakaupo kasi siya habang nakatingin sa akin. Mukhang hinihintay ako.
Pagkatapos ko maaghugas ay sumunod sa 'kin si Forest pagpasok sa kwarto.
May sarili akong kwarto dito dahil overall may tatlong silid. Yung isa kela Mama at Papa, yung isa sa akin at isa naman ay vacant dahil ayaw nila Mama at Papa na magkahiwala ng kwarto, ganyan talaga sila, hindi mapaghiwalay!
Humiga ako sa kama at pumikit. Malalim akong napabuntong hininga. Sana talaga may mangyaring maganda bukas.
Kinabukasan pagkagising ko ay hindi ko na nadatnan sila Mama gaya ng nakasanayan, nasa trabaho na malamang. Dahil 7 am ako nagising ay may dalawang oras pa akong maghanda bago pumasok.
Pagdating ko sa dining table ay may nakahanda nang tinapay at tatlong nilagang itlog. Nagkasalubong ang kilay ko.
Marami naman 'ata ang niluto nilang itlog? O baka hindi lang sila kumain nito? Ipinasawalang bahala ko na lang ito at kinain lahat.
Madalas ay naglalagay ako ng nutella o di kaya peanut butter, pero 'di ko feel kumain no'n ngayon, bukas na lang siguro.
Pagkatapos kumain ay nagwalis muna ako ng sahig kahit hindi naman ganun kadumi, kakalinis pa lang kasi kahapon. Pero ginawa ko lang 'to para naman madigest muna 'yong kinain ko. Kailangan kong i-maintain ang magandang kalusagan, payo nila Mama. Napaismid ako, naweweirduhan sa sarili.
Nang sa tingin ko ay ilang minuto na ang lumipas ay agad na akong naghanda.
Simple lang naman yung uniform pero maganda. May plain white polo shirt, black blazer na may BCU logo, at hanggang tuhod na saya na black. Hindi naman daw required na mag black shoes kaya white adidas ang sinuot ko.
Hinayaan kong nakalugay ang itim na hanggang dibdib kong buhok. Halos palagi nga akong nakalugay dahil hindi ako sanay magtali ng buhok. Hindi rin ako nagmamake-up kaya hindi na kailangang magsayang ng oras para dun. Naglagay lang ako ng lipbalm na palagi ko sinusuot.
Pagkakuha ko ng bag ay dumiretso ako sa labas para i-lock sana ang pinto. Baka kasi mamaya may mga magnanakaw pa dito. Hindi naman sa iniinsulto ko 'tong mga kapit-bahay pero mabuti na't handa. Pero bago ko pa ma-ilock ay may biglang nagsalita sa likod ko.
"Neng, ikaw ba yung bagong lipat diyan?"
Paglingon ko ay naaninag ko ang babaeng puti na ang buhok. Mukhang kaedad siya ng pumanaw ko nang Lola at Lolo.
"Ah, opo," hinarap ko siya dahil ayoko namang magmukhang bastos. "Kasama ko rin po ang mga magulang ko, sa paglipat dito. Kayo po ba Lola?"
"Nako, may bago naman kaming magandang makakasama dito," nahihiya kong kinamot ang likod ng ulo ko dahil sa sinabi niya pero kalaunan ay agad ring akong pasimpleng ngumisi.
Akala ko pa naman mga bata lang ang hindi marunong magsinungaling, mga matatanda rin pala.
Pwe, kung nandito lang si Mama at nabasa pa niya yung iniisip ko ay baka ambahan niya ako ng batok. "Tawagin mo na lang akong Lola Therna, pero ando'n pa 'yong tinitirhan ko, kasama ang apo ko, mukhang... kaedad mo nga siya."
Napaigtad ako. Therna pala yung pangalan niya. At babae ba yung apo niya? Sana naman hindi niya kakampon si Laire at baka mapayapa na ang buhay ko.
Nakita kong tinuro niya yung malayong banda kaya hindi ko alam kung aling bahay ba do'n ang tinutukoy ni Lola Therna.
"Oh, meron pala akong hinog na saging dito baka... gusto mo at ng mga magulang mo," nilabas niya 'yong saging mula sa kaniyang kayumanggi na bag.
Kahit may katandaan na si Lola ay mukhang may kalakasan pa naman siya.
"Bibigay ko sana kay Venus, yung nakatira sa katabi ng bahay niyo, kaya lang... mukhang tulog pa dahil hindi siya sumasagot no'ng tinawag ko. Kaya sa inyo na lang, hija. Pakisabi na lang sa mga magulang mo, ha?"
"Sige po. Salamat po, Lola Therna. Vion na lang po yung itawag niyo sa akin." Nakangiti kong tinanggap yung binigay niya. Ngumiti naman siya pabalik bilang tugon.
"Oh siya, Vion, uuwi na ako. Bumisita ka na lang mamaya sa... bahay, yung may puting gate, tandaan mo. Mag merienda ka dun mamaya pagkatapos ng... klase mo, para na rin makilala mo yung apo ko."
Pagkatapos ng klase? Ayoko sana dahil balak kong ilakad si Forest dito sa labas, kaya lang mas ayokong mag tanggi ng grasya kay tumango ako kay lola sabay kaway.
Nang makita kong medyo malayo na si Lola Therna mula bahay ay pumasok muna ako para ilagay yung saging sa ref. Pagkatapos ay inilock ko na yung bahay at nagsimula nang lumakad papunta sa University. Medyo malapit lang naman yun mula dito kaya hindi na kailangang magcommute.
May mga nakikita akong papunta rin sa Univ na kapareha ko ng uniform. Naisip ko siguro halos lahat ng nag-aaral dito ay taga dito lang din. Sa layo ba naman dito ng ibang mga university.
Para kasing village yung tinitirhan namin pero maraming bahay. Strict yung security dito dahil marami ang mayayaman na nakatira dito.
Bilang lang rin ang nakikita kong mga basura... napakalinis dito.
Sampung minuto ang nilakad ko bago nakarating sa university. Sa labas ng university ay may maliit na convenience store. Sa gate ay may nakabantay na gwardya.
Hindi naman as in mayaman yung university kaya hindi semento yung tatapakan sa labas kundi lupa. Pero yung pathway lang yung lupa dahil sa gilid ay may bermuda grass.
Isang minuto siguro bago ko marating 'yong mga matataas na pintang abong building, pagkadating ay agad akong dumiretso sa registration office para sa id, bilin nila Mama kagabi.
Hindi ganun kalawak yung office dahil tatlong mesa lang naman yung nando'n at may dalawang mid' 50 na babae at isang may katandaan na lalaki.
Binati ko sila at nagpakilala. Binati naman nila ako pabalik. May ipinaliwanag at binilin muna sila bago ibigay yung id, nagpasalamat ako sa kanilang tatlo bago lumabas. Mababait naman pala sila.
Tiningnan ko yung id na hawak ko.
Vionsre Pelonia Hariz
3rd Year Student
Class 2
Ah, class 2. Mabuti't ganito, ayoko na namang mapunta sa una. Ayoko na namang magkaroon ng mga so called friends dahil lang matalino ako.
Pumunta ako sa Bulletin Board gaya ng sinabi kanina ng Prof, ando'n rin daw kasi 'yong map ng campus. Yung room ng Third Year Class 2 ay nasa Third Floor, first room, kaya agad akong nagtungo ro'n. Nakakailang dahil maraming nakatingin.
Napansin siguro nila na bago ako dito dahil palinga-linga ako sa paligid. Sa right side ng mga building ay may field na hindi ganun kalakihan. Yung cafeteria naman ay isang minuto siguro ang lalakaran bago 'yon marating, nasa building kasi siya ng mga 1st year.
May clinic rin malapit sa field, baka para kung may maaksidente habang nagluluto, pwedeng i-diresto do'n.
Nang marating ang unang pinto ng third floor ay napansin ko agad ang ingay sa loob. Tiningnan ko muna kung ito ba yung Class 2 at tama naman. Pagkapasok ko pa lang sa pinto agad silang tumahimik.
May dumaan bang anghel? O baka ako yun? Di rin naman kasi kasinungalingan na mukha akong anghel.
Lahat sila'y nakatingin sa 'kin. Ngayon lang rin ba sila nagkaroon ng transferee?
"Vion!"
Halos mapaatras ako sa lakas ng sigaw ng isang babae. Grabe naman 'to. Paglingon ko ay tumatakbo papalapit sa akin ang babaeng nakapusod ang dark brown na buhok na may nakaplaster na malaking ngiti sa labi. Naka-amba rin siya ng yakap.
Hindi pa nga ako makamove-on sa pagsigaw niya ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Napangiti ako ng malaki. Parang hindi kami nagbonding no'ng Friday, ah!
Niyakap ko siya pabalik sa sobrang saya habang tumatalon.
Naconcious naman ako sa daming nakatingin kaya tinapik ko si Ely sa kaniyang likod. "Bitawan mo na ako, Ely. Maraming nakatingin," ginawa naman niya. Napatawa kami pareho.
"Halika dito ka nalang umupo katabi ng akin," Bigla niya akong hinigit sa upuang bandang gitna. Naramdaman ko namang nagsilihis na ng tingin yung iba. Buti naman, hindi naman kasi ako artista para bigyan nila ng maraming atensyon.
"Mabuti naman at sa klase ka namin nilagay nila Tita Maddie! Akala ko kasi hindi tayo pareho ng klase..."
Akala ko nga rin, eh. Umupo naman siya sa katabing kong upuan sa kanan. Napasulyap ako sa sidewall, 10 minutes pa bago mag start ang klase. Matagal pa yan!Wala kaming ginawa ni Ely sa remaining time kundi mag-tsismis ng kung ano-ano at mag-usap.
Nalaman ko ring kaya pala Culinary ang main course dito kasi Chef pala ang asawa ng may-ari ng university. Gusto rin kasi daw ng may-ari na bago kami makapag-asawa o magraduate ay marunong na kami magluto at hindi aasa sa asawa. Patago naman akong napatawa dahil do'n.
Ibang-iba talaga ang mga pananaw ng mga tao.
Iba-iba rin ang araw kung kailan about sa pagluluto ang topic dito. Hindi rin kasi namin kailangang magdala ng ingredients or tools para sa pagluluto dahil meron naman daw nun dito, or more like ang university ang nagproprovide nun.
Natigil kami sa pag-usap ng may dumating babaeng may dalang folder sa kamay. Mukhang 'eto na yung Prof namin.
"Good Morning Class!" Seryoso niyang bati. Grabe, nakaka intimidate yung mukha niya. Parang gumising siya sa maling pwesto.
Bumati naman kami pabalik. Nilagay niya yung folder sa ibabaw ng mesa at tumayo sa harap.
Nagsimula nang manginig 'yong tuhod ko, pero buti na lang at nakaupo ako dahil baka bigla na lang ako bumulagta sa sahig. Nakakahiya yun! Siguro naninibago pa ako kaya ako kinakabahan.
"A beautiful day, beautiful weather, and beautiful students... handsome rin pala." napatawa ang ilan. Nilibot ni Ma'am ang kaniyang tingin samin, pero tumigil ito sa akin.
Sandaling tumaas yung kilay niya, pero agad rin naman yun nawala at napalitan ng kaniyang matamis na ngiti. Hindi ko tuloy alam kung mabait ba siya o hindi. "Oh? Andito na pala ang transferee natin."
Naramdaman kong napalingon sila sa akin. Nagpilit naman ako ng ngiti. Walang hiya, nanginging parin ako! I sighed awkwardly.
Naparami 'ata ako ng itlog.

Book Comment (16)

  • avatar
    Ezekiel Luciano

    Sobrang ganda ng kwento may napupulot na aral

    31/07

      0
  • avatar
    JoAnjo

    nice

    31/07

      0
  • avatar
    eroyjohn paul

    Ang Ganda nang kwento

    23/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters