logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Forgotten Promises

Forgotten Promises

Brightlyndo


Chapter-1

"Can you stop bothering me, Precious?!"naiinis na sigaw saakin ni Clifford.
"I'm just asking if you already ate!"naiinis kong sagot dahil sa pag sigaw nya.
"You don't fuckin' care, you're just my wife coz' of that damn papers,you don't own me!"sigaw niya saakin na naging dahilan ng pagkahinto ko sa pagsunod sa kanya.
Nag aalab ang kanyang mga mata sa galit.
Instead of following him,I just stood there, watching his back while walking away from me.
Yeah, he's right.Kasal kami pero ako lang ang nagmamahal saaming dalawa.
Ang alam niya ay dahil gusto ko siya kaya ako ang nagpumilit na magpakasal kami which is wrong pero hindi ko na lang pinilit na ipaalala sa kanya.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at wag maiyak tsaka ako pumunta sa kusina para makapagluto ng paborito niya para sa hapunan.Kumain na ako kanina pa dahil alam kong hindi din naman niya ako sasabayan at hindi ako pwedeng magpagutom.
Mag iisang lingo nadin kaming kasal.Pagkagaling niya sa France ay pinakasal kami agad kahit 'labag' sa kalooban niya.
Gusto ko mang hindi na lang muna ituloy ang kasal ngunit ipinipilit ng parents namin na ikasal na agad.
Three weeks ago nong pumunta siya sa france para maayos ang business nila don,pero pagdating niya don ay naakasidente ang kotseng sumundo sa kanya kaya dalawang lingo din siyang na confined sa hospital doon bago umuwi dito sa philippines.
Kumuha ako ng sticky notes saka ko sinulatan. Indinikit ko ito sa takip ng pagkain niyang nasa mesa,simula ng ikinasal at nakatira na kami sa isang bahay ay ito ang lagi kong ginagawa kahit pa lagi kong nakikitang hindi nya ginagalaw ang mga putaheng pinaghirapan kong ihanda para sa kanya.
Pumasok ako sa kwarto ko na katabi lang ng kwarto niya para makapag pahinga na.Yes, we're married but we aren't sleeping together cause he doesn't want me beside him.He hates my presence and it broke my heart into a pieces.
Dahil na rin sa pagod ay mabilis akong nakatulog,minsan iniisip ko na mas okay sana kung lagi na lang akong tulog para makaiwas sa sakit na dulot niya ngunit hindi maari.
Kinabukasan,paggising ko ay agad akong bumaba pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko.
Napabuntong hininga ako dahil alam kong panibagong sakit na naman ang mararanasan ko ngayong araw. Halos masanay na lang din ako sa sakit dahil araw-araw ko na itong nararanasan dahil sa kanya.
Pumunta ako sa kusina para makapagluto na,wala kasi kaming maid dahil gusto niyang walang makakita at makapagsumbong kung ano man ang trato niya saakin.
Napangiti ako ng nakitang naubos ang niluto ko na nakahain sa mesa ngunit agad din iyong napauwi at napalitan ng luha ng makita kong may dalawang pinggan sa tabi nito.
Kahit hindi kona alamin ay alam kona ang nagyari,may inuwi na naman siyang babae.Araw araw siyang nag uuwi dito sa bahay ng ibat-ibang babae simula ng makasalan kami para saktan ako at maipamukhang balewala lang ako sa kanya.
Minsan nga ay nilalagpasan niya lang ako pag nakakasalubong ko sila ng babae niya pag umaakyat na sila sa kanyang kwarto,alam kong hindi niya na ako mahal ngunit hindi ko padin maiwasang masaktan sa mga ginagawa niya dahil mahal ko siya.
Nagluto ako ng agahan bago pumasok sa kwarto ko at makapag bihis ng swimsuit.Gusto kong lumangoy at mag babad sa tubig,baka sakaling matanggal ang sakit at mapakalma ang puso kong patuloy na nawawasak dahil sa kagagawan nya.
Hindi na ako nag tapis dahil alam kong wala namang ibang tao dito sa bahay,binitbit ko ang ilan sa niluto ko tsaka ito nilagay sa tray bago magtungo sa pool area. Naisip kong kumain na lang muna sa labas upang makalanghap ng sariwang hangin bago maligo.
Nang mabuksan ko na ang sliding door papunta sa pool ay agad akong natigilan dahil sa ingay na naririnig ko.Sigurado akong nandon siya sa pool area kasama ang bago niyang babae para sa araw na ito.
Tinibayan ko ang loob ko at nagtuloy padin kahit alam kong masasaktan lang ako sa makikita ko. I was right,I felt my heart broke into small pieces when I saw him with another girl.
Nakita ko syang yakpyakap yung babae nya habang nasa tubig.
That should be me,I should be the one feeling the comfort of his arms.
I inhaled deeply to calm myself as I walk towards the table.
Pinatong ko sa mesa ang tray na kinalalagyan ng pagkain dahilan ng paglikha nito ng ingay na naging sanhi para maagaw ang atensyon nila.
Nang makita ako ni Clifford ay nginisian niya ako saka hinalikan ng malalim ang babaeng kasama nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko na para bang gusto niya akong dusahin sa pagpapakasal sa kanya at ipamukha na wala syang pakialam saakin.
I felt my heart broke into million pieces. My tears fall down without my consent. Damn,I don't deserve this excruciating pain he's making me feel. I know,I deserve better but my heart kept choosing to be with him.
Dahil hindi kona kaya ang nakikita ko ay agad akong tumakbo papasok ng bahay at patungo sa kwarto ko.Agad akong nagpalit ng damit tsaka ako lumabas ng bahay para magpahangin at makapag isip.
Dahil nga sa pagmamadali ay wala akong nadalang pera pero ayos lang dahil wala naman akong bibilhin sa labas.
Naglakad lang ako ng naglakad hangang sa makalabas na ako ng village,hindi pa ako kumakain at wala din naman akong gana kaya minabuti kong maglakadlakad na muna habanv nag iisipi.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad ng mapagod ako at napagdesisyunang magpahinga na muna.
Napadpad ako sa isang lumang park na wala gaanong tao,naupo ako sa bermuda grass na nasisilungan ng puno para makapag pagpahigna na muna. Nahiga ako at tumingala sa asul na kalangitan,ang payapa nitong pagmasdan. Sa sobrang pagkalibang ko sa tanawin ay hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.
Pag gising ko ay hindi ko namalayang hapon na pala at palubog na ang araw kaya dali dali akong tumayo at nagsimula ng maglakad pabalik. Nakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko alam kung aabot ba ako sa bahay bago magdilim ng tuluyan o hindi.
Bawat hakbang ko ay naalala ko yung sakit na dulot ni Clifford at ang nangyari kaninang umaga. Alam kong pagbalik ko ng bahay ay panibagong sakit na naman panigurado ang ipaparamdam nya. Minsan ay naiisip ko ng sumuko pero ayaw pa ng puso ko, gusto pa nitong lumaban.
Padilim na pero alam kong malayo pa ako sa village namin. Ngayon ko lang na realize kung gano kalayo ang naglakad ko. Kaya pala nangalay ang paa ko kanina dahil sa layo ng nilakad ko ng hindi ko namamalayan.
Nakaramdam ako ng gutom at pagod pero dahil nga wala akong nadalang pera ay wala akong pambili kaya mas minabuti kona lang na bilisan ang paglalakad upang makauwi agad ako at makakain na din.
Habang naglalakad ay biglang may tumigil na sasakyan sa tabi ko. It's a tesla,sa tingin ko ay may kaya ang may ari nito dahil ang alam ko ay wala pang ganitong klase ng sasakyan dito sa bansa.Tinignan ko ang lalaking bumaba dito. He looks good and neat.Dahil hindi ko naman ito kilala ay nag patuloy na lang ako sa pag lalakad.
Ngunit napalingon ako dito dahil bigla niya akong tinawag at himawakan sa braso.
Kinuha ko ang braso ko saka ko siya tinignan ng masama.
Gwapo siya pero para saakin ay mas gwapo padin ang asawa ko kahit na hindi na ako ang mahal niya.
"Teka miss!"pigil niya ulit sakin ng magsimula na naman akong maglakad.
"Yes?"nakakunot noong tanong ko dito.
"Pauwi kana?"nakangiti nitong tanong saakin.
"Oo,bakit?"
"Ihahatid na kita, don't worry hindi naman ako masamang tao,"sabi niya saka tumawa. Tatanggi na sana ako ng biglang kumulo ang tyan ko dahilan ng sabay naming pagkatawa. Agad din akong napatigil ng marealize na nakikitawa ako sa isang estrangherong tulad nya,kailan nga ba noong humi akonh tumawa? Hindi kona maalala dahil puro mga masasakit na karanasan ang naramdaman ko nitong nakaraang araw.
"Dipa pala ako nakakain,"natatawang sabi ko.
Ngayon ko lang siya nakilala pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Siguro dahil mukhang malinis naman ang intentyon nya at di naman sya mukhang gagawa ng masama.Napabuntong hininga ako ng maalalang ngayon na lang ulit ako tumawa pagkatapos ng lahat ng nangyari samin ni Clifford.
"Halikana,kumain muna tayo sa macdo,yun na lang ang bukas na malapit dito ngayon e,tapos ihahatid na kita sa inyo,"nakangiting sabi niya,aangal na sana ako ng bigla na namang tumunog ang tyan ko kaya tumango na lang ako at sumama sa kanya.
Wala namang sigurong masama kung sumama ako sa kanya lalo na't kailangan ko ng tulong nya.
Umorder ng pagkain na gusto ko at ako naman ay nanatiling nakaupo sa isang table malapit sa glass wall. Tahimik akong naghintay ng ilang saglit habang nakatingin sa madilim na labas. Hindi nagtagal au dumating na din sya dala ang pagkain namin.
Nakangiti nya itong inilapag sa mesa bago naupo sa harapan ko. Tahimik akong kumain habang sya ay nagkukwento tungkol sa sarili nya kahiy pa hindi ko naman ito tinatanong. Siguro ay para na din mas maging comportable ako sa kanya. Paminsan minsan akong tunatango at ngumingiti bilang pagsang ayo habang tahimik pading kumakain. Magaan ang loob ko sa kanya ngunit hindi pa siguro ito ang tamang panahon upang mag kwento ako tungkol sa sarili ko.
Siguro ay nakuha nyang hindi ako handang magkwento sa kanya tungkol saakin kaya sya na lang ang nagkwekwento at hindi din nya ako tinatanong ng mga personal na bagay.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid na niya ako,malapit na kami sa village ng mapansin ko ang orasan sa sasakyan nya.
Nanlaki ang mata ko habang tinitignan ito.Shit! It's already 1:04 am!
Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili ko,ng nasa gate na kami ng village ay agad kong pinahinto ito. Parang tinatambol ang puso ko sa kaba.
"Dito na lang ako bababa, thankyou!"pasasalamat ko dito.
"Walang ano man,"nakangiting sagot nito.
Bumaba siya para mapagbuksan ako ng pinto,pagbukas nito ay agad akong bumaba at nagpaalam sa kanya.
Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa matinding kabang nararamdaman ko,alam kong wala syang pakialam kung gabihin man ako ng uwi o hindi na umuwi at baka nga mas ikatuwa pa nitong hindi na ako bumalik ngunit hindi ko padin maiwasang makaramdam ng kaba sa maaring mangyari.
Dahil hindi naman kalayuan ang bahay namin sa mismong gate ng village ay nakarating agad ako sa bahay.
Mabuti na lang at hindi nakasara ang gate at pinto kaya agad akong nakapasok ng walang kahirap hirap at iniistorbo.
Bawat hakbang ko ay maslalong tumindi ang panginginig ng tuhod ko at paglakas ng tibok ng puso ko.
Pagbukas ko ng ilaw ay napatalon ako dahil sa gulat ng makita ko siyang nakaupo sa couch habang nakatingin saakin ng diretso at naka hakukipkip ang mga braso. Bakas sa mata mga mata nito ang matinding galit at hindi mapangalanang emosyon,ako dapat ang galit saming dalawa dahil sa nangyari bago ako umalis ngunit alam kong wala ako sa lugar upang magalit kahit pa asawa nya ako.
"Bakit ngayon ka lang?!"galit na bungad niya saakin,nanlamig agad ang katawan ko sa gulat.

Book Comment (84)

  • avatar
    Kristine Manandeg

    great

    5d

      0
  • avatar
    AndrinoAnalyn

    so nice

    20d

      0
  • avatar
    Rogeline Cabaña

    masaya sa kownto

    21/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters