logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

Nagulat si Peterson sa sinabi ng kaniyang anak pero imbes na magalit, nakaramdam siya ng kakaibang tuwa. “Mukhang napalagay na kaagad ang loob mo sa ‘kin dahil sinasabi mo na sa akin kung ano ba talagang iniisip mo kahit sandali pa lang tayong magkasama.”
      Nagpakawala ng buntong-hininga si Marion at tumingin sa labas ng bintana. Ang sigla at saya na ipinapakita niya kanina ay naghalong parang bula. “Alam ko naman na kapag sumama ako sa inyo, siguradong magiging kumplikado lang ang buhay ko. Pero kung iisipin ko rin namang mabuti, maibibigay niyo sa ‘kin nang walang kahirap-hirap ang yaman na hindi ko kayang kitain sa buong buhay ko. Nakakalungkot naman kung hindi ko matitikman iyon, ‘ di ba? At isa pa… Baka ito na ang pagkakataon para magkaroon naman ng excitement sa buhay ko.” Muling ngumiti si Marion.
      “Bakit? Nakakabagot na ba ang simpleng buhay?” hindi mapigilang itanong ni Peterson.
      “Medyo…” pag-amin naman ni Marion. “Pero sa tingin ko, hindi iyon ang importante sa ngayon. Anong balak niyong gawin sa ‘kin… Daddy?”
      Muling ngumiti si Peterson dahil si Marion na ang nagkusang tumawag sa kaniya bilang Daddy at ang dalaga na rin ang nagbukas ng usapin sa mga kailangan mangyari. “Kailagan mo munang tumira sa villa ko sa Maynila sa loob ng ilang araw. Wala ka namang ibang kailangan gawin kundi pumirma ng ilang dokumento. Pagkakataon na rin iyon para maranasan mo ang maginhawang buhay. Ano sa tingin mo?”
      “Hulaan ko, Daddy… Hindi pa rin alam ng asawa mo ang tungkol sa akin at gusto mong maayos na ang lahat bago niya malaman ang lahat. Tama ba?”
      Tumango si Peterson bilang pagsang-ayon. “Mabuti naman at naiintindihan mo. At isa pa, marami pang kailangan gawin sa iyo…” Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang kaniyang anak. “Puro ganyan lang ba ang damit mo? Wala ka na bang ibang dala?”
      Tiningnan naman ni Marion ang sarili nito. Nakasuot ng itim na tshirt ang dalaga, itim na skinny jeans at itim na converse shoes. Mas mukha kasing pupunta ng lamay ang kaniyang anak kaysa maglilipat-bahay. Wala itong suot na kahit na anong alahas, kahit relo man lamang na pambisig. Sa kilos ng kaniyang anak, mukhang hindi man lang ito makakapagsuot ng kahit na anong sapatos na may takong.
      “Bakit? Ano pong masama sa pananamit ko, Daddy?” sa unang pagkakataon, may halong paggalang ang pananalita ni Marion sa kaniya.
      “Marami. Kailangan mong bumili ng maraming damit, alahas, sapatos at kung ano-ano pa.” Hinawakan niia ang dulo ng buhok ng kaniyang anak. “Alam mo bang maraming gustong magpakulay ng buhok kagaya ng sa iyo pero hindi nila makuha ang tamang kulay? Tapos ikaw, hinahayaan mo na puro split ends lang ang buhok mo? Saka ano bang meron diyan sa eye bags mo? Bakit parang lumalala ang pangingitim ng ilalim ng mga mata mo? Kung nagsusulat ka para sa pera, hindi mo na kailangan gawin iyan kung ayaw mo.”
      Muling pinasadahan ng tingin ni Marion ang sarili nito, para bang pinoproseso ng utak ng dalaga ang pinagsasabi ng ama nito. “Ganoon po ba kapangit ang itsura ko ngayon? Pero teka… Mararanasan ko rin ba ang make over kagaya no’ng mga napapanood ko noon sa mga drama?”
      “Bakit? Mukha bang may choice ka? Baka nga hindi mo pa nararanasana ang magpa-facial man lang. Ano na lang ang sasabihin ni Diana kapag nakita ka niya --” Napahinto si Peterson sa kaniyang pagsasalita dahil nagulat din siya sa kaniyang sinabi.
      Napahawak naman si Marion sa baba nito. “Kunsabagay, mahirap naman kung mukha akong basahan kapag iniharap niyo ko sa asawa niyo. Saka hindi pa tayo sigurado kung anong gagawin niya. Basta! Kapag iniharap niyo ko sa kaniya Daddy, kailangan nakasuot ako ng flat shoes at pantalon. Hindi tayo nakakasiguro… Malay niyo? Baka biglang mapatid ang pasensiya ng asawa niyo at habulin tayo ng samurai o baka biglang kumuha iyon ng shotgun?”
      Napamaang si Peterson sa pinagsasabi ni Marion. Manunulat nga ang kaniyang anak dahil kabisado nito ang mga cliche na eksena sa mga teleserye. Tila sumakit nang bahagya ang kaniyang ulo dahil lumalabas na ang kakulitan ni Marion. “Huwag kang mag-alala. Hindi ganoon si Diana.”
      “O! Ganoon po ba? E, ‘di, kagaya siguro siya sa mga Korean drama na nag-aalok ng pera sa babae para lumayo sa pamilya niya?”
      Nagulat si Peterson at hindi napigilan na manlaki ang kaniyang mga mata. Base sa ugali ng kaniyang asawa, may malaking posibilad na gawin nga nito ang sinabi ni Marion. “Bakit? Masisilaw ka ba sa pera na ibibigay niya?”
      Natawa naman si Marion sa tanong niya. “Daddy naman… Pinaghahawakan ko po ang pangako niyo na pamamanahan niyo ko ng one hundred billion pesos kapag nabigyan ko kayo ng apo. Ayos na po ako roon.” Nag-thumbs up pa ang dalaga.
      Napailing na lang si Peterson. Hindi niya alam na lahat ng kabaliwan niya, mamanahin din pala ng kaniyang unica hija. “Ikaw? Anong plano mo kapag dumating na tayo sa villa?”
      “Tinatanong pa po ba iyon? Magpapaluto ako ng masasarap na pagkain sa chef niyo. Gusto kong matikman ‘yong mga mamahaling mga dishes na matitikman ko lang sa mga sikat na hotel at restaurant. Lalo na ‘yong mga dessert na napapanood ko lang sa mga commercial? Ang sarap ng mga iyon…” tila nangangarap na ng gising si Marion dahil kahit nakatingin ito kay Peterson, hindi na nito napapansin ang pagkaway ng ama nito.
*****
      Nang makarating ang kanilang sasakyan sa villa, naunang bumaba si Peterson, kasunod na niya ang kaniyang anak. Sinalubong sila ng ilan sa mga pinagkakatiwalaan niyang kasambahay para mag-alaga sa kaniyang anak. Isang tagapagluto, tatlong katulong na maglilinis at maglalaba, isang gardener, at limang mga bodyguards na kailangan makasama ni Marion habang doon ito nakatira.
      “Good morning po, Sir. Siya na po ba si Miss Marion?” tanong ni Shirley, ang tagapagluto at tagapamahala ng villa.
      Tiningnan ni Peterson kung nasaan na si Marion pero abala pa itong magtingin-tingin sa paligid. Kahit kasi nasa Maynila ang villa, malawak ang garden nito at bahagyang nakatago ang villa na nasa pinakagitna. Dalawang palapag ang villa na kulay krema at tsokolate ang color scheme na ginamit ng Arkitekto na gumawa nito. May apat na kuwarto, hindi pa kasama ang isang guest room. Mayroon din itong garahe para sa tatlong sasakyan. Sa garden, may maliit na gazebo at fish pond sa may bandang likuran ng lote, mga namumulaklak na halaman naman ang nakakalat sa harapan. Library, opisina, at entertainment room naman ang iba pang nasa loob ng villa na pwedeng gamitin ni Marion para makapaglibang. Nakahiwalay ang quarters ng mga katulong at guards kaya naman hindi maiistorbo ang kaniyang anak.
      “Marion, halika na. Ipapakilala pa kita sa mga makakasama mo sa villa.” Kumaway si Peterson para makuha ang atensyon ng kaniyang anak.
      “Magkano itong estate niyo kapag ibinenta? Siguro nasa isang daang milyon din ito kapag inilagay sa market,” bulalas ni Marion.
      Nagulat si Shirley at ang iba sa mga nakarinig ngunit hindi kumibo ang mga ito. Nasanay sila sa patakaran na kahit na anong makita o marinig nila habang naglilingkod sa pamilya Viray, hindi nila papansinin ang mga iyon o makikialam. Tahimik lamang ang mga kasambahay, hinihintay ang mga iuutos ni Peterson.
      “Sa dami ng mga mamahaling artworks at vintage furnitures, hindi sapat ang isandaang milyon para bilhin ang kahit alin sa mga property na hawak ko.” Buong pagmamalaki niyang sambit. “Ang mabuti pa, magbihis ka na at kumain. Dadating na mamaya ang mga ipinahanda kong mga gamit mo.”
      “Ano pong ibig mong sabihin, Daddy?” Nakahawak si Marion sa braso nito at tila maamong tupa na nahihiya sa mga taong ngayon lamang nito nakasalamuha.
      Hindi alam ni Peterson kung matatawa siya o maiirita dahil kahit ang pagiging plastik niya at manipulative, ganoon na ganoon din ang ipinapakita ng kaniyang anak. Alam niyang gustong makita ni Marion ang totoong ugali ng mga kasambahay kaya ipinapakita nitong mahina ito, na para bang madali itong mauto. Hinawakan niya ang buhok ng kaniyang anak at bahagyang ginulo iyon. “Tigilan mo na iyan. Kilala na ko ng mga iyan. Hindi gagana ang pagpapanggap mo na mabait at inosente ka.”
      Umismid si Marion dahil hindi nito magawa ang madalas nitong ginagawa -- magpanggap na mabait para makuha nito ang tiwala at simpatya ng mga taong nakikilala nito. “Fine… Kayo ba? Aalis na ba kayo?”
      Tumango si Peterson. “May pupuntahan akong appointment ngayon. At isa pa, iiwan ko ang isa sa mga pinagkakatiwalaang guard ni Romeo, si Vincent. Siya ang magiging head ng security mo dito sa bahay at kapag umaalis ka. Kung may kailangan ka, sa kaniya ka magsabi.”
      Humakbang paabante ang lalaking nagngangalang Vincent at magalang na bumati kay Marion. “Ikinagagalak ko pong makilala kayo Miss Marion.”
      “I see… Sige, Dad. Ingat ka na lang sa pag-alis mo.” Tumalikod na si Marion at maglalakad na sana paalis nang bigla itong tinawag ni Peterson.
      “Sandali lang. May nakalimutan pala akong ibigay sa iyo.” Kinuha ni Peterson ang kaniyang wallet at kinuha ang isang itim na credit card -- ang klase ng credit card na walang limit at pwedeng gamitin kahit saan sa mundo. “Bilhin mo ang kahit na anong gusto mo mamaya. Akong bahala sa gagastusin mo.”
Tila sa isang pusa ang liksi ni Marion nang lumapit ito sa kaniya para kunin ang credit card. Ngumiti ang dalaga na tila maamong pusa. “Thank you, Dad. The best ka talaga!”

Book Comment (18)

  • avatar
    Aiz Aiziah Matz Matutina

    wow nice

    26d

      0
  • avatar
    BalitaosanJah Gabriel

    hahaha

    16/08

      0
  • avatar
    Ynastiff

    hbwksjjajqwoqijshsvswkqoowiwushsvajwoowbsbhiwkwjwbwgeyywwgwjowkwhwbwbjwiwuegwjwojwbwhwjiwkwhwhwowkwj

    26/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters