logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

“Mukhang mataas ang kumpiyansa mo na gagawin ko ang lahat ng gusto mong hilingin. Paano kung ayoko?” Gustong makipagnegosasyon ni Peterson dahil kinakabahan siya sa mga posibleng hilingin ni Marion sa kaniya. Sa lahat ng mga gustong ibigay nito sa mga magulang na nag-alaga rito, halos naging doble na ang presyo ng mga iyon kumpara sa nauna niyang sinabi na tatlumpung milyon.
“Bakit? May pagpipilian pa po ba kayo? Matanda na ko, hindi na ko menor de edad kaya nasa akin na lang iyon kung kikilalanin ko kayong ama, hindi po ba?” naroon ang paggalang ngunit ramdam niya na alam ni Marion kung ano-ano ang mga barahang hawak nito na pwedeng ipanlaban sa kaniya.
Marahas na bumuga ng hangin si Peterson. Nag-uumpisa pa lang ang negosasyon pero ramdam na niya kaagad ang pagkabigo. “Sige, gusto ko munang marinig ang mga kundisyon mo bago ako mag-desisyon.”
Ngumiti si Marion na tila nagtagumpay na siya. “Alam ko naman po na pagkatapos kong baguhin ang pangalan ko, ipapakilala niyo ko sa asawa niyo at ilan sa malalapit niyong kaibigan. Wala naman akong pakialam sa kanila pero kung talagang gusto niyong magkaroon ng apo at madugtungan ang lahi niyo, papayag kayo na bukod sa isang daang bilyong piso kong mamanahin, kayo ang dapat na gumastos ng lahat ng gagamitin ko sa buong pagbubuntis ko at sisiguraduhin niyo ang kaligtasan ko at ng magiging anak ko kung sakali.”
Bumungisngis si Peterson dahil kahit ang maliit na bagay na iyon para sa kaniya, pinapalaki pa ng kaniyang anak. “Oo naman. Ako ang bahala sa iyo. Kung gusto mong pumunta sa isang bansa para lang diyan, bakit hindi? Ako ang bahala sa lahat. Hindi mo poproblemahin ang kahit na anong may koneksyon sa usaping-pera dahil ako ang ama mo.” Itinuro pa ni Peterson ang logo ng FD Bank sa kaniyang suot na pin.
Tiningnan ni Marion ang pin na iyon. Sa pagkakataong iyon, ang dalaga naman ang ngumiti. “Kung ganoon, wala na po palang problema… Ang mabuti pa, magbibihis na rin ako ng damit. Sasama ako sa pagpunta sa sementeryo.” Tumayo na si Marion at masiglang pumasok sa kwarto na katabi ng mga magulang nito.
Tumingin naman sa kaniya si Romeo at hindi napigilang bumulong. “Sir, ito po yata ang unang beses na nakita ko kayong natalo sa negosasyon.”
Natawa si Peterson sa sinabi ng kaniyang kanang-kamay at mahina ring bumulong. “That brat… She’s more ruthless compared to me. Kung sino man ang gustong kumalaban sa kaniya sa negosyo, siguradong dudurugin niya ang mga kalaban niya hanggang walang matira sa kanila. Nakikita ko na ang magiging hinaharap niya, Romeo.”
Tipid na ngumiti si Romeo bilang tugon. Lumabas na kasi mula sa kwarto ang mag-asawang Reyes, nakabihis nang pormal ang mga ito. Nakaramdam naman ng simpatya si Peterson para sa mag-asawa. Masaya siya ngayon dahil nalaman niyang buhay ang kaniyang anak, bonus pa na mukhang minana nito ang kaniyang ugali. Samantalang ang mag-asawang Reyes,sa loob ng halos tatlong dekada, inakala nilang anak talaga nila ang kanilang inalagaan.
“Si… Samantha?” tanong ni Nora.
“Nagbibihis lang po sa loob si Marion. Ang sabi niya, sasama rin siya sa sementeryo,” sagot niya.
Nagtinginan ang mag-asawang Reyes nang sambitin ni Peterson ang tunay na pangalan ng kinilala nilang anak. Hindi alam ni Peterson ang gustong sabihin ng mag-asawa dahil naiilang ang dalawa sa kaniya. Pero nang hilahin ni Nora ang dulo ng polo ni Danny, napilitan ang lalaki na magsalita. “Boss, kukunin mo na ba sa amin si Samantha?”
Gusto nang matapos ni Peterson ang pagbabalik-balik sa bahay ng mga ito ngunit ayaw naman niyang lumabas na walang konsiderasyon. “Ang mabuti pa, tanungin na lang natin si Marion kung handa na ba siyang sumama sa akin. Ayoko namang biglain kayong tatlo. Pero huwag kayong mag-alala, pinahanda ko na ang lahat ng mga ni-request ni Marion noong nakaraan. Basta pumayag lang siyang sumama at manirahan na kasama ko, aalagaan ko rin ang pamilya niyo.” Kagaya ng ngiti na palaging ipinapakita ni Peterson sa kaniyang mga kasosyo, naroon ang tipid at malamig na pakikitungo mula sa kaniya.
“Pwede po bang hintayin muna namin na umuwi ang panganay namin? Ayaw naman namin na umalis si Samantha nang hindi man lang sila nagkikita o nagkakausap ng kaniyang Kuya Tyron. Alam niyo po kasi, close po kasi ang magkapatid na iyon,” paliwanag ni Nora.
Tumango-tango naman si Peterson. Gusto niyang maging maganda ang pagtatapos ng usapan kaya kailangan niyang pumayag sa hiling ng mga ito. “Wala pong problema. Dadaanan ko na lang si Samantha sa bahay niyo pagkatapos ng tatlong araw simula ngayon. Ayos na po siguro iyon, hindi ba?”
Muling nagtinginan ang mag-asawang Reyes. Hindi na nila pwedeng patagalin ang pananatili ni Samantha sa poder nila dahil wala na silang maibibigay na rason bukod kay Tyron. Alam iyon ng mag-asawa kaya nang tumungo si Danny at umiling, hindi na nagsalita pa si Nora. “Boss, sige po… Maraming salamat.”
“That’s great!” masayang sambit ni Peterson.
Lumabas na si Samantha mula sa kaniyang silid. Nakasuot ito ng itim na maong na pantalon at itim na tshirt. Kulay puti ang rubber shoes nito na halatang hindi masyadong ginagamit dahil mukhang hindi pa ito nalalabhan pagkatapos itong bilhin. Nakapugong ang buhok ni Samantha at may iilang hibla na nakawala mula sa pagkakatali ngunit binalewala lamang iyon ng dalaga. Doon naisip ni Peterson kung gaano karaming taon ang hinayaan niyang dumaloy at masayang. Ni hindi man lang niya alam ang paboritong kulay ng kaniyang unica hija.
“Okay na ba ang lahat? Malayo po ba iyon? Umalis na tayo para makauwi rin tayo nang maaga,” aya ni Samantha sa kaniyang magulang, pati na kay Peterson.
*****
Pinalipas ni Peterson ang dalawang araw at bumalik sa bahay ng mga Reyes, September 1, 2021, para kunin ang mga gamit ni Marion sa bahay ng mga ito at para naman mai-proseso na ni Attorney Panganiban ang pagpapalit ng pangalan ni Samantha. Kapag dinala ni Peterson si Samantha sa ancestral house at bahay nila sa Maynila, kailangan na Marion Jade Viray na ang pangalan ng dalaga para hindi na makapalag ang kaniyang asawa kapag sinabi niya ang tungkol sa kaniyang anak.
Halos hindi matapos ang pagpapaalam ni Nora kay Marion. Backpack at medyo malaking duffel bag lang ang dala ni Marion kaya inilagay na ni Romeo sa likod ng sasakyan ang mga gamit ng dalaga. Tila naluluha ang mag-asawang Reyes habang binibigkas ng mga ito ang mga habilin ng mga ito kay Marion habang inaalo naman ni Tyron ang mga magulang nito. Nang matapos ang huling pagyayakap ng mga ito, naisipan na ni Peterson na mangialam. “Aalis na po kami. Baka kasi maabutan kami ng mabigat na daloy ng traffic kung tatanghaliin kami masyado.”
“Sige po… Mag-iingat po kayo sa byahe,” magalang na sambit ni Tyron.
“Salamat, hijo. Maraming salamat din ho sa pag-aalaga sa anak ko nang maraming taon. Kung may kulang pa o kung may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magsabi sa akin.” Kung tutuusin, maswerte si Marion dahil kahit hindi mayaman ang mag-asawang nakakuha sa kaniya, naging maayos pa rin ang pamumuhay ng mga ito at hinahayaan si Marion sa gusto nito bilang isang manunulat.
“Kami po ang dapat na magpasalamat sa inyo. Marami pong salamat sa tulong niyo.” Kahit malungkot ang mga mata ni Nora, naroon pa rin ang saya sa ngiti nito.
Noong araw ding iyon, ibinigay ni Peterson ang lahat ng mga ipinangako niya. Nagbigay siya ng katulong para sa pamilya Reyes. Naging advance ang sahod nito sa loob ng isang taon kaya hindi iyon poproblemahin ng mag-asawa. Nag-resign na bilang foreman si Tyron at naghahanda na para bumalik sa eskwela sa susunod na semestre. Nakatira na rin sa bago at mas malaking bahay ang mga ito. Fully-furnished ang ibinigay niyang bahay sa isang kilalang subdivion na may tatlong kuwarto at garahe. Ang tatlumpung milyon ay nakapangalan sa mag-asawa at si Samantha mismo ang tumulong sa pagbukas ng account ng mga ito. At habang wala pa ang klase, magpo-focus muna ang kanilang anak na si Tyron sa isang hardware business na ibinigay ni Peterson sa mga ito. Kapag nagsimula na itong mag-aral muli, ang asawa nito ang mamamahala ng negosyo na iyon kasama ang mag-asawang Reyes.
“Wala po iyon. Naiintindihan ko naman na gusto lang ni Marion na mailagay kayo sa maayos na buhay. At isa pa, utang na loob ko sa inyo na pinag-aral at inalagaan niyo ang anak ko habang hindi ko pa siya nakikita.”
Sa kaniya naman napunta ang atensiyon ng mga ito at tila hindi nauubos ang pagpapasalamat ng mga ito kaya naman inaya na niya si Marion na sumakay sa kotse. Dahil alas-siete y’ medya na ng umaga, alas-nueve na sila panigurado makakarating sa villa ni Peterson. Doon niya muna patitirahin si Marion habang hindi pa naaayos ang lahat.
“Grabe… Ang plastik niyo, pala?” wala sa loob na sambit ni Marion nang sila na lang ni Peterson ang nasa sasakyan. May maliit na bintana na nagdudugtong sa passenger seat at driver seat, pero kapag nakasarado iyon, walang maririning na ingay mula sa passenger seat.
Ngumiti naman si Peterson. “Bakit? Parehas lang naman tayo, hindi ba? Alam ko naman na kahit naging mabuti ang mga magulang mo, alam mo sa sarili mong kaya mo silang iwan nang hindi nasasaktan. Tama ba ko?”
Gumuhit ang isang masiglang ngiti mula sa mga labi ni Marion. “Pati pala iyon, minana ko sa inyo.”
Inayos ni Peterson ang kaniyang pag-upo at tiningnan mula ulo hanggang paa si Marion. “Simula ngayon, kalimutan mo na ang pangalan na Samantha Reyes. Mabubuhay ka na ngayon bilang Marion Jade Viray, ang nag-iisang tagapagmana ng may-ari ng FD Bank. Lahat ng bagay na gusto mo, kaya kong ibigay sa iyo bilang ama mo.”
“Wala naman akong ibang gusto mula sa inyo kundi ang pera niyo. Hindi naman ako sasama sa inyo kung mahirap lang kayo,” bumungisngis pa si Marion.

Book Comment (18)

  • avatar
    Aiz Aiziah Matz Matutina

    wow nice

    26d

      0
  • avatar
    BalitaosanJah Gabriel

    hahaha

    16/08

      0
  • avatar
    Ynastiff

    hbwksjjajqwoqijshsvswkqoowiwushsvajwoowbsbhiwkwjwbwgeyywwgwjowkwhwbwbjwiwuegwjwojwbwhwjiwkwhwhwowkwj

    26/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters